Natapos na din ang paghihirap naming lahat. Balik na sa normal ang lahat. Dumating na din sa wakas ang pinakahinihintay na sahod kahit delayed ito. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa mga gastusin sa bahay at sa application for residence permit dahil malapit nang mapaso ang authorisation to stay ko dito sa Luxembourg. Nag-ayos na ko ng sarili ko at nagcommute na papunta sa teatro. Binati ako ng mga staff do'n at pumunta na sa office namin. Nandoon na kaagad sina Leia at Christina. May isang babae do'n na nakasalamin at mukhang mahiyain. Feeling ko bagong recruit siya. Binasag ni Leia ang katahimikan.
"Hi, Derrick! This is Francheska, our new recruit as playwright. She's gonna be with us until she's proven her worth. She's Luxembourgish, by the way. She can speak French and understand English." pagpapaliwanag niya. Understand English? Hindi siguro bihasa sa English pero nakakaintindi siguro siya. I shook hands with her at nagsimula na kaming magtrabaho. Pansin naming wala pa si Lewis. Baka late siguro. May dinaramdam siya kahapon eh. Tumuloy na kami sa paggawa ng mga gagawin naming play. Dumating si Lewis ng late tulad ng inaasahan. Binigyan siya ng warning ni Leia at pinakilala sa kanya si Francheska. Umupo na siya sa cubicle niya at nagsimula nang gumawa. Well, I didn't expect that.
"Hey, Lewis! Still sick?" nag-aaalalang tanong ko.
"A bit. I got recovered from fatigue yesterday." sagot niya.
"You should try to check-up." advice ko sa kanya.
"Thanks for the concern but I'm fine now. I just need a little rest, I guess." ngumiti siya at bumalik sa ginagawa niya. Gumawa na rin ako ng play. Actually, bumalik na rin saming mga pre-production staff ang pressure. Rumors has it na balak na rin daw ng executives na magrecruit ng karagdagang mga staff para sa production para hindi na kami kulitin pa. Feeling ko nga maraming magbabago dahil good to go na ang executives sa pagiging nationalized theater guild ng kumpanya. Nakakalungkot isipin na handa na silang magsacrifice ng ibang mga empleyado nila ngayon para sa pag-nationalize ng kumpanya. Tahimik lang kaming gumawa ng play at di ko namalayan na lunch break na pala. Inaya ako ni Christina na sumabay sa kanya. Si Lewis ay nagdecide na sumama kina Leia at kay Fracheska. Nag-usap lang kami ni Christina.
"What happened to Lewis? He's acting so strange." pag-open ni Christina. Napansin din niya ang pagbabago kay Lewis.
"I really don't know. He told to me he was sick yesterday and he needs some rest." kwento ko sa kanya.
"Well, that's still strange for me. Anyway, what's in between you and the prince? How you two become so close each other?" tanong sakin ni Christina.
"Well, I bumped into him and he spilled his coffee over me. I got mad to him. I never knew that he is a prince back then." kwento ko kay Christina.
"Well, this Prince Philip is really weird. He's acting like very commoner to me. He doesn't act like a noble. Maybe he's adopted afterall?" pagsang-ayon ni Christina sa naiisip ko kay Prince Philip pero hindi tumatatak sakin na baka ampon siya.
"Honestly, he told to me that he wants to live in his own. Maybe he got all the pressure as he will become king or in this land, Grand Duke so he decided to live like us." pagpapaliwanag ko kay Christina.
"Maybe you're right. But I can tell that the prince is into you." nagulat ako sa sinabi ni Christina na kinatawa ko. Napakunot-noo naman siya.
"I'm sorry but it's ridiculous. I'm not gay." sabi ko sa kanya.
"Really?" ngiting asar niya.
"Well, I'm straight but I felt strange attractions to the same sex." I honestly told Christina. Napangiti si Christina at nag-alok siya ng suporta sakin.
"Well, I'm your official wingwoman now. To be honest, these almost two months you've work for us. You and Lewis are pretty close and I think he's into you too." napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"To be honest, Lewis is my friend and he seems like a brother to me but to say he's into me is pretty weird to me I guess. Maybe your perception is wrong this time, Christina." I told her. Ano? Lahat na lang ng lalaki gusto ko? Attracted sakin? Imposible. Lewis is a brother to me.
"I guess so. Hey, let's return to work. It's almost time." aya niya sakin at bumalik na kami sa trabaho.
Same atmosphere pa rin naman dito sa work. Medyo nagkalagayan na ng loob si Francheska kina Lewis at Leia. That's good though. Ngumiti naman siya sakin at binalik ko naman ito. Siguro, nagta-try siyang mag-reachout samin. Gusto ko sanang kausapin si Lewis kaso baka maistorbo ko. Napaisip tuloy ako sa mga nasabi sakin ni Christina. May gusto kaya sakin ang prinsipe? Kaso suntok sa buwan 'yun at saka mabait at mahilig makisalamuha si Prince Philip. Kumbaga, socially active siya lagi. Pero mukha siyang babaero. Ewan ko lang, malay mo kaya socially active kasi tinitignan niya ang characteristics ng taong makakasama niya habambuhay. Kay Lewis? Imposible ang sinabi ni Christina. Sabi niya kasi may gusto siyang lalaki pero hindi niya sinabi kung sino 'yon. Imposibleng magkagusto sakin si Lewis dahil magkapatid ang trato namin sa isa't isa. Ayoko munang magkarelasyon. Ayoko dahil alam kong straight ako. Trabaho muna bago landi. I shook my head and continued working. Nang matapos na ang trabaho namin. Umuwi na ako at nagpaalam sa mga katrabaho ko. I commuted at nakarating na rin ako sa inuupahan ko. Pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga. Gusto ko sanang maka-usap through video call si Irish para sa feedback niya sa sinabi ni Christina. Kaso offline siya kaya nag-iwan na lang ako ng message. Marereceive naman niya yon. Matutulog na sana ko ng makita kong may nagbigay ng email sakin.
Ang sender ay si "Office of His Majesty the Grand Duke of Luxembourg". Ano naman kaya ang gustong sabihin ng hari sakin? Ay, wait. Legit kaya 'to? Hindi ba 'to scammer? Baka mamaya manakawan ako ng info ah. Pa'no nalaman ng hari ang pangalan ko? Malalaman niya 'yan kasi hari siya eh. O di kaya pinapadeport na ko sa pagsigaw ko sa anak niya publicly? f**k. Kinukulit ko ang sarili ko na legit ito kahit nangangamba ang isang side ng konsensya ko. Pinindot ko na ang notification at binasa ko ang mensahe. May subject na Notification at may attachment na nakalagay. Message from the Grand Duke ang title ng file. Wow. Ang bongga! Naka-PDF ang file! Deportation letter na kaya ito? Goodbye, Luxembourg. Hello, Pilipinas! Ni-download ko na ang file at binuksan ko ito. Nanlaki ang mata ko sa laman ng letter. Ito ang nakasulat.
Office of His Majesty the Grand Duke of Luxembourg
Dear Derrick Starett Breckenridge,
Welcome to Luxembourg!
You're receiving this letter as a note to fully accomplish your application for residence permit as your application for stay nears its expiration date. You have to submit your application at the Immigration Office at the Luxembourg City Capitol. After you submit your application for residence permit, you should wait for at least three days to receive your confirmation of residence permit application. If you received the residence permit, you can now live and work here in Luxembourg for a year.
Also, if you received the residence permit, please stop by at the City Capitol. The Prince Royal will ensure you're safe as you start your career endeavor here in Luxembourg. Thank you for choosing the Grand Duchy of Luxembourg as a gateway to your dreams.
Towards a strong Luxembourg,
His Majesty, the Grand Duke.
Natawa ako sa letter. Akala ko madedeport na ako. Pero ang hari kaya mismo ang nagpadala ng email na 'to? Legit kaya na mismong anak niya ang magsisiguro na safe ako sa Luxembourg? Like hello? Almost two months na kong safe dito sa Luxembourg. Binigyan ko ng reply ang email na binigay sakin ng hari
To: Office of His Majesty the Grand Duke of Luxembourg
Re: Notification
Your Majesty,
Greetings to the Grand Duchy of Luxembourg!
Thank you for notifying me to apply for residence permit. It's been an honor to receive a message from one of the monarchs of Europe. I'm replying this to you as I humbly reject your request (or notification) to send His Highness, the Prince Royal of Luxembourg to ensure my safety around the country. As I started my career here in Luxembourg, I researched well in this country you lead in. Luxembourg is one of the member nations of European Union. I think your allies in EU will take care of Luxembourg from any threats. Also, your country is a member of North Atlantic Treaty Organization that ensures safety among its members. I guess my almost two months stay here in Luxembourg will tell a lot that there's no threat to any residents here in Luxembourg.
Thank you for welcoming me here. It's been an honor, Your Majesty.
Yours in service,
Derrick S. Breckenridge
Then I hit send. Ilalapag ko na sana ang phone ko para matulog na kaso nag-ping ang phone ko. Busy makipag-email sakin ang hari or should I stay ang staff niya. Nagulat ako sa message ng hari.
From: Office of His Majesty the Grand Duke of Luxembourg
Re: Notification
Derrick,
Crap up your formalities. This is Philip. I'm the one who's taking control of email services of my father. Just drop by at the city capitol after you receive your permit.
Yours truly,
His Highness, the Prince Royal of Luxembourg
Wow. Bakit si Philip ang kumokontrol ng email services ng tatay niya? Wala ba silang staff? Gusto kong matulog pero sinagot ko muna ang prinsipe.
To: Office of His Majesty the Grand Duke of Luxembourg
Re: Notification
Your Highness,
I'm just wondering why are you taking your email services of your father? Do you have any staff to handle that? I'm about to sleep. I'm tired at work. Just leave me a message and I'll reply.
Yours,
Derrick
Nilapag ko na ang phone ko. Humiga na ako ng maayos at pumikit para simulan na ang tulog kaso tumunog ang phone ko. Crap. Sumagot ang prinsipe. Pinilit kong matulog at nagtagumpay naman ako.
Ginawa ko din ang pinapasabi ni Philip sakin. Binasa ko ang sagot ng prinsipe at sinabi niya na may mga staff naman sila to take control of his father's email services. Gusto niya lang na siya na ang gumawa para preparation na rin daw. Hindi na ako sumagot sa email niya at inasikaso na ang pag-aapply ko ng residence permit. Madaming mga dokumento ang kailangan at kinausap ko pa si Leia para ibigay sakin ang iba pang dokumento na kailangan sa application. Ang alam ko talaga,one week inaabot ang pagproseso sa residence permit. Lumabas na ako ng kapitolyo at may hihintayin pa kong tatlong araw para sa residence permit na yan.
Makalipas ang tatlong araw, puro trabaho ang inatupag ko. Gano'n pa rin naman ang pinapagawa samin. Si Francheska na ang main source ng idea namin about sa Luxembourgish culture. Minandato na kami ng executives namin na gumawa ng play about Luxembourg. May ginagawa kaming play na gusto namin. Ang balak ng executives sa gawa namin. Two weeks ipapalabas ang Luxembourgish play at two weeks ring ipapalabas ang play. Kapag saan mas malaki ang kita ng teatro sa dalawa, iyon ang ipapakita sa audience at siya namang i-rereport sa hari. Sana naman magkatrabahao pa kami after this. Hindi ko namalayan na lunch break na pala. Kaming dalawa ulit ni Christina ang magkasama sa lunch. Amazingly, may bagong patayong cafeteria sa loob ng teatro. Sabi nila, ito ang dating stockroom na ginawang cafeteria. Maganda naman ang pagkakagawa at ang problema, nangangamoy fresh pa ang pintura pero okay naman na. Malinis, maayos at maganda. Umupo na kami ni Christina sa spot namin at napagkasunduan namin an ito na ang magiging spot namin kada lunch. Umorder na kami ng pagkain at nagsimula nang kumain at mag-usap. Nagulat kami ng maki-share samin si Lewis ng upuan.
"Can I share lunch with you?" tanong niya samin. Nakangiti na siya ngayon. Ano kayang nakain niya ngayon at gumanda ang mood niya?
"Yeah." sagot naming dalawa ni Christina.
Nagsimula na kaming mag-usap ni Christina.
"You know what guy, I'm so disappointed that our executives is handling this young company of theirs to the government of Luxembourg." sabi ni Christina.
"Yeah, I've been working too hard to make a play." singit ni Lewis.
"Actually, due to the executives decision to nationalize the company, Leia decided to change the limit of play we're doing. Instead of creating one play per week, we'll be creating one play per two weeks given the time of our research for the nationalization of our plays." pag-eexplain ni Christina samin. Tumango kami ni Lewis as an agreement.
"Lewis, where's Francheska?" tanong ko kay Lewis.
"She's with Leia." sabi niya.
"Seems like you're friends." sabi ni Christina kay Lewis.
"Yeah, we are. In fact, she's fun to be with. She's very shy and I like that attitude of hers." ngiting kwento ni Lewis.
"Seems like someone's in love!" pang-aasar ni Christina kay Lewis. Namula naman si Lewis na lalong inasar namin. Habang nagkukulitan, tumunog ang phone ko at nag-excuse ako sa mga kasama ko. May nag-email sakin. Luxembourg City Government. Tinignan ko ang email at pinapapunta na ako sa kapitolyo. Nagpaalam na ako kina Lewis at Christina. Pumunta ako sa office namin at doon ko naabutan sina Leia at Francheska. Nagpaalam na rin ako kay Leia na pupunta akong City Capitol para sa residence permit. Pumayag naman siya.
Umalis na ako at bumiyahe papuntang City Capitol. Pagkarating ko roon, kinuha ko na ang residence permit ko. Umupo muna ako sa mga bench ng City Capitol at hinintay ang email ng prinsipe. Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang sender. Philip Augustus. Binasa ko ang laman ng email.
From: Philip Augustus
To: Derrick Starett Breckenridge
Subject: New Email and s**t.
Derrick,
I created an email out from the spying eyes of those staffs loyal to my father. From now on, this will be my email. Feel free to contact me here. By the way, I'm already here at the Capitol. You look so formal in your lumberjack style of fashion.
Best regards,
Philip
Napangiti ako sa subject ng email niya. He really acts like a commoner. Formal na pala sa kanya ang lumberjack na suot ko? Siguro nasanay na siya na puro suits and formal attire ang nakikita niya. Kaya ang definition niya ng formal ay simpleng pormahan katulad ng lumberjack na suot ko. Sinagot ko siya.
To: Philip Augustus
Re: New Email and Shit
Your Highness,
It's been a shame your father caught you using his email to talk to me. You should've deleted your emails. By the way, where are you? If ever you want to argue I just want to call you Philip,I insist I will always use "Your Highness" in this email atmosphere but I will follow to call you by your first name when we're talking personally.
Respectfully yours,
Derrick
I hit send. Tinignan ko ang paligid ko kung merong Prince Philip na umaaligid kaso wala. Tumunog ulit ang phone ko at nag-reply siya.
From: Philip Augustus
Re: New Email and Shit
Derrick,
Okay, as you wish.
Don't look around. I'm just sitting at the same bench you're sitting at.
Yours,
Philip
Tumingin ako sa katabi ko at tumambad sa akin ang naka-salamin na prinsipe na nakatingin sakin. Naka-white shirt at khaki pants. Bakat ang muscles ng prinsipe sa manggas ng shirt niya. Kahit may salamin siya o wala, ang... I shook my head to ward off my thoughts about him.
Am I turning gay? Ngumiti siya at kinamayan ako. Naglakad kami pareho papunta sa basement ng City Capitol. Nagsuot na siya ng shades para hindi siya makilala ng tao. Naloka ako sa ganda ng kotse niya. May bodyguard pa siya na nagbukas ng pinto ng kotse niya. Mukhang naalerto si kuyang bodyguard at tinanong sa prinsipe kung sino ako. Pinaliwanag naman ni Prince Philip na kasama niya ako. Tumungo lang siya sakin at pinasakay na kami pareho ng bodyguard. May dalawang bodyguard si Prince Philip.
"Wou ginn mir goen, Deng Altesse?" biglang tanong ni kuyang bodyguard #1 na kinagulat ko bigla.
"Bei meng léifsten plaz, Franz." sagot ni Prince Philip. Tumaas ang kilay ko sa naging usapan nila. Napansin 'yon ni Prince Philip at pinaliwanag niya sakin ang ibig sabihin ng mga sinabi nila.
"Franz asked me where will we go and I answered him that we will go to my favorite place." ngiting sagot sakin ni Prince Philip. Saan naman 'yang favorite place na 'yan?
"Where is that favorite place?" tanong ko.
"It's a secret." sabi niya. Kinibit balikat ko na lang ang secret niya. Naalala ko, out of the blue, ang itatanong ko sa kanya dapat kanina.
"Aren't you busy? You should be doing your father's work." sabi ko sa kanya. Agad naman siyang sumagot sa tanong ko.
"I inherited most of my father's charity work. These past three days, I've been giving speeches to charities. I've also made some ceremonial duties of ribbon-cutting and other related works."
Ah, kaya naman pala. Tinanong ko pa siya ulit kung ilang charities meron sila. Sabi niya, higit isang daan daw. Ang yaman nila. Tinanong ko naman kung ano ginagawa ng tatay niya sa ngayon. Sabi niya, sa palasyo na lang siya pwedeng maglibot at pwede rin niyang i-supervise ang army nila at magbigay ng speech sa parliament kung gugustuhin niya. Pwede rin siyang magbigay ng televised speech anytime. Naloka nga rin ako na part din pala si Prince Philip ng Council of State na magbibigay supervision sa parliament kung anong batas ang dapat ipasa nila. Hindi ko na tinanong kung anong sakit ng tatay niya. Basta sa pagkakakita ko sa kalagayan ng tatay niya ng nasa theater room kami ng palasyo, mukhang mahina na siya.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa restaurant na gusto ni Philip. Maganda ang restaurant na 'to. Very classic ang aura with wooden tables, and ceilings at may mga paintings pa. Kokonti lang ang taong nandito. Karamihan sa kanila naka-business attire. Mga mayayaman ang pumupunta rito. Umupo na kaming dalawa ni Philip sa table. Mga bodyguard naman niy ay nasa pinto ng restaurant. May lumapit na waiter samin.
"You should order what you want." alok sakin ni Philip. Tinignan ko ang menu at halos wala akong alam lahat sa mga pagkain do'n. More on convenience store foods like ang kinakain ko magmula ng dumating ako dito sa Luxembourg.
"Actually, I don't know what kind of food I'm gonna order." honest na sagot ko.
"Did you actually try any Luxembourgish food?" tanong ni Philip. Actually, hindi pa. Kaya nga wala akong alam sa menu eh,
"I didn't try eating Luxembourgish food. I'm only eating what a convenience store has to offer." kamot-ulong sabi ko sa kanya.
Napatango na lang siya at umorder siya ng kakainin namin. Tinanggal na niya ang shades niya at pinalit niya dito ang salamin na suot niya kanina sa City Capitol. Malabo kaya mata niya?
"Uhm, do you have any eye problems?" tanong ko.
"Nothing. This glasses is just for fashion. For me to look good." sabi niya. Aba, nagbabagang confidence meron ang isang 'to.
"God, seems like the wind blew harder." pang-aasar ko sa kanya with matching kamay effects pa. Naka-kunot noo si Philip na kinatawa ko. Hindi niya na-gets.
"What does that mean by the way?" tanong niya.
"It's a Filipino idiomatic term for being too proud to yourself. Or being ironic to yourself." explain ko sa kanya.
"Oh. I get it. Obnoxious, do you mean?"
Tumango ako bilang sagot. Bigla kaming natahimik. Tinignan ko ang labas ng restaurant at napakaayos ng lugar. May mga taong dumaraan at mataas ang tirik ng araw. Sa loob ng restaurant na 'to, kasama ko ang pinakamayayamang tao sa Luxembourg at ang prinsipe nila. Biglang nagsalita si Philip na kinalingon ko sa kanya.
"Derrick, do you love your parents?" Bakit naman niya natanong 'yan?
"Yes, I love them. Why did you ask?" balik-tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.
"You know when I was a child. I was a bit rebellious." Kaya naman pala ang commoner niyang kumilos. Nadala niya pagiging rebellious niya.
"My parents wanted me to become like them. To act like them, eat like them. You know I tried hard to please them. I followed what they want but they didn't seem happy to what I did." magkukuwento sana siya kaso sumingit ako.
"How come they didn't like what you did?" tanong ko sa kanya.
"They want me to become close to people at a young age. I don't want people waving to me like s**t back then. I know it might sound s**t to you but I need to become like those ordinary children running with freedom back then. I was guarded and programmed to become a royal like my parents." Ngayon naiintindihan ko na. Kaya naging ganito kumilos si Philip kasi ninakawan siya ng kasiyahan kung pa'no maging isang bata. He shook his head and I gave comforting words to him.
"I guess your parents wanted you to become a better man in the future. Look at you now, you're a responsible man." ngumiti ako ng pilit sa kanya kaso wala rin. Pinagpatuloy niya kwento niya.
"You didn't know. When I become a teenager, I was still guarded. My friends back then were a little bit scared when I have guards beside me. And those people were kinda scared to me when they see me." So pati pala pagiging teenager, ninakawan din siya. Isa lang ang nalaman ko mula kay Philip ngayon: isa siyang adventurous na tao.
"When I become a man, I decided to enjoy things I didn't have when I'm young. I partied, I wore casual clothing and I made fun of girls who were into me."
"Fun? You mean, s*x?" taas kilay na tanong ko.
"No, not like that. I'm inviting them to my residence and when the girl entered my residence, I told her that I didn't like her and leave the f**k off." kwento niya.
"You're rude." sagot ko.
"Yeah." he chuckled. "But when my father started transferring his ceremonial duties to me, I know there's something wrong. There I found out that my father is sick with cancer - a rare cancer we didn't know what's the cause. There I realized that I rebelled a lot to them. This guilty feeling of mine tells me to abdicate the throne the moment my father dies - " and pass it to his sister. Pinutol ko ang sasabihin niya.
"No, your father will be alive. You don't have to abdicate because your parents did all the best for you even though you didn't like it." payo ko sa kanya.
"Maybe you're right. Hey, how about you tell your story of yours?" tanong niya sakin. Pabukas pa lang ang bibig ko ng dumating na ang waiter dala ang order namin.
Inorder ni Philip ay ang Bouneschlupp na soup at Huesenziwwi na prinitong karne ng baka with sauce na parang tinola. Unang tikim ko pa lang sa mga pagkain, ang sarap na. Tahimik lang kami ni Philip na kumain. Pagkatapos nito, babalik na sana ako sa trabaho ng niyaya ako ni Philip na pumunta sa residence niya. Pumayag naman ako.
Pumunta kami ni Philip sa isa sa mga residence ng pamilya niya. Habang bumabiyahe, silang dalawa ng lolo niya ang nando'n sa residence na 'yon. Sabi rin niya na ang lolo niya ay nag-abdicate sa trono ng malaman niyang hindi niya kaya ang mga gawain. So ibig sabihin, gusto niyang magbitiw sa trono ang tatay niya para siya na maging hari?
"So you want your father to abdicate the throne for you?" tanong ko sa kanya.
"Well, half of me says I want him to abdicate to lessen his burden but half of me says I'm not yet ready to become a king." sabi niya while looking at the road. Tiningnan ko na lang ang mga nadadaanan ng sakay namin. Maganda ang Luxembourg. Maraming mga magagandang mga sceneries dito. May mga taong naglalakad at alam mong maraming inaasikaso sa buhay. Ilang minuto ang nakakalipas, nakarating kami sa magandang...wait. Residence ba 'to? Mukhang castle! Tiningnan ko si Philip ng isang mapang-akusang tingin at ngumiti lang siya sakin. Dalawa ang palapag nito. Kulay yellow ang pintura ng castle. Pumasok na kaming dalawa ni Philip sa loob.
Ang ganda ng loob ng castle. Sa unang palapag, bubungad sayo ang mga mamahaling furnitures. Malinis ang ambience ng unang palapag dahil sa white ang mga dingding. May mga paintings din na nakadisplay. Pumunta kami pareho sa kusina kung saan naroon ang portrait ng pamilya nila. Sa isang side naman, nandoon ang official portrait ng tatay niya asa Grand Duke. Medyo may kabataan ang tatay niya sa portrait.
"My father ascended to the throne when he was 40 years old. He's 65 years old now." sabi ni Philip na kinalingon ko sa kanya. Napansin niya siguro na tinititigan ko mga portrait nila.
"How old are you?" tanong ko sa kanya.
"28 years old. I'm 3 years old when my father became king." sagot niya sakin.
"And your sister?" ayokong mag-usisa pa kaso na-cucurious talaga ko.
"She's 24 years old." sagot niya.
Binigyan ako ng tubig ni Philip. How sweet. Maya-maya, bigla na naman akong niyaya ni Philip na mag-horse riding. Makakatanggi pa ba ako? Once in a lifetime achievement 'to. Tinuruan ako ni Philip kung paano sumakay sa kabayo at kontrolin ito. Nakuha ko naman kaagad. After nito, nilagyan ako ng harness ni Prince Philip. Kinakabahan ako kasi first time kong mag-horse riding at isa pa, malapit ang mukha niya sakin. Kulay blue ang mata niya at ang scruffy niya na lalong kinagwapo niya. Matangos ang ilong niya at mapula ang labi niya. Tumitig siya sakin at umiwas ako ng tingin. f**k, napansin niya kaya ko? Malamang. Sumakay na ako at parehas na tumakbo ang mga kabayo namin. Lalong lumakas ang adrenaline rush ko dahil sa horse riding namin. Ang bilis ng kabayo niya. Umikot kami pareho at bumalik sa pinanggalingan namin.
Nang bumaba na kami pareho sa kabayo, grabe ang ngiti ko. First time ko lang kasing makasakay sa kabayo kaya sobrang taas ng adrenaline rush ko. Siya rin nakangiti rin. Bumalik na kami sa castle niya at nagpahinga sa living room. Umupo kami pareho sa sofa at magkatapat kami.
"Hey, you owe me your story. What kind of life do you have there in the Philippines? I bet it's a beautiful country there." sabi sakin ni Philip. Pansin ko na laging nasa good mood si Philip. Hmmm, o sadyang tinatago niya lang ang pressure ng pagiging tagapagmana sa likod ng mga ngiti na 'yon. Siyempre, nagkwento na ako sa kanya para hindi na mangulit.
"The Philippines is a good country but it has been infested by corruption and poverty. But there are a lot of sceneries there." kwento ko sa kanya. Nakikinig lang siya sakin kaya tinuloy ko na ang pagkwento.
"Well, my life is a little bit similar to yours. I was born to a Scottish father and a Filipino-American mother. My father is a businessman and he has a lot of connections so I came here. My mother has a work too that concerns charities. But there's only one thing." tumigil ako sa pagkwento at tumingin sa kanya. Nakikinig pa rin siya kaya tinuloy ko na.
"My sister wants a competition with me and it's not a healthy one." huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagkwento.
"She wanted me to always look weaker to my family. But I guess I'm lucky because my parents treated us equal." pagtatapos ng kwento ko sa kanya.
"That's it? Oh come on. I know there's something more. Do you have friends?" tanong niya sakin. Talagang interesado siya sa buhay ko.
"Yeah I have two. And they're my real and trustworthy friends. One of them is Irish. She's working as a freelance model and a theater actress. The other one is Louie. He is teaching literature to senior high school students in the Philippines." sagot ko sa kanya.
"That's it!" sabi ko sa kanya.
"Well, your story is amazing but I think you're not opening up your whole life story to me. I guess you're saving it for our next meetings." sabi niya. Paano niya nalaman na hindi pa ko nag-oopen up ng buong buhay ko sa kanya? Gano'n ba ko kahalata? Tinignan ko ang oras at mag-a-alas kwatro na. Tinignan ko ang phone ko at ang dami kong message galing kina Lewis at Leia.
Where are you?
Ms. Leia is looking for you.
"Philip, it's been an honor to spend time with you but I guess I have to go now. My boss messaged me." alalang sabi ko sa kanya. May inabot siyang sobre sakin. Tinanong ko kung ano 'yon.
"It's an invitation so that we'll see each other again." ngiting sabi niya sakin. "I guess I have to send you to work?" pagtutuloy niya.
"Wait."
Ni-reply-an ko silang pareho. Giving them my apologies and excuses. Nag-reply si Lewis.
"You have to pass your work tomorrow because we passed ours a while ago. We've been dismissed to go home. You should talk to Ms. Leia about that."
Maya-maya, nagreply si Leia.
"Pass your work tomorrow before lunch. The executives will decide what play we'll use for the play. We will have a one-on-one talk tomorrow during lunch break to discuss your unethical acts committed today. Go home and rest to whatever you've done today. I hope it's really the residence permit that caused you trouble."
Napakagat ako ng labi. Kailangan ko nang magseryoso. Napatingin ako kay Philip at napataas siya ng kilay.
"Shall I send you to your work?"
"I need to go home now." sabi ko ng malamya. Hindi ko na pinansin kung anumang ekspresyon nasa mukha ni Philip.
Kasama ko na naman ang mga bodyguard ni Philip at mismong siya sumama pauwi sa inuupahan ko. I think you're not opening up your whole life story to me.Iyan ang umiikot sa isipan ko sa ngayon, kasama na ang problema ko sa trabaho. He opened up to me like a commoner to me. Like I'm one of his friends. Am I Philip's friend? And here I am, a commoner acting like a noble who doesn't want to give up his details of personal life. Nagulat ako ng inakbayan ako ni Philip. Wow.
"Whatever you're thinking, you can overcome it." pag-comfort niya sakin. Ngumti lang ako sa kanya at nginitian niya rin ako.
Tumigil na rin ang kotse at bumaba na ako. Nagulat ako ng bumaba siya at niyakap ako. Bumulong pa siya sakin ng:
"Thank you for being with me today. We'll see each other soon." at kumalas na siya sa pagyakap at bumalik na sa kotse. Kumaway siya sakin at kumaway rin ako pabalik sa kanya. Bumalik na ko sa kwartong inuupahan ko at humiga sa kama.
It's been a tiring day again.