“Bryce?”
Agad na napatayo sya nang makita akong pumasok.
“Hey! You alone?” I asked while looking at her side.
Kumunot naman ang noo nya pero saglit lang iyon at napalitan ng kung anong emosyon.
“A-anong ginagawa mo dito? M-magtatagal ka dito?” she asked while constantly looking at the entrance of this coffee shop.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya at saka umiling.
“No. Magtetake out lang ako ng kape,” sabi ko.
She heaved a sigh of relief and went back to her seat. Hindi na ulit sya umimik pagkaupo.
“Kumain ka na ba?” I asked as I saw her looking at the entrance again.
It took her awhile to look at me again.
“Of course. It's almost 3:00pm. Do you think I haven't eaten yet?” medyo iritado nyang sagot at saka hinawakan ang noo nya.
I clenched my fist when I noticed how pale she was.
“How about coffee—”
She immediately cut me off by shaking her head.
“No, thanks, Bryce. I'm full. Sige na, mag-order ka na dun,” she said obviously wanting to push me away.
Walang nagawang tumuloy na ako sa counter at nag-order ng kape. I also ordered her favorite coffee together with her favorite New York cheesecake.
Kumuyom ang palad ko nang makita ko syang napahawak sa gawing tyan.
“Just serve this later to that lady,” bilin ko sa barista matapos magbayad at ituro ang kinauupuan nya.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya dahil nakayuko na sya ngayon sa table.
I sighed as I walked out of that coffee shop. Nakita kong pasimple nya pang nilingon ang counter after a while.
Tinignan siguro kung nakaalis na ako.
Tsk.
Pagpasok ko sa kotse ay napalo ko agad ang manibela dahil sa nararamdaman kong frustrations.
I know I don't have the right to be but I am fuming right now.
“Piece of s**t!” hinampas ko ulit ang manibela sa sobrang pagkainis.
I sighed.
It took me a while bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan at magdrive pabalik sa opisina.
***
“Hello?”
“Sir,”
Napatuwid ako ng upo sa swivel chair ko nang mabosesan ang nasa kabilang linya.
“Yes, Andrew. Go ahed.”
“Yung babae pong pinapasundan nyo, kanina pa dito sa coffee shop,”
Kumunot ang noo ko. “Since when?”
“Kanina pa pong bago mag-alas onse, Sir.”
I looked at my watch and it's already 2:35 pm.
Anong ginagawa nya doon ng ganun katagal?
“May kasama?” curious na tanong ko.
“Wala, Sir. Pero mukhang may hinihintay kasi tingin ng tingin sa pinto.”
Napasandal ako at napapikit.
“D-did she eat something while waiting there?”
“Wala, Sir. Hindi kumain simula kanina kahit kape wala.”
Tuluyan na akong napahawak sa sentido ko at hinilot hilot. I sighed.
Anong iniisip nya at naghihintay sya ng ganun katagal ng hindi manlang kumakain?
Damn that insensitive guy. Just damn him!
“Thanks, Andrew. Can you send me the address of that coffee shop?”
“Right away, Sir.”
“Thank you.” I said before hanging up.