bc

Falling In Love with My Stalker

book_age12+
1.5K
FOLLOW
9.1K
READ
second chance
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Isa na lang naman ang kahilingan ko bago ako mawala. Iyon ay ang makasama ka bago ako manatili sa mga tala.

- Lyka

Kaunting panahon na lang ang natitira kay Lyka Samonte at gusto niyang bago siya tuluyang mawala ay maramdaman naman niyang mahal na siya ng taong mahal niya na si Lawrence Concepcion. Natupad naman iyon ngunit hindi niya inakalang higit pa sa inaasahan niyang pagmamahal ang ibibigay nito sa kanya. Hindi niya inakala na sa kagustuhan niyang maramdaman ang pagmamahal nito ay ibayong sakit pala ang kapalit nito dahil sa huling pagsubok na haharapin niya.

She has become his life and his worst nightmare.

Cover credits to: Joni Malzarte

chap-preview
Free preview
Prologue
"Please, Renz. Let me go." Pilit kong kinakalas ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Habang ginagawa ko iyon ay kung saan-saan ko ibinabaling ang mga mata ko. Kahit gusto ko siyang titigan upang baunin ang alaala ng mukha niya sa pag-alis ko, natatakot naman akong makita ang mukha niyang puno ng sakit, kalungkutan, at pagdurusa. Kung ang ibang babae ay ikatutuwa na makitang umiiyak ang isang lalaking tulad ni Renz dahil sa kanila, ako ay pinagdurusahan iyon. Ayokong makita siyang umiiyak. Ayoko na makita siyang nasasaktan. Lalong ayoko na makita siyang nagdurusa ng dahil sa akin. Kung pwede lang na ibalik ang panahon, kung pwede lang baguhin ang mga desisyon, at kung pwede lang na ibahin ang mga sitwasyon, magmamakaawa ako sa Diyos na gawin iyon. Pero matagal na... Matagal ko nang tanggap na ito na ang kapalaran ko. Ang gusto ko lang naman ay sumaya kahit sa mga huling sandali dahil walang makakapagsabi kung sa makalawa ay buhay pa ako o... "No! Ayoko, Lyke! Please, please! No, baby, no!" The desperation in his voice tore my heart. Lalong nanakit ang lalamunan ko at nanhapdi ang mga mata ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na ayoko ring maghiwalay kami. Gusto kong malaman niya na kung pwede lang ay hindi na ako aalis pa sa tabi niya. Pero, hindi ko kaya dahil alam ko sooner or later ay mas lalo siyang masasaktan at magdurusa. Mas lalo siyang iiyak at madudurog. Mas lalo siyang... masisira. "I'm sorry. I'm so sorry. Kung alam ko lang na mamahalin mo ako nang ganito katindi, sana... sana hindi na ako nagpakilala sa'yo o kahit ang nagpakita man lang sa'yo." "Lyke, 'wag mong sabihin 'yan. You're the best thing that ever happened to me, baby." "And I'm the worst, Lawrence. Tignan mo ang ginagawa ko sa'yo. Sinasaktan kita. Pinapaiyak kita. Nagdurusa ka ng dahil sa akin." "Mas magdurusa ako kapag nawala ka!" he screamed that shocked the both of us. He fell on his knees and cried, begging me not to do this to him. Nagmamakaawa siyang 'wag ko siyang iwan. Pero paano? Paano ko sasabihin sa kanya ang mapait na katotohanan na bukas o sa makalawa ay maaaring patay na ako? Paaasahin ko ba siya para lang mabigo? Hindi ba at mas masakit iyon? Tumayo ako at pinunasan ang mukha kong basang-basa sa luha. Tumingin ako sa bulto niyang nakaluhod pa rin sa damuhan at yumugyog ang magkabilang balikat dahil sa tahimik na pag-iyak. If I only knew that I will bring him this kind of pain, sorrow, and misery, I wished I didn't wish to be happy. Sana hinintay ko na lang ang araw na matatalo ako sa laban na ilang taon ko na ring pinagdurusahan. Sana ay hindi ko na lang siya idinamay sa kamiserablihan ng buhay ko. Sana... Napakaraming sana. Magsisi man ako ay huli na. Ang pinakaimportante ngayon ay ang iligtas siya sa mas lalo pang sakit, pagkabigo, at pagdurusa. Kapag iniwan ko siyang nasasaktan, siguro ay mas mabilis niya rin akong makakalimutan. "I have to go, Renz and I won't say that I will see you again. Have a better life with someone else. Iyong hindi ka na sasaktan at iiwan gaya ng ginawa ko at gagawin ko. I'm so sorry again and good bye." Nagsimula na akong maglakad papalayo. Nakailang hakbang pa lang ako ngunit pakiramdam ko ay napupunit na ang dibdib ko dahil sa hapding nararamdaman ko roon. Hindi ko napigilan ang magkakasunod na pagtulo ng mga luha ko. I immediately placed my hand above my mouth to suppress the cry that's screaming to get out. "How could I have a better life if you're my life, Lyke?" Nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ko ang katanungan niyang iyon. Saglit akong napatigil sa paglalakad upang mag-ipon ng lakas. I did not dare to look back at him. Natatakot ako. Natatakot akong bumigay para pagbigyan ang puso ko dahil ang tanging ibinubulong nito ay bumalik ako kay Renz upang muling damhin ang init ng yakap nito. I can't go back. I can't retrace my steps. I can't hurt him more than I've already done. Isang hakbang ang ginawa ko kahit gusto nang bumigay ng tuhod ko. Nagpakatatag ako hanggang ang isa ay naging dalawa, at ilang saglit pa ay naging tatlo, apat, at lima. Hindi ako lumingon. Nagbingi-bingihan ako sa ilang ulit niyang pagtawag sa pangalan ko. "Lyke." Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Dad. Hearing his voice made me ran towards him. Tila biglang nagkaroon ng lakas ang mga tuhod ko. "Daddy!" I sobbed hard as he hugged me tight. Inilabas ko ang sakit na kanina ko pa pinipigilang umalpas. Maging ako ay naaawa sa sarili ko nang marinig ko ang kaawa-awa kong pag-iyak. "I'm sorry! I'm so sorry for hurting him! I didn't mean to, Dad. But I had no choice! I had no choice!" I desperately clutched my father's arms trying to find strength. "I know, anak. We all know," garalgal na sagot ni Dad sa akin. I was hurting even my dad because of what I did. God, why did You let me suffer like this? Why do I have to hurt the people who love me and I loved the most? Hindi ko napigilang itingala ang luhaan kong mga mata sa langit upang maghanap ng mga kasagutan doon. Ngunit wala. Wala akong nahintay na anumang kasagutan. "Let's go, Lyke. Your Mom's waiting for us," yaya ni Dad sa akin nang sa wakas ay kumalma na ako. Matagal-tagal din ang ginawa kong pag-iyak kaya pakiramdam ko ay magang-maga na ang buong mukha ko. I nodded at him and he assisted me in going inside our car. "Lyke." Dad called out after some minutes. Magkatabi kami sa likod at si Manong Lito ang nag-drive ngayon. Maybe Dad already knew that I will be needing him after meeting with Renz na siya namang nangyari. "Dad?" paos na ang boses kong sagot sa kanya dahil sa kaiiyak ko kagabi pa. "You've made the right decision, anak. You did it for his own good. Letting go of someone is the best decision we could make so that the people we love would not suffer anymore." Saglit akong natahimik ako sa sinabi niyang iyon. "Would you also make that decision for me soon?" mahinang-mahina kong tanong and I saw my father cry even more. Hindi na ako nakapagpigil pa. Mabilis akong lumapit at yumakap sa kanya. And unlike before that my dad used to hide from us whenever he cries, at this moment he cried like a baby in my arms. When he finally calmed down, he caressed my face like he could break me if he does it harder. "If it's to end your suffering, anak, then we will." Napayakap ako sa kanyang muli dahil sa sinabi niyang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook