SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Lagot tayo nito! Ano na lang ang sasabihin ni Boss sa'tin!" "This is your fault—bakit ba naman kasi sa ganoong way natin kinuha ang babaeng 'yan?" "Anong ako?! Baka ikaw!" "G*go ka ba? Eh kung kalbuhin kaya kita?" "Ah gan'on?! Kapag akala nakalapit sa'yo—hahalikan kita!" Napabalikwas ako nang bangon. Hindi ko na kinaya ang pagpapanggap na tulog pa rin ako. Agad na hinanap ng paningin ko ang mayari ng dalawang boses na kanina pa maingay. Nanlalaki ang mga mata ko, at ganoon din naman silang dalawa. Naka-maskara pa rin sila at nakaupo sa isang sulok. Ang isa ay may habol na tinapay, ang isa naman ay akmang lalakad na palapit sa isa pa. "Bakla yata kayo 'eh." Mapagbirong sabi ko. Ang cute naman ng dalawang 'to! May ganito rin pala sa mga kidnapper