Chapter 03

2100 Words
Chapter 03 Rose POV MY heart was racing, and panic was starting to take over. "Anong ipapatapon sa dagat? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko sa'yo para ipatapon mo ako sa dagat?" tumaas ang tinig ko dala ng aking inis. Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Kalma, Rosalie. Baby, kalma," sabi ko sa aking isip. Kailangan kong magpakumbaba sa lalaking ito, pwede niyang gawin na kahit ano sa akin. Intruder ako at mali ang ginawa kong pagakyat sa yate niya. I gave a faint sigh. "Sir, hindi ako kalaban dito. May pagkakamali ako pero wala akong intensiyon na masama," pilit kong sabi, umaasang magbabago ang ang kanyang isip. "Paano ko pagkakatiwalaan ang isang babaeng, hindi maganda ang record? Kidnappers always stalk their victim first. At malay ko kung iyon ang ginagawa mo ngayon," sabi niya, hindi ako pinapansin, at tila ba ang hatol niya ay final na. His words cut deep. Sa pagkakataong ito, kailangan kong maging matapang at kumbinsihin siya. "Sir, kung mayroon tayong hindi pagkakaintindihan, maari nating ayusin iyon ng maayos. Hindi kailangang lumala pa ito. Aaminin kong hindi maganda ang record ko sa lugar namin dahil nagsusugal talaga ako pero hindi naman ako nangingidnap ng bata." Gumuhit sa mga mata niya ang pagkadisgusto dahil sa sinabi ko. Then, a husky bitter laugh vibrated around. Lumapit siya akin. He pulled me up like I weighed nothing, his grip on my nape tightening. Hinila niya ako palabas sa cabin. Bahagya kaming huminto, lumingon siya sa mga tauhan niya. "Bantayan ninyong mabuti si Amari na hindi makalabas sa Cabin," utos niya sa dalawang lalaki, his eyes cold and unforgiving. "Sabihin mo sa man friday na ibalik ang yate sa pampang. And this woman, itali mong mabuti para i–turn over natin sa mga pulis." Utos niya rito. As he gave ordere, fear washed over me. I felt trapped, helpless , and misunderstood. Napakalamalas nang gabing ito. All I wanted was to escaped . But now, I was being treated like a criminal, tied up and handed over to the police. Tears welled up in my eyes as I realized how dire my situation was. But deep down, I know I couldn't give up. I had to find a way to prove innocence, to make him see the truth. I just hope it wasn't too late. Pagkatapos niyang magbigay ng utos ay hinila n'ya ako patungo sa deck. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang salubungin ako ng malamig na simoy ng hanging dagat. Ngayon ko lang napagtanto na nakalayag pala ang yate at nasa gitna kami ng dagat. Rune stared at me for a long moment. Ang init ng hininga niya ay dumampi sa aking mukha. Nagulat ako sa kakaibang nararamdaman ko, I felt waves of sensation flowed my body. Narinig kong mahinang siyang nagmura. Parang napakahabang oras ang lumipas bago pagalit niyang binitawan ako. Nawalan ako ng panimbang at napaupo sa lounging chair. Tumingala si Rune sa madilim na kalangitan. Paroon at parito habang nasa baywang ang mga kamay. Hindi ko siya maintindihan at puro mura ang naririnig ko mula sa kanyang bibig. Muli siyang tumingin sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin, at hinila ako patungo sa barandilya. And he twisted my back again. Inilapit pa nitong higit ang bibig sa aking tenga at ganoon na lang ang pagsisikap kong huwag mapasinghap. "Who are you?!" He softly asked. Malumanay na tanong pero nagbabadya ang tila sasabog na galit. "Why do you almost like her?" Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Sinubukan kong magpumiglas, pero mas lalo lang niyang akong idiniin sa kanya. I gasped. His arousal poked at my back. To my horror heat suffused my skin. At the same time, natatakot ako. Would he rape me? Napapikit ako. "Open your eyes and look at me!" Marahas nitong utos. Humarap ako sa kanya, at dahan–dahan kong iminulat ang aking mga mata. "You are wrong if you think that way. Wala pa akong babaeng pinipilit sa buong buhay ko, dahil ang mga babae mismo ang lumalapit sa akin. Maybe, you are one of them?" He said with sarcasm, taas–baba ang mga mata niya sa buong mukha ko. "Well...thank...you, dahil marunong ka palang maawa, kahit papano." Sabi ko sa kabila ng takot sa kanya, sa kabila ng pananakit sa lalamunan ko at dibdib, nagawa ko pa rin ang maging sarkasmo sa aking pananalita. Obvious naman ang arousal niya, ayaw pa aminin. Ramdam ko ang paninigas sa pagitan ng mga hita niya kahit natatakpan iyon ng pantalon. Bahagya siyang lumayo sa akin. Ilang sandali muna ang pinalipas bago siya muling nagsalita. "Now, who are you?" Muling bumalik ang galit sa tinig nito. "Sino kaba talaga? At saan ka nanggaling? Sampung taon? Dammit, sumagot ka!" Halos isigaw nito ang huling sinabi naglabasan ang ugat sa mga braso sa pagkakakuyom. Hindi ko siya maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya? Dahil pa ba ito sa pagsakay ko sa yate niya ng walang paalam? O, may ibang kadahilanan? Anong ten years na pinagsasabi nito? Ngayon ko nga lang siya nakita sa personal, aaminin kong isa ako sa humahanga sa kanya, pero alam ko naman ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Ang isang katulad ko ay hindi mapapansin ng isang katulad niya. Umatras ako sa lalaki. Hindi ko malaman ang isasagot ko sa kanya. "Sumagot ka!" Hiyaw nito. "Saan ka nagpunta sa loob ng sampung taon?" "Ano ang pinagsasabi mo? Anong sampung taon? Sinabi ko na sa'yo. Ako nga si Rosalie Dosado Mangahas mas kilala akong Rose . Nagsusugal ako lagi at madalas nahuhuli ng mga pulis. Lumaki ako at nagkamulat sa Quiapo. Tricycle driver ang Tatay ko at tindera sa tiangge ang Nanay ko. May tatlo akong kapatid at ako ang panganay." Paliwanag ko sa kanya, kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Iniwas ni Rune ang mga mata sa akin at nagmura ng patalikod. Muli siyang humarap sa akin at lalong nag–apoy ang mga mata nito sa galit sa pagkakatitig sa akin. Tila ba hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Ang galing mong umarte parang eksena sa sine. Well, wala ka ng makukuhang pera sa akin. Bakit naubos na ang perang hiningi mo? Mas pinili mong sumama sa lalaki mo kaysa alagaan ang mga anak mo. Ikaw ang pinakawalang kwentang babae na nakilala ko sa buong buhay ko." He said angrily. "Ano ang pinagsasabi mo? Anong pera? Kung may pera akong kinuha sayo, di sana hindi kami nakatira sa squatter ngayon. Anong anak? Dalaga ako, dalagang–dalaga, hindi iyong namimintang ka ngayon nga lang kita nakita sa personal. Tapos kung anu–amo ang sasabihin mo sa akin. Sinabi ko na sa'yo, I was running from Julio men's who were chasing me..." tumingala ako at pinuno ng hangin ang aking dibdib. "Incrdible!" Bulalas niya na puno ng sarcasm ang tinig. "Kung nasa pelikula ka for sure. You won best actress ang galing mong umarte. You're nothing but a great liar! Kahit na kailan napakasinungaling mo. Hindi mo na mabibilog ang ulo ko tulad noon." Galit na galit niyang sabi. "Nagsasabi ako ng totoo!" Tumaas ang tinig ko. Hindi ko maintindihan parang patalim na humiwa sa puso ko ang mga sinasabi niya, tila apektado ang buong kaluluwa ko. Kung tutuusin hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya pero ramdam ko ang matinding galit at hinanakit sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Bakit, ako? Ano ang ginawa ko? Isang mapait na tawa ang pinakawalan niya na halos ume–echo sa buong paligid. Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple sa leeg nito habang tumatawa without humor. I saw the muscle movement on his face as he laughed his anger. "Hindi ako naniniwala sa'yo..." he twisted his lips in malicious sarcasm. "Malay ko ba at pakana mo itong lahat at kasama ang lalaki mo sa pagpaplano. Magkamatayan muna tayo bago mo makuha ang mga anak ko. Malapit na tayo sa Manila Bay may mga pulis na naghihintay sayo at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan with no bail. The usual cheap gimmick, you know. Na lagi mong ginagawa sa akin, inabuso mo ang pagmamahal ko sa'yo." Pinigil ko ang paglabas ng matalim na buntong–hininga. Nakakainis na ang lalaking ito, kung anu–ano ang mga sinasabing hindi ko siya maunawaan. I swallowed. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanya. "Bilyonaryo ka, diba? Bakit hindi mo alamin kung totoo ang mga sinasabi ko? You're a fair man I think, Mr. Hayes!" Tumaas muli ang tinig ko sa magkahalong desperasyon at takot. I couldn't imagine myself behind bars like a common criminal. Malakas siyang tumawa. "Hindi ako magsasayang ng pera para imbestigahan ang isang tulad mo. Malas mo dahil mayroon kang ganyang mukha, you deserve to be in jail bago pa magulo ang isip ng mga anak ko. Hindi ko nagustuhan ang affection na nakita ko sa inyo ni Amara! You did not even hesitate to use my daughter affection. Masyadong makapal ang mukha mo." Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga sinasabi niya, wala akong matandaan kung may sinaktan akong tao sa buong buhay ko. "Hinahatulan muna ako na hindi ka man lang nagpapaimbestiga. You're so unfair, Mr. Hayes." Raised my chin and regally walked back to the lounge chair. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, bumagsak ang mga luha ko dahil sa sama ng loob. Humarap siya sa karagatan at mahigpit ang hawak ng dalawang kamay niya sa barandilya. Matagal bago muling nagsalita. "Don't show me those crocodile tears, dammit!" "Bahala po kayo kung ayaw ninyong maniwala sa akin pero hindi ako ang taong tinutukoy mo. Mas magandang ipakulong mo ako, kung mayroon man akong kasalanan sa'yo. Ang hirap magpaliwanag sa mga taong barado ang utak..." I said bitterly, painfully. Humarap siya sa akin. Lumalim ang gatla sa noo. Hinagod niya ako ng tingin. Itinaas ang dalawang kamay na tila naguguluhang paraan. "Hindi ko alam kung ano ang pwede kong paniwalaan. Never! Hindi na kita pwedeng pagkatiwalaan kahit na kailan," matigas niyang sabi na may determinasyon. "Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin, Mr. Hayes," sabi ko nang halos pabulong. "Tulad ng sabi ko sayo. Ako si Rosalie. Marami kang pera, sana gamitin mo ito nang tama dahil hindi ako nanloloko," dagdag kong sabi. Napabuntong–hininga ako, naninikip ang dibdib ko. Maang na napatitig sa akin ang lalaki na tila ba hindi maintindihan ang mga sinasabi ko. "Look who's talking? Ang dami mong niloko na mga tao kahit ang buong pamilya ko, paniwalang–paniwala sa kaartehan mo," sigaw niya sa nagtatagis na mga bagang. Nanlulumo ako sa mga sinasabi niya. May kung anong masakit na bagay ang gumuhit sa didbib ko. Pero walang dahilan para ipaliwanag ko ang aking sarili sa lalaking judgemental na ito. Napakawalang hiya at walang puso. Sayang na sayang ang paghanga ko sa kanya. Nanatili na lamang akong nakatitig sa mga ilaw na kumukutitap sa hindi kalayauan, malapit na kami sa Manila Bay. Makalipas ang ilang minuto ay walang nagsasalita sa amin. Sabay kaming napalingon ng may magsalita sa likuran namin. "Sir, nasa Manila Bay na po tayo at naghihintay na sila Inspector Del Mundo sa daungan," sabi ng kanyang tauhan. Tumango siya. "Dalhin ninyo ang babaeng ito at siguraduhin mong hindi makakalabas sa kalungan para hindi na makapanloko," determinadong sabi nito na may kasamang pait sa kanyang tinig. Napatuwid ako ng tayo. Gusto kong magprotesta pero h'wag na lang dahil ramdam ko ang determinasyon ng lalaking ito na ipakulong ako, magiging walang saysay din ang lahat. Mabilis na umalis si Rune, iniwan niya ako sa mga tauhan niya. Wala akong nagawa kundi ang sumumama sa kanila pababa sa yate. "Bakit ba, galit na galit sa akin ang amo mo?" tanong ko sa pangalan na Jolo. Nginitian niya ako, gwapo ang lalaki at makinis. Matangkad at maganda ang pangangatawan kahit nakasuot ito ng suit. Kahit sinong babae ay magkakagusto rin sa lalaki. "May kamukha po kayo na kinamumuhian niya, Ma'am," aniya na may malisyosong ngiti sa labi. Sandali ang pagkalito sa akin pero benalewala ko lamang. Lumingon ako sa yate nakita si Rune sa roof deck at mabilis rin na umalis. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. May mga pulis na naghihintay sa akin sa baba. Nakita ko ang nakangising si Julio, tuwang–tuwa ang gago. "Hello, baby girl! Tatakasan mo pa kasi ako, at sa yate pa ni Hayes ikaw nagtago," nakangising salubong niya sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin. Kusa kong itinaas ang mga kamay ko para pusasan ni Julio nang biglang may sumigaw na boses ng isang batang lalaki. "Mommy...mommy...mommy..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD