SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW Ilang minuto akong nakatitig lang sa kaniya. Parang huminto ang paligid at nakatuon lang talaga sa kaniya ang atensyon ko. Pigil din ang paghinga ko't mukhang nalimutan ko na rin yata kung paano huminga. Si Angelo... bakit andito siya? Anong ginagawa niya rito? Ang daming katanungan sa isip ko, hindi ko rin alam kung saan ba ako magsisimula. Bumubukas ang bibig ko pero kalaunan ay sumasara rin naman dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mukha siguro akong tanga ngayon, pero wala akong pakialam. Dahil kahit ako, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. "Wow, she looks so shock." Ani ng isang tinig na nanggaling sa likod ni Angelo. Nanatiling tikom ang bibig at nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Lumitaw ang isa