PROLOGUE
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
WARNING: Matured Content not suitable for ages 18 below. Read at your own risk. Medyo red flag ang ML at palaban na sweet ang FL.
Title: THE BILLIONAIRE'S LEGAL WIFE
Prologue
Rose POV
EXCITED akong bumaba sa hagdanan patungo sa library. Pinapatawag daw ako ni Rune at ayon kay Manang Lucing, napakahalaga raw ng kanyang sasabihin sa akin. Magpropose na kaya siya sa akin? Itutuloy na kaya niya ang diborsyo sa kanyang asawa? Tulad ng sinabi niya sa akin, noong dalawang linggo na ang nakakaraan bago siya nagtungo sa Bangkok.
Huminto ako sa harapan ng pinto. Nilagay ko sa aking bulsa ang hawak kong papel. May gusto rin akong sabihin sa kanya; tiyak kong matutuwa siya sa aking ibabalita.
Inayos ko ang aking sarili at isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. I swallowed hard. Bago ako kumatok sa pinto.
"Come in." Isang baritonong tinig ang narinig ko mula sa loob. Hindi ko maawat ang biglaang pagbilis ng t***k ng aking puso. Binuksan ko ang pinto. Natanaw ko si Rune nakatayo sa harapan ng tinted window. In the dark blue suit. Kitang–kita ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng bintana.
Tumikhim ako to get his attention. Dahan–dahan siyang humarap sa akin.
"Gusto mo raw akong kausapin sabi ni Manang Lucing," sabi ko na hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Gusto kong takbuhin ang pagitan naming dalawa at yakapin siya nang mahigpit. Gusto ko ring sabihin sa kanyan na mahal na mahal ko na siya, na gusto kong totohanin na ang lahat sa amin. Na tapusin na namin ang pagpapanggap ko bilang pekeng ina ng kanyang mga anak at pekeng asawa niya.
Na ilagay na namin sa totohanan ang lahat. Hindi ko inaasahan na ang pagpapanggap ko ay mauwi sa tunay na pagmamahal. Hanggang sa makalimot ako sa aking limitasyon at binigay ko sa kanya ang aking sarili nang makailang ulit.
"Yes." Mairiing sagot ni Rune.
Umalis siya sa pagkakatayo sa bintana at lumakad patungo sa kanyang executive desk. Binuksan niya ang drawer at may nilabas na na folder. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa.
Isang buntong–hininga ang pinakawalan ni Rune. Sandali niya akong tinitigan bago nagsalita.
"I wanna say thank you for everything, sa pagpapanggap mo bilang ina sa mga anak ko sa maiksing panahon. Ginampanan mo kung ano ang pinag–usapan natin sa kontrat. Masaya ako dahil hindi mo ako binigo, Rosalie. You acted well like a real mother to them," wika niya sa malamig at pormal na tinig.
Kung kanina ay masaya ako, ngayo'y umusbong sa dibdib ko ang sunod–sunod na panic sa aking dibdib. Pinilit ko ang ngumiti kahit may nararamdaman akong kakaiba. Sinulyapan ko ang folder sa mesa bago muling tumingin sa kanya. Napatuloy itong magsalita.
"Today, I end our contract. I already signed it. Tinatapos ko na, Rosalie , ang ating kasunduan. You are free to go," sabi niya sa madiing tono, at wala kang maririnig na kahit kontong remorse.
Hindi ko magawang magsalita. Maang na napatitig ako sa kanya.
"You heard me, Rosalie. Tinatapos ko na ang kontrata natin." Itinaas niya ang folder. "Nakasaad sa dokumentong ito ang lahat na pinagusapan natin. Buo mong makukuha ang sampung milyon na pinag–usapan natin. May bahay na kasama pati sasakyan at negosyo para sa'yo upang hindi ka na bumalik sa dati mong bisyo," malumanay niyang sabi pero may tunog sarcasm ang dulo.
Hindi pa rin ako makasagot sa mga sinasabi niya. Sinikap irehistro sa aking isip ang mga lumabas sa bibig niya. Nanubig ang mga mata ko pero mabilis akong tumalikod, pinunasan ng mga palad ang aking mga luha.
"Babalik na ang asawa ko, Rosalie. Babalik na si Celestine at nagkaayos na kami. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat ng nangyari sa kanya. Aayusin namin ang aming pagsasama, ang aming pamilya. I'm sorry dahil hanggang ngayon, I'm still inlove with my wife. Kahit anong gawin ko, hindi siya pwedeng palitan kahit kaninong babae, lalo na ikaw. Kung ano man ang nangyari sa atin sa kama, kalimutan mo na lang. Alam ko naman hindi iyon big deal sa'yo."
Kumurap–kurap ako. Sinikap ng aking isip na tanggihan at huwag paniwalain ang mga sinasabi niya. Pero ang pinapahiwatig ng mukha ni Rune ay sapat na upang manlambot ang mga tuhod ko.
Parang sinaksak ng patalim ang dibdib ko at tumagos sa puso ko. Ang sakit ang katotohanan sinabi niya sa akin pero ano ang magagawa ko, ito ang katotohanan pinakamasakit sa lahat.
Masakit sa dibdib dahil umasa ako na magkakaroon ako ng puwang sa puso niya.
Paano na ang pinagbubuntis ko? Paano na ang magiging anak ko? Magkaka–anak na kami. Ngunit, ano nga ba ang aasahan ko?
May asawa siya at may mga anak sila. Kasalanan ko rin naman dahil nagpalunod ako sa mali. Hindi ko hinigpitan ang pagkaselyo sa puso ko at nahulog ako sa lalaking pamilyado.
Ako ay parte lamang ng isang kontrata. Kontratang may expiration, at ito na ang araw na dumating na kami sa expiry date. Tapos na ang pagpapapanggap ko. Tapos na ang panaginip ko, kailangan ko na magising sa katotohanan.
Na walang ako at siya.