Chapter 02
Rose POV
"DADDY...Daddy...Daddy..." frantic nitong sigaw. Mas nilakasan pa niya ang kanyang boses. "Daddy! There's a siren inside my cabin, daddy..."
Muli akong kumurap–kurap bago ko naipukos ang mga paningin sa magandang batang babae na nasa harapan ko.
"Hi!" nakangiti niyang bati, may lumabas na biloy sa kanyang kaliwang pisngi, parang kagaya sa akin. "Who are you? Why are you here, sleeping in my bed? You're one of my daddy's fans?" Sunod–sunod niyang tanong.
Dala pa rin ng aking antok ay hindi ko maipukos ng mabuti ang aking isip sa mga sinasabi ng bata. "Daddy..." she shouted again, almost at the top of her lungs. Subalit hindi nawawala ang matatamis na ngiti sa kanyang labi.
Dahil dito napabangon ako. Ang puso ko ay bumilis ang t***k, pakiramdam ko may bond sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan ang damdamin ko. I was amazed by looking at her, she's so pretty.
"H–Hi..." tugon ko sa bata, with amazement. Naupo siya sa tabi ko, tumaas ang dalawang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko.
"Hmm..." tila nag isip. "You look like—"
"Like what?"
"Uhm...Siren?"
Natawa ako sa sinabi ng bata. Napagkamalan patuloy akong sirena. Segundo, rin ang nakalipas bago ako nahimasmasan. Akmang tatayo ako sa kama nang makarinig ako ng mga tumatakbong yapak patungo rito sa cabin.
May pumasok na dalawang matatangkad at malalaki ang katawan na mga lalaki. Base sa mga suot nila parang mga personal body guard. Napalunok ako, hindi malaman ang gagawin.
"s**t!" Bulalas ko kasabay sa pagsapo sa aking noo. "Mapapahamak pa yata ako nito," bulong ko sa aking sarili.
"Don't worry! I'm here, they will not going to hurt you..." pampagaan sa loob na sabi niya. Ngunit hindi ako sigurado sa sinabi ng bata.
Palinga–linga ako sa paligid. Naghahanap ang mga mata ko ng madaanan pero wala akong makitang p'wedeng malusutan maliban lang sa pintuan na may nakaharang na dalawa pang malalaking lalaki na bagong dating.
"Don't hurt her. She's my friend," sabi ng bata sa kanila. "Kayo ang mananagot sa akin, kapag sinaktan ninyo siya..." may babala ang mumunting tinig niya at nagawa pa akong kindatan.
Tumayo ang bata sa harapan ko, ginawa niyang pangtakip ang katawan niya sa akin. Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga ito, at sa loob–loob ko natatawa ako sa kanya. Hindi sinasadyang lumampas ang tingin ko sa isang lalaking papasok sa kwarto, and then I saw a handsome familiar face.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Sa unang pagkakataon may lalaking nagpabilis sa t***k ng aking puso. A very familiar heartbeat na hindi ko alam kung kailan ko naramdaman, at kanino ko ba naramdaman.
I took a deep breath at humakbang patungo sa akin ang lalaki. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pagkasuklam ang nakikita ko sa mga mata niya. Napansin ko ang pagkuyom ng dalawang kamao niya sa kanyang tagiliran. Nagsasalubong ang mga kilay
"C–Celestine..." he murmured above whispered, sa pagitan ng disbelief at nahihimigan kong galit. Napansin ko ang pagiling niya, muli akong tinitigan.
Napalunok ako ng laway. Ibinuka ang aking bibig upang punuin ng hangin ang aking dibdib tila kinakapos ako ng paghinga.
"Who are you? And what are you doing in my yacht?" tanong niya sa mapanganib na tinig. "I will not allow anyone to hurt my daughter if you have plan. Are you a thief?" Patuloy ito sa nagngangalit na bagang.
Hindi ko alam at tila hindi ko malaman ang isasagot at gagawin. With troubled eyes ay nanatili akong nakatingala at nakatitig sa mukha ng lalaki. Gusto kong kumilos subalit ayaw sumunod ng aking katawan.
I tried to recall where I had seen him before, and then it hit me. He was Rune Evander Hayes, the famous motor racer. Handsome, wealthy , adored by many women.
Oh my, God! Yate niya ang nasakyan ko. Kapag minamalas ka nga naman. Nakatakas nga ako kina Bruno pero mukhang mapapahamak ako rito. Napagkamalan pa akong magnanakaw. Sa ganda kong ito, mukha pala akong magnanakaw.
"Daddy, she's a friend..." the girl interjected.
Yumuko si Rune at hinaplos ang buhok ng kanyang anak. "We don't know her, sweetie. Go to your brother's cabin, I will talk to her," malumanay na sabi niya sa bata.
"You're not going to hurt her, daddy? A promise?"
Sunod–sunod na tumango si Rune sa kanyang anak. "Promise!"
Matamis na ngumiti ang bata. Humarap sa akin at nagthumbs–up bago tumakbo palabas ng cabin.
Saktong nakalabas ang batang babae sa pinto kasabay na tumango ang lalaki sa mga tauhan niya, tila nagbigay senyales. Lumapit agad sa akin ang dalawang lalaki.
"Hold her! Siguraduhing hindi makatakas hindi natin alam ang motibo ng babaeng 'yan, at bakit narito siya sa yate ko," utos niya sa mga lalaki.
Nakaramdam ako ng matinding takot. May nagflash bigla sa isip ko sa madilim na eskinita na parang may humarang sa akin at pinilit akong isakay sa sasakyan. Unang pumasok sa isip ko ang manlaban sa mga lalaking ito, sigurado akong nasa panganib ako.
Mabilis akong kumilos patungo sa pintuan. Ngunit mabilis akong nahawakan sa balikat. "B–bitawan mo ako..." nagpumiglas ako. In my first instinct, tumaas ang tuhod ko upang tuhurin ang lalaki kasabay ng malakas na pagtulak sa kanya. Sinunod ko ang isang lalaking nakaharang, at binato ko ng frame ang isang pang lalaki na tumama sa mukha nito. Nasa bungad na ako ng pinto.
Nang may humablot sa braso ko. "Tumigil ka!" He hissed behind me. "I'm not going to hurt you!"
Idinikta ng utak kong nanganganib ako at kailangan kong manlaban. Sinubukan kong pakawalan ang sarili ko with all my strenght. At dahil nanlalaban ako at hindi rin biro ang pinakita kong lakas, sa isang iglap ay ibinalandra niya ako sa dingding. My hands twisted on my back.
Napaungol ako. Dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya pero hindi ako nagpahalata sa kanya.
"Ayokong saktan ka pero kung patuloy kang manlaban, hindi ako magdadalawang isip na itapon ka sa dagat. Who are you? At ano ang ginagawa mo rito?" He rasped angrily. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkahawak sa mga kamay ko sa aking likuran.
Halos hindi ako makahinga sa mariing pagkadikit ng mukha ko sa dingding. Kahit ang didbib ko nanakit sa pagkadikit. Ang bawat sulok ng mga mata ko may namuo na hindi inaasahang luha. Sa unang pagkakataon sa buhay ko may lalaking nakagawa sa akin nito. Gago si Julio pero kahit papano may pag–iingat sa akin ang gagong iyon.
I tried to wiggle free, again. Ngunit, ang isang kamay nito'y tumungo sa leeg ko. Napagtanto kong mali ang ginawa kong pag–tatago sa yateng ito. And it was too late to regret. Self pity, iyon ang nararamdaman ko ngayon. Limang lalaki laban sa isang babaeng kagaya kong walang kalaban–laban sa kanila. Halos sakalin niya ako. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang ugali ng Hayes na ito. Hinahatulan ka kaagad, sa TV sa bawat interview niya napakagiliw niyang ama at hinahangaan nang lahat sa kabila ng pagiging single father. Dahil nakikita nang karamihan kung gaano siya kabuting ama sa kanyang kambal.
"Uulitin ko, ano ang motibo mo at bakit ka narito? At sino ka?" He spoke in a cool and deadly voice.
My heart pounded on my chest painfully. Kahit gustuhin kong magsalita ay hindi ko magawa dahil mas lalong humihigit ang mga daliri niya sa leeg ko.
"P–paano...a–ako..." I tried to swallow, my throat was painful. "S–sinasaktan mo ako... nahihirapan akong huminga! B–bitawan mo ako..."
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko, at tinitigan ang buo kong mukha na tila ba kinikilatis niya ang bawat parte nito. Rune's clean breath that fanned my face was created havoc in my senses. At hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito.
"Now speak," he demanded. Napatitig siyang muli sa mga mata ko, pagkatapos ay bumaba sa mga labi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung saan galing ang damdaming umuusbong sa dibdib ko. Oh, God in heaven! But I longed to kiss those lips of him. Bumalik ang mga mata niya sa mga mata ko. He looking at me intently and I was frightened.
"Please..." pagsusumamo ko.
"f**k you," he gritted his teeth at tila walang pakialam kung babae ang kaharap. "Dapat ko pa bang ulitin ang tanong ko?" muling bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Our lips inches away from each other. And I could feel him fighting for self control para hindi niya ako hagkan. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko pero iyon ang nararamdaman ko. Ngunit nangibabaw ang takot ko pa rin sa kanya. He was a big man at halos matakpan ako ng kanyang katawan.
"M–may humabol sa akin. Hindi ko intensyong makapasok dito. Tumakas ako sa kanila at sa wala ako'ng kamalay–malay na dito ako mapapadpad," sabi ko sabay napangiwi ako na ang tila–bakal nitong mga daliri ay bumaon sa mga braso ko.
"Tumakas mula saan? You want me believe that?"
"Nagsasabi ako ng totoo! N–nasasaktan ako, Sir..." sa pagkakataong iyon tumaas ang tinig ko. "I–I'm telling you the truth!"
"I'm warning you, Miss." he said as if reading my thoughts through my body movements. "And you expect me to believe that?" Puno ng sarcasm ang tinig nito. "Ano ang pangalan mo?"
I swallowed. Hindi niya p'wede malaman ang pangalan ko. Paano kung tumawag ito ng mga pulis, tiyak kulungan ang bagsak ko lalo pa at may mga record ako roon.
Umiling ako. Kailangan kong mag–isip ng ibang pangalan. "What?" Tumaas ang tinig nito.
"R–Rosalie...." natatarantang sagot ko.
Lumuwag ang pagkakahawak niya at lihim akong nagpapasalamat pero parang gusto ko namang magsisi ngayon dahil pangalan ko pa rin ang nabanggit ko.
Lumingon siya tauhan niya. Dumukot ng cellphone ang isang lalaki. "Tawagan mo si Inspector Del Mundo," utos niya rito at muling tumingin sa akin. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo sa pangalan mo. I'm calling the police rigth now!"
I cleared my throat. Hindi agad makasagot. "No, please...Kailangan paba?" Hinaluan ko ng pagdaramdam ang aking tinig.
"Oo naman para makasiguro akong nagsasabi ka ng totoo. Marami ang magnanakaw sa lugar na ito. Pang–apat kana na umakyat sa yate ko at muntik mapahamak ang dalawang anak ko. Hindi kita pahihintulutang saktan ang damdamin ng anak ko," pagkatapos ay naghihinalang tinitigan ako.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at lalong wala akong intensiyon na saktan ang mg anak mo. Ngayon ko lang nakita sa personal ang anak mong babae, at ano naman ang motibo ko para manakit. May tatlong kapatid rin ako."
"Really," patuloy ito sa panunuya. "Siyempre, pera." The dark eyes darkened even more in anger. "Apelyido? Don't play games with me, girl," muling itinuon ang paningin sa akin.
"Dosado Mangahas..." sagot ko sa mahinang tinig, napadausdos ako sa dingding patungo sa sahig. "Rosalie Dosado Mangahas."
This man hated me. No. Why? Iyon ang nararamdaman ko. Muling nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko sa hindi ko maintindihang takot sa lalaking kaharap ko. Bakit pakiramdam ko, parang kilala ko na siya. It was ridiculous. Pero iyon ang pakiramdam ko.
"Jolo, tumawag ka kay Inspector Del Mundo. Itanong mo ang tungkol sa babaeng ito. Hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng babaeng ito," sabi niya na puno sa galit ang tinig. Tumango ang lalaki at dumayal sa cellphone.
"Wait!" pakiusap ko.
"Sasabihin mo sa akin ang totoong motibo mo? At kung sino ang mga kasabwat mo? O, ipapakulong kita?"
"N–nagsasabi ako ng totoo..." halos pabulong kong sabi. "Wala akong matibong pagnakawan ka at wala akong planong saktan ang mga anak mo. Sinabi ko na sayo ang buong pangalan ko," nakikiusap na sabi ko, subalit hindi nakikinig ang lalaki.
"I didn't trust you lalo na sa mukha mo," he said bitterly.
"Sir!" Tawag sa kanya ng lalaki, pagkatapos niyang kausapin ang sa kabilang linya.
Lumakad siya patungo rito at may binulong sa kanya. Pagkatapos, tumingin sa akin. Biglang nag–apoy ang mga mata nito sa galit. Marahil alam na niya kung sino ako, tiyak nalaman nila ang record ko. Aaminin kong hindi maganda ang track record ko pero hindi ako masamang tao.
"Throw her overboard." he firmly commanded.
Halos mawalan ng kulay ang buong mukha ko sa narinig. Ipapatapon niya ako sa dagat. "No!" hiyaw ko.