ILANG araw na ang nakalipas matapos ang Gala. Kasalukuyang naka-schedule si Luis at ang cliente niya na magkaroon ng fake wedding. Sa Hermes Hotel gaganapin ang photoshoot, habang ang ceremony ay gaganapin sa café kung saan una silang nagkita. Nagsimula na si Luis mag-ayos ng mga damit na dadalhin. Isang tuxedo at after party na damit. Yun ang lagi niyang dala kapag nag-rerequest ang client ng wedding ceremony. Pang-ilan na ba niya ito? Halos hindi na niya maisip sa mga daliri. Ilang taon na rin siyang parte ng RnJ. Ang alam lang niya kailangan niyang matapos ito ng walang sablay. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng kompanya niya. Salungat sa kagustuhan, unti-unti naman pinupukaw ang matigas na puso niya. May kung anong kapangyarihan ang dalaga na humahatak sa kanya papalapit. Tula