NOTE: All chapters are written under Bryce's POV.
“My regular customer is here! Oh, man! What's up?” mahina at kontrolado ang boses ng nagsalita. Napangiwi ako at pagkatapos ay napangiti nang biglang lumitaw sa pinagtataguan nitong kurtina papasok sa secret room nito si Earl, my celebrity friend at sya ring may-ari ng bar na ito malapit lang sa unit ko.
Earl is considered as a superstar of his generation. And this bar, bihira ang nakakaalam na sa kanya ang bar na ito. Of course, he doesn't want the public especially his fans to know about this and caused ruckus here every now and then. Ito rin ang nagsisilbing hideout nito sa stressful na nature ng trabaho nito.
“Sakto, mag papa-autograph pa naman ako kaya ako nandito,” natatawang biro ko. Umingos sya at sinimangutan ako at saka parang batang nagtago nang makitang may mangilan ngilan ng customers na pumasok sa bar. Naglakad na ako papunta sa paborito kong spot.
Nilinga ko ang paligid nang makaupo na. May ilang grupo ng mga elites ang nasa mga table malapit lang dito sa counter at ako lang ang nakaupo dito. Well, I don't mind heading out to the bar alone lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Clara is sleeping in my unit at ayokong mag-stay doon at baka hanginin pa ang utak ko at makagawa pa ako ng bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan pero sya? Malamang sa malamang ay oo.
I looked at my watch. Mukhang maaga pa ako dito pero ayoko namang bumalik sa unit ko at baka tamarin na akong lumabas lalo at umuulan pa. Nilaro ko ang daliri sa table. Agad na napatingin si Yuwan sa gawi ko at tumango. Hindi na sya nag-abalang tanungin ako sa order ko dahil alam nya kung kanino lang ako nagpapatimpla ng alak.
“Kung alam ko lang na mababasa rin ako sa ulan, hindi na sana ako nag-abalang maligo!”
Agad na nilingon ko ang nagsalita. There she is! Sa wakas ay dumating na rin. Medyo nagulat pa sya nang mamataan ako sa counter. She's flipping her slightly damp hair while walking towards the counter. Kahit medyo nabasa ng ulan ang shaggy cut na buhok nya halata parin ang pastel orange na kulay nito na lalong nag-emphasize sa overall creamy white complexion nya.
Napuno ng swabeng amoy ng body mist na palagi nyang ginagamit ang gawi ng counter kung saan sya dumaan. Agad na tumaas ang kilay nya nang mapako ang tingin sa akin. I didn't say anything, hindi ko alam kung paano nya ginagawa pero nababasa nya ang nararamdaman ko kahit sa tingin ko pa lang. Maybe I am that transparent? I don't know.
She rolled her eyes and gave me a fierce look. If I didn't know her for quite some time, I would be intimidated by her presence. Her features were indeed soft but her personality is way different lalo na kapag nagsimula na syang magsalita.
Medyo nagdadabog sya nang harapin ako sa counter at nagpunas saglit doon.
“I bet this night won't be good for sales! Sa lahat ng pwedeng maging buena mano, bakit yung gago pa?” nakairap na parinig nya at tinignan ako ng masama.
Inayos ko ang eyeglasses ko at nakangising umiling. “I am paying all your possible tips tonight. Basta sa akin ka lang magfocus,” sabi ko at nilapag ang wallet at cellphone sa side. Tumawa sya at humalukipkip na tinitigan ako.
“Shoot! Anong sayo ngayon? I know your regular mojito won't do. Mukhang nagmadali kang pumunta dito hindi ka manlang nakaligo,” sabi nya at naabutan ko syang nakatingin sa ilalim ng jacket na suot ko. Napailing iling ako. I don't know if it's a nature of a bartender like her to be keen to details because she's always been this observant.
“Wala na talaga akong naitago sa'yo. You're creeping me out, Cinth.” she rolled her eyes.
“Wag po kayong mag-alala, Bossing. Hindi ko po kayang sabihin kung virgin ka pa o hindi na!” nakasaludong sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sa lakas ng pagkakasabi nya. Hindi makapaniwalang tinignan ko sya pero dinilaan nya lang ako!
“Hyacinth De Inla, your beautiful mouth is becoming so filthy these days. I am warning you,” banta ko na tinawanan lang nya.
“Oh, ayan. Warm up ka muna para mahimasmasan ka!” sabi nya sabay lapag ng cocktail glass sa harapan ko. Napamura ako sa isip.
May pasok pa ako bukas at wala sa plano ko ang maglasing dahil weekdays ngayon but I think I have left with no choice. The woman I love is sleeping in my unit next to my room in this cold rainy night! Maybe the only thing that would help me calm down is liquor!
Agad na tinungga ko ang isang baso ng Martini na inilapag nya at agad kong naramdaman ang pait ng gin na mainit na humagod sa lalamunan ko.
“f**k, Cinth! You didn't even mix anything!” reklamo ko. I usually don't drink this cocktail. Ewan ko pero hindi ko talaga gusto ang lasa. I would rather stick to whiskey or some rum. Tatawa tawang pinanood nya ako pero hindi sya nagkomento at seryosong tinitigan ako.
“What is it this time, Bryce? I didn't expect you would come here during weekdays. Ganyan na ba kasira ang ulo mo dahil sa babae at maglalasing ka na?” sabi nya sa tonong malumanay. Her voice blended in the soothing music playing in the background. Sa lahat ng bar na napuntahan ko ay dito ako komportable. Not because I am friends with the owner but this place is quite cozy and have that relaxing vibes that would not make you feel even lonelier kahit na nag-iisa ka.
I played the empty glass of martini in front of me before answering. “She's sleeping in my unit tonight,” sabi at pinanood ang reaksyon nya.
Saglit na napaawang ang mga labi nya bago tumawa ng nakakaloko. “That girl is so insensitive! Bakit ba sya punta ng punta sayo kung hindi naman nya kayang iwanan yung syota nya? Ano yun? Sinusubukan nya kung hanggang saan kayang magtiis yang etits mo?” umiiling na sabi nito. Napangisi ako. I don't usually like hearing vulgar words. But she's all making sense right here. Actually, ay palaging ganito ang tono nya lalo na kung naiirita and that's the way she is. Gaya ng sabi nya nung una ko syang makilala at makausap, “I'm rude and I usually speak this way. If you can't stand hearing me, ikaw ang lumayo at mag-adjust!”
“She have reasons and I considered it valid,” sabi ko at nilaro ulit ang baso gamit ang daliri ko. Tumayo sya at naghanda para magtimpla ulit ng alak.
“Ayaw mong marinig yung dahilan nya?” tanong ko habang nakatalikod sya at umaabot ng alak.
“Was it reasonable enough for me to take it as valid? Alalahanin mong buhay na buhay ang rational mind ko dahil hindi ako in love kaya baka mahirapan kang i-convince ako,” tumaas ang kilay nya at naghalo ng alak na paborito nyang i-serve sa akin.
“Hmm.. gabi na raw at wala ng masasakyan—”
“Okay, enough of that nonsense, Mr. Bryce Allen Hernandez. Drink your favorite Mojito and go home.” pagtataboy na sabi nya at saka inilapag ang isang baso ng Mojito sa ibabaw ng counter.
“But I told you she’s there kaya nga ako pumunta dito para lumayo sa tukso. Tinutulak mo naman ako palapit.” kunwari ay nagtatampong sabi ko. Itinukod nya ang braso sa counter at nangalumbaba sa harap ko.
“But you were the one who are pushing me to temptations,” mahinang sabi nya habang nakatitig sa akin.
“Me? What did I do?” kunot noong tanong ko at uminom sa mojito ko pero hindi inaalis ang tingin sa mukha nya.
“I was tempted to kiss you...” walang emosyon na sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin.
Huh? Kiss me? Tama ba yung dinig ko?
“Kaya umuwi ka na bago pa kita mapatay dito.” dagdag nya sa unang sinabi.
Mapatay. So, she was tempted to kill me not kiss me. What the f**k!
Damn!
Damn Martini!