Gumising ako ngayon. Tinignan ko ang oras. Alas nuwebe na pala ng umaga. Una kong binuksan ang cellphone ko. Punong-puno ng mga notification ko si...si Philip. Nagmamakaawa siya na bigyan ko siya ng pagkakataong makapag-explain, reply-an ko daw siya at iba pa. Napatingin ako sa singsing. Ito ang singsing na binigay sakin ni...ni Philip. Siya na naman. Binigay niya sakin 'to... tama na nga! Lahat na lang ng mga bagay, lagi na lang siya naaalala ko. Ang siya na sumira ng lahat. Re-reply-an ko sana siya ng biglang tumawag si ate.
What a good morning I have!
I accepted the call. At nakuha pa niyang mang-asar ang aga-aga.
"Hello, munchkin! Kumusta na pala ang kapatid kong STRAIGHT daw pero may boyfriend? OMG. Baluktot ka ata. Don't worry hindi naman kita isusumbong. Pero may chika ako sayo, alam kong magugustuhan mo."
Bigla siyang natawa. Weird.
"Two weeks na akong buntis at confirmed na si Philip ang tatay ng anak sa sinapupunan ko—"
Hindi ko na tinapos ang tawag niya at binabaan ko ang tawag niya at binato ang phone ko. Umiyak ako ulit. Lalong sumakit ang puso ko dahil do'n. Ano pa bang panloloko ang sosorpresa sakin ngayong araw? Tangina. Kaya pala nagdesisyong nagpakasal kasi buntis! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiyak ako kasi alam kong ito lang ang magagawa ko. Wala na kong pag-asang mapasakin pa si Philip. Bakit sa lahat ng iba, bakit siya pa? Bakit Philip? Ang iyak ko ay naging hagulgol. Nagdurusa ko sa lahat ng mga nangyari. Sinira ko ang pagkakaibigan ko kay Lewis para sa kanya pero anong napala ko? Wala!
Huminga ko ng malalim para patahanin ang sarili ko. Siguro kailangan ko na siyang kalimutan. Mas mabuti siguro 'yon. Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at si Christina pala ang nagmessage. Hinahanap kung nasaan ako kasi may pasok na kaming mga pre-prod people. Nagreply ako sa kanya na pupunta din ako kaagad. Pumunta ako sa chat box ko at malamang busy sila sa trabaho since hapon palang don.
*Derrick Breckenridge changed his nickname to Derrick Monasteryo*
Irish Luka-luka: OMG. Derrick. What happened?
Hindi pa nila alam. Ayoko munang ikwento kasi baka humagulgol na naman ako at lalo pa kong nalate sa trabaho.
Derrick Monasteryo: Just gonna tell it to you when I'm fine.
Irish Luka-Luka: As you wish. If ever na may problem ka, we're here.
Louie Cutie Pakantootie: True.
Napangiti ako ulit. Buti na lang nandiyan sila. I'm thankful for them. Bago sumabak sa trabaho, nilinis ko muna ang kwarto ko at ang sarili ko. I changed clothes since... Ayoko na. Tama na. Kumulo ang tiyan ko at naaalala ko palang hindi pa ko nag-aalmusal. Umalis na ko kaagad para hindi ako abutan nila Marina at tanungin about sa kanya.
Bongga ang pagkakalate ko kasi dumaan pa ko sa isang convenience store at kumain ng almusal. Si Christina ang nagwarning sakin as a deputy na wag na daw akong malalate. Binuksan niya ang topic about sa kanya.
"Are you okay about..." ilang na tanong niya sakin.
"No and I am telling you that I will resign—" sabi ko sa kanya kaso umiling siya.
"No. You don't have to resign. You're one of our best employees!" puri ni Christina sakin. Umiling lang ako sa kanya at sabay punta sa cubicle ko. Tinype ko na ang resignation letter ko at nilagay ko doon ang rason na kailangan ako ni ate para sa preparation ng kasal niya. Totoo naman talaga na need niya ng manpower to exert that kind of effort for that big preparation.
I printed the letter at binigay ko yun kay Christina. Tinanggap naman niya 'to at pinasa ang letter kay Leia na abala sa pagtawag sa ilang mga prod staffers. Tinignan niya ang letter at binaba ang tawag.
"Let's talk."
Pumunta kami sa meeting room kung saan doon ko nakilala ang mga katrabaho ko ngayon sa teatro. Umupo siya at umupo ako sa tapat niya. Nagsimula na siyang magsalita.
"Derrick, you're one of our best employees. It's a shock that you will leave very soon. Why is it?"
Huminga ako ng malalim at nagsalita na.
"I am resigning because of my sister's betrothal to the Grand Duke. My sister has notified me that she will need her family to negotiate and discuss with the royal family about the preparation for the wedding. I hope you understand."
Tumango lang si Leia at malungkot na ngumiti.
"I know it saddens me so much but given the existing laws for employment and to the employees like you, I am granting you to resign our theatre."
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya sa lahat ng mga opportunities na naranasan ko sa theatre. Bumalik na kaming pareho sa office at tumayo si Christina. Niyakap niya ko ng mahigpit at nag-usap pa kami habang nakayakap.
"You don't have to do this, Derrick. I know you're sad but...please come back. You're always welcome here."
"Thank you." Sabi ko sa kanya at kumalas kami pareho sa yakap namin. Tumingin ako sa paligid at kinawayan ko si Kiers. Lumapit ako sa cubicle ni Lewis para magpaalam.
"Lewis—"
"If you're gonna tell me about your sorry ass about that prince charming of yours, leave." Sabi niya. Ang cold niya pa rin.
"I'm sorry." Yan na lang ang nasabi ko sa kanya at umalis. Tinignan ko ulit ang buong department ng playwright. Madami na kami mula sa apat nung nag-umpisa ako dito. Tuluyan na kong umalis sa theatre. Hindi ko napansin na nagmemessage pala sakin si Philip. Puro let me explain, I love you at Don't leave me ang laman ng email niya. Ni-replyan ko siya.
To: Philip Augustus
From: Derrick S. Breckenridge
Your Grace,
I will go to the palace to talk with our relationship.
Respectfully yours,
Derrick
I hit send at nagreply kaagad siya.
From: Philip Augustus
To: Derrick S. Breckenridge
I will send my guard to accompany you in the palace.
Yours,
Philip
Naghintay ako sa convenience store kung saan ako kumakain bago magkaroon ng cafeteria ang teatro. Dito kami laging nag-uusap ni Lewis at hindi kalayuan... Siya na naman ang naaalala ko. I shook my head off and tumingin sa kawalan. Hindi ko namalayan na tumunog na ang phone ko. Tinignan ko ulit ang notification. Siya ulit. Tumingin ako sa di kalayuan at nandoon ang guard ni Philip na jowa ni Christina – si Guillaume. Umalis na ko sa convenience store at lumapit sa kanya. Obvious namang ako ang hinihintay niya. Umupo na ko sa passenger seat ng kotse. Pumasok na siya at tumingin lang siya sakin. Nagsimula na ang biyahe namin.
Kinekwento niya kaya kay Christina about samin ni Philip? Sana hindi. Nakakahiya naman kung gano'n. Nagdrive na siya ulit hanggang sa makarating na kami sa palasyo. Hindi na niya ako binigyan ng kung anumang costume or props ara itago ang pagkatao ko. Para san pa eh hapon pa lang kasi. Hinatid ako ni Guillaume papunta sa...hindi ko alam. Ang alam ko lang ay ang throne room sa first floor. Umakyat kami sa 2nd floor at napatingin ako sa pamilyar na guest room. Umakyat kami ulit ni Guillaume hanggang sa 4th floor ng palasyo at kumatok siya sa malaking pintuan.
"Come in."
Alam ko kung kaninong boses 'yon. Pumasok na kaming dalawa ni Guillaume at nakita ko siyang nakaupo sa desk niya. In his best neck and tie suit and those slacks.
"Thank you." sabi niya.
Nagbow naman si Guillaume at umalis. Tumayo siya. Pinigilan kong sumigaw at magalit sa kanya. Pipigilan kong wag umiyak sa kanya.
"Have a seat," alok niya sa isang upuan sa harap ng table niya.
"No, Your Grace," sabi ko sa kanya ng walang emosyon. Naglakad siya at umupo siya sa table niya ala-Christian Grey style. Nakatayo pa rin ako sa kanya at magkatapat kami. Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. Siguro, hinihintay na magsalita ako.
"I'm gonna return this ring to you. It doesn't make a sense," sabay tanggal sa ring niya na suot ko at inabot ko sa kanya. Kinuha naman niya ang 'yon at saglit na nagdampi ang daliri ko sa kamay niya... at wala akong naramdamang sparks.
"Munchkin...Derrick. I know that..." sabi niya kaso hindi niya maituloy ang sasabihin niya at tumikom ang bibig niya. Ako na ang tumuloy sa sasabihin niya.
"You know that we're in a relationship. We're almost 4 months loving each other. You know that I'm honest and we're both committed to make this relationship better. You know we both have flaws and we accepted it as a part of building our relationship stronger," sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siyang nakikinig sakin. Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit.
"And yet you chose to destroyed everything that we shared and cherished," pinigilan kong umiyak kasi feeling ko iiyak na ko at any time.
"Derrick, to be honest, you were not supposed to be in that ball. I don't know who told you to come to the..." sabi niya. Bigla akong natawa, Kunot-noong tumingin sakin si Philip,
"Honest? So, you don't want me to know about you ditching me over my sister?! So, where is honesty there? Honest? You sent me an email with attached invitation to your ball, Your Grace!" malakas na pagkakasabi ko sa kanya. Binuksan ko ang phone ko at binuksan ko ang email galing sa kanya na siya mismo ang nagsend at pinakita ko yon sa kanya. Umiling siya.
"I did not intend—"
"Did not intend? Then why the f**k did you send me an email inviting me to your goddamn ball?! You gave me an invitation letter!" sigaw kong sabi sa kanya. Wala akong pakialam kung siya ang hari dito. Ang pinaglalaban ko dito ang katotohanan.
"It was your sister who sent that email. I left it unattended when we're talking about...the announcement of our betrothal and my phone doesn't have any password so she easily managed to send that one to you." Sabi niya. Kaya pala munchkin ang tawag niya sakin kanina. Damn it, sis.
"You didn't have any intention to tell me the real score between you and my sister and you gonna play and act to me like I'm a mistress while you're married to my sister?" tanong ko sa kanya.
"I cannot leave my child that will be called a bastard if I don't marry your sister. I want to give him the honor and everything that I have," huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.
"It was the day that my father died that I got drunk. Really drunk. It was in a bar. That's where I met your sister. I thought that your sister was you so I got carried and...you know the rest." Sabi niya sakin. So, yun pala ang dahilan? Oh god. Ano pa bang surprise ang nakahanda sakin ngayong araw? Tumungo ako. Ayokong makikita niya kong umiiyak. I composed myself and look at him. Telling myself that don't describe him how regal he looks.
"That doesn't erase the fact that you marry my sister because you love her." Sabi ko sa kanya.
"We can continue our relationship, Derrick." malungkot na sabi niya. Alam kong paiyak na rin siya pero pinipigilan niya rin.
"I'm not your mistress that you randomly make s*x with me and pushes me aside when my sister, your wife is present." sabi ko sa kanya.
"You promised that you'll never leave me, right?" malungkot na tanong niya sakin. Umiling ako sa kanya at ito ang sinabi ko sa kanya.
"No. Let's end this talk. Let's end this s**t. Let's end these lies we have. Take care of my sister and her child."
Nag-walkout ako at nagmadaling umalis. Nakasalubong ko si Princess Victoria at nagbow sa kanya at nagmadali na kong umalis. Nang makaalis na ko ng tuluyan sa palasyon, doon na tumulo ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.