I was too excited to enter the gym na wala na akong pakialam sa mga estudyanteng tinitignan ako na tila ako isang alien na galing sa kalawakan. Nakatuon ang buong pansin ko sa excited na sigawan, sa tunog ng mga rubber shoes na nagtatakbuhan, sa ingay ng sahig na malakas na nagrereklamo dahil sa mga paang naghahabulan sa ibabaw nito dahil alam ko, alam ko na ilang sandali na lang ay makikita ko na ang lalaking laman hindi lang ng bucket list ko kundi ng mga panaginip at pangarap ko.
Hawak ko ang DSLR ko at inihanda ko ang sarili ko. Masulyapan ko lang ang dulo ng buhok niya, alam ko na ang mga larawan na kukunan ko. Sa wakas ay sumulyap ako sa paligid. Karamihan ng estudyante ay sa laro nakatuon ang atensyon ngunit may mangilan-ngilan sa kanila na pinapanuod ang bawat kilos ko. May ilan akong simpleng nginitian at tinanguan bilang pagbati. Sumagot naman ang iba ng ngiti at tango pero Yung iba, mga dedma na tila wala silang nakita. Hindi ako pinanghinaan ng loob dahil doon. Hindi sila ang target ko rito.
Halos wala ng bakanteng lugar pero patuloy lang ako sa paglalakad at paghahanap. Nakikisingit na rin ako. May ilang kalalakihan na pinagbigyan ako dahil hindi ko naman sila matatabunan dahil maliit lang ako sa height kong 5'3 kumpara sa kanila.
"Miss, kukuha ka ng pictures ng mga players?"
Napalingon ako sa nagtanong niyon. Isang lalaking napakatangkad at may maamong mukha ang nasulyapan kong nakangiting nakatingin sa akin.
"Oo, Kuya!" masigla kong sagot sa kanya. Obvious naman na mas matanda siya sa akin kaya dapat lang na tawagin ko siyang Kuya, 'di ba? As a sign of respect na rin.
"Halika, dito ka!" paanyaya niya sa akin. Aarte pa ba ako?
Muli akong nakipagsiksikan para makalapit sa puwesto ng lalaking nagyaya sa akin.
"Dito ka, Miss." Hinila niya ako at pinapuwesto sa harapan niya. Wala namang malisya iyon kaya naman natuwa ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makapuwesto na ako sa pinagdalhan niya sa akin dahil nasa harapan ko na ang laro.
"Thank you!" nakangiting sulyap ko sa kanya bago inihanda ang mga kamay ko sa pagkuha ng mga larawan. Naging abala rin ang mga mata ko sa paghahanap sa taong sadya kong pinuntahan dito.
Nag-jumping rope sa loob ng dibdib ko ang puso ko nang sa wakas ay makita ko na siya.
Oh, Lawrence, My Lawrence...
"Walang anuman. Nakaawa ka naman kasi. Kanina ka pa nakikipagsiksikan," pagkausap sa akin ng lalaking tumulong sa akin.
Dahil abala sa pagkuha ng pictures ay hindi ko na siya nilingon nang sagutin ko siya.
"Oo nga, Kuya. Buti na lang at tinulungan mo po akong makalapit ng puwesto para mas magagandang pictures ang makuhanan ko."
"I'm Oliver by the way. Marketing. Graduating na," pagpapakilala niya sa akin.
Saglit ko munang itinigil ang pagkuha ko ng pictures. At kahit ayoko nang hiwalayan ng tingin si Renz ay hindi naman ako bastos para hindi magpakilala sa taong nagpapakilala sa akin lalo at siya ang dahilan kung bakit nakakakuha ako ng magagandang shots si Renz ngayon.
"I'm Ma. Lyka Samonte. Freshman sa Fine Arts. Transferee po ako, Kuya."
"Nagbago agad ang isip mo sa unang pinasukan mong school two months pa lang?"
"Opo, eh. Wala po kasi roon iyong hinahanap ko," makahulugang sabi ko sa kanya bago muling itinuon ang pansin ko sa laro.
"Oh, my God! Shoot it, Renz!" tili ko na ikinagitla ng mga katabi ko. May isa pa ngang napatalon palayo sa akin tapos sinamaan ba naman ako ng tingin noong pabalik na siya sa dati niyang puwesto? Hello! Kasalanan ko ba kung magugulatin siya?
"Kilala mo pala ang team captain ng basketball team."
Muli akong napasulyap kay Kuya Oliver at bumungisngis sa kanya.
"I'm his number 1 fan, Kuya!" proud kong sabi. Natatawa na lang siyang napapailing sa akin.
Ilang sandali pa ay nawala na ang atensiyon ko kay Kuya Oliver at sa mga katabi ko. Game na game na akong nakikipagsigawan at kantiyawan sa mga kababaihan at mga kabaklaang nasa loob ng Gym habang kumukuha ng mga larawan. Aba, hindi ako patatalo sa palakasan ng sigaw, ano? Praktisado kaya ako sa tuwing... Nevermind na nga. Ayokong haluan ng drama ang game ni L-O-V-E Renz ngayon.
"Yehey!" masayang sigaw ko nang sa wakas ay tumunog ang buzzer. Oh, my gosh! Panalo ang team niya! Ang galing-galing niya talaga.
Gusto ko sanang lumapit para makipagsiksikan at i-congratulate siya pero isang mabigat na kamay ang pumigil sa balikat ko. Nang tignan ko kung sino ito ay nalaman ko si Kuya Oliver pala.
"Alam kong number one fan ka ni Renz Caballero pero I suggest na huwag kang makipagsiksikan sa dami ng fans niyang bumabati sa kanya ngayon. Baka madaganan ka lang nila." Tumango ako sa kanya dahil naiintindihan ko naman ang concern niya. Masyadong akong maliit at manipis pa ang katawan ko. Baka mabalya-balya lang ako ng mga nagkakagulong fans ng team ni Renz. Malungkot na lang akong napatingin sa kanya na gaya ng sabi ni Kuya Oliver ay pinagkakaguluhan na ng mga bumabati sa kanya.
"Tara na. 'Di ba sabi mo, freshman ka? Since mamayang after lunch pa naman ang klase ko, magmamagandang loob na akong ipasyal ka rito sa buong campus natin para hindi ka mawala.
"Talaga, Kuya? Thank you!" napangiwi siya sa itinawag ko sa kanya. Siguro ay kanina pa siya napapangiwi tuwing tinatawag ko siyang Kuya.
"'Wag mo na akong tawaging Kuya. Oliver na lang. Ano? Tara na?" Nakangiting tumango ako sa kanya ngunit bago ako sumunod sa paglalakad niya papalayo ay isa pa munang sulyap ang iginawad ko kay Lawrence Caballero.
...
"So, maganda naman 'yung university na pinanggalingan mo at ang alam ko ay may Fine Arts naman doon, bakit dito ka sa public university lumipat?"
Nangislap kaagad ang mga mata ko sa katanungang iyon ni Kuya Oliver. Hmm, kahit na sinabi niyang Oliver na lang ang itawag ko sa kanya ay gusto ko pa ring tawagin siyang Kuya Oliver. Dapat igalang ang matatanda. Turo iyon sa akin ina Mommy at Daddy.
Ibinaba ko ang hawak kong fruit juice. Naririto na kami sa canteen ng school at nagmemeryenda. Pampalipas na rin ng pagod at pagpapahinga dahil pagkatapos nito ay ihahatid na niya ako sa classroom ko para sa unang klase ko.
"Eh, 'di ba nga Kuya Oliver sabi ko sa'yo, wala roon iyong hinahanap ko? Nandito lang siya sa school na ito kaya heto ako ngayon."
"Siya? So si Lawrence Caballero talaga ang reason mo kaya ka nag-enrol sa school na ito?"
"The one and only! Hindi ba at graduating na siya kasi accelerated siya noong high school? So one year na lang siya mag-aaral. Mas mahirap siyang hanapin kapag hindi ko na alam kung saan siya hahanapin."
Napangisi ako. I know I sounded so smart with that statement.
"Oo nga naman. So, paano mo ba siya nakilala at bakit pati 'yung pagiging accelerated niya ay alam mo?" interesadong tanong niya bago kumagat nang malaki sa pizza na hawak niya.
"Ganito kasi iyon, Kuya Oliver," pinagsiklop ko pa ang mga kamay at tumingala para maaalala ang lahat ng detalye noong una kong masilayan si Renz. Hindi ko rin pinansin ang pagsimangot ni Kuya Oliver dahil sa muling pagtawag ko sa kanya ng "Kuya". Halata kaya iyon kahit na busy siya sa pagnguya ng pizza.
"Sumama ako para manuod sa Interschool Basketball Competition last year. Player kasi iyong pinsan ko sa university nila. Tapos, iyong university nila at itong university ninyo ang nagharap noong championship game na. Naaalala ko, mahigit 10 points ang lamang tapos last 5 minutes na. Sure na sure na ang lahat na iyong team ng pinsan ko ang mananalo. Pero alam mo, Hindi nagpatinag si Renz kahit na sigurado na ang lahat na matatalo ang team niya. Tatlong 3 points! Akalain mo 'yun?! Tatlong 3 points ang nagawa niya! Isang shoot na lang panalo na sila!"
"Alam ko, player din ako noon, eh. Ayos, ah? Si Renz natandaan mo pero ako hindi," pagsingit niya sa pagkukuwento ko pero kunwari ay hindi ko siya narinig kaya nagpatuloy ako.
"Tapos 8 seconds na lang! 8 seconds na lang at...!"
"Na-shoot niya iyong bola," bored niyang pagtatapos da sasabihin ko pa sana.
Naniningkit ang mga matang binalingan ko siya.
"Ako ang nagkukuwento kaya ako dapat ang tatapos," nagtitimpi kong sabi sa kanya. Parang gusto kong makita siyang naliligo sa fruit juice.
"Iyon din naman ang sasabihin mo, eh. Tinapos ko lang para sa'yo para hindi ka na mapagod," natatawang sagot niya.
Hindi ko na siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkukuwento ko.
"Tapos ginawa lahat ng pinsan ko at ang mga ka-team niya ang lahat para pigilan siya pero na-shoot pa rin niya iyong bola! Ang galing-galing niya! Alam mo iyon, sure nang talo kayo noon pero inilaban pa rin niya hanggang sa huli iyong team ninyo? He's so amazing! Kaya simula noon ay naging crush ko na siya! As in! Talagang naka-follow ako sa mga socmed accounts niya tapos araw-araw ko siyang pinapadalahan ng messages kahit na hindi niya pa rin nasi-seen hanggang ngayon iyong mga messages ko. Ewan ko lang kung siya ba talaga iying ginagamit ng mga sss Pages na iyon. Ah, basta! Ang galing niya na, ang guwapo-guwapo pa niya!"
Natatawang pinanunuod lang ako ni Kuya Oliver kahit na nangingisay na ako sa kilig sa kinauupuan ko.
Nagulat na lang ako nang tumitig siya sa likuran ko sabay sabing,
"Oh, narinig mo iyon, ha? Ang galing mo raw at ang guwapo-guwapo mo pa!"
Nagdikit ang mga kilay ko at pagkatapos ay nalaglag ang panga ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko kung saan nakatingin si Kuya Oliver.
And oh, my Gosh!
Nasa likuran ko si Lawrence Caballero at seryosong nakatingin sa pagmumukha ko!