bc

Husband For Hire Series: Luis Alvarez - The Street Hottie

book_age16+
1.8K
FOLLOW
8.0K
READ
love-triangle
contract marriage
arranged marriage
independent
boss
heir/heiress
bxg
lighthearted
city
seductive
like
intro-logo
Blurb

In Tagalog/English version

Kinailangan ni Cassie makahanap ng mapapangasawa sa madaling panahon. Kung 'di ay ipapakasal siya sa anak ng kaibigan ng magulang niya. Hindi pa siya ready maging asawa at masaya siya sa buhay na meron siya ngayon.

Dahil sa natanggap na balita ni Cassie, magpasya siyang lumayas upang maghanap ng solusyon.

In one of her vacations, she found a calling card left under her drink. It stated 'Find your ideal Husband.' Iyon ang naging sagot sa problema niya.

What she didn’t know, the guy she hired as her husband was the same guy, that she hated a couple of months back for kissing her after she shouted at his door demanding him to shut his lover’s scandalous screams of pleasure.

Pedro looked like a dashing debonaire with a smile that captivates every woman's heart. He is just her pretend husband but his body and heart are off-limits.

What if naakit siya knowing she can't really have a taste of him?

chap-preview
Free preview
1.
Cassie 2021 THERE was banging on the wall in Cassie’s room that she booked in a resort hotel. She was currently staying in El Nido where she sunbathed during the day and party by the beach during the night. “Ibaon mo pa, please, harder!” sigaw ng babae sa kabilang kuwarto. Nasa ekslusibong hotel siya ngunit tila ’di kinaya ng namamagitang pader sa kabilang kuwarto ang ungol nito. Bigla tuloy nabuhay ang katawang lupa ni Cassie. “Ohhhhh, baby, yes! Malapit na ako. Kaunti pa, please,” ungol ulit ng babae. Tila ’di pa na kontento, sumagot si Cassie sa mga ito. “Please, take it down a notch. I am sleeping here!” sigaw niya sa pader. Walang sumagot sa kanya. Tunog ng kamang gumigitgit sa sahig ang unang narinig niya. “Come for me, baby! Yes! Hold on tight. I am almost— Ahhhh!” Another loud bang was heard. Hindi na nakatiis si Cassie at dali-dali niyang sinuot ang robe niya. Kinuha niya ang keycard sa kuwarto at sabay na naglakad nang padabog sa katabing silid. Kinatok niya iyon nang ilang beses pero walang sumagot. Katahimikan lang ang naririnig niya sa kabilang pinto. “Bullfrog! Kung kailan gusto ko nang matulog saka ka naman sila nag-iingay.” Sabay alis niya pabalik sa sariling kuwarto. MAAGANG NAG-ALARM si Luis. Pagmulat niya ay wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Inisip niya ang kanyang meeting ngayong umaga. Isa siya sa mga piniling mag-present ng ideya sa may-ari ng hotel na tinutuluyan niya. Gusto ng may-ari na i-renovate ang buong resort. Alas-dies ng umaga ang meeting. May tatlong oras pa siya bago iyon. Dinungaw niya ang tanawin sa labas ng balkonahe. Tapat ng beach ito kaya napaismid na lang siya. Mahilig kasi siyang mag-surf at animo'y nagtatawag ang malalaking alon sa kanya. ‘Bakit ’di ko dinala ang surfing board ko?!’ sabay kamot sa ulo. Tumunog ulit ang kanyang alarm. Nang tingnan niya iyon, nakalagay na oras na para mag-almusal. Sa dami ng ginagawa niya, pati pagkain naka-alarm na. Kinuha na lang niya ang damit na nakakalat sa sahig at dumiretso na siya sa banyo. Ayaw niyang lumalabas nang ’di pa nakaliligo. Bawas pogi points daw kasi iyon. Matapos magbihis, lumabas na siya ng silid niya. Sabay silang lumabas ng pinto ng nasa katabing kuwarto. “Hey, mister! Please try to tell your partner to lower her voice. I could not sleep—” Hindi pa tapos magsalita si Cassie ay hinalikan na ito ni Luis. Nang matauhan ang dalaga ay sinampal siya nito. “How dare you?!” pasigaw na sabi ni Cassie. “You are too loud. It’s just 7 a.m. Natutulog pa nga yata mga tao sa paligid,” antipatikong sagot ni Luis. ’Di na siya naghintay pa na sumagot ang dalaga. Umalis na siya papuntang pavillion kung saan sine-serve ’yong breakfast buffet. Si Cassie naman ay ’di na nakaalis sa kinatatayuan. Bagama’t sanay siyang humalik sa lalaki, ibang init ang naramdaman niya mula sa binata. LUIS 2018 ISANG mainit na gabi na naman. Ando’n siya sa kanto malapit sa bahay niya. Madalas doon siya tumatambay pagkatapos ng trabaho niya. Kaibigan na yata niya lahat ng manginginom at tindero sa kanto nila. “Oh, Luis, pasuyo naman. Ikaw na muna ang magbantay ng paninda ko. Nadyi-dyinggel na kasi ako,” pakiusap sa kanya ni Jopet na nagbebenta ng fish ball. “Lapag mo lang dyan, p’re. Ako na ang bahala,” sabay tayo sa inuupuan niya at pumunta sa likod ng karitela. Wala nang niluluto si Jopet kaya wala na siyang kelangan gawin kung hindi ay magbantay lang ng paninda nito. “Suki, bili na kayo! Masarap itong mga paninda ko!” alok ni Luis sa mga estudyanteng kolehiyala. Nagngisian ang mga dalaga sa pagtawag niya. Ang pogi kasi ng nagbebenta ng fish ball. “Kuya, puwede ho bang kasama ka sa bibilhin?” ani ng isang dalaga. Nanggigil naman ang tatlong kasama nito. Nagtutulakan pa sila kung sino mauunang pipili ng bibilhin. “Naku, tagatinda lang po ako. Heto tikman ninyo ang bagong lutong kikiam. Sure ako matatakam kayo,” alok ni Luis sabay tusok ng stick sa isang kikiam. “Sige, kuya pogi. Apat na kikiam at saka walong fish ball. Hiwa-hiwalay mo na lang, please,” sabi ng may salamin na dalaga. “Salamat, ganda. Ano palang sauce na gusto ninyo? Meron ako ritong sweet, sweet and spicy, at saka suka,” sabay pagbukas sa plastic container na hugis bilog na lalagyan ng sauce. “Kayo na lang po sauce namin . . . este iyong sweet and spicy pala. Parang kayo,” mahinang sagot ng nakasalamin. “Sige, ganda. Kahit ano’ng request mo, masusunod,” wika ni Luis na may malagkit na ngiti. Proud siya sa sarili at nakabenta siya ng paninda ni Jopet. “Forty pesos lahat, ganda,” singil ni Luis sa mga dalaga sabay abot ng supot sa may salamin. Mukhang ito ang nautusan ng mga kaibigan nito na bumili. Iniabot ng dalaga ’yong bayad sa kanya. May kasamang paghaplos pa nga lang sa kamay niya. Namula ang mga pisngi nito at halos magtago ito sa hiya. Ngumiti lang si Luis at ’di na pinansin ang reaksyon nito. “Salamat, mga ganda. Balik ulit kayo, ha,” sabi ni Luis. Masaya na siya samunting benta niya. Ang mga oras na nasa labas siya at tumatambay sa kalsada ang bukod tanging stress-reliever niya pagkatapos ng trabaho sa kompanya. Iba ang saya na naibibigay ng mga tao rito. Iyong simpleng buhay lang ay masaya na sila. Hindi katulad ng ama niya na pagpapayaman lang ang alam gawin at nagpapasaya dito. “Hi, po. Pabili nga po ng fish ball,” wika ng isang dalaga. Mukhang isang tour guide ito at merong lapel na nakakabit sa baywang nito. “Ilan po sa ’yo, miss?” tanong ni Luis. Walang alinlangan na tumingin siya sa babaeng nasa harap niya. Maganda ito. Kung tutuusin, bagay itong maging real estate broker sa kompanya niya. “Sampung piraso po sana,” turo ng dalaga sa fish ball. Kumuha si Luis ng paglalagyan na gawa sa papel na may foil na cover. “May idadagdag pa po kayo, ganda?” Ngumiti siya na animo’y ito ang pinakamagandang dilag sa buong mundo. “Wala na po; ’yan na lang. Heto po ba’ng trabaho ninyo? Baka gusto n’yo pong magtrabaho sa kompanya ng RnJ Services?” pabulong na tanong ng dalaga. Nakitaan ng dalaga ng potential ang binata. Bagay ito sa bagong kliyente. “Twenty-five pesos po lahat, miss. Ano ho ang pangalan Ninyo, ganda?” May halong interes sa mata ni Luis nang binigkas niya ito. “Heto po ang bayad ko. Miracle po ang pangalan ko.” Sabay na iniabot ni Miracle ang bayad at calling card ng RnJ services. “Salamat, Miracle. Ang ganda ng pangalan mo,” puna ni Luis sa dalaga. “Sige, tawagan kita ’pag kinailangan ko,” muling sabi niya. Nagtaka siya dahil walang address ang card. Pangalan lang at contact number. Napakamot na lang siya ng ulo. Iniabot naman ni Jopet ang fish ball na binili ni Miracle. ’Di na kasi namalayan ni Luis na bumalik na pala ito. “Pasensiya ka na, Luis, mukhang maraming bumili sa ’yo. Lilibre na lang kita ng paborito mo,” alok ni Jopet sa kaibigan. “Salamat po, mga pogi. Luis, ’pag kinailangan mo, tawagan mo lang ang numero diyan. Matutulungan ka namin. Sure ako riyan,” habilin ni Miracle at naglakad na rin ito pabalik sa bus na puno ng mga tourista. Tiningnan ni Luis at Jopet ang calling card. Kumikinang ito na parang ginto kapag nailawan. “Ano ’yan?” tanong ni Jopet. ’Di na nagdalawang-isip si Luis at itinago ang card. Makatutulong ito sa kanyang kompanya kung saka-sakaling kailangan niya ng pera ulit. “Wala ’to, p’re. Inalok lang ako ng trabaho,” pilyong sagot ng binata. ’Di na nagtanong ulit si Jopet dahil merong na ulit itong customer.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook