From: Philip Augustus
To: Derrick S. Breckenridge
Re: Invitation to the Grand Ball
Munchkin,
Here's the invitation to the Grand Ball that will take place at the Royal Palace on 6pm onwards. Please wear your best suit that will take my breath away.
*A document is attached in this mail*
Glad you love my gift to you. Your happiness is also my happiness. I will do everything for you, munchkin. xo
Yours,
Philip the Handsome
Iyan ang email na binigay sakin ni Philip and guess what? Excited na kong pumunta sa grand ball at makita siya. Mahilig talaga siya sa surprises. Hindi man lang sinabi na may grand ball pala. I'm on my best suit at alam kong mamamangha sakin si Philip mamaya. Aalis na sana ko kaso nag-ring ang phone ko. Si mama tumawag. Sinagot ko naman ang tawag.
"Hello, ma," bati ko sa kanya.
"Hello, anak. Kumusta ka diyan?" tanong niya.
"Okay naman ako dito. Kayo?" balik tanong ko sa kanya.
"Okay lang din naman ako. Alam kong may trabaho ka ngayon at sana maging masaya ang araw mo ngayon katulad ko na masaya rin ang araw ko ngayon," sabi ni mama.
"Thank you, ma. Sige na ma, may trabaho pa ko dito, baba ko na 'tong tawag. Bye. Love you," binaba ko na ang tawag. I'm not really that showy when it comes to loving your parents pero mas prefer ko kasi kapag ginagawa mo na ang action na you love your parents than bragging it to others pero hindi mo naman nirerespeto magulang mo.
Nagsimula na kong magcommute papunta sa Royal Palace. Satisfied naman ako kasi hindi naman ganon ka-traffic. Nakarating ako on-time sa palasyo at andami ng tao na nakapila for entrance. Naghintay ako ng ilang minuto bago ako nakapasok. Hindi ko namalayan na may naka-reserved palang upuan sakin. Naka-reserved ako sa pinakadulo ng hall. Madami ring mga table ang nakahilera sa harap at feeling ko nga ang special ko kasi nasa pinakadulo ako at siyempre, kailangan discreet si Philip sa paglagay sakin dito to avoid the prying eyes of the media.
Tinignan ko ang paligid at puro mga mayayaman, probably mga nobles at mga businessman ang nandito. Nagsimula na ang programa dahil may pa-doxology pa at kantahan pa ng Luxembourgish national anthem. After nito, may pasayaw festival pa ang mga nobles at dahil diyan, sumayaw sila at habang ako naman ay nanonood sa kanila kahit wala akong pakialam. I should be acting the part na kunwari may care ako sa pagsayaw nila kahit wala naman talaga. Habang sumasayaw sila, inikot ko ulit ang paningin ko sa mga pailaw ng palasyo. Maganda pa rin ang mga palamuti sa palasyo. May mga white na tela on the side at mga white roses.
Napunta ang tingin ko sa pinaka-harap na hilera ng mga tables. If my eyesight serves me right, nandito si Grand Duchess mother Catherine at ang anak niyang si Princess Victoria. Sa tabing table nila, nandon si Count Alexander at ang asawa niya. Mukhang wala pa si Philip ah.
Nagsimula na ang pakain festival nila. Siyempre, tatanggihan ko pa ba ang libreng biyaya? Kumain lang ako ng masarap na pagkain at tinungga ang masarap nilang red wine. Charot! Masarap talaga ang red wine nila. Lahat kami kumakain at may kasama pang pa-orchestra as background music. Tumingin ako sa paligid at alam kong very mayaman ang mga nandiro ako lang ang out of place. Lahat sila may kausap at ako lang ang wala. Masaya naman ako na nainvite ako ni Philip dito pero nasaan na kasi siya? Excited na kong makita siya.
Biglang tumahimik ang pa-music festival at naging alerto ang lahat. Napatingin kami sa harap ng hall. Maya-maya, biglang pumasok si Philip! Omg. Biglang tumalon ang puso ko nang makita ko siya. Shockings. Naka-white tux siya and neck tie with matching white pants. Omg. Mukha siyang anghel na nahulog mula sa langit. Agad na nagbigay ng mike ang mga staffers. Ngumiti muna siya at nagsimulang magsalita.
"Good evening to all of you. I know why y'all came here and now it's time to let you know the person who captured my heart."
Napa-wow naman ang mga tao sa paligid. Nakatingin lang naman ako sa kanya.
"As your Grand Duke, I announce my betrothal to Lady Alina Breckenridge from Calais, France!"
Shit. Hindi. Seryoso ba siya? Nagkamali lang ata siya. Hindi. Napatayo ako sa sobrang kaba. Kaso huli na ang lahat ng magpakita ang pamilyar na babae na lumapit at humawak sa braso ni Philip. Hindi! Hindi!
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ng mga tao ang paghagulgol ko. Ayokong malaman nila na ako lang ang nasaktan sa pagpapakilala ni Philip sa kanila sa ate ko bilang magiging asawa niya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at tumingin sakin si ate at ngumiti sabay iwas ng tingin sakin. Patuloy lang ako sa pag-iyak at unti-unting sumigaw ang mga tao ng
"Long live the Grand Duke! Long live the Grand Duchess" ng paulit ulit. Niloko lang ako ni Philip. Patuloy niya kong pinaasa sa mga bagay na puro kasinungalingan lang. Ayoko na. Gusto ko mang umalis pero para kong istatwa dito na nakatayo lang. Umaasa na bawiin ni Philip ang mga sinabi niya kaso mukhang imposible 'yon. Tinignan ko ang pagkain at nawalan ako ng ganang kumain. Tumingin ako sa harap ng hall at nakita kong nakatingin si Philip sakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinimulan ko ng umalis sa hall. Nakatungo lang ako at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Ang taong minahal ko ay mahal rin pala ng ate ko. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa tuluyan na kong makaalis sa palasyong kung saan naghahari ang panloloko sakin ni Philip.
Nagcommute ako pauwi at tinakpan ko ng panyo ang mga mata ko kasi iyak pa rin ako ng iyak. Sobrang sakit. Si Philip lang ang minahal ko ng buo. Siya ang bumukas sa tunay kong pagkatao. Binigay ko ang lahat sa kanya. Nakarating ako kaagad sa harap ng bahay. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko at dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko. Pinunasan ko na ang mukha ko. Alam kong namumula na ang mata ko sa kakaiyak.
Pagpasok ko ng bahay. Bumungad sakin ang masayang mukha nina Madame Vernaulle at ang anak niyang si Marina. Alam nila ang balitang gumunaw sa mundo ko. Nagsalita si Madame Vernaulle at trinanslate naman ito ni Marina.
"My mom says that she's happy that the Grand Duke is now betrothed and she asks if your Alina Breckenridge is your relative."
Ngumiti ako ng pilit at sumagot sa kanya.
"Yes. She is my sister."
Ngumiti si Marina at sinabi niya sa nanay niya na ate ko ang mapapangasawa ng lalaking minahal ko.
"My mother sends her gratitude to your sister and wishes her a peaceful reign with the Grand Duke."
Ngumiti ako ng pilit.
"I will."
Umakyat na ko papunta sa kwarto ko. Doon ko binuhos ang lahat. Hindi lang niya makukuha ang puso ni Philip pati na rin pala ang pagiging Grand Duchess ng Luxembourg, pwede rin nyang kunin. Kung sinunod lang ni Philip ang promise niyang abdication, wala sanang ganitong problema. Kaso hindi. Umasa kasi ako sa mga pangako nyang pinako niya. Pinaglaruan niya lang ako. Wala. Wala na kong ibang nararamdaman kundi ang sakit na niloko lang ako ng taong mahal ko.