Chapter 07

2089 Words
Chapter 07 Third Person POV "OH my gosh, you won't believe what just happened," bulalas ni Celestine habang papaakyat sa hagdanan. Hawak ang cellphone at tinawagan ang dalawang kaibigan niyang sina Jenny at Tim. "Anong nangyari?" sabay na tanong ng dalawa mula sa kabilang linya, halatang curious na curious. "Nasa bahay namin si Rune!" halos pabulong pero puno ng excitement na sabi ni Celestine. "Ha? Si Rune? Iyong sikat na Racer? Hindi nga!" sagot ni Tim, halatang hindi makapaniwala. Ito ang kaibigan niyang bakla na may crush din sa binata. Ito ang nagdala sa kanyan kahapon para panoorin si Rune. "Oo! As in, siya nga!" sagot ni Celestine, hindi pa rin makapaniwala sa sarili niyang mga salita. "Dito pala sila sa bahay natulog and aside of that pinapasamahan ni Daddy na ipasyal ko." Habang nagkukuwento si Celestine sa telepono, napatingin siya sa 2nd floor at nakita niya ang kanyang stepmother na si Greta, nakatayo sa taas ng hagdan at nagsasalubong ang kilay habang pinapanood siya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Celestine, pakiramdam niya ay nahuli siya sa isang bagay na hindi niya dapat ginagawa. Matangkad at parang anak mayaman kung kumilos at gumayak, si Greta, nasa mid–40s , na laging presentable ang hitsura. May makinis na kutis at maputi, hindi na siya nagtataka kung bakit ito nagustuhan ng kanyang Daddy. Dahil magandang babae si Greta. "Celestine, sino 'yang kausap mo?" tanong ni Greta, halatang nagdududa at hindi natuwa sa kanyang nakita. "Ah, si Jenny at Tim po, Mommy," sagot ni Celestine, pilit na ngumingiti kahit na nararamdaman niya ang tensyon. "Pinapaalam ko lang na pupunta kami ng Burias Island mamaya." "Tiyakin mo lang na hindi ka gumagawa ng kalokohan," sagot ni Greta, bumaba ng hagdan at tumitig kay Celestine ng matalim. "At siguraduhin mong uuwi ka ng maaga. Alam mo ang mga tungkulin mo dito sa bahay." "Yes, Mommy," sagot ni Celestine, na nagpapakumbaba. Pagkaalis ni Greta, bumalik siya sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa telepono. "Sorry, naistorbo," bulong niya, pilit na pinipigilan ang kaba. "Grabe naman," sabi ni Tim, halatang nag-aalala. "Kaya mo pa ba, Celestine?" "Oo naman," sagot ni Celestine, pinipilit ang sarili na magpakatatag. "Kailangan ko lang mag-relax. Kaya nga gusto kong pumunta sa Burias Island." "Sige, pupunta kami diyan agad para samahan ka. Hindi kami p'wedeng behind sa ganap," sabi ni Jenny, puno ng determinasyon. "Hindi ka namin pababayaan, suportado ka namin." "Thanks, guys. Kailangan ko talaga kayo ngayon," sagot ni Celestine, huminga ng malalim at sinubukang kalmahin ang sarili. Ang totoo niyan kinakabahan talaga siyang kasama ang binata. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating sina Jenny at Tim sa bahay nina Celestine. Pumunta agad sila sa kwarto ni Celestine para mag-usap nang mas pribado. Si Celestine ay halatang kinakabahan, pero mas medyo kumalma na ngayong kasama na niya ang kanyang mga kaibigan. Dala–dala ang kanilang gamit papuntang Burias Island. "Grabe, Celestine! Hindi pa rin kami makapaniwala," sabi ni Jenny habang naupo sa kama ni Celestine. "Nasa bahay mo nga si Rune!" "Oo nga, parang panaginip," sagot ni Celestine, umupo sa tabi nila. "Pero nakakatakot din dahil nandito si Mama Greta at Catherine." "Nakita nga namin siya kanina. Mukhang hindi siya masaya," sabi ni Tim, tinitingnan si Celestine nang may pag-aalala. "Ano na plano mo? Baka hindi ka payagan, at kahit nga makipaglapit ka kay Marco ayaw rin niya, sa kanila na ang lahat na mga pogi," pinaikot ni Tim ang puti sa kanyang mga mata pataas, "sabagay si Catherine ang gusto ni Marco." "Basta, gagawin ko lang ang sinabi ni Daddy na pumunta sa Burias Island," sagot ni Celestine. "Kilala ninyo ang Daddy." "Naku, mahirap 'yan. Pero andito kami para samahan ka at suportaan," sabi ni Jenny, hinawakan ang kamay ni Celestine. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang." Habang nag-uusap sila, narinig nilang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Manang Milagros, dala ang isang tray ng meryenda. Tahimik ang kwarto, at tila biglang bumigat ang hangin. "Celestine, ito ang meryenda para sa inyo," sabi nito, inilapag ang tray sa mesa. "Pinahatid ni Ma'am Greta. Kumain muna kayo habang mainit yang ginataan." "Salamat, Aling Milagros," sagot ni Celestine, pilit na ngumingiti. Alam niyang kahit gaano kahigpit ang kanyang stepmother, nagpapakita pa rin ito ng malasakit sa ibang paraan. Nang makalabas na si Manang Milagros, bumuntong-hininga si Celestine. "Pasensya na kayo, medyo mahigpit lang talaga siya." "Walang problema," sabi ni Tum, tumingin kay Celestine nang may pag-aalala. "Basta dito lang kami friend." "Oo nga, Celestine. Kung ano man ang mangyari, nandito lang kami," dagdag ni Jenny. "Salamat, guys. Kailangan ko talaga kayo ngayon," sagot ni Celestine, nakangiti at huminga nang malalim. At tinulungan siyang mag–ayos ng kanyang gamit na dadalhin nila papuntang Burias Island. Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ni Celestine ang tawag ni Greta mula sa ibaba. Agad niyang binalingan sina Jenny at Tim. "Tawag ako ni Mommy. Balik na lang kayo mamaya, okay?" sabi ni Celestine, at tumango naman ang dalawa. Bumaba si Celestine patungo sa sala, kung saan naghihintay si Greta na nakatayo sa tabi ng malaking bintana. Kita sa mukha ni Greta ang seryosong ekspresyon na mas nagpatingkad ng kanyang awtoridad. "Celestine, kailangan kitang makausap," simula ni Greta, hindi nag-aksaya ng oras. "May pakiusap sana ako sa'yo." Napatigil si Celestine sa kanyang kinatatayuan. "Opo, Mama? May problema po ba?" Huminga nang malalim si Greta. "Mas mabuti siguro kung si Catherine na lang ang sumama kay Rune. Alam mo namang mas kailangan ka dito sa bahay, at si Catherine ay mas may karanasan sa mga ganitong lakad," ani ni Greta sa pormal na tinig. Pagkatapos ay hinawi ang kurtina, at sumilip sa mga taong nasa harden. "Kawawa naman ang Ate Catherine mo kung sisirain mo ang kasiyahan niya. Ang saya niyang kasama si Rune." Nagulat si Celestine sa sinabi ng kanyang stepmother. "Pero, Mommy, gusto ko rin pong makasama si Rune at makapag-relax kahit sandali lang. Matagal ko nang hindi nagagawa iyon." Napailing si Greta, tila nawawalan ng pasensya. "Celestine, hindi mo ba naiintindihan? Mas responsable si Catherine sa mga ganitong bagay. Hindi kita kayang pabayaan nang basta-basta." "Mommy, please," pakiusap ni Celestine, halos magmamakaawa na. "Kailangan ko rin pong makaramdam ng kalayaan minsan. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng pagkakataon." Nakita ni Greta ang determinasyon sa mga mata ni Celestine, ngunit nanatiling matigas ang kanyang tindig. "Hindi ito tungkol sa'yo, Celestine. Ito ay tungkol sa kaligayahan ni Catherine. Si Catherine na ang bahala sa kanya. Iyan ang desisyon ko." Ramdam ni Celestine ang bigat ng sitwasyon. Alam niyang mahalaga kay Greta ang kanyang kaligtasan, ngunit nais din niyang maranasan ang pagkakataong makasama si Rune. "Mommy, pangako po, mag-iingat ako. Hindi ko po pababayaan ang sarili ko," sabi ni Celestine, pilit na pinipigilan ang luha. Pero nanatiling matigas si Greta. "Hindi na kailangan pang pag-usapan ito. Si Catherine ang sasama kay Rune. Iyan ang desisyon ko, at wala nang pagbabago pa." Napaiyak si Celestine, hindi na mapigilan ang kanyang emosyon. "Mama, please..." "Tapos na ang usapan, Celestine," mariing sabi niya bago siya talikuran. Naiwan si Celestine sa sala, luhaan at masakit ang kalooban. Hindi niya inaasahan ang ganitong pagtutol mula kay Greta, at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa binata na hindi siya ang sasama rito. Habang luhaan at masakit ang kalooban ni Celestine, dumating ang pakanta–kanta na si Celestine. Tumaas ang isang kilay niya ng makitang umiiyak ang babae. Siguro napagsabihan na ito ng kanyang Mommy. Hindi yata siya papayag na si Celestine ang sasama kay Rune. "b***h!" Nagpupuyos na bulong ni Catherine na lumakad palapit sa kapatid. "Celestine, anong nangyari?" tanong ni Catherine at umupo sa tabi niya, na nagkunwaring nag–aalala. "Si Mommy kasi...ayaw niyang ako ang sumama kay Rune sa Burias Island. Gusto niya ikaw ang pumunta," sagot ni Celestine, pinupunasan ang mga luha. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Catherine. Nagpakita ng malasakit, pero sa loob–loob niya ay tuwang–tuwa siya sa narinig parang gusto niyang sumigaw sa galak. Hinaplos niya ang likod ni Catherine. "Alam mo naman si Mommy, masyadong protective. Concern lang ang Mommy sa'yo. Gusto mo ba samahan kita kay Rune na hindi ka makakasama." Suminghot si Celestine. "Iyon ang plano ko, pero natatakot ako. Baka isipin ni Rune na hindi ako seryoso," sabi ni Celestine, halatang nag–aalala. "Hayaan mo na akong kumausap sa kanya," sabi ni Catherine, patuloy sa paghimis sa likod ng kapatid. "Pero maganda rin kung magsalita ka. Ipakota mo kay Mommy na kaya mong magdesisyon para sa sarili mo," kunwari na sabi niya sabay palihim na ngumiwi. Habang naguusap sila, narinig nila ang mga yapak na paparating. Sabay silang napatingin rito, matamis na ngumiti si Rune kay Celestine na pinagkasalubong ng kilay ni Catherine, mas lalong nagpupuyos ang dibdib niya sa inis. "Hey, everything okay?" tanong ni Rune, kita ang pag–aalala sa mukha ni Celestine. Nagkatinginan sina Celestine at Catherine. Huminga ng malalim si Celestine at tumayo. "Rune, may kailangan akong sabihin sa'yo," sabi niya, nilalabanan ang kaba. "Sige, anong meron?" tanong ni Rune, lumapit pa ng kaunti. Huminga ng malalim si Celestine. "Gusto sana ni Mommy na si Ate Catherine na lang ang sumama sa'yo sa Burias Island. Ayaw niyang ako ang sumama dahil sa mga responsibilidad ko dito sa bahay," paliwanag niya, pilit na pinipigilan ang luha. Nagulat si Rune sa narinig. "Talaga? Pero gusto kong ikaw ang sumama, Celestine," sabi niya, tinitingnan siya ng seryoso. "Hindi ka ba pwedeng pumunta kahit papaano?" Sumingit si Catherine, kunwari ay tumutulong. "Ako na ang kakausap kay Mama Greta. Rune, pasensya na pero medyo mahigpit lang talaga si Mama sa amin." Tumango si Rune. "Naiintindihan ko. Pero kung may paraan para makasama ka, gusto kong gawin natin, Celestine. Ikaw ang gusto kong makasama kung hindi ikaw ang kasama ko hindi rin ako aalis," nasa mukha ng binata ang determinasyon. Napakuyom ng mga kamao si Catherine, sa nararamdaman niyang galit kay Celestine. Pinilit niyang ngumiti sa harapan ng dalawa. Siya ang unang kumausap kay Greta na siya ang sasama kay Rune dahil matagal na rin siyang may gusto sa binata. Tumayo siya at niyakap si Celestine. "Gagawin ko ang lahat para makumbinsi si Mommy. Huwag kang mag-alala," sabi ni Catherine, na nagkukunwaring tutulong pero ang kalooban niya ay sasabog sa inis. Umalis si Catherine para kausapin muli si Greta, ngunit sa kanyang puso ay umaasa siyang hindi magbabago ang isip ng kanilang ina. Habang magkasama sina Celestine at Rune sa sala, hindi maiwasan ni Celestine na mapangiti ng kaunti. Sa kabila nito, si Catherine ay nagtungo sa kwarto ni Greta na may planong tiyakin na siya ang pipiliin. "Mommy, tama ang desisyon mo. Ako na lang ang sasama kay Rune. Alam mong hindi pa handa si Celestine para sa mga ganitong bagay," sabi niya, gamit ang kanyang pinakamaamong boses. Nagtinginan sina Greta at Catherine, at naramdaman ni Greta ang pagnanais ng kanyang anak, at hindi rin siya papayag na si Celestine ang sasama sa binata. "Tama ka, Catherine. Mas mabuti na ikaw ang sumama. Ayoko rin na siya ang sumama. Kapag naging boyfriend mo si Rune ay napakaswerte mo, Anak. Kaya pinakiusapan ko si Rodrigo na ikaw na ang sasama," sagot ni Greta na abot tenga ang ngiti. Nangislap naman ang mga mata ni Catherine sa katuwaan. Habang si Celestine ay umaasa ng pagbabago, si Catherine naman ay may naisip na ibang plano, hindi siya papayag na magsama sina Rune at Celestine. Sa sala ay patuloy naguusap sina Rune at Celestine. His dark eyes intent on her. Nanunuot sa mga kalamnan niya, napuyuko siya. Lumapit sa kanya si Rune at hinawakan ang baba niya upang salubungin ang mga mata niya. "Kung hindi ikaw ang kasama ko, walang aalis. Ano lang kung dito na lang tayo sa loob ng bahay ninyo magikot–ikot," nagkibit ng mga balikat si Rune, "walang problema sa akin makasama lang kita. I have two days left bago ako papuntang Australia para sa competition, so I have more time to be with you. You will never be out of sight habang nandito ako," he said huskily, na may lambing sa tinig. Napamaang ang dalaga. Nakatitig sa binata. May dumaloy na kung anong init mula ulo hanggang paa niya sa sinasabi nito. Pakiramdam niya nanayo lahat ng mga maliliit na balahibo sa katawan niya. Bakit ba parang kinikilig siya sa mga sinasabi ni Rune? Yumuko si Rune at halos manlaki ang mga mata niya at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan, at siniil siya nito ng halik sa labi. Ang hindi nila alam may matang nagdidilim habang pinagmamasdan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD