Sa sahig na ako nagising kinabukasan. At tila isang himala dahil wala na akong naramdamang sakit sa ulo ko. Malungkot akong bumangon at naupo muna sa kinalalagyan ko.
Hanggang kailan kaya ako ganito? Hanggang kailan ko kaya daranasin ang paghihirap ko? Dapat ko bang ipagpasalamat na nagising pa ako kung alam kong muli kong pagdaraanan ang yugtong iyon sa buhay ko anumang sandali mula ngayon? Ni hindi ko alam kung kailan ulit aatake sa pagsakit ang ulo ko.
Lyke, just be thankful you're still alive. Makakasama mo pa ang parents mo. Makakapasok ka pa sa school. Makikita mo pa si Renz.
My guardian angel whispered at my ear. I sighed. Yeah, I must be really thankful that I am still alive. That means I still have time to enjoy breathing, to enjoy being spoiled by my parents, and to experience being with the people I've chosen to be with for my remaining time.
Nang tumunog ang alarm clock ko ay tuluyan na akong bumangon. Kahit nanghihina pa ang loob ko dahil sa pag-atake ng sakit ko kagabi ay pinilit ko na ang kumilos.
Pinatay ko na ang alarm clock at saka ako kumuha ng tuwalya. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. And after 45 minutes, pababa na ako sa hagdan namin.
"Good morning, Mom!" pilit ang siglang bati ko kay Mommy na abala sa paghahanda ng breakfast namin ngayong umaga. Kaagad akong pumunta sa tabi niya para humalik at yumakap sa kanya.
"Good morning, anak," sagot niya sa pagbati ko pagkatapos niyang tanggapin ang halik ko sa pisngi niya.
Bumitaw ako sa kanya at saka sumunod na yumakap kay Dad na nakangiting pinapanuod kami.
"And good morning, too to my handsome Dad." Yumakap ako mula sa likuran niya at humalik sa pisngi niya.
"Good morning to my ever beautiful princess!" masaya niyang bati pabalik sa akin.
Umupo na ako sa tabi niya at hinayaan sila ni Mommy na lagyan ng mga pagkain ang plato ko.
"Oh, ubusin mo lahat ng iyan para may lakas ka sa school mamaya, Lyke," bilin ni Mommy bago siya umupo sa isang side ni Daddy.
"Mom, andami n'yo pong inilagay sa plate ko. Paano ko ito mauubos lahat?" pagrereklamo ko.
"Basta, ubusin mo iyan, Lyke. Hindi ka tatayo dyan hanggang hindi mo nauubos ang mga iyan," hindi mababaling sabi ni Mommy.
"Narinig mo ang Mommy mo, anak. Ubusin mo iyan. Punung-puno iyan ng sustansiya at ng tender loving care ng Mommy mo," kunwari ay pagkampi ni Daddy kay Mom ngunit kapag hindi naman nakatingin si Mommy sa amin ay tinatanggap naman niya nang walang angal ang mga inililipat kong pagkain sa plato niya.
"Inspired na inspired ang baby ko na pumasok ngayon, ha? Iba talaga kapag may crush sa school, ano? Sumisipag na pumasok ang mga estudyante," panunukso ni Daddy sa akin.
"Dad, naman. Ever since naman ay masipag na akong mag-aral, 'di ba, Mommy?"
"Lyke, ha? Okay lang sa akin iyang crush-crush na iyan. Pero huwag na huwag kong malalaman na ikaw ang manliligaw sa lalaking iyon."
"Mom, pwede nang manligaw ang mga babae ngayon," pagbibiro ko sa kanya.
"No! Dalagang Pilipina ka pa rin dapat, Ma. Lyka. Hindi ikaw ang dapat na manligaw sa lalaki kahit na gaano mo pa siya kagusto. At hindi porke crush mo ay basta-basta mo na lang siyang sasagutin kung sakali na manligaw na siya sa'yo. Alam mo iyang mga lalaki, kapag nalaman na crush sila ng mga babae ay basta na lang nilang nililigawan kahit na hindi nila initially gusto ang mga babaeng may gusto sa kanila. Ayokong ma-broken hearted ka, anak."
"Mom, masyado ka namang advance. Tsaka, kung sakaling liligawan ako ni Renz ay sasagutin ko naman siya agad-agad. Hindi na ako magpapakipot pa. Hindi na uso ang pakipot ngayon, Mom."
"Lyke!"
Natawa ako nang tuluyan dahil sa pagkainis niya.
"Don't worry, Mom. I was just joking po. Malabo namang mangyari iyon kasi kahit malaman niyang crush ko siya, I bet hindi niya rin ako liligawan sa dami ng mas magaganda kesa sa akin na may gusto rin sa kanya."
"Anak, are you saying that you're not beautiful? That's a lie! An absolute lie! You are the most beautiful student sa school ninyo!"
Napabaling ako kay Dad.
"Of course, ako ang pinaka-beautiful sa'yo kasi anak mo ako, eh," nakalabi kong sabi sa kanya.
"Of course not!" mariin niyang pagtanggi.
"You are beautiful in your own way, Lyke. And every man could see that, too," dagdag pa niya.
"But not Renz, Dad."
"Susuko ka na lang ba basta, anak?" panunubok niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha niya sa tuwa.
"Hindi ako susuko dahil Samonte ako! Kahit na hindi niya ako ligawan later on, okay lang. Tsaka makita ko lang naman siya ay masaya na ako, Dad. I think that's already more than enough."
"That's my girl!" proud na sabi sa akin ni Dad.
Napapailing na lang sa amin si Mommy dahil sa takbo ng usapan naming mag-ama.
...
"Bye, dad!" Kumaway ako kay Daddy at pagkatapos ay pinanuod ko muna ang pag-alis ng sasakyan niya bago ako naglakad papunta sa direksiyon ng building para sa kurso ko.
"Hey, Miss Beautiful!"
Napangiti ako nang maluwang nang makita ko si Kuya Oliver na basta na lang sumulpot sa tabi ko.
"Good morning, Kuya Oliver," masigla kong pagbati sa kanya. Natawa ako nang mapasimangot siya.
"Ayan ka na naman sa kaku-kuya mo," naiinis na turan niya. Lalo tuloy akong natawa sa kanya.
"Bakit ba, eh magiging Kuya naman kita in the future kaya huwag ka nang umangal, Kuya Oliver." Ipinagdiinan ko pa ang Kuya na tawag ko sa kanya.
"Hmm, bahala ka na nga. Anyway, hindi ka ba daraan muna sa Gym? May practice game ulit ang crush mo."
Namilog ang mga mata ko sa ibinalita niya.
"Talaga?! Tara, Kuya. Samahan mo ako!" excited kong pagyayaya sa kanya.
"'Di ba alas otso ang unang klase mo? 7:30 na." Napasimangot ako sa sinabi niyang iyon.
"Ikaw ang nagbalita tapos ngayon sasabihin mong baka ma-late ako kapag nanuod ako. Tsaka sisilip lang naman ako, Kuya. Kukuha ng ilang pictures tapos papasok na ako. And since sasamahan mo ako, eh 'di may magre-remind sa akin ng time."
"Aba, at gagawin mo pa talaga akong alarm clock mo."
Nagulat siya nang kumapit ako sa isang braso niya.
"Sige na, Kuya. Samahan mo na ako. Promise, sandali lang talaga. Kukuha lang ako ng ilang pictures niya at pandagdag sigla na rin ang makita ko siya para sa maghapong klase ko today," paglalambing ko sa kanya. Nag-puppy eyes pa ako para mas lalong effective ang paglalambing ko sa kanya.
"Haaay, okay, fine! Pero dapat mamayang lunch, ililibre mo ako," pakikipag-deal niya.
"Wala kang money?" natatawa kong tanong.
"Of course meron pero sabi nga nila, mas masarap kapag libre. Kung ayaw mo naman..."
Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya. Agad ko namang ibinalik iyon at mas lalo pang kumapit sa kanya.
"Gusto ko! Wala akong sinasabi na ayaw ko, ha? Ano? Tara na?"
"Adik!" bubulong-bulong niyang sabi pero nagpahila rin naman sa akin.
Nasa kalagitnaan na ang game nang makarating kami sa Gym. Pumuwesto kami sa bandang taas ng bleachers para makita namin ang lao nang malinaw. Tiniyak ko munang naka-off ang flash ng camera ko bago ako nagsimulang kumuha ng mga larawan ni Renz.
My gosh! Mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko ngayong pawisan siya at masyadong concentrated sa laro nila.
Nang walang anu-ano'y bigla na lang namatay ang DSLR ko.
"My gosh, lowbat!" naiinis kong sabi. Natawa naman si Kuya Oliver sa akin.
"Pakikuwintas muna, Kuya. Kukunin ko lang iyong phone ko."
Inabot ko sa kanya ang camera at saka ko ibinaba ang backpack ko para mangalkal sa loob nito.
"Yay!" tuwa kong sambit nang mahawakan ko na ang phone ko. Ngunit kaagad akong madismaya nang maging ito ay lowbat din.
Nakita naman iyon ni Kuya Oliver na lalo niyang ikinatawa.
"Magdadala ka ng pagkarami-raming gadgets puro lowbat naman. Ano ba ang ginawa mo kagabi at hindi ka nag-charge ng mga gadgets mo?" natatawa pa rin niyang tanong.
Nalungkot naman ako. Dahil sa pag-atake ng sakit ng ulo ko kagabi, hindi ko tuloy naasikasong i-charge ang mga gadgets ko.
"M-maaga kasi akong nakatulog," malungkot kong sagot sa tanong niya. Natigilan naman siya at napatitig sa akin.
"Akina iyong phone mo at icha-charge ko na lang. May charger sa opisina ng student council. Tamang-tama na full charge na siya kapag nagkita na tayo mamayang lunch."
Wala na akong nagawa nang kinuha niya iyong phone ko mula sa akin at inilagay na sa bulsa niya.
"Hindi ba nakakahiya, Kuya, kung sa office pa ng student council mo icha-charge iyong phone ko?"
"Bakit ka naman mahihiya? Wala kang dapat ipag-alala, sa sariling office ko naman ito icha-charge."
"Teka, sa office mo?" taka kong tanong.
"Yup, I'm the student council president!" Iniliyad pa niya ang dibdib niya pagkatapos ng pagmamalaking pagsasabi niya ng katungkulan niya sa university namin.
"Wow! Big time ka pala rito sa university, Kuya!" humahangang sabi ko sa kanya.
Kaya pala parang naiinis iyong mga girls sa akin kanina pa dahil sikat din pala si Kuya Oliver dito sa school. Tsaka, pogi rin naman siya at medyo mas matangkad pa nga kay Renz, eh. Bakit kaya siya hindi naging basketball player ngayong taon tulad ng kapatid niya?
"Alam ko na ang iniisip mo. Bakit hindi na ako naglalaro?" Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Kasi po, Miss Lyke, mas pinili ko ang magsilbi sa mga estudyante. Mabigat ang responsibilidad bilang Student Council President kaya iyong basketball ang ginive up ko. Three years din akong naglaro ng basketball para sa university natin pero noong maging president na ako ay tumigil na ako at nag-concentrate na lang sa pagsisilbi sa school at sa mga estudyante."
"Ang galing mo pala, Kuya."
"Syempre naman!" nagmamalaki niyang sabi.
Ibinaling muli namin ang atensiyon namin sa laro nang marinig namin ang malakas na pagpito ng referee. Nakita kong tila galit din si Renz at kinakausap ng ilang ka-team niya. Sa kabilang dako naman ay may isang player na pinipigilan din ng mga ka-team nito.
"Mukhang mainit na naman ang ulo ng crush mo." Napatingin ako kay Kuya Oliver ngunit kay Renz siya nakatingin.
"Palagi bang mainit ang ulo niya kapag naglalaro, Kuya?" kuryos kong tanong. Nakita kong pinapakalma pa rin si Renz ng mga ka-team niya.
"Madalas," sagot naman nito na ikinalungkot ko.
"Kaya pala ni minsan ay hindi ko siya nakuhanan ng picture na nakangiti siya," mahina kong sabi.
"And I think nobody could ever paint a smile on his face anymore. Tara na, mali-late ka na," pagyaya niya sa akin. Malungkot akong tumingin sa kanya ngunit bago ako tuluyang sumunod sa pag-alis ni Kuya Oliver ay isang malungkot sa sulyap muna ang ginawa ko kay Renz.
Oh, Renz. What will I give just to see a smile on your face? Tahimik kong bulong.
I sadly smiled to myself bago ako tuluyang tumalikod.
Hindi ko na nakita nang mapunta ang mga mata ni Renz sa papalayong bulto ko.
...
I opened and closed my hand repeatedly as I was walking out of the classroom. Na-enjoy ng teacher namin ang magpasulat habang nagtuturo kaya heto, nanakit ang kamay ko. I could easily record the lecture sana at just take down notes during my free time pero dahil wala iyong phone ko, wala akong choice kundi ang magsulat.
"Kawawa naman ang kamay ko," hindi ko mapigilang sambit habang naglalakad ako. At dahil hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko ay hindi ko namalayang naapakan ko ang paa ng nakasalubong ko.
"s**t! Ano ba?! Tumingin ka naman sa dinaraanan mo, Miss!"
Nagimbal hindi lamang ako kundi pati na rin ang mga estudyanteng nasa hallway na iyon dahil sa lakas ng boses ng lalaking naapakan ko ang paa. At lalo pa akong nagimbal nang mapatingala ako at makilala ang may-ari ng paa na naapakan ko.
Of all students in this hallway, si Renz pa talaga ang naapakan ko ang paa. Diyos ko, parusa ba ito?
Dala ng pagkabigla at pagkagimbal ay hindi ako kaagad nakapagsalita.
"Ano, Miss? Hindi ka man lang ba magso-sorry?! Kailangan pa ba na iyong paa ko na naapakan mo ang mag-sorry sa'yo?" sarkastiko niyang tanong.
Umugong tuloy ang bulungan kaya napatingin ako sa mga taong nanunuod sa eksena namin ni Renz. Lalo akong nakadama ng pagkapahiya dahil ang iba sa kanila ay nakataas ang mga kilay sa akin, ang iba ay tila naninisi, ang iba ay tumatawa, at ang iba ay galit na tila iyong mga paa nila ang naapakan ko.
"I...I'm..."
Napalunok ako. Bakit hindi ko mabuo-buo ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya? Pinagsiklop ko ang mga nanginginig kong kamay. Ninenerbiyos ako. Natatakot. Hindi ko namamalayang may umaagos na palang mga luha mula sa mga mata ko.
Nagulat pa ako nang bigla siyang yumuko at tumapat sa isang tenga ko ang mukha niya.
"Ikaw na nga ang nakasakit tapos ikaw pa ang iiyak-iyak dyan. Ang arte mo naman," nanunuyang bulong niya sa akin.
My heart broke from the words he said about me. Sunod-sunod na ang naging pagtulo ng mga luha ko habang lumalakas ang bulungan sa paligid ko. Ni hindi ako makakilos nang lumayo si Renz sa akin at magsimulang maglakad papalayo.
"Lyke?"
Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang pagtawag na iyon sa pangalan ko. Nakasalubong ng mga mata ko si Kuya Oliver.
Nag-aalala siyang agad na lumapit sa akin nang makitang namumutla ako at umiiyak. Kaagad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"What happened? Why are you crying?"
Umiling ako sa kanya. Sinubukan kong punasan ang mga pisngi ko ngunit hindi naman maubos-ubos ang mga luhang dumadaloy sa mga ito. Naaawang niyakap ako ni Kuya Oliver. And just like I found a savior, I silently cried inside his embrace.
"Tara na, huwag mo silang bigyan ng kasiyahan na makita kang umiiyak," bulong niya sa akin habang pinapatahan ako. Tahimik akong tumango sa kanya. He gave me some minutes to calm down and when I finally did ay inakay na niya ako paalis sa lugar na iyon habang pinapanuod kami ng mga estudyante.
We both didn't know that Renz was one of them.
...
"Sa lahat naman kasi ng maaapakan mo ang paa, iyong paa pa niya talaga," waring paninisi sa akin ni Kuya Oliver. Narito na kami sa canteen para sa ipinangako kong lunch sa kanya.
"Kuya Oliver naman. Ni hindi ko nga alam na makakasalubong ko siya," nakabusangot na pagrarason ko.
"Kung saan-saan ka siguro nakatingin kaya hindi mo nakikita iyong makakasalubong mo. Baka iyong na-sprain pa niyang paa ang natapakan mo kanina kaya ganon na lang ang galit niya. Tapos buti sana kung naka-rubber shoes siya. Kaso nakatsinelas lang yata siya kanina."
"Kuya, kung alam ko lang na maaapakan ko iyong paa niya sana ay paa ko na lang ang inapakan ko. Tsaka eto, sa kamay ko ako nakatingin. Tignan mo, may marka pa ng ballpen. Halos tatlong oras akong nagsulat kanina sa klase namin."
Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko.
"Aba, oo nga. Kawawa naman ang kamay ng Lyke na ito." Hinaplos-haplos niya ang mga daliri kong may marka pa ng ball pen at pagkatapos ay hinipan pa iyon. Natawa naman ako sa ginawi niya.
"Ayan, ha? Ginamot ko na."
"Ha? Hinipan mo lang tapos sasabihin mong ginamot mo na?"
"Oo, ah? Magical kaya ang ihip ko!" Natawa ako nang malakas sa pagpapa-cute niya.
"Aba, pinagtatawanan mo ba ako?" Lalo akong napahagikgik dahil sa pagpapakenkoy niya.
"Eh, paano. Nakakatawa ka naman talaga, eh!" natatawa pa ring sagot ko sa kanya.
"Sige tumawa ka pa. Hindi ko ibibigay sa'yo iyong phone mo. Fully charge pa naman na siya."
Natigilan ako dahil sa sinabi niyang iyon.
"O sige na, Kuya. Promise, Hindi na ako tatawa. Akina iyong phone ko, please?"
Iiling-iling naman niyang inabot sa akin ang phone ko at gaya nga ng sinabi niya ay fully charged na iyon.
"Thank you, Kuya Oliver. Bait-bait mo talaga," natutuwa kong sabi sa kanya.
"Matagal ko nang alam iyan pero thank you sa pambobola mo."
Pinanuod niya akong i-on ang phone ko.
"Hay, talaga naman!" tila umaangal niyang sabi nang makita niyang larawan ng kapatid niya ang wall paper ng phone ko.
"Bakit hindi ka na lang magpagawa ng phone case ng picture niya?" may tonong pangangantiyaw niyang sabi.
"Balak ko nga, Kuya, eh. Kaya lang, hindi ko nahaharap magpagawa."
Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko.
"You mean after making you cry, gusto mo pa rin si Renz?"
Matamis akong ngumiti sa kanya.
"Nagulat lang ako kaya ako napaiyak kanina, Kuya. Alam kong masaktan ko talaga siya and it's just natural na magalit siya. And I'm not taking him against him. Tsaka iyong masasakit na salitang sinabi niya? Wala iyon sa..."
Natigilan ako. Muntik ko nang masabi na wala iyong masasakit na salitang sinabi niya kumpara sa sakit na pinagdaraanan ko sa tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo ko.
"Wala iyon sa...?"
"Sa akin! Oo, sa akin. Balewala iyon sa akin kasi mas mahalaga na gusto ko siya. Mapapatawad ko siya sa lahat ng p*******t na magagawa niya sa akin kasi gustung-gusto ko talaga siya."
Natigilan si Kuya Oliver at pagkatapos ay tumitig siya sa akin.
"Ang suwerte talaga ni Renz."
"Oo naman. Suwerte talaga niya, Kuya. Tara, kain na. Lalamig na itong mga inorder mo."
"Sige."
Masigla na akong kumain at hindi na napansin ang malulungkot na mga sulyap na ibinibigay ni Kuya Oliver sa akin.