Prologue
"Congratulations, son!" My dad hugged me tightly. I am happy. It's my graduation. We're here at the Vibal Hall of the University where the amphitheater meets the beauty of nature. It's an amphitheater and its surroundings are full of sunflowers and roses and around that, are the trees.
"Son, I'm so very proud of you." My mom also joined dad in hugging me. I'm also thankful for them. Without them, I never made it here.
"Mom, Dad?! Tara na! Gutom na ako! Para naman kayong mga artista sa mga teledrama!" Iyan nga pala ang ate ko, Alina ang pangalan niya. Kumalas na ang mga magulang ko sa pagkakayakap sakin. Ngumiti sila sakin at pumayag na sila sa hinaing ng ate ko. Paalis na ako at lumapit naman sakin ang mga kaibigan ko: sina Louie at Irish.
"Bes, last selfie na this! Tara!" sabi sakin ni Irish. Nagselfie kami at pagkatapos nito ay niyakap nila ako. Mamimiss ko sila.
"Thank you sa lahat. Thank you, Louie kasi ikaw yung patuloy na humubog sa kabutihan ko." ngumiti naman si Louie at pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko. Ngumiti ako at tumingin kay Irish.
"Thank you din kay Irish for giving me advice and for standing for me. Without you, I've never been this strong." Ngumiti siya sakin at binigyan na ako ng yakap. Sumigaw ulit si ate na siyang kinalingon ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at pumunta na sa kinaroroonan nila.
Nang makalapit na ako sa kanila, nagreklamo pa si ate kung bakit ako nagtagal. Sinabi ko sa kanila na nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Sumakay na ako sa kotse at sa likod ako umupo katabi ng ate ko. Sa harap sumakay si Dad at si Mom. Si Dad ang nagdadrive. Tumingin ako sa Vibal Hall. Marami pa rin ang mga pamilyang nagpapapicture. Talagang sinusulit nila ang presence nila dito. Masaya ako kasi tapos na ang lahat ng paghihirap ko pero may bagong pagsubok pa ang darating sa buhay ko. Nagulat ako sa mga iniisip ko ng hampasin ako ni ate.
"Hoy, Derrick Starrett Breckenridge! Yung utak mo pakibalik sa Earth! Ano namang iniisip mo diyan at graduate ka na ng Bachelor of Arts in Literature!" Basta kapag si ate ang nakausap mo, talagang maagaw niya atensyon mo.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala..." tanging nasagot ko. Umismid lang si ate at nagsalita na naman.
"Don't tell me naiinggit ka sakin..."
"No, I'm not!"
"Okay, let's talk about your lovelife. Why are you single?" Ito talaga ang ayaw ko sa ate ko. Masyadong tsismosa pero mahal ko yan.
Sinagot ko sa kanya na kaya wala akong lovelife dahil focused talaga ako sa studies. Despite na pang-artistahin ang itsura ko, ayokong magkalovelife muna. Hindi naman sa pagmamayabang pero parehong may lahi ang mga magulang ko. Full blooded Scottish ang tatay ko at ang nanay ko ay Fil-Am kaya ganito ang itsura namin ni ate na artistahin.
Muli kong nilingon ang aking minamahal na unibersidad. Ang pambansang unibersidad ng bansang ito na humubog sa aking taglay. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Lumingon ako sa mga magulang ko at pareho silang masaya sakin.
"Okay, mom, dad, and sis let's rock this day!"
I am thankful for all your efforts with me and I claim from this day onwards that I'm gonna be ready for all the lemons life will give to me. This is the time of my life and I'm claiming it to be mine.