“Alam mo, Bryce? Kung di ka martir, siraulo mode ka naman!”
Mapait na napangisi ako habang umiinom ng favorite Mojito ko habang tinitignan si Hyacinth na nagpupunas ng mga shot glass sa counter.
“Akala mo ba ginusto kong maramdaman 'to?” tanong ko at ibinaba ang pang apat na cocktail glass sa gilid ko. Ngumiwi sya at inagaw sa akin iyon.
“That would be the last glass I will serve you tonight. Wag ka ng magtangkang mangulit ng isa pa dahil hindi ko maipapangakong hindi ko yun hahaluan ng kung ano para makatulog ka ng tanga parin dyan,” nakairap na banta nya. Tumawa ako.
Kanina pa ako nagkukwento sa kanya at wala na syang ginawa kundi ang barahin ako at pagsabihan ng kung ano anong masasakit na salita. Pero kahit na sobrang rude nya sa akin, hindi manlang ako naiinis sa mga sinasabi nya.
I wonder why? Baka dahil totoo lahat ng sinasabi nya at aware ako na ganoon nga ang sitwasyon ko pero ginagawa ko parin. Masisisi mo ba ako kung yung bagay na nagiging dahilan ng pagiging tanga, siraulo, martir ko ay sya ring dahilan kung bakit ako sumasaya?
Paano na nga bang maging masaya ng hindi nasasaktan? Parang nakalimutan ko na kasi.
Last night she texted me that they broke up. Ang saya saya ko. Alam kong hindi dapat ako maging masaya kasi nasasaktan sya pero basta lang, ang saya ko. So, ako naman si masayang masaya sa nangyari, tinawagan ko sya agad to comfort her. We literally spent the whole night talking on the phone. Paminsan minsan naisisingit ko yung feelings ko sa kanya and I somehow felt happy to hear words like, 'Bakit ba sya yung minahal ko at hindi nalang ikaw?'
'Sana natuturuan nalang ang puso', at ang pinaka hindi ko makalimutang sinabi nya nung oras na yon, 'Gusto kitang mahalin. Gusto na rin kitang mahalin'.
Yung kahit natulugan nya ako, nakangiti parin akong natulog at hanggang pagpasok nakangiti parin ako kahit kulang dalawang oras lang yung tulog ko. Ni hindi ko ramdam yung puyat. Partida, hindi pa ko nakapagbreakfast kaninang umaga, ha? Pero inspired na inspired ako sa office. I felt so productive the whole day until I received text message from her, coz I can't even text her first. She said she came into his place and beg for him to comeback. Halos kalahating araw daw sya doon sa labas ng gate bago sya pinagbuksan at pinatuloy. In the end, they reconciled. At sinabihan nya akong wag muna kaming magkita.
Ang sakit.
Nalamangan pa nung sakit yung saya ko kagabi hanggang kaninang hindi ko pa narerecieve yung text nya. Ang unfair. Sobra! Hindi manlang pinatagal yung saya, sumakit na agad agad!
“Alam mo, Bryce? Hindi ko alam kung anong ipinakain sayo ng babaeng 'yun bakit ka tangang tanga sakanya. Tapatin mo nga ako.” sabi nya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko syang titig na titig sa akin.
“Anong namang ipagtatapat ko?”
“Pinakain ka ba ng pepe ng babaeng yun?”
Bigla akong nasamid kahit wala naman akong iniinom. My faced heated. I don't know why. Damn!
Tumawa sya at iiling iling na tinignan ako. I almost glared at her kung di lang sya nag-iwas ng tingin at kinagat ang ibabang labi.
“You seemed comfortable talking to me about dirty stuff, huh? Hindi ka ba natatakot sa akin lalo at nakainom ako ngayon?” I asked out of the blue. Medyo nagulat sya base sa initial reaction nya pero mas nagulat ako dahil iyon ang lumabas sa bibig ko.
Where the hell did those idea come from?
“S-sorry. I didn't mean that—”
“Because, it's you.” biglang sabi nya. Napatitig ako sakanya. Sya rin ay sinalubong ang titig ko. “I can say those things because it's you. Ikaw yan, e. Kaya bakit ako matatakot?” diretsong sabi nya. Tumango ako at yumuko.
Napalunok ako.
It felt awkward suddenly.
Tumikhim sya at saka tumawa kaya napatingin ako sakanya.
“Anong iniisip mo dyan, gago ka?” sabi nya at saka tinulak ang noo ko. Nagulat ako sa ginawa nya pero agad ding natawa.
“Wala akong iniisip, ah? Akala mo naman kaya kong imaginine kang nakahubad?” sabi ko habang inaayos ang eyeglasses na bahagyang bumaba dahil sa pagtulak nya sa noo ko. Literal na napanganga sya kaya lalo akong natawa.
“Yan ang daan na wag na wag mong tatahakin! Kasi pag naimagine mo na akong hubo't-hubad, ibig sabihin lumayas ka na sa harapan ko dahil hindi ako nag-eentertain ng gago kahit gaano pa yan kasarap!” prangka at tuloy-tuloy na sabi nya.
Masarap? Sino? Ako?
Ngumisi ako.
“Then, you can spend the rest of your life with this 'gago'. Coz, getting into your pants is the last thing I'm gonna do.” sabi ko at tinitigan sya.
She laughed and then... we both looked away.