Some months ago...
What has life to offer me when I grow old?
That's a popular line from a song that was usually sung during graduation day.
Maganda iyong kanta kaya kahit luma na, madalas ay kinakanta pa rin.
Pero ako? Hindi ako nagagandahan sa kantang iyan kasi unang linya pa lang niya ay sablay na sa akin.
What would life offer me if I will never grow old? I will never have the chance to accept what life would offer me anymore. I won't get to see my future self. I won't get to have my dreams and my ambitions years from now.
Why? It was because my life is nearing its end. Parang akong kandila na malapit nang malusaw. Battery na malapit nang maubos. Ice na malapit nang matunaw.
Pero kahit naman labing-walo na taon lang akong mabubuhay sa mundo, masasabi ko namang masaya ako. I have two loving parents who indulge me every time I ask for their love and attention. Nag-iisang anak lang kasi nila ako. Hindi ko pa man nahihingi o nahihiling, ibinibigay na nila. Sayang lang at hindi na pwedeng manganak si Mommy pagkatapos niya akong ipanganak. Eh, ‘di sana, may mga kapatid ako. Sana may mga naging kakampi, kalaro, kaaway o ‘di kaya ay kaagaw sa atensiyon at pagmamahal ng Mommy at Daddy ko. Kaya sigurado na labis silang malulungkot kapag nawala na ako.
Ewan ko ba kay Mr. Kapalaran. Sa dinami-dami ng masasamang tao sa mundo, ako pa ang napili niya para bigyan ng tumor sa utak. Hindi ba niya alam na nag-iisang anak lang ako? Hindi ba siya naaawa sa Mommy at Daddy ko?
Noong nalaman nga namin three months ago na may malubha akong sakit, iyak nang iyak si Mommy. Halos ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Tuwing sinusumpong ako ng sakit, halos maghapon siyang nagdarasal ng rosaryo. Ganon nila ako kamahal tapos kukunin na lang ako bigla-bigla? Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend, eh.
Hmm, siguro single din si Kapalaran kaya nandadamay siya. At ako pa talaga ang napili niya, ha? Sa pagkakaalam ko naman, wala akong malaking kasalanan sa Diyos. I grew up to be a kind, happy, and a responsible citizen of the world. Kahit na lahat ng pangangailangan ko at gusto ko ay nariyan lang sa paligid ko, hindi ako lumaking spoiled. Kahit na itanong n'yo pa sa Mommy at Daddy ko.
Hindi man ako kagandahan o hindi man ako ang pinakaseksing babae na makilala n'yo, at least mabait ako at isang mapagmahal na anak.
Sayang nga lang, isang taon na lang akong mabubuhay sa mundo kung hindi magiging successful ang operasyon ko. Sabi ng doktor, kinakailangan munang palakihin konti iyong tumor bago nila ito maalis sa utak ko. May tsansa raw akong mabuhay pa kung magiging tagumpay ang operasyon. Kung hindi naman, eh 'di, “Hello, San Pedro.”
Nakakalungkot, 'no? Pero ang good news naman, at least ay may isang taon pa akong isa-isahin ang mga nasa bucket list ko. At ngayong araw na ito ang umpisa ng nasa Top 1 ko.
Muli kong pinasadahan ang sarili ko sa harap ng salamin dito sa kuwarto ko.
"Hindi ka man ganda-artista o seksing pang-Miss Universe pa, at least sa mata ng mga magulang mo ay number one ka, Lyka!" pagkausap ko sa sarili ko habang ngiting-ngiti.
Umikot ako at isang ikot pa. Nang makontento na ay kinuha ko na ang backpack ko.
"Ugh! Pinabaon na yata lahat ni Mommy ang laman ng cabinet ko," pagrereklamo ko dahil sa bigat ng backpack ko.
Isinukbit ko rin ang pinakamamahal kong α6400 DSLR camera sa leeg ko na regalo ni Daddy sa akin noong mag-debut ako.
"Ikaw ang susi para mag-umpisa na ang maliligayang gabi ko kaya 'wag na 'wag mo akong bibiguin mamaya, ha? Kaligayahan ko ang nakasalalay sa'yo," pagkausap ko rito.
Ilang sandali pa ay pababa na ako sa first floor ng two storey na bahay namin.
Parehong may kaya ang pinagmulang pamilya ng parents ko kaya kilala rin sila sa larangan ng business. Nagtayo ng clothing line ang Dad ko na pangalan ko ang brand name. Halos sampung taon na silang kasal bago ako dumating sa buhay nila kaya naman ibinubos nila ang pagmamahal at atensiyon nila sa akin lalo pa at gaya ng sinabi ko kanina, hindi na pwedeng manganak si Mommy pagkatapos ko.
Nag-aral ako sa private schools simula elementary hanggang high school. Pero ngayong college na ako, pinili ko ang public university dahil sa isang tao na nasa Top 1 ng bucket list ko.
"Si Lawrence Caballero, ang aking si Renz!" kinikilig kong sambit. Muntik na akong madulas pababa sa hagdan kung hindi lang ako kaagad napakapit sa balustre nito. Mukhang hindi ako sa brain tumor mamamatay kundi sa kagagahan ko, ah? Buti na lang at walang nakakita kundi tiyak na matataranta na naman si Mommy. Kaya naman naging mas maingat na ako sa ginawa kong pagbaba sa hagdan.
"Wow, breakfast!" masigla kong sambit na nagpalingon kay Mommy na nakasuot pa ng apron. Malaki ang ngiti niyang lumingon sa akin ngunit nawala rin iyon nang makitang ready na akong pumasok sa bagong school ko.
"Halika na at kumain, Lyke. Kanina pa tapos ang dad mo. May tinatawagan lang siya sa labas."
Inalis na niya ang apron niya at saka ako tinulungang tanggalin muna sa pagkakasukbit sa likod ko ang back pack ko. Inalis ko na rin muna sa leeg ko ang DSLR. Baka kasi madumihan o mabasa habang kumakain ako. May pagka-clumsy pa naman ako.
Alam kong sinabayan na kanina ni Mommy si Dad pero sinabayan niya ulit akong kumain ngayon. Tapos na ako nang magsalita siya ulit.
"Anak, sigurado ka na ba talaga? Alam mo, pwede ko pa namang i-cancel iyong transfer mo. Tatanggapin ka pa rin sa St. Claire. Isang tawag ko lang at..."
Ngingiti-ngiting lumapit ako kay Mommy at yumakap sa kanya.
"Mom, sure na ako," malambing kong bulong sa kanya.
"'Di ba sabi ni Dr. Castro, I have to make the best of my days? Kaya ito, I am making the best of my days more starting today. 'Wag ka nang mag-alala sa akin, Mom. Naroon naman si Jenna, 'di ba? Sabi naman niya at ng Mommy niya na kung kailangan ko ng tulong, isang text lang siya."
"Pero, anak..."
"Mommy, kaya ko. Please, pabaunan mo na lang ako ng good luck, please?" Lalo akong yumakap sa kanya at isinubsob pa ang mukha ko sa may dibdib niya. Nang marinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga ay napangiti ako. Alam ko, panalo na ako sa usapang ito.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at humalik na sa kanyang pisngi.
"Basta mag-iingat ka, okay? Iyong mga gamot mo nasa bag mo na ba? Iyong extra shirt mo? Iyong tumbler mo?"
Ayan na. Sunod-sunod na ang bilin niya na tila mas natataranta pa siya kesa sa akin.
"Mommy, relax. Nandito na po lahat. Syempre, lahat ng baon ko at ipinahanda ko na po kay Yaya kagabi pa. And opo, susundin ko po lahat ng bilin mo, Mommy. Ayoko rin namang paglamayan n'yo na lang ako bigla."
"Lyke! I rebuke in Jesus name!" Napuno ng takot ang mukha ni Mommy kaya agad naman akong nakonsensiya.
"Mommy, joke lang! Joke lang po!" Yumakap ulit ako sa kanya at lalong nakonsensiya nang mahigpit niyang sinagot ang yakap ko sa kanya. Hindi ko man nakikita, alam kong nanginginig siya sa takot at pangamba.
"Don't ever, ever joke about your life like that again, Lyka," puno ng pagsusumamong pakiusap niya.
Humiwalay ako sa kanya at seryosong tumitig sa kanyang mga mata.
"Of course, Mommy. I'm sorry, it won't happen again. I promise."
Instead of answering me, she pulled me again for a tight hug.
Only Dad's voice let her go of me.
"Ohh, anong nangyayari rito at nagyayakapan ang mag-ina ko?"
"Dad!" masayang tawag ko. Tumatawang nakipagyakapan siya sa amin ni Mommy.
"Hmm, itong mag-ina ko, naglalambingan na naman at hindi ako isinasali," kunwari ay nagtatampomg sabi niya pero todong nakayakap naman.
"Si Mommy kasi, Dad. Ayan, nag-aalala na naman. Para namang hindi na ako uuwi mamaya," pagsakay ko sa magtatampo ni Daddy.
"Lyke, please!" nahihintakutang sambit ni Mommy sa makahulugang salita na sinabi ko.
"Lyke, 'wag mo namang pagnerbiyusin ang Mommy mo, anak," kunwari ay sita sa akin ni Daddy.
"Mom, imposibleng hindi ako uuwi mamaya. 'Di ba, ipagluluto mo ako ng chicken inasal mamayang gabi? 'Di ba alam mong paborito ko iyon?"
"Nako, at iyon lang pala ang dahilan para umuwi ka." Nagtatampo-tampuhan na rin si Mommy.
"Syempre naman, Mom! The best ka sa pagluluto, eh!"
"At sa lahat ng namana mo sa akin, iyon ang hindi mo namana." Nakapamaywang na sabi niya. Nag-peace sign naman ako sa kanya.
"'Di bale nang hindi masarap magluto..." Tumingin ako kay Dad at sumenyas sa kanya.
"Masarap namang kumain!" sabay na sabay naming sambit dahilan para magtawanan kami at nakitawa na rin si Mommy.
"I love you, Lyke," maluha-luhang sambit ni Mommy na nagpatahimik sa amin ni Dad.
Muli akong naglakad papalapit sa kanya at saka yumakap. Naramdaman ko ang pagsunod ni Dad at ang pagkulong niya sa amin ni Mommy sa yakap niya.
"I love you both," mahinang saad niya.
"And I love you, too. You're the best parents there is. I wouldn't ask for more," pilit kong pagpapasigla sa boses ko.
Pigil na pigil ko ang mapaluha unlike Mommy... and Dad. Alam ko na kahit anong pagtatago niya ay tahimik din siyang lumuluha. He wants Mommy to see that he is strong for us, his family, no matter what circumstances we are in right now. And that's how I want it to be - for my parents to be strong dahil sa kanila rin ako humuhugot ng lakas.
"Oh, tara na bago pa bumaba ng luha rito sa dining room," yaya sa akin ni Dad. Siya na ang nagbuhat ng back pack ko samantalang inabot ko naman ang DSLR ko. I smiled at him then looked at mom.
"Bye, Mom,” pagpapaalam ko sa kanya. Siya na ang lumapit sa akin at humalik sa ulo ko.
"Be safe, Lyke."
"I will, Mom."
Sumunod na ako kay Dad palabas sa dining room. Nakasunod din sa amin si Mom. Hindi ko na siya pinigilan sa gagawin niyang paghahatid sa amin.
Kumaway pa ako sa kanya nang paandar na ang kotse kung saan kami lulan ni Dad at ipagda-drive ng aming loyal driver na si Manong Lito.
"Ang ganda ng baby ko ngayon, ha? Sinigurado mo talaga na mapapansin ka ng crush mo, ano?" pangangantiyaw sa akin ni Dad. Napahagikgik ako sa kanya.
"Oo man, Dad. I'll make sure na mapapansin talaga ako ng man of my dreams na si Renz. Wish me luck!"
"Good luck, anak! You're a lucky charm. Napakasuwerte ng lalaking iyon at magiging lucky charm ka niya."
"Talaga!" sang-ayon ko kay Dad kaya nagkatawanan kami. Tuluyan na ring nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa eksena namin nina Mommy kanina.
Halos kalahating oras pa ang nagdaan at papasok na kami sa gate ng university. Maraming estudyante ang napapatingin sa sasakyan namin ngunit hindi sa kanila nakatuon ang pansin ko kundi sa malaking gym ng university dahil alam kong naroon ang taong hahanapin ko.
"Bye, anak. Mag-iingat ka," bilin ni Dad nang lumingon ako sa kanya para magpaalam na.
"Bye, Dad. I will po." Isang halik ang iginawad ko sa kanya bago ako bumaba sa sasakyan. Kumaway din ako sa sasakyan namin na papaalis bago ako humarap at iginala ang aking paningin sa bagong mundo na aking papasukin.
Isang bulong ang ginawa ko bago ako naglakad papunta sa gym.
"Welcome to Don Sebastian Antonio State University, Ma. Lyka Samonte!"