Chapter 06

1725 Words
Chapter 06 Third Person POV KINABUKASAN, nagising si Celestine sa ingay mula sa pool area. Bumangon siya mula sa kama at nagtungo sa bintana upang silipin kung sino ang mga tao sa labas. Pagdungaw niya, nagulat siya nang makita ang grupo ni Rune. Naroon sina Rune at ang kanyang mga kaibigan, nagtatawanan at nag–uusap. Ngunit ang mga ikinagulat niya ang pagkapulupot ng braso ni Catherine kay Rune. Mabilis na umalis si Celestine sa bintana. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso nang maalala muli ang halik ni Rune sa kanya kagabi. Ano ang ginagawa nila dito sa bahay? Bakit sila naririto? Sa isiping iyon ay mas lalong kumalabog ang dibdib ni Celestine sa kaba. Dahil natataranta si Celestine dali–dali siyang nagpunta sa banyo at maliligo, kailangan niyang makaalis sa bahay agad. Hindi p'wedeng magtagpo ang landas nila ni Rune lalo pa't andito ang Ate Catherine niya. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagpalit ng damit. She blow dried her hair at nilagyan lang ng head band at hinayaang nakalugay ang maitim at mahaba niyang buhok na abot hanggang pwetan niya. Isang off shoulder na floral dress ang suot niya, ang isinuot niyang sandal ay white na flat. Walang–ingay niyang binaybay ang hallway patungo sa hagdanan. Bawat hakbang na ginagawa niya ay maingat. Naisipan niyang pumasok sa library at sa may exit door ng library dadaan. Nasa bungad na siya nang biglang bumukas ang pinto ng library. Palabas si Rune ng library para tawagin ang assistant niya para ito na lang ang madiscuss kay Mr. Rodrigo Ramirez para sa investment niya sa negosyo nito nang may makabangga sa pinto. Nanlaki ang mga mata ni Rune nang makita ang babaeng nakapikit habang sapo ang noo. Tila huminto saglit ang oras para kay Rune. Ang muling makita ang dalaga ay labis na nagpasaya sa kanya. Taga rito yata ang dalaga. Naisip niya agad na baka ito ang anak ni Ramirez. It's Celestine Rose Ramirez. "I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin sa dalaga nang alalayan ito sa mga balikat, at sabay ihip sa noo nito. Dahan–dahang nagmulat ng mga mata si Celestine nang marinig ang baritonong tinig. Hindi siya p'wedeng magkamali. Napa–atras siya bigla. "Oh, my Gosh!" Mahina niyang bulalas. Parang may anong tumusok sa puso ni Celestine nang makita muli harapan si Rune. Nagmamadali kasi siyang matakasan ito hindi man lang niya alam na nasa loob pala ito ng library at kausap yata ang kanyang Daddy. Hindi alam ni Celestine kung paano siya magre-react. Gusto niyang lumayo ngunit hindi siya makagalaw. Parang kinuryente ang kanyang buong katawan sa titig ni Rune.Pakiramdam niya, pati ang kanyang kaluluwa.Bakit kasi ganito kung makatitig sa kanya ang binata? Parang nanlalamon ng buong pagkatao. "Celestine," malumanay na tawag ni Rune, pero ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila. "H-hindi kita nakita," palusot ni Celestine habang inaayos ang headband sa buhok. "Kailangan ko nang umalis." Halos matulala siya pero nakuha pa niyang ngumiti bilang pagtanggap sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Agad na hinawakan ni Rune ang braso niya bago pa man siya makalayo. "Sandali lang, please. Kailangan nating mag-usap. Sinundan kita kagabi pero hindi kita naabutan bigla ka na lang nawala." Naramdaman ni Celestine ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung paano tatanggihan ang pagnanais ni Rune na mag-usap sila. Ayaw niyang magtagpo ang kanilang landas ngunit sa mga mata ni Rune, tila ba mayroon itong nais iparating na hindi kayang bigkasin ng mga salita. "Aalis pa ako," mabilis na sagot ni Celestine habang pilit na ngumiti. Alam niyang iyon lamang ang tanging paraan para makalayo sa sitwasyon. "Kailangan ko talagang umalis." "Celestine, please," pakiusap ni Rune, nakikiusap ang mga mata. "Just a moment. I need to explain." Walang nagawa si Celestine kundi sumunod. Sa bawat saglit na magkasama sila, mas lalo siyang nalilito sa nararamdaman. Kung ano man ang gusto sabihin ni Rune, alam niyang mahalaga iyon. Ngunit handa na ba siyang harapin ang binata? Natatakot siya. Sa kabila ng lahat, umupo si Celestine sa isang upuan sa library habang si Rune ay tumayo sa harapan niya, nagdadalawang-isip kung paano magsisimula. "Celestine," malumanay na sabi ni Rune, "hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag, pero gusto kong malaman mo na hindi ko sinasadyang masaktan ka. Kagabi..." "Tama na," putol ni Celestine habang iniwasang tumingin sa mga mata ni Rune. "Wala tayong dapat pag-usapan tungkol doon. Kung tungkol sa nangyari kagabi, tapos na iyon." Umiling si Rune hindi papayag na ganun lang kadali iyon. "I need you to know how I feel. Please, let me explain." Unti-unting bumalik ang t***k ng puso ni Celestine sa normal habang pinapakinggan si Rune. Ngunit sa loob niya, alam niyang hindi magiging madali ang lahat. "Celestine, anak, mabuti at nandito," sabi ni Mr. Ramirez, kakalabas lang mula sa banyo sa loob ng library, nilalapitan siya. "May ipapakilala ako sa'yo." tumingin siya kay Rune. Hindi alam ni Celestine kung paano magre-react. Kabado pa rin siya mula sa naging pag-uusap nila ni Rune, at ang tagpo nila kagabi. "Sino po, Daddy?" kunwa'y na tanong niya. Dumako ang tingin ni Mr. Ramirez sa tabi ni Celestine. "Rune, halika dito." Nagkunwari si Celestine na ngayon lang makita si Rune na. Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga ni Rune bago ito lumapit sa daddy niya. "Celestine, anak, ito si Rune Evander Hayes," masayang pakilala ni Mr. Ramirez. "Siya ang bagong business partner natin. Rune, ito ang aking anak, si Celestine." "Nice to meet you, Celestine," nakangiting sabi ni Rune habang iniabot ang kamay niya. Ramdam ni Celestine ang bahagyang panginginig ng kamay niya, tanda ng nerbiyos na hindi nito maitatago. Ngunit si Rune ay kalmado lamang. "Nice to meet you too, Rune," mahinang sagot ni Celestine habang tinatanggap ang kamay nito. Pakiramdam niya ay muling bumibilis ang t***k ng kanyang puso. "Celestine, baka gusto mo munang samahan kami sa meeting?" alok ni Mr. Ramirez. "Para malaman mo rin ang mga plano namin ni Rune." Gusto sana ni Celestine na umiwas muna, ngunit hindi niya kayang tanggihan ang kanyang Daddy. "Sige po, Daddy," pagsang-ayon niya, pilit na ngumingiti. Naupong muli si Celestine, hindi maiwasan ni Celestine na mapansin ang tingin ni Rune. Alam niyang hindi pa tapos ang kanilang usapan. Ngunit sa ngayon, kailangan niyang magpokus sa kung ano man ang mga plano ng kanyang Daddy at Rune. Sa loob ng opisina, nagsimula nang mag-usap sina Mr. Ramirez at Rune tungkol sa kanilang business plans. Subalit kahit na anong pilit ni Celestine na makinig, ang mga mata niya ay nakay Rune lang nakatitig. Hindi niya alam kung paano babalewalain ang nararamdaman niya. Ngunit sa bawat oras na magkasama sila ni Rune, mas lalong nagiging malinaw ang kanyang damdamin. "Oh, s**t! Oh, my God! Pag–ibig na ba ito, Lord?" Piping sabi niya sa kanyang sarili. Tinititigan niya si Rune habang nagsasalita. Ang bawat buka ng bibig nito at bawat pagbasa niya sa kanyang labi at bawat kagat ay parang gusto niyang mapasigaw na–"oh!" The man was utterly gorgeous. Very striking personality. Kung ubod siya ng gwapo sa TV, mas lalo sa personal. Hindi lang mukha ang maganda kundi pati ang pangangatawan. The muscle arm at maugat–ugat. Kahit malamig ang buga ng aircon, hindi iyon ramdam ni Celestine. Pakiramdam niya umiinit ang buong katawan niya, at pinanunuyuan siya ng kanyang lalamunan. She need cold water. Tumayo siya sa kinauupuan at lumakad patungo sa mini refrigerator sa loob ng library, nagpalagay ang Daddy niya rito. Binuksan niya at kumuha ng isang ice cold bottled water. Oh, God! Siya na ba si Mr. Right? Is this man You created for me? Siya na ba? Buong meeting nakatitig lang si Celestine sa gwapong mukha ni Rune. PAGKATAPOS ng kanilang meeting, tumayo si Mr. Ramirez at ngumiti sa kanyang anak at kay Rune. "Napakaganda ng naging usapan natin. Rune, sigurado akong magiging matagumpay ang partnership na ito," sabi niya habang iniabot ang kamay ni Rune para kamayan ito. Ngunit ang isip ni Celestine ay lumilipad kaya hindi niya naiintindihan ang pinaguusapan. "Salamat po, Mr. Ramirez," tugon ni Rune, nakangiti rin. "Masaya akong maging bahagi ng inyong negosyo." Pagkatapos ay humarap si Mr. Ramirez kay Celestine. "Anak, may pakiusap ako sa'yo," sabi niya. "Ano po iyon, Daddy?" tanong ni Celestine, na hindi mapigilang magtaka. "Gusto ko sanang ipasyal mo si Rune sa mga magagandang tanawin dito sa Masbate. Alam mo naman na bihira lang tayo magkaroon ng bisita mula sa ibang lugar. Dalhin mo sila sa Burias Island," utos ni Rodrigo sa kanyang anak. Nanlaki ang mga mata ni Celestine. Palipat–lipat ang kanyang tingin sa kanyang Daddy at Rune. Nag-aalangan si Celestine. Ngunit sa tingin ng kanyang Daddy, alam niyang hindi niya ito matatangihan. "Sige po, Daddy. It would be my pleasure." "Maraming salamat, honey," sabi ni Rodrigo sa kanyang anak habang tinatapik ang balikat niya. "I'm sure you both will enjoy." And the rest of the team." "It's my pleasure, Mr. Ramirez," kunwa'y na sabi ni Rune. Pero nasa isip niyang ito ang pagkakataon niyang masolo ang dalaga. Gusto niya itong makilala, ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba sa babae. Aaminin niyang attractive siya kay Celestine. At hindi siya pwedeng umuwi ng Maynila na hindi niya ito maging girlfriend. Wala siyang paki–alam kung sixteen ito at twenty six siya. Lumabas sila ng library, at si Rune ay nakasunod lang kay Celestine. Ang kaba ni Celestine ay abot hanggang Jolo Sulu. Habang naglalakad sila pa, hindi maiwasan ni Celestine na mapansin ang mga matang sumusunod sa kanya, may mapanukso. Pero ramdam niya ang mga mata ng kanyang Ate Catherine na naniningkit sa galit. "Celestine," malumanay na sabi ni Rune habang pababa sila ng hagdana. Hinawakan siya ni Rune sa braso, napatingin siya kamay ni Rune at tila muli siyang nakukuryente sa mainit na palad nito, "salamat sa pagpapaunlak. Alam kong hindi ito madali para sa'yo." Mabilis niyang binawi ang kanyang braso. "Wala iyon," sagot ni Celestine, pilit na ngumingiti. "Gusto ko rin namang makapag-relax. Mamayang tanghali ang alis natin, tatawagan ko lang ang pinsan ko na nasa Burias Island may resort sila. Kung gusto mo, isama mo ang buong team mo para masaya," tila natatarantang sabi niya sa binata at mabilis nagbaba ng mga mata. Sunod–sunod na tumango si Rune. "Sure!" Pero ang totoo niyan wala siyang balak na isama ang kanyang team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD