Decree 8

1438 Words
Bakit siya? Iyan lagi ang nasa isip ko ngayon. Siya ang lalaking sumanggi sakin habang pabalik kami ni Lewis sa teatro. Binuhusan pa niya ako ng kape at kinompronta namin sya. Who would have thought that the guy I bumped into is the Crown Prince of Luxembourg? Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa kanya. Kaya pala ang iba ng karisma niya ng masanggi niya ako. Kaya pala andaming taong nakiusyoso kasi siya ang tagapagmana ng trono ng Luxembourg. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko. Tangina. I just watched the play even though I'm a little bit distracted. Tinignan ko si Lewis at nanood lang din siya ng play. Hindi ko nakita kung nagulat ba siya kay Philip o baka nag-play dead lang siya at nakalimutan niya si Philip. Minutes have passed and the play ended. The actors bowed and the whole production staff has been called. First, the post-production team was called, then the production team itself and the last, the pre-production. Tinawag pa isa-isa ang pangalan namin. Umakyat kami sa stage at pinalakpakan kami ng royal entourage. Tumingin ako kay Philip Augustus na katabi ng tatay niya. f**k. Nakatitig siya sakin at umiwas ako ng tingin sa kanya. Umalis na kami sa stage at bumalik sa kanya-kanyang upuan. Tumayo si Philip, or should I say, Prince Philip para magbigay siguro ng mensahe ng Grand Duke at yun nga ang nangyari. "Hey, guys. I came here to deliver the message of His Majesty to the representatives of Luxembourg Theater Actor's Guild." Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. He seems like very down to earth. Ang commoner niyang kumilos. O baka nakalimot siya sa duty niya as tagapagmana ng trono? I shrugged off my thoughts. Nagpapasalamat ang hari sa efforts namin na mag-perform sa kanila. Na-appreciate din ng hari ang kwento at nais niya na ilapit ang royal family sa mga tao ng Luxembourg at sa mga immigrant na katulad namin. Habang binabasa niya ang letter ng tatay niya samin, umalis na ang tatay niya kasama ang asawa niya. Tumitingin din siya sa gawi namin at sa mga kamag-anak niya sa harap at sa iba pang staff namin na nakakalat sa audience seats. Nang matapos na ang speech, pinalakpakan siya ng mga tao. Matapos nito, inayos na kami ni Sir Lee para sa pagbibigay niya ng announcement. Nasa labas kami ng theater room at nagbigay lang ng announcement si Sir Lee. "The actors made a good performance. The royal family appreciated the work of Lewis." binigyan namin ng palakpak si Lewis at tumuloy na sa pagibibigay ng announcement. "I know this company is very young and very fresh. And the king, the Grand Duke wishes us to become more successful and to let us become the official national theater actor's guild of Luxembourg!" Napa-OMG at nanlaki ang mata namin sa announcement kaso binawi kaagad ito ni Sir Lee. "But before we reach that, the king asked for requirements..." Mahirap din pala ang requirements. Kailangan muna naming makilala at kailangan ay about sa Luxembourgish culture ang play namin. Pwede kaming magsingit ng ibang play na gusto namin pero twice a month lang. Kailangan din dapat ay 25% ng theater's guild ay mamamayan ng Luxembourg. Eh, konti nga lang Luxembourgish samin at bilang mo pa sa mga daliri mo ang bilang nila and the rest are immigrants. Okay naman na daw ang quota sa mga Europeans. At 50% ang quota ng hari sa mga immigrants. "Sir, is there a risk that those immigrants who work in this guild will be left jobless?" tanong ni Lewis na nagbigay ng alinlangan sa karamihan. Tumahimik ang lahat at nagsalita si Sir Lee. "Sad to say, Lewis is right." Nagreklamo na ang mga katrabaho ko. Ngunit napatahimik sila ni Sir Lee. Nangako naman si Sir Lee na bibigyan sila ng company na pwede nilang pasukan. Sinabi din niya na hindi naman kaagad kukunin ng hari ang kumpanya dahil kailangan munang pumasok sa standards ng hari ang teatro kaya may itatagal pa kami. Habang nagsasalita siya, binati niya si Prince Philip. "Your Highness." at yumuko siya. Yumuko din kami paharap sa kanya. Natahimik kami dahil sa kanya. "You can try removing your things there. And I want to talk with the guy with the black hair and cute shirt." utos ni Prince Philip. Tumingin ako sa kanila at nakatingin sila sakin habang nakatungo Tumayo na ako ng tuwid at naglakad papalapit kay Prince Philip. Prince Philip smiles at me. Ito ba ang lalaking nakasanggi ko week ago? Ang -- I shook my head to clear off my thoughts. "Your Highness" bati ko sa kanya at tumungo ako. Agad naman siyang nag-react. "Oh, crap that formalities. My whole name is Philip Augustus Alexander Louis, from the House of Majerus and Prince Royal of this.. you know... and uh, you can call me Philip if you want" he smirked at me and laughs. Nang-aakit ba siya o ano? Luh. My mind told me na huwag daw akong assumero. "Okay, the name's Derrick Breckenridge from the Philippines-" "Oh, Philippines! I think you're the first Filipino who came here." he told me. I just smiled at hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko ngayon. Ang commoner niyang kumilos. Malayo sa mga titulong nakasabit sa pangalan niya. "Well, I just want to talk to you because I remember you're the guy who shouted at me!" pagkasabi niya 'yon at saka ako namula sa hiya. Naaalala niya pala 'yon! Gosh, nakakahiya! "I'm sorry, Your-- I mean, Philip" his name felt so strange in my mouth. Ayokong bigkasin ang pangalan niya. Sanay kasi akong rumespeto sa mga taong may authority. Ibang tao siya pero iba rin ang kinikilos niya sa dapat na siya. He should act like a noble but he's acting like a commoner like us. "No, it's okay. I already told myself to become careful next time." he told to me. Bakit ang bait niya? Asan ang security nito? "Where is your security?" I asked him. "They're here but distant from me. I told them to have my normal life going on. I don't want to be treated special or some sort of important person." siya na ata ang prinsipeng pinakamadaldal sa balat ng lupa. Well, kung titignan mo ng maigi ang pagmumukha niya. Gwapo naman siya. Maayos magdamit at malaking turn-on ang facial hair niya. Ruggedly handsome kumbaga. I shook my head and asked him a question. "Why do you act so strange? You're acting like a commoner. Like you're one of us!" kunot-noo kong tanong kay Philip. Natawa lang siya at sinagot ang tanong ko. "This is me. I guess we have to part ways but we'll see each other soon!" simpleng sagot niya at umalis na. Bumalik naman ako sa mga katrabaho ko at lahat sila nakatingin sakin. I looked at them and told to them. "Uhm, what's wrong, guys?" Pakunwaring umubo si Sir Lee at sinabing ako na lang daw ang hinihintay. Bigla akong tinanong ng mga katrabaho ko kung bakit daw ako nakilala ng prinsipe. Kinwento ko lang na nagkabanggaan lang kami during lunch break ko. Binigyan kami ni Sir Lee ng pahinga ngayon dahil sa sobrang pressure at kaba na nararamdaman namin kanina. Nagpaalam na ko kina Leia at Christina at sumabay na kay Lewis. "Hey." Bati ko kay Lewis kaso sabi niya masama pakiramdam niya at nagbigay ng pasensya sakin at umalis. Kinibit-balikat ko na lang ang pag-alis ni Lewis at sumakay na papunta sa inuupahan kong bahay. Nakakapagod ang mga nangyari ngayon. Nakausap ko pa ang Crown Prince ng Luxembourg or should I say, Prince Royal dahil yun naman talaga ang official title ng tagapagmana ng trono ng Luxembourg. Marami ring pagbabagong mangyayari samin at sa teatro pero sana magtatagal kami. Hapon ngayon sa Luxembourg at gabi na sa Pilipinas. Tinawagan ko si Irish at sumagot naman siya. Masaya niya kong tinawagan at kinamusta niya ko. Kinwento ko sa kanya na busy ako nitong nagdaang linggo at ang mga napansin ko sa mga katrabaho ko. Kinwento ko sa kanya ang pagpunta namin sa palasyo ng royal family ng Luxembourg at ang pagharap ko kay Philip. "Naku, nakakaloka ka kasi! Buti mabait si Philip! Kundi najombag ka na niya." sabi ni Irish. Ngumiti ako sa kanya. "Alam ko yang pagngiti mong ganyan ha. Mag-ingat ka kasi tatraydorin ka ng puso mo. Isipin mong mabuti kung ano talaga nararamdaman mo. Huwag kang magpadala sa emosyon. Isipin mo kung siya na ba talaga. Kasi ikaw rin ang kawawa kapag hindi mo pinag-isipan." biglang payo sakin ni Irish. "Hala. Bigla ka namang humugot diyan. Siguro may pinagdaraanan ka no?" pang-aasar ko sa kanya. "Luh. Wala nga kong mahanap na fafables dito eh. Baka ikaw ang may pinagdaraanan!" sagot niya. Nag-asaran lang kami ni Irish at tinigil na namin ang usapan dahil inaantok na daw siya. Napatingin na lang ako sa kisame at napaisip. What kind of future does fate hold for me? Maraming possibilities at maraming pwedeng mangyari. Hindi ko namalayan na nakatulog na ko dahil sa sobrang pagod. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD