Chapter 3

1908 Words
Oh, my God. Oh, my God! At isa pang oh, my God! Lawrence 'Renz' Caballero in the flesh! Oh, God! Ang tangkad niya! Ang pogi niya! At ang mga muscles niya! Ang tangos ng ilong niya! And his red, manly lips. God, bakit napaka-perfect naman niya? "Oh, Lyke! Ayan na iyong idol na idol mo, oh? Nasa harapan mo na. Bakit kaya hindi ka makipag-picture sa kanya para may remembrance ka?" Hindi ko alam kung nanunukso o nangungutya si Kuya Oliver, pero magandang idea 'yun, ah? "H--hi, can I... Can I take a picture with you, please?" Kulang na lang na pati ang dila ko ay manginig sa kilig at kilabot na dala ng presensiya ni Lawrence sa harapan ko. Okay lang na hindi siya naka-smile sa picture naming dalawa. Sanay naman akong makita ang mga pictures niyang walang kangiti-ngiti. Pero kung ngingiti siya, aba, he will make me the happiest girl in the world right now! Sana pumayag siya. Sana pumayag siya. Sana, Lord, pumayag siya. "Hindi ba at ikaw iyong picture nang picture sa amin kanina during the game?" "H--ha?!" wala sa loob na tanong ko. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang isasagot niya sa request kong makapag-picture kaming dalawa. "Hindi mo ba alam na nakasisilaw iyong mga flash ng camera mo? Nakakasira ng mga mata," paninita niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hindi man siya sumisigaw pero may kalakasan ang boses niya dahilan para mapatingin sa amin ang mga nakaupo sa mga mesang malapit sa amin. "S--sorry," maamo kong paghingi ng paumanhin nang mapagtanto kong tama nga naman siya. Gusto ko tuloy na batukan ang sarili ko. Dala ng sobrang excitement ay hindi ko na naisip ang bagay na iyon. Nakakasilaw nga naman talaga ang pag-flash ng camera sa harapan ng sino man. "Next time, isipin mo naman iyong epekto sa iba ng ginagawa mo bago mo gawin. Para lang makuha iyong mga gusto mo ay hindi mo na iniisip ang epekto ng ginagawa mo." Iyon na ang huli niyang sinabi bago niya ako tinalikuran at naglakad na siya palayo. "Papansin kasi! Buti nga sa kanya!" Napalingon ako sa nagsalitang iyon ngunit imbes na humingi ng paumanhin dahil sa sinabi niya na narinig ko ay nilabian niya pa ako. Para akong nasusunog sa kinatatayuan ko sa mga oras na iyon dahil sa mga matatalim na tingin na ibinabato ng mga estudyante sa akin. "Okay ka lang? Upo ka muna," bulong sa akin ni Kuya Oliver habang inaalalayan akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa para magpanggap na okay lang ako. Pumikit ako nang mariin at ilang beses na huminga nang malalim. "Lyke?" nakikiramdam na tawag sa akin ni Kuya Oliver. Napilitan tuloy akong magmulat ng mga mata at tumingin sa kanya. "You okay?" Pinuwersa ko ang mga labi ko na ngumiti sa kanya. "Oo, Kuya. O--okay lang ako. Ma--masungit pala siya," pagbibiro ko. Hanggang ngayon ay nauutal pa rin ako dahil sa kahihiyang dinanas ko kanina. "Masungit talaga iyon. Akala niya ay kalaban ang lahat ng nasa paligid niya pero balewala lang iyon sa mga fans niya. The more na nagsusungit siya, the more naman na dumarami ang fans niya." "Ganon ba?" malungkot kong tanong. "Oo. Oh, ngayon na nakilala mo na siya at nalamang masungit siya, hindi mo na ba siya idol? Hindi mo na ba siya crush?" Nag-init muli ang magkabilang mga pisngi ko ngunit sa pagkakataong iyon ay iba na ang dahilan. "Syempre, gusto ko pa rin siya." Mahina lang ang pagkakasabi ko ngunit sapat na iyon para marinig ni Kuya Oliver. "Tsk! Sabi ko na nga ba," nangingiti namang saad niya. "At least, alam ko na ang gagawin ko next time na kukuhanan ko siya ng picture. Aalisin ko na iyong flash ng camera ko," nakangiti ko nang sabi sa kanya para tuluyang mapagtakpan ang kahihiyan na dinanas ko kanina. "Wow, ha? Bilis namang magbago ng mood mo. Kanina parang hinog na kamatis na iyong mukha mo sa pamamahiya niya sa'yo tapos ngayon, kinikilig ka na naman," pangangantiyaw niya sa akin. "Eh, syempre ulit. Once my crush, always my crush. At kahit na masungit siya, crush ko pa rin siya," pag-amin ko sa kanya. "Iba talaga ang charms naming mga Caballero." Bigla akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. "Caballero? Caballero ka rin?!" namamangha kong tanong. "Even better, kapatid ko si crush mo," nakangisi niyang pag-amin. "Kapatid ka niya?!" napalakas kong tanong dahilan para magbulungan na naman ang mga nasa katabing mesa namin at tapunan ako ng matatalim na tingin. "I am his one and only Kuya. Pero magkaiba kami ng nanay. Umm, anak siya sa..." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang sinasabi niya. "...Sa labas ng tatay namin so we share the same last name at nakatira pa kami sa iisang bahay. Noong namatay ang Mama niya five years ago ay sa amin na siya tumira," pagkukuwento ni Kuya Oliver. "Oh!" bulalas ko. Nalungkot naman ako sa nalaman kong family background ni Renz. Kaya pala wala akong ma-search about family background niya ay dahil ayaw niyang ipaalam sa mga fans niya ang sitwasyon niya at ng pamilya niya. Siguro kaya siya masungit ay dahil din doon. Siguro ay iniisip niyang huhusgahan na siya kapag nalaman ng fans niya na anak siya sa labas ng daddy niya. Sa akin, okay lang naman iyon. Hindi naman niya kasalanan ang naging choices ng Mommy niya noong nabubuhay pa ito. Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng mga magulang niya. "'Wag kang mag-alala. Maayos ang trato namin sa kanya sa bahay kahit na ang Mama ko. She treats him well kahit na anak siya ni Dad sa naging babae nito." I was relieved because of what he said. At least, maayos naman pala ang trato sa kanya ng totoong pamilya ng tatay niya. "Oh, paano? Tara na? Ihahatid na kita sa classroom mo. Samantalahin mo na ang kabaitan ko, ha?" pagbibiro niya sa akin sabay tayo. Inabot niya ang bag ko at siya na ang bumuhat dito. "Whoa! Ang payat mo pero napakabigat ng bag mo. Ano ba ang laman nito? Washing machine o refrigerator?" "Marami po akong dala na baon para hindi ako magutom!" natatawa kong sagot habang sumasabay sa paglalakad niya palabas ng canteen. "Hmm, you're a very interesting girl, Lyke." Lumabi ako sa kanya sabay sagot, "Sinabi mo pa, Kuya!" "Kuya ka dyan!" Siya naman ang lumabi sa akin. "Bagay nga iyong pagtawag ko ng Kuya sa'yo, eh." "At bakit naman po bagay?" "Kasi magiging Kuya talaga kita in the future!" Natawa siya nang malakas dahil sa sinabi ko. "Spell ASA." "Tse." ... "How's your day, anak?" tanong ni Mommy nang nasa harapan na kami ng hapag para sa aming hapunan. "It was fun, Mom. Marami akong nakilalang new friends. Tapos alam n'yo po, may Kuya na ako sa school," pagmamalaki ko sa kanila ni Dad. "Really? That's great. At sino naman iyang Kuya na 'yan, ha, Lyke?" Dad asked with that teasing smile of his. "Si Kuya Oliver Caballero. Older brother siya ni Renz, Dad." Nagpatingin si Dad kay Mommy bago muling bumaling ang mga nanunuksong mata niya sa akin. "Tignan mo nga naman ang diskarte ng Unica hija natin, Mommy. Aba, smart kid. Unang nililigawan ang kapatid bago iyong crush niya para may tulay na agad siya. Manang-mana ka sa diskarte ng Daddy, anak." "Talaga, Dad? Ganon din ba ang ginawa mo bago mo niligawan si Mom? Niligawan mo muna si Tito Nicolo bago siya?" "Eww, no!" Natawa ako sa pag-eww ni Dad gayon din si Mommy. "Anak, mula noon hanggang sa bago ka ipinanganak, mortal enemies ang dad at Tito Nicolo mo. Saka lang sila nagkasundo noong kinuha ng Dad mo na ninong mo iyong Kuya ko," nakangiting pagkukuwento ni Mommy. "Really, Dad? Eh, sino iyong niligawan mo para maging tulay mo bago mo niligawan si Mommy?" "Anak, sabihin na lang natin na mas madiskarte ako ng isang paligo sa'yo. Syempre, dumiretso ako sa Lolo mo. Ayun, pagkatapos ng isang taon na panliligaw ko sa kanya ay pinayagan na rin niya akong umakyat ng ligaw sa Mommy mo. Iyon nga lang, hindi naging madali ang lahat dahil sa Tito Nicolo mo. May gusto kasi siyang iba na mapangasawa ng Mommy mo. Pero syempre ulit, hindi nagpapatalo ang mga Samonte kaya naging Mrs. Samonte ang Mommy mo. Kaya anak, kung gusto mo talagang mapalapit dyan sa crush mong si Renz Kabayo..." "Caballero, Dad!" pag-angal ko sa kanya. "Sounds the same," pambabalewala niya sa reklamo ko. Sinimangutan ko tuloy siya. "As I was saying, kung gusto mo talagang mapalapit sa Renz na iyan, kahit maraming kontra at maraming kalaban o kaya siya mismo ang umayaw, laban lang. Samonte ka, anak. Walang inaatrasang laban ang mga Samonte. Tignan mo ang Mommy mo. Noon, aayaw-ayaw pero noong masarapan na siya, gustung-gusto na niya." "Raphael!" "Dad!" Sabay naming naeeskandalo sigaw ni Mommy. "Andudumi ng utak n'yo. Ang ibig kong sabihin ay nasarapan bilang Mrs. Samonte." Natawa na lang kaming mag-ina sa kalokohan ni Daddy. ... Isa-isa kong tinitignan ang mga larawan ni Renz na kinuha ko sa araw na ito. Ilang beses akong napabuntong-hininga habang tinitignan ang bawat anggulo niya sa mga larawan. Kahit hindi siya nakangiti, kahit na mukha siyang masungit at suplado, napakaguwapo pa rin talaga niya. "Paano na lang kaya kapag nakangiti ka na, Renz?" tanong ko sa larawan niyang nakatingin rin sa akin. Ito iyong kuha ko sa kanya kanina sa gym habang naglalaro sila at na-timing na lumingon siya sa akin. "Pasayahin mo naman ako kahit paminsan-minsan lang. Ngitian mo naman ako bukas, oh? Sige na. Isang smile lang ay sapat na sapat na, my dear Renz." Alam kong para na akong sira sa ginagawa kong pagkausap sa kanya sa pamamagitan ng katawan niya ngunit wala akong paki. Wala namang nakakakita o nakaririnig sa mga pinagsasabi ko kaya bakit ako matakot? "Good night, my Renz," huling paalam ko sa kanya bago ako nag-close ng mga tabs at tuluyang ini-off ang laptop ko. Naglalakad na ako papunta sa kama ko nang bigla akong mapauklo sabay kapit ng mga kamay ko sa ulo ko. Hindi ko namalayang nasa sahig na pala ako ng aking silid at namamaluktot sa sakit habang sabunot ko ang mga buhok ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong humiyaw sa sakit. Tila mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Pero kahit gustung-gusto ko na, ayokong isigaw ang sakit na nararamdaman ako. Ayokong nerbiyusin ang mga magulang ko. Ayokong takutin na naman sila.  Ayokong makitang umiiyak na naman sina Mommy at Daddy sa sobrang pag-aalala habang nakikita ang paghihirap ko. Gustung-gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa sahig nang paulit-ulit para kahit papano ay maibsan ang sakit ngunit hindi ko iyon ginawa. "Lord, tama na. Tama na, please! Parang-awa Mo na po, tama na! Tama na po!" Umiiyak na ako sa pagmamakaawa habang naghihirap dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Halos mangisay na ako nang lalo pang humilab sa kirot ang ulo ko na pakiramdam ko ay sasabog na iyon anumang oras. "Ayoko na! Ayoko na po! Pero gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pa pong mabuhay!" Isipin mo siya, Lyke. Oo, isipin mo siya. Isipin mong nginingitian ka na niya. Isipin mong yayakapin ka na niya at hahalikan. Isipin mo siya, bilis. "Renz...!" Sambit ko sa pangalan ng taong nasa isipan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD