Chapter 04
Third Person POV
"MOMMY...mommy...mommy..."
Napalingon si Rosalie sa pinanggalingan ng boses. Isang batang lalaki ang nagmamadaling bumaba mula sa yate, patungo sa kinaroroonan niya. Nagulat si Rosalie nang bigla siyang yakapin ng bata, hugging her tightly. Sa tantiya niya'y nasa siyam na taong gulang mahigit. Malaking bulas at gwapito, kumukha siya kay Rune at ang batang babae kanina. Marahil ito ang lalaking anak ni Rune.
"Mommy..." tuwang–tuwang yumakap sa kanya ang bata. Napatingin si Rosalie kay Jolo, nagtatanong ang kanyang mga mata sa lalaki.
"Amari, she's not your mother," saway ni Jolo sa batang nakakapit kay Rosalie.
"No! She's my mommy," mariin nitong sabi.
Sinubukang alisin ni Rosalie ang mga braso ng bata sa kanyang baywang. "Balong, nagkakamali ka. Hindi ako ang mommy mo. Wala pa akong anak. Ano ba ang nangyayari sa pamilya ninyo? Kanina ang Tatay mo kung anu–ano ang sinasabi sa akin..." naguguluhang sabi niya rito.
"Jolo, pakikuha mo si Amari," galit na utos ni Rune kay Jolo na nagmamadaling lumapit at kinukuha ang bata kay Rosalie, pero mahigpit na kumapit sa baywang si Amari.
"No!" Hiyaw ni Amari. "I want my mommy..."
"Hindi ako ang mommy mo, balong," sabi niya sa bata, at pilit na tinatanggal ang mga braso nito. Subalit hindi maintindihan ni Rosalie ang damdamin niya para sa bata. Nakikita niya sa mga mata ng bata ang tila nangungulila sa ina, at gusto niyang yakapin ang bata pero ang mga titig ni Rune ang nagpapigil na gawin niya iyon.
Ayon sa balitang narinig niya, namatay sa isang car accident ang asawa ni Rune, at sa mga panahon iyon ay nasa isang taong gulang ang anak nilang kambal. Kaya siguro ganito ang affection ng bata sa kanya. Pero ang pinagtatakhan niya, bakit siya napapagkakamalan? Pero, bakit kanina sinabi ni Rune sa kanya, sumama daw sa lalaki? Umiling si Rosalie sa kalituhan. Wala pang nakakakita sa mukha ng asawa ni Rune, mahigpit ang lalaki pagdating dito. Ayaw niyang makalabas sa social media ang hitsura ng kanyang asawa. Kaya, walang makapagsasabi kung ano ang hitsura nito.
Tumingala sa kanya ang bata, his eyes begging. "What happened to you, mommy?" naiiyak na tanong ni Amari sa kanya, "...I know you are my mommy. You are back, mommy."
Tumiim ang mga bagang ni Rune sa pagkatitig sa babaeng tinatawag na "Mommy" ng kanyang anak. Kahit siya ay naguluhan kung bakit kamukhang–kumukha nito ang kanyang asawa, maliban lang sa buhok dahil kulot ang babaeng nasa harapan niya. Samantalang si Celestine ay long black silky straight hair.
Celestine Rose Ramirez was a very beautiful woman! One of the most beautiful faces na nakilala niya sa buong buhay niya. Nakita niya ang dalaga noong dumayo ang team niya sa Masbate sa isang fiesta para sa isang event ng motor cross. Sa daming babaeng naroroon na audience ang naka high school uniform na si Celestine ang nakabihag sa puso niya. Mahaba ang buhok na nakaterintas, lalong gumaganda kapag ngumingiti dahil lumalabas ang biloy nito sa kaliwang pisngi. That day, Celestine captured his heart.
Akala niya noong araw na iyon ay hindi niya makikilala ang dalaga. Hindi niya inaasahan na ang bahay na tutuluyan nila ay pagmamay–ari ng mga Ramirez. Ang ama ni Celestine ay isang negosyante at mahilig sa mga motor tulad niya.
Si Celestine ay bunsong anak at may kapatid siya si Catherine na halos kaedad niya lang. Ngunit mailap ang dalaga sa grupo niya, at sa ibang mga bisita, hindi lumalapit laging nakaupo sa sulok kapag hindi kakausapin ang dalaga ay hindi rin magsasalita.
Napatingin si Rune nang tinawag siya ni Jolo. "Rune! Kunin mo na si Amari," utos ni Jolo, habang hawak ang kamay ng bata mahigpit na kumakapit sa baywang ni Rosalie.
Mabilis na lumapit si Rune kay Jolo at kinuha ang kamay ng anak. "Amari," simula ni Rune sinisikap maging mahinahon sa anak, "hindi siya ang mommy mo."
Napatigil si Amari, ang mga mata'y nagdilim at tila nanlambot sa sinabi ng kanyang ama. "But Dad, she is my mommy," Amari insisted, holding onto his belief.
"She's not your mommy, son," Rune firmly explained, habang hinahawakan ang mga balikat ni Amari. "I understand why you might have been led to think that way, but you need to know the truth. She's not your mommy. And even if she looks like someone very important to us, kailangan mong tanggapin ang katotohanan."
"But Dad—"
"H'wag matigas ang ulo, Amari," putol niya sa sasabihin ng bata.
Rune's eyes narrowed, anger flaring as he looked at Rosalie. "Dalhin na ninyo ang babaeng ito bago pa malito ang anak ko." Utos niya sa mga pulis na agad tumalima.
"Sandali lang, Julio," awat niya sa lalaki at binitawan siya niyo. Humarap siya kay Rune.
Napabuntong–hininga si Rosalie habang tinitigan si Rune. Rune was tall, almost six feet, and big man. Mukhang nasa mid–thirties, sa tag–isang sulok ng naniningkit nitong mga mata ay ang mga pinong linya na nagbibigay ng kariktan sa kanya. His broad frame was sheated in a very expensive shirt. Billionaire at CEO siya ng isang automative company, at hindi lang iyon sikat din siyang motor racer na walang talo sa mga laban sa ibang bansa kahit dito sa pilipinas.
But she started to hate this man. This man have no remorse, at tama nga ang mga bali–balita na mataas ang mga Pride ng mga Hayes.
"Tayo na, Rosalie," sabi ni Julio sa dalaga.
Wala sa loob na tumango at sumabay dito sa paglalakad patungo sa patrol car. Ngunit huminto siya at muling lumingon sa bata. Nakaramdam si Rosalie ng awa sa bata at naramdaman ang pagmamahal na hindi niya maipaliwanag. Tumutulo ang mga luha sa mga mata nito, parang pinagpira–piraso ang puso ni Rosalie. May damdamin siya para sa bata na hindi niya kayang pangalanan.
"Mommy, 'wag kang umalis please..." tumingala si Amari sa kanyang ama, na halos magkadikit ang mga kilay sa pagkatitig kay Rosalie.
She took a deep breath, lumapit siya sa bata. Yumuko at hinagkan sa pisngi si Amari bago nagsalita. "Hindi ako ang mommy mo. I'm soryy..." mariin niyang sabi sa bata bago binalik ang atensiyon kay Rune. "Isa lang ang pinagdadasal ko, Mr. Hayes. Sana hindi na magkrus ang landas natin." Sabi niya bago pumasok sa loob ng patrol car.
Patuloy sa pagpumiglas si Amari. "Daddy, ang mommy. Please, daddy..." hiyaw ni Amari at binitawan ni Rune ang bata, bilang ama nasasaktan siya sa nakikita sa kanyang anak. "I hate you, daddy!" Sigaw ni Amari habang papatakbong bumalik sa yate.
"Amari..." tawag niya rito. Ngunit hindi nakikinig ang bata sa kanya.
Si Rune ay nagsasalubong ang mga kilay na sinusundan ng tanaw ang patrol car na papalayo. There was something on her, lalo na kapag gumalaw ang babae. Even simple as turning her head and the simple sway of her body is sensous and alluring. Inaamin niya sa kanyang sarili na apektado siya sa babae lalo na kanina nang magdikit ang katawan nila, may nagigising na ngayon lang niya muling naramdaman sa mahabang panahon.
Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya. Nagagalit siya hindi dahil sa pagakyat nito sa yate niya kundi dahil sa pagiging kamukha nito si Celestine. He's cursed himself for the sensation that he felt between anger. Matagal nang namatay ang bahaging iyon ng damdamin niya para sa asawa pero hindi niya maintindihan kung bakit tila bumabalik ngayon. Muling binalik ng estranghera ang init ng kanyang nanlalamig na damdamin. Tumingala siya kawalan and cursed himself.
"Gusto mo bang paimbestigahan ko?" Si Jolo na pumukaw muli sa kanyang iniisip.
Humakbang siya patungo sa kanyang yate. "Paano ba nakuha ni Amari ang mga pictures namin ni Celestine?"
"Nakalimutang isara ni Manang Lucing ang kwarto ninyo noong naglilinis ang matanda, siguro may nabuksan ang bata kaya nakita niya ang mga natitirang larawan ninyo ni Celestine. Kahit ako kanina, gulat na gulat ng makita ang mukha niya. Magkamukha sila, pinsan. Hindi lang basta magkamukha pati sa kilos. Do you think she really is?" Naguguluhan rin tanong ni Jolo.
Matagal bago sumagot si Rune. Umakayat sa roof deck at nagtungo sa bar area. Nagsalin siya ng alak sa dalawang kopita, at inabot kay Jolo ang isang baso.
Naupo sa bar stool. Nakadalawang shot siya bago muling nagsalita. "Gawin mong sikreto 'yun, Jolo," sagot ni Rune habang inalog–alog ang hawak na basong may alak. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Pero kahit magkamukha sila, hindi ibig sabihin na sila ay iisa. Si Celestine ay wala na kasama ang kabit niya, at hindi na dapat balikan ang nakaraan."
Nagkibit ng mga balikat si Jolo. "May punto ka," sabi ni Jolo, tumitig sa kanya nang may pag–aalala. "Alam naman natin na hindi nakita ang bangkay ni Celestine, kahit doon sa sinasabing lalaki niya."
Binilisan ni Rune ang paginom sa whiskey niya. "Maraming nagpapatunay na lalaki ni Tine si Marco, at hindi ako papayag na lalapitan niya ang mga anak ko lalo na si Amari na gustong–gusto na makasama ang mommy niya baka mabilog niya ang ulo ni Amari. Nakita mo kanina, ang affection ni Amari sa babaeng iyon. Hindi ko hahayaang masaktan ang mga anak ko." He said bitterly
Dinala ni Jolo ang baso sa bibig niya at nilunok ang laman nito. "Ano ang plano mo sa babae kanina?" tanong ni Jolo, nag–aabang ng direktiba mula kay Rune.
"Hanapin mo kung sino ang nasa likod nito at siguruhing makakamit ko ang katarungan," mariing sabi ni Rune. "At kung sino man ang babaeng iyon, kailangan nating alamin ang kanyang motibo at kung ano ang kanyang koneksyon kay Celestine."
"Sure. Magpapadala ako ng mga tauhan sa Quiapo para kilalanin ang babae kanina," sabi ni Jolo, "...itutuloy mo pa rin ba ang paglalayag?Or kausapin ang anak mo, masama na naman ang loob sayo." pagiiba ni Jolo sa usapan. Mga pamangkin niya ang mga bata kaya nasasaktan siya sa tuwing umiiyak si Amari, everytime na magtatanong ito about his mother. Mas malambot si Amari kumpara sa kakambal nitong si Amara.
Nagkibit ng mga balikat si Rune at tinitigan ng husto ang pinsan. Pinsan niya si Jolo sa mother side, isang secret agent. Isa sa mga problema ni Rune ang anak na lalaki, simula noong makita nito ang larawan ng kanyang ina ay hindi na ito tumigil sa kakatanong. Lalo na ngayon na may nakita itong kamukha ng kanyang mommy mas lalo itong hindi titigil. Naiintindihan niyang nangulila sa ina ang kanyang anak. Ngunit may takot sa puso ni Rune dahil hindi lang basta sakit ang iniwan ni Celestine sa puso niya kundi matinding hinanakit at pangulila na halos pumatay sa buong pagkatao niya. Mahal na mahal niya si Celestine na mas higit sa buhay niya.
"Kung mapatunayan na walang kasalanan ang babae kanina, palayain ninyo."
"Sure!" Sagot ni Jolo kasabay ng pag–ubos ng laman ng glass, umayos para umalis.
Naiwan si Rune, tumayo siya sa stool humakbang patungo sa barandilya ng yate. Nakatingin sa malayo, naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanyang isipan. Ang kanyang puso ay puno ng kalituhan at galit, ngunit alam niyang kailangan niyang maging matatag para sa kanyang anak at para sa kanyang sarili.
Si Clestine ay nakalipas na, ang naramdaman niya para sa dating asawa ay galit at matinding pagkamuhi. Wala itong karapatan na bumalik sa buhay nilang mag–ama.
Tumingala siyang muli sa kalangitan, ang mukha ni Celestine ang nakikita niya at binalik siya ng kanyang alaala noong mga panahon na una niyang makilala ang dalaga.