Kabanata 25: Kidnapping?!

1841 Words

SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Ayon bes, kunin mo 'yon." "Sige." "Ayun pa, repolyo, sibuyas isang kilo." "Sige." "Pati 'yung—ano 'yan?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang nagtatakang boses ni Andeng. Agad na kumunot din ang noo ko at tinignan ang tinitignan niya. Napunta ang atensyon ko sa kamay ko na may hawak na carrots. Napangiwi naman ako dahil sa reyalisasyon bago napakamot pa sa ulo. "Kailan pa naging carrots ang repolyo, Sasha my dear? Grabe na ang kalutangan mo ha?" Natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi magawang kontrahin dahil totoo ang sinasabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako pagkatapos ay naglakad pabalik sa kung na saan ang stall ng mga carrots. Nasa palengke kami ngayon ni Andeng, namimili ng mga ingredients—ewan ko ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD