bc

Accidentally Adopted A Mafia Boss (SSPG)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
37.9K
READ
one-night stand
HE
fated
mafia
gangster
heir/heiress
bxg
disappearance
war
tricky
friends with benefits
villain
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SSPG ?

Kung may pagsisisihan man si Sasha na naging desisyon niya sa buong buhay niya, 'yon ay ang araw na inampon niya ang isang duguan na estrangherong lalaki at mayroong amnesia na napadpad sa Isla nila. Dahil 'don, ay naging malapit sila sa isa't-isa at hinayaan niyang angkinin siya nito nang paulit-ulit dahil unti-unti na rin siyang nahuhulog sa binata at ganoon din ito sa kaniya.

Kaya hindi niya lubos akalain na isang araw ay maglalaho na lamang ito na parang isang bula at nang muli pa silang magkita ay saka niya naman nalaman ang totoong katauhan nito.

Isa pala itong Mafia Boss at kilala bilang nakakatakot at malupit na tao sa Russia. At higit pa 'ron, simula't-sapul ay parte lang daw ng pagpapanggap nito ang lahat at wala pala talaga itong amnesia.

Patuloy pa nga bang pagsisisihan ni Sasha ang naging desisyon niya noon, matapos siya nitong kidnapin at alukin ng isang mainit na kasunduan?

Magagawa niya nga bang malaman ang totoong nararamdaman ng lalaki para sa kaniya?

O tatakbo na lamang siya, magtatago at kakalimutan ang katotohanan that she have once Accidentally Adopted A Mafia Boss.

chap-preview
Free preview
Simula
WARNING: This story contains mature, sensitive and explicit contents. Reader's descrition is adviced. SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW Isang taon lang ang nakararaan nang mag-ampon ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Isang lalaki na walang ala-ala at hindi man lang alam kung sino siya. Pinangalanan ko siyang Angelo, kinupkop ko siya't naging kasangga ko sa buhay. Minahal namin ang isa't-isa, pero isang araw ay naglaho na lang siya nang parang bula kaya naiwan akong naghihintay at mahal na mahal pa rin siya. Kaya bakit nangyayari sa akin 'to ngayon? Naging isang mabuting tao naman ako, pero bakit sa lahat-lahat ng tao na nasa palengke ay ako pa ang na-hablot at naisakay sa loob ng isang van?! "Mga kuya! Please, pakawalan niyo po ako. Ipagdadasal ko na lang ang mga kaluluwa niyo kay Lord. Rosario ang apelyedo ko, alam niyo 'yon? Ibig sabihin isang hawak ko lang ng rosaryo ay didinggin na ni Lord ang panalangin ko." Kinakabahan at mapagbirong sambit ko habang nakasiksik ako sa loob ng buwan at may suot na blindfold. Nagtawanan naman ang mga taong nasa loob ng van kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi yata effective ang palusot ko. Lord naman! Naging mabuti naman akong tao, bakit ako yata nag mawawalan ng organs ngayon? "You better shut up, Miss. Ayaw ko ng maingay." . "Ay?! Bakit ang pogi ng boses mo kuya? Hindi ka bagay sa ganitong trabaho." Kunwari akong tumawa. "Gusto mo bang ipagdasal ko na maging isang sikat na Hollywood actor ka na lang? Hehe." Pero isang malakas na kalampag naman ang narinig ko kaya napa-igtad ako. "Jusko po! 'Wag niyo akong saktan, malilintikan kayo kay Lord!" Pananakot ko na tinawanan na naman nila. "Then shut up, masyado kang maingay. Gusto mo bang mapadali ang buhay mo?" Sunod-sunod na umiling naman ako. Sino bang may gusto na maagang mamatay diba? Sumiksik na lang ako sa isang sulok habang pinapakinggan ang usapan ng mga taong nasa loob ng van. "D*mn, sigurado ka bang ito ang tinutukoy ni Boss?" "Kaya nga, parang hindi naman gan'to ang mga tipo niya." Kumunot naman ang noo ko kaya nagsalita ako dahil curious ako sa topic nila. "Hoy? Anong boss, boss 'yan? Anong hindi tipo? Maganda kaya ako!" Proud na sabi ko. "Pero sira-sira ang mga organs ko, kaya pakawalan niyo na ako mga kuya, hehe." "Didn't I tell you to shut up?!" Napaigtad na naman ako dahil sa gulat. "Ahh! 'Eto na, 'eto na!" Argh! Bakit ba kasi ang daldal ko?! Puny*ta, baka mamatay pa ako agad dito dahil sa kakadaldal ko 'eh. "You better not doubt boss, this woman is who exactly he's talking about." sabi 'nong lalaki na may poging boses. Ano raw? Boss daw? Lagot talaga ang mga lalaking 'to kapag nakita ako ng boss nila, sigurado kasing hindi ako ang tinutukoy 'eh. Isa lang naman akong simpleng babae na may matabang kipay—este, matabang puso. Lumipas ang ilan pang mga oras bago huminto ang van. Pinababa nila ako't tinutulak-tulak para alalayan akong maglakad. Kaya mo 'to, Sasha. Para ka lang mag wa-one two three sa jeep. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi nila tinali ang mga kamay ko kaya hinahanda ko na ang sarili ko. Akala niyo basta-basta na lang akong papayag na patayin niyo ako? Pwes, nagkakamali kayo mga hunghang! Anak ako ni Lord, favorite child niya ako kaya for sure makaka-survive ako. Humahagikhik ako habang unti-unting binabagalan ang paglalakad ko. Wala pa rin akong makita dahil sa blindfold na nakatabon sa mata ko. One... Two... Three— "Takbo!" Malakas na sigaw ko. Nagulat pa ako dahil nasambit ko pala 'yon. Agad kong tinanggal ang blindfold ko pagkatapos ay nilingon sila, parang kumawala ang puso ko sa dibdib ko nang makita hinahabol din nila ako. "Waghhh! Lord! Bigyan mo ko ng pakpak—ahhh! Tumigil kayo! 'Wag niyo na akong habulin! Ahhh!" Malalakas na sigaw ko habang tumatakbo ako palapit sa mataas na gate. "Hey! Get back here!" Rinig kong sigaw ni kuyang pogi ang boses. Lumingon ako pabalik at malapit niya akong maabutan. "Hindi! Ayoko pang mamatay! Sinabi nang wala kayong mapapala ni-isa sa mga lamang-loob ko!" Balik na sigaw ko bago nagpatuloy sa pagtakbo. Nakalabas na ako sa gate, at tila nakaginhawa na nang bigla namang may kotseng lumitaw sa harap ko. Mabilis ang takbo 'non at papalapit sa akin. Hindi naman ako makahinto dahil sa sobrang bilis ng takbo ko. Lord, ikaw na po ang bahala sa akin. Kaya ko kayang talunin 'yung kotse? Kaya ko! Walang planong huminto 'yong kotse, kaya naman tatalunan ko na lang. Hehe. At nang malapit na ito't akmang tatalon na ako, ay siya namang pagka-tisod ko. Bigla akong nawala sa camera, kung shooting lang para sa movie ang nangyayari ngayon ay baka tawang-tawa na ang mga manunuod. Bumagsak ang katawan ko't namudmod ako sa lupa. Akala ko ay masasagasaan na ako pero ramdam ko ang biglang paghinto ng kotse, isang inch ang layo ng gulong mula sa mukha o ulo ko. Kitang-kita ko 'yon, nasa harap mismo ng mukha ko ang gulong. Naninikip ang ulo ko't gulat na gulat ako, at dahil na rin siguro sa pagod ko ay unti-unting nandilim ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay. DALLIUS ALEXANDRONOVICH SERGEVEV'S POINT OF VIEW "I told you to bring her, unharmed. Pero mukhang hindi pa kayo nakakapag-linis ng mga tenga niyo dahil muntik nang masagasaan ang babaeng pinapakuha ko." I was staring at them with a dead pan look. Sinisigurado ko na mararamdaman nilang hindi ko nagustuhan ang nangyari. "Hey, calm down. Hindi naman nila sinasadya, palaban at malakas ang loob 'nong babae." It was Percival, my second in command. I burst out a loud breathe bago isa-isa silang tinignan ng masama. "The next time that this happen, mata niyo lang ang walang latay." Mariin kong sambit bago tumayo at kinuha ang vest na kanina ay hinubad ko. "Where is she, Percival?" "She's in the guest room... and..." My eyebrows creased when he didn't continue what he was saying. "And?" tanong ko, pero isang tawa lang ang isinagot niya sa akin. "Just see it for yourself, Boss." I tsked and continued to walk until we reach the guest room, kung saan siya dinala. Binuksan ko ang pinto and I couldn't believe what I saw. It was... such a mess. "Percival, malabo na ba ang mata ko? Are these freak crying?" hindi makapaniwalang bulong at tanong ko kay Percival habang tinitignan ang mga tauhan ko na nakaupo sa sahig, at nakabilog pa habang nakatingala sa babaeng nakatali sa upuan at naka-suot ng blindfold. They're crying while looking at her. Just what the f**k is going on here? "Nope, totoo ang nakikita mo." Natuon ang atensyon ko sa babaeng nasa upuan. My jaw clenched as I stare and scanned her body. She was thinner than the last time I saw her. "S-Sino ba 'yang boss niyo kasi? Hindi ba kayo n-naaawa matapos niyong malaman ang kwento ng buhay ko, ha?" She asked them, with a trembling voice. "Simpleng babae lang naman ako—I mean hindi pala. Lasinggera ako, naninigarilyo din ako at mahilig ako sa soft drinks. Kaya one hundred percent sure ako na sira na ang baga, atay at kidney ko." "Pfft." Rinig kong pagtawa ni Percival. What the... h*ll is this situation. "Alam kong mahal ang mga lamang-loob ng tao ngayon kapag binenta. Pwede bang pakisabi sa boss niyo na wala siyang mapapala sa akin?" She still hasn't changed. Hindi siya nagbago, siya pa rin ang babaeng nag-bigay sa akin ng pangalan ng kasalungat ng totoong katauhan ko. It's been a year since I met this funny woman. She even thought that I lost my memories... and I just go with the flow and let her believe that, so I can buy time for Percival to finish our plan. Who would've thought that I've live with her for more than a couple of month? "Kung 'yung puso ko naman ang kailangan niyo nako—" Tinuro niya ang dibdib niya kung na saan ang puso niya. "Durog na 'to, wasak na wasak na mula nang iwan ako ng boyfriend ko, yummy—I mean, pogi." I couldn't stop myself from smiling when I heard what she said. What am I going to do with you, Sasha? How will you react once you find out that one year ago, you Accidentally Adopted A Mafia Boss? We still have a lot of f****d up situations to experience, before we reach our sexily ever after. Will you stay? Or will you runaway from me?

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook