Chapter 01
Manila Bay
Rose POV
I TOOK deep breath, trying to calm my racing heart. Huminto ako saglit dahil abot–abot ang hingal at pagod ko. Palinga–linga ako sa paligid naghahanap ang mga mata ko, kung saan ako p'wedeng magtago, hindi ako p'wedeng abutan nang grupo nila Julio. May nakita akong basurahan, tumakbo akong muli at nagtago sa likuran nito. Mabilis kong ikinubli ang aking sarili nang marinig ko ang mga tinig ng mga alipores ni Julio.
"Hanapin ninyong mabuti si Rosalie. Kundi mananagot na naman tayo nito kay Boss kapag hindi natin makita ang babaeng iyon. Kahit na kailan salot sa atin ang kulot na iyon," inis na inis na sabi ni Bruno ang kanang kamay ni Julio.
Si Julio ang katiwala sa pasugalan kung saan ako laging naglalaro ng tong—it. Tinalo ko na naman ang grupo nila kanina, dahil nahuli nilang nandaya ako. Inunahan ko na sila bago nila kami madaya.
Lagi nilang ginagawa sa grupo ko, at hindi ko papayagan iyon. Hindi titigil si Julio hangga't hindi niya makuha ang gusto sa akin. Matagal na siyang nagpapasaring sa akin pero ayoko talaga sa kanya. Hindi naman siya pangit, actually pulis pa nga siya. Iyon ang hindi ko nagustuhan sa kanya dahil protektor siya ng pasugalan.
"Pero aminin mo ang ganda ni Kulot," segunda naman ni Jojo isa sa pinakatangang tauhan ni Julio. "At ang kinis at ang puti." Dagdag niyang sabi, isinandal ang siko sa basuran kung saan ako nagtatago.
"Ewan ko ba kay Boss Julio. Kung ano ang nakita niya sa kulot na iyon, maganda lang naman ang mukha pero sugarol."
Tumawa si Jojo. "Hindi lang mukha ang maganda kay Rose kundi pati katawang tinatago lagi sa suot na pantsuit."
I clenched my fists in anger at their audacity, feeling objectified.
"Mukha pa rin siyang tomboy," angal naman ni Bruno. "Maghanap kana nga lang para makuha na natin ang perang tinakbo niya." Hingal pa rin niyang sabi.
They were still panting from their chase, clearly frustrated at losing to me again.
At dumating ang iba pang kasama nila Bruno. Mukhang pareho silang frustrated at determinado na ako'y hanapin.
"Hindi matutuwa si Boss Julio kung hindi natin mahahanap si Rosalie," sabi ng isa sa kanila na may pangamba.
"Oo, at hindi rin tayo titigilang batuhin ni Boss sa reklamo," dagdag ng isa pa.
Nagsimula silang magkalat at masinsinang maghanap. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko, kailangan kong makatakas nang hindi nila ako makikita.
"Hanapin ninyong mabuti si Rosalie, tiyak hindi pa nakakalayo ang babaeng iyon. Kahit na kailan talaga salot ang kulot na iyon sa negosyo," naiinis na sigaw ni Bruno.
Sumiksik ako nang mas malapit sa basurahan, sinisikap na maging maliit para hindi ako makita. Ang mga hakbang nila ay nag-echo sa paligid habang sila'y naghahanap, ang kanilang mga boses ay lumalakas at lumalapit.
"Tingnan niyo sa likod ng mga halaman!" utos ni Bruno.
"Tingnan niyo doon, malapit sa eskinita!" sigaw ni Jojo. "Bilisan ninyo manonood pa ako nang karera sa motor ang laki ng pinusta ko kay Hayes," dagdag na sigaw nito.
Lumalapit na ang kanilang mga boses, at pinipigilan kong huminga, nanalangin na hindi nila ako makita. Malalim ang tensyon sa hangin habang patuloy silang maghanap nang walang tigil.
Kailangan kong mag-isip nang mabilis at hanapin ang paraan para makalabas at hindi sila mapansin.
Narinig ko ang mga yapak nilang papalayo. Pagkakataon ko na itong lumabas at maghanap ng ibang lugar na p'wede ko pagtaguan sa buong magdamag.
May nakita akong magarang yate na nakadaong sa Manila Bay. Ang yate ay malayo sa kinaroroonan ng grupo ni Julio at mukhang perpekto para sa pagtatago ko ngayong gabi. Mayroon itong magarang disenyo. Ang yate ay may dalawang palapag, mayroong din deck sa itaas.
Tila ba ito ay pag–aari ng isang mayamang tao na nagpunta sa baybayin upang magrelax o mag–party. Nang maramdaman kong tuluyang nawala ang ingay nila Bruno. Dahan–dahan akong lumapit sa yate, siguradong walang nakakita sa akin.
Sa loob ng yate, malinis at maayos ang lahat wala din akong taong naramdaman sa loob. Naglakad ako papunta sa pruweba ng yate at binuksan ito nang kaunti para makita ang paligid. Ang Manila Bay ay tahimik at mapayapa, may ilang bangka at yate na nakadaong malayo sa akin.
Nakahinga ko ng maluwag. Maari akong magpalipas nang buong magdamag. Habang nasa loob ako ng yate, binabalikan ko ang mga pangyayari at naisip kung paano ko maiiwasan si Julio at ang kanyang grupo sa paguwi ko bukas.
Kailangan kong maging maingat at matalino sa aking mga hakbang para sa aking kaligtasan. Tuso ang hayop na Julio na iyon, ikukulong na naman niya ako, at buong magdamag akong matutulog sa malamig na rehas. Akala niya siguro mapapasunod niya ako sa gusto niyang mangyari. Over my dead and sexy body.
Ang mahinang pag-uga ng yate ay nagpapagaan sa aking pakiramdam, isang mapayapang kontrast sa tension na aking nararamdaman. Ang interior ng yate ay magara, animalist ang buong desinyo, may mga malambot na upuan at makinis na kahoy na dekorasyon. Maingat kong inilibot ang lugar, upang siguraduhing ako'y mag-isa. Ang katahimikan ay nakakarelax pero nakakatakot din.
Nakakita ako ng maliit na cabin na may kama at doon ako nagdesisyon na magpahinga sandali. Habang ako'y nakahiga, unti-unti akong ginugupo ng pagod. Gusto kong matulog pero pinipilit kong manatili gising, alam kong ang pagtulog ay maaaring hindi ligtas.
Tiningnan ko ang aking relos; pasado na sa hatinggabi. Ang baybayin sa labas ay tahimik, ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng pilak na ilaw sa kalmadong tubig. Isang magandang tanawin, pero hindi ko ito masiyahan dahil sa banta ni Julio sa akin.
Kailangan ko ng plano. Kinuha ko ang aking cellphone, umaasa na may signal. Sa aking pagkamangha, may mahinang signal ako. Agad kong sinend ang isang mensahe sa aking kaibigan na si Brenda, iniinform siya na may problema ako at kailangan ko ng tulong.
Habang naghihintay ng tugon, nagpasya akong maghanap ng pagkain. Gutom na talaga ako, binuksan ko ang ref halos manlaki ang mga mata ko nang makitang punong–puno ito ng mga iba't–ibang masasarap na pagkain.
Kumuha ako ng plato at nilagyan ko nang hinating cake. Habang kumakain ako, binuksan ko ang internet at naghanap tungkol sa mga krimen ni Julio, kung mayroon man. Kailangan kong malaman ang higit pa tungkol sa kanya para maintindihan ang kanyang motibo at posibleng magkaroon ng leverage laban sa kanya.
Habang binabasa ang mga artikulo at ulat, biglang may ping sa aking phone na nagulat ako. May tugon na si Brenda.
"Rose, nasaan ka? Ligtas ka ba?"
Nag-atubiling sumagot, ayaw kong ibigay ang aking lokasyon sa kaso na baka may nakikinig o sumusubaybay sa akin.
"Okay lang ako ngayon, nagtatago. Hinahabol ako ni Julio. Kailangan kong magtago. Pwede mo ba akong tulungan?"
Sandali ang lumipas bago sumagot si Brenda, "Maghintay ka lang. May paraan akong mapapalayo ka dyan."
Napakaluwag ng aking pakiramdam. Matalino si Brenda at kilala niya ang mga tao na maaaring tumulong. Desidido akong magtiwala sa kanya at maghintay sa kanyang instruksyon. May kilala itong mga kalaban ni Julio sa negosyong pasugalan na pwedeng tumulong sa akin.
Nagdaan ang mga oras habang ako ay nag-aabang nang may kaba, maraming kaisipan sa aking isipan. Sa wakas, mayroon ulit na mensahe mula kay Brenda.
"Nag-arrange ako ng bangka para sunduin ka sa pagdating ng umaga. Manatiling nakatago hanggang sa oras na iyon. Huwag kang magtiwala sa kahit sino maliban sa taong papadala ko."
"Bilisan mo narito ako sa pinakamagandang yateng nakadaong dito sa Manila Bay..." sumilip ako sa porthole, nakita ko pa ang grupo nila Bruno sa labas. Wala silang balak na tigilan ako. "Ang mga magulang ko, paki–sabi kay Lemuel ibalik niya muna ang pera," habilin ko sa mensaheng pinadala ko kay Brenda bago ko binalik sa bulsa ko ang aking cellphone. Kumain ako nang kumain, halos nakalahati ko ang lechon manok sa ibabaw ng mesa. Ang lakas ng aking burp after ko kumain.
"Patawad, Lord! Gutom po ang mga bulate ni Rosalie." Nakangising paghingi ko paumanhin sa taas.
Hinugasan ko ang platong pinagkainan, at bumalik ako sa loob ng cabin. Inihiga ang pagod kong katawan sa malambot na kama.
Nagpapasalamat ako sa tulong ni Brenda, may konting pag-asa na akong nararamdaman. Sa tulong na dumating, umaasa akong darating na ang umaga na ligtas at maayos.
I yawned. Pagod na ako sa buong gabing kakatakbo. Mula Quiapo hanggang rito sa Manila Bay ang narating ko. Ilang minuto akong nakatitig sa magarang desinyo ng kisame.
Nagbigay-daan ang kahalihalina at kalmadong tunog ng dagat, dahan–dahang pumikit ang mga mata ko at tuluyan akong nahimbing sa pagtulog dahil sa labis na pagod. Ang mga pangyayari, tensyon, at takot na aking naramdaman ay unti-unting nawala sa paglubog ng aking katawan sa kama.
Sa paghimbing ng aking pagtulog, ang aking isipan ay puno ng magagandang alaala. Naalala ko ang mga panahon na ako'y masaya at walang iniinda, mga sandaling ako'y malaya at walang problema. Subalit kahit sa pagtulog, ang boses ni Julio at ang kanyang mga alipores ay nagpaparamdam pa rin sa aking isipan, nagbibigay ng takot sa aking panaginip.
Sa kabila ng mga banta at panganib sa paligid, ang kakaibang kapayapaan ng pagtulog ay nagbigay sa akin ng lakas at pag-asa na kakayanin ko ang anumang hamon na haharapin ko. Kahit pa man ang aking katawan ay nakatulog, ang aking kaisipan ay patuloy na tila gising.
Sa gitna ng aking pagtulog, isang masayang alaala ang bumulaga sa aking panaginip. Sigawan at hiyawan ng mga tao.
I found myself on a vast racetrack, where motorbikes roared around, the wind was cool and brisk, and the scent of oil and rubber filled the air.
In the middle of the racetrack, a shadowy figure approached me. Though I couldn't make out his face, I could feel his eyes filled with love and determination. He held a small, circular box in his hand, the glint of the ring inside catching my eye.
"Palangga, I love you so much," he said, his voice brimming with emotion. "I've been wanting to ask you, a midst all of this, sa lahat ng mga taong naririto...Will you marry me, Celestine?"
Binuksan niya ang kahon at isinuot sa aking daliri ang isang magandang singsing. Ang paligid ay biglang naging tahimik, ang ingay ng mga motor ay nawala, at ang aking puso ay bumilis ang t***k sa kanyang mga sinabi.
Naramdaman ko ang init ng kanyang pagyakap at ang tamis ng kanyang halik sa aking mga labi. Sa aking panaginip, ang racetrack ay naging lugar ng isang masayang alaala, isang sandali ng pagmamahal at pagtanggap.
Even though I couldn't see his face in my dream, the happiness and love I felt were real in my heart. Amidst all the challenges and danger ouside, this momery of love would serve as my guide and inspiration as I face the trials of life.
Kumurap–kurap ako nang makarinig ako ng isang matinis na boses na sumira sa masaya kong panaginip.
"Daddy...Daddy...Daddy..."