“Uuwi ka na agad?” tanong ko kay Clara kinabukasan nang makitang palabas na sya sa guest room kung saan sya nagpalipas ng gabi. Kakatapos ko lang maligo at lumabas na para sana ipagluto sya ng breakfast bago ako pumasok sa trabaho.
“T-tumawag kasi sya. Susunduin daw ako sa bahay kaya kailangan ko ng umalis baka malaman nya kasing hindi ako natulog sa bahay.” paliwanag nya habang iniipit sa tenga ang buhok. Tumango ako at lumapit sa kanya.
“It's still early. Kumain ka muna. You didn't eat last night, baka mapaano ka sa byahe.” nag-aalalang sabi ko at hinawakan sya sa braso para yayain sa kusina pero pinigilan nya ako. Napatingin ako sa kanya.
“S-salamat, pero kailangan ko na talagang umuwi. I'm s-sorry, Bryce.” sabi nya at marahang hinaplos ang braso ko. Bumuntong hininga ako at hinaplos ang pisngi nya.
“It's okay. Hintayin mo ako magbibihis lang ako saglit at ihahatid na lang kita—”
Pero pinigilan nya ulit ako at tinitigan.
“No. No, Bryce. Hindi na kailangan. B-baka kasi... makita ka pa nya.” umiiling na sabi nya. Bumuntong hininga ako at binitawan sya. I looked away. Hindi ako nagsalita. Alam kong hindi naman ako dapat makaramdam ng ganito pero hindi ko mapigilang mainis. Dahil alam kong wala ako sa lugar at wala akong karapatang makaramdam ng ganito.
“I'm really sorry...” yumuko sya na parang hirap na hirap ang kalooban. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Tumango tango ako para hindi na sya malungkot.
“I'm okay... You don't have to feel sorry. Ako yung may gusto nito di ba? Mahal kita. At kahit mahal kita, hindi kita pipiliting mahalin din ako, Clara. Alam ko kung hanggang saan lang ako sa'yo. So, you should stop feeling sorry. Gawin mo kung anong makakapagpasaya sayo kasi ako, ginagawa ko to dahil dito ako masaya. Sayo ako masaya.” nakangiting sabi ko. Lumamlam bigla ang mga mata nya at pagkatapos ay yumuko.
“T-thank you. Thank you for saying that. Thank you...” naiiyak na sabi nya at saka tumingkyad para bigyan ako ng magaan na halik sa mga labi. Saglit na nagulat pa ako dahil sa ginawa nya. Nagkatinginan kami. Sya ang naunang nag-iwas ng tingin. She bit her lower lip at saka dumistansya sa akin para kumaway.
“Bye, Bryce!” nakangiting paalam nya at saka tumalikod na.
Medyo matagal na syang nakakaalis ay tulala parin ako. Madalas ay yakap lang ang binibigay nya sa akin at ngayon, hinalikan nya ako. At hindi lang sa pisngi iyon kundi sa lips!
Damn! Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Parang sobrang gaan ng pakiramdam ko.
“Kiniss ka lang kung makangiti ka dyan akala mo mahal ka na? Kabit ka pa rin uy!” pambabara ni Hyacinth nang pumunta ulit ako sa bar nang gabing iyon.
I can't help it! Buong maghapon akong masaya hanggang sa opisina at tiniis ko ang maghapon para lang hintayin ang oras na 'to kung kailan sa wakas ay may masasabihan ako ng nararamdaman kong saya!
Iiling-iling sya at nanliliit ang mata habang tinitignan ako.
“First kiss ko kasi,” sabi ko at kinindatan sya. Umakto syang parang nasusuka at saka inambaan ako na papaluin ng bote ng wine sa ulo. Tumatawang iniharang ko ang braso ko sa ulo ko.
“First kiss! Pwe! Eh anong ginawa nyo ng mga naka-fling mo, aber? Nag-prayer meeting sa kwarto?” nakataas ang kilay na tanong nya. Kunwari ay nagulat ako.
“Oh? Paano mo nalamang niluluhuran nila ako? Este sinasamba?” makahulugang sabi ko at pinanood ang reaksyon nya. Ang lakas ng tawa ko nang inabot nya ang buhok ko at sinabunutan.
“Ah-ah! Not my hair!” banta ko pero nagpatuloy parin sya. She's gritting her teeth while grabbing my hair. Tumawa ako nang itaas nya ang baba ko para makita nya ang reaksyon ko.
“Ah, oo! Niluluhuran ka tapos ikaw naman sinasabunutan mo sila! Bad!” makahulugan din na sagot nya na halatang nakuha ang sinabi ko.
Tawa ako ng tawa lalo na nang pati sya ay natawa na rin.
Tumigil lang sya sa pagsabunot sa akin nang may customer na nag-order ng Martini.
“Mamaya ka sa akin,” bulong nya at saka tinimpla na ang order ng customer. Umiling iling ako at inayos ang buhok habang umiinom ng paborito kong Mojito. I was surprised that even the taste of it is exceptionally wonderful tonight.
“Hmm! You're pretty good!” sabi nang customer ni Hyacinth matapos matikman ang alak na sinerved nya. Napatingin ako sa gawi nila habang umiinom sa baso ko.
“This is perfect! Can I ask you out?” biglang segwey nito matapos mamuri sa alak na tinimpla nya.
Wala sa sariling napaubo ako kaya napatingin sila pareho sa gawi ko.
Umiling ako nang magtaas sya ng kilay sa akin. Dinilaan nya lang ako at hinarap na ulit ang customer.
Napatitig ako sa baso ko at inubos ang natitirang Mojito doon. Napangiwi ako nang bumalik na sa dati ang lasa nito.