9.

1454 Words
KASING gaan ng balahibo ng ibon ang paglapag ni Cassie ng kamay sa palad ni Pedro. Nasa unahan niya ito at halos hatiin nito ang mga tao sa gitna upang magkaroon sila ng kaunting espasyo. Noong una ay slow and steady lang ang galaw nila ngunit kalaunan ay sinunod na nila ang himig ng tutog. Pa-ikot ang direksyon nilang dalawa sa pagsayaw. Parang alon ang ibang mananayaw at sila’y sumusunod lang. Tahimik lang ito habang pinagmamasdan siya na nakangiti. Habang siya naman ay halos mabaliw na sa kakasunod ng yapak. Hindi siya magaling mag-waltz kaya ganoon na lang ang kaba niya. Hanga siya sa galing nitong sumayaw. Kahit hindi siya ganoon ka galing ay nakakayang dalhin nito. Kung gaano ka relaxing ang musika ganoon na lamang ka lakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maiwasang sumulyap sa lalaking nasa harap niya. Ang tikas ng tindig nito. Isang ngiti lang at kahit sinong babae ay sasagot ng oo dito. Napasinghap siya ng bahagyang ibinaba ng binata ang kanyang katawan sa dance floor. Tila’y isang eksena sa telebisyon ang pangyayari. Bumungisngis siya sa tuwa sa nararamdaman. She was swept off her feet. “Ang ganda ng ngiti mo, Ms. Cassie. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Ako ang napili mong maging husbando?” Pedro asked her while he dipped her and his nose was almost touching hers as well. The moment he smiled was the moment she knew he was the perfect guy for the job. Kampante ang loob niya rito. Walang bahid ng alinlangan sa mga kilos nila. Gusto sana niyang sumagot ngunit napaka dry ng lalamunan niya. Halos maging Sahara dessert na ito. Ibinuka niya ang labi pero walang lumabas na tunog. Biglang itinaas siya nito at nagpatuloy sa pagsayaw. Tumigil lamang sila ng matapos ang musika. Natapos man ang tugtog pero nagsisimula pa lang ang pagsibol ng pag-ibig niya sa binata. Ayaw na niyang kunin ito bilang fake husband. Mas gusto niyang totohanin na ang relasyon nila. “Ms. Cassie, gusto mo ba ng inumin?” pag-alok nito sa kanya habang naglalakad sila papunta sa bar area. “Yes, please. I want rum on the rocks please.” Magiliw niyang tugon. Kaliangan niya ata ng alak para lumakas ang loob niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari ngunit wala siyang makitang mali sa binata. “’Di ka naman maglalasing diba?” wari ni Pedro na nag-alinlangan umalis. Bagkus ay nakatingin lamang ito sa kaniya. “No, I won’t get drunk with just one glass. So please can I have one?” maharot niyang sagot dito. She was used to drinking hard liquor being a party girl herself. “Okay, Ms. Cassie. Pahintay na lang ako dito sa tabi.” Ngumisi si Pedro bago siya nilisan. Lumakas ulit ang t***k ng puso niya. Sinundan niya ng tanaw ang binata habang papunta sa bar. What did I get myself into? Tanong niya sa sarling kaisipan. Pull yourself together, Cassie. You have to show your Dad that you are capable and responsible. Umalis man siya sa kanila ng marahas pero ang isip niya’y pilit bumabalik sa usapan niya at ng mga magulang. “Arranged marriage? Who does that anymore?” bulong niya sa sarili. “Ms. Cassie, eto na ang inumin mo?” sabay abot ni Pedro ng glass sa harap niya. Tumingala siya dito. “Did you hear anything?” tanong niya. Hindi na niya alam bakit niya nasabi iyon sa mataong lugar. “Your drinks, Ms. Cassie. With your question, no. I did not hear anything.” He gently places the glass into her hand. He began to sip his drink while they stood shoulder to shoulder. “Say Pedro, if ever I chose you. Are you willing to accompany me to Bacolod City?” gusto na niyang iuwi ang lalaki sa kanila. Eto lang ang tanging kasagutan sa problema niya. “Kapag ba sumang-ayon ako, makukuha ko na ang matamis mong, oo?” kumindat ito sa kanya na may kasamang makulit na ngiti. “Can you just answer me?” ‘di pa man siya nakaka-inom ay halos mamula na ang kanyang mukha sa inis. Napaka antipatiko rin pala nito. Bigla siyang na inis sa lalaki. “Chill, Ms. Cassie. Yes, we are trained to do our clients bidding. So if you plan to go to Bacolod City, I am obliged to go.” He said in a very sweet manner. “Well, if that’s the case you need to pack your things. We are going to go home, back in Bacolod City. I already signed the contract.” Nakangiti niyang sinagot ang binata. Para bang sinagot niya ang maligalig na manliligaw sa saya na nararamdaman niya. “Oh, salamat ng marami Ms. Cassie. Hindi kita bibiguin. Kahit anong kelangan mo narito ako. Pedro Batumbakal at your service, Ms. Beautiful.” Hinalikan siya sa pisngi. Napa-inom siya bigla ng scotch dahil sa narinig. This is it. No more backing out, Cassandra! “Thank you, Pedro. I must go now. Napaka boring ng Gala na ito.” Napaismid siya nang biglang buhatin siya nito papunta sa backstage. “Ano ang ginagawa mo? Bitawan mo ako.” Sigaw niya sa binata. “Sabi mo boring ang Gala, kaya ito. Dadalhin kita sa totoong party!” sagot ni Pedro habang naglalakad papasok sa isang kabinet. “Ibaba mo ak … teka hindi iyan pintuan!” bulyas niya. “Shhhh, kanina ka pa na-iinip diba. ‘Wag kang maingay at baka paalisin tayo.” Tuluyang pumasok na sila sa kabinet. Pumikit siya ng mata at nag-antay na tumama sa pader. Kasalungat sa na-iisip ang nangyari. Malakas na tunig ng musika ang tumambad sa kanila. May ilang boses na naghihiyawan ang kaniyang narinig. Noong namulat niya ang mga mata, madilim ang kapaligiran at iilang ilaw lang ang naka sindi. Hindi rin iyon sapat para makakita siya ng maayos. Ibinaba naman siya ni Pedro ng dahan-dahan. “Is this boring for you?” wika nito. “Hi-hindi ito boring. I am digging the vibes.” Napakembot siya sa tugtugin. Remix ng kanta ni Ariana Grande na Dangerous woman. Isa ito sa mga paboritong artista. “Let’s dance.” Hinugot niya si Pedro papunta sa dance floor. Hindi niya kilala ang mga tao at wala siyang paki-alam na kilalanin. Ang gusto lang niya ay maaliw ang sarili. “As you wish, wife.” Bulong nito. Napangiti siya sa nadinig. Ang sarap pakinggan ng katagang “wife” mula sa binata. “Isa pa nga,” request niya. “As you wish, wife.” “Can I ask for a request?” ang ganda man pakinggan ang wife pero napaka-pormal naman. “Anything.” Tuloy ang kanilang pagsasayaw habang nag-uusap. “Let’s call each other with cute names. I want to call you hunky bear. Do you like it?” mahilig kasi siya sa teddy bears noong bata pa kaya naisip niyang tawagin si Pedro noon. Naka kusot naman ang noo nito. “Misis, hindi ko kayang lunukin ang hunky bear. Sa gandang lalaki ko ihahawig mo ako sa bear? Lugi yata ako doon.” Sumimangot siya sa sinabi ni Pedro. Tuwang-tuwa pa naman siya sa naisip niyang pangalan. “Akala ko ba you are at my service? Bakit bigla ka na ngayon tumatangi? You know, I can cancel the contract anytime.” She pulled her ace once again. Ayaw niyang kinokontra ang mga gusto niya. “How about hunky panda? I just don’t like bears in general.” Panuyo naman nito. Hinaplos haplos pa nito ang kanyang mga braso na tila’y naglalambing. Hindi siya makatanggi at nagandahan rin siya sa suhestyon nito. “Fine. Hunky panda it is. What would you call me?” she pouted her lips in an adorable way. Biglang uminit ang kanyang pakiramdam ng lumapit si Pedro. Halos hibla ng buhok na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. “Hmmm, sexy ka naman. ‘Di nga lang matangkad pero maganda. Ah! Sexy Bunny. Yan na lang tatawag ko sayo.” Excited itong binigkas ng paulit-ulit ang katagang “Sexy Bunny.” Halos matunaw naman siya sa hiya. Sa dami ng pwedeng itawag ay bunny pa talaga. Pasimpleng inapakan niya ang sapatos ni Pedro. “Hmp! Nag-isip ka pa eh parang tawag mo ata yan sa lahat ng cliente mo.” “Hindi kaya. Talagang ikaw lang ang tatawagin ko niyan. Pramis!” inangat pa nito ang kanang kamay. Natawa siya sa ginawa ng binata. “Sige na nga payag na ako. Promise me, walang ibang babae ang pagsasabihan mo niyan ha?” alam niyang nagpapanggap lang sila pero hindi niya ma-alis na magselos sa mga naging cliente ni Pedro. Ilang oras pa lang silang magkakilala ngunit ayaw na niyang maalis sa paningin niya ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD