SIMULA
“Bryce…” her voice broke as she called my name.
Well, what’s new? Palagi namang ganito. Iilang beses nya pa lang namang nabanggit yung pangalan ko. Isang pangalan lang kasi yung alam nya. Lalo na tuwing masaya sya.
Agad na niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto ng unit ko pagkakita sa itsura nya. Water dripping in her shoulder length hair, dala marahil ng malakas na ulan sa labas. Kasalukuyan kasing masama ang panahon dahil sa bagyo.
Pagpasok sa loob ay agad akong tumuloy sa banyo at naghanap ng tuyong towel sa cabinet at iniabot iyon sa kanya.
“S-salamat,” sabi nyang agad na pinunasan ang basang buhok. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang suot nya. Bihis na bihis kasi sya. Mukha syang nakipag-date.
O makikipag-date pa lang sana?
“M-may lakad sana kami ngayon. But something came up, kaya hindi raw sya m-makakarating.” paliwanag nya agad kahit hindi pa ako nagtatanong. Tumango ako at tumuloy sa kusina. Nagtimpla ako ng kape. Her expressive eyes were following me.
Those pair of beautiful eyes that are always swollen whenever I see her.
“Say it, Clara...” utos ko. I know she wanna say something at nag-aalangan lang sya. She bit her lower lip.
“P-pwede bang makitulog ulit dito? H-hindi ko na kasi maaabutan yung last trip pauwi sa amin kung ba-byahe pa ako ngayon,” nakayukong sabi nya. Iniabot ko sa kanya ang tasa ng kape.
“Inumin mo muna para mainitan yang sikmura mo. You look pale. Kumain ka na ba?” umiling sya at kasabay nun, bigla ay narinig ko ang mga hikbi nya. My jaw clenched as I held the handle of my cup tightly to suppress my seething anger.
Ibinaba nya ang kape sa mesa at saka tinakpan ng mga palad ang mukha. Bumuntong hininga ako at tinabihan sya ng upo. I gently caressed her back. Pero nang gawin ko 'yun ay lalo lang syang humagulgol ng iyak. I just let her cry until she decided to stop. Maya maya ay mga hikbi na lang nya ang naririnig ko.
It hurts watching her cry.
Ng paulit-ulit at halos sa magkakaparehong dahilan.
I wonder why do I have to settle on this?
Ang hirap.
Ang sakit.
And it hurts even more that I know who caused all of her pains.
It hurts because I know the reason why she keeps on holding on.
Because SHE LOVES HIM.
...and I LOVE HER.
That's why I can just settle for anything that she can give.
Kuntento na ako.
Kuntento na akong damayan sya.
Kuntento na akong maging TAKBUHAN nya tuwing nasasaktan sya.
Kuntento na akong masaktan kasama sya.
Sya— dahil sa mahal nya.
At ako— dahil sa'kanya.
But...
I am not totally alone in this.
May karamay din ako.
Siya ang takbuhan ko kapag malungkot ako dahil nasasaktan ang taong mahal ko.
Siya na kahit papaano ay napapagaan ang pakiramdam ko.
Siya na TAKBUHAN ko sa mga oras na kagaya nito.
Siya na malabo daw na magkagusto at mahalin ang isang tulad kong....
...kuntento na kahit pangalawa lang.