IRISH:
PALAKAD-LAKAD AKO dito sa gilid ng pool sa rooftop habang may dalang vodka na direktang tinutungga. Hindi ko maintindihan ang sarili. Parang nanamlay ako bigla at unti-unting naglalahong parang bula ang pagtingin ko kay Alp sa mga pumasok sa isip kong possibilities. Kahit na kutob ko lang ang mga iyon ay pakiramdam ko'y.....tama ako. Nagpapanggap lamang siyang maamo. Dahil ang totoo, isa rin siyang gold digger. Manggagamit..Manggagancho.
"Damn Irish. Bakit ka ba disappointed? Hindi na 'yon nakapagtataka sa isang katulad nila. Minsan ka ng nagtiwala sa mahirap at pinataunayan nilang hindi sila karapatdapat pagkatiwalaan lalo na pagdating sa pera" piping usal ko habang tumutungga. Mapait akong napangiti habang tanaw ang kalmadong dagat. Napatingin ako sa bituin na nag-iisang kumikinang sa kalangitan.
"Cheers! You're just like me. Nasa taas. Tinitingala. Kumikinang. Pero malungkot at nag-iisa" pagkausap ko dito na may mapait na ngiti sa mga labi.
"Shayne" nanigas ako sa baritonong boses niya na nandidito na pala. Tulog kasi ito kanina matapos naming naglibot-libot at naghapunan ay nakatulog din siya.
"Yes?" pinasigla ko ang boses kahit labag sa loob ko. Ayoko namang makahalata itong matamlay o naghihinala na ako sa mga nangyayari. Sa mga plano nila ni Elijah sa akin.
Yumapos ito sa baywang ko na ipinatong ang mukha sa balikat ko. Hinayaan ko lang ito at muling tumungga nang sunod-sunod. Ramdam ko naman na nakatagilid itong matamang na nanonood sa akin.
"Gusto mo bang makita...,ang kahariang nagtatago dito?" tanong ko na hindi ito nililingon. Magkakaalaman na kung tapat ba ito sa akin o tama ang hinala ko. Napaluwag naman ang pagkakayakap nito na bakas ang kalituhan. Humarap ako dito na inubos muna ang alak ko bago ibinaba ang bote.
Tinitigan ko ang mga mata nitong napakainosente at bakas ang kalituhan at katanungan.
"Kaharian?" tumango akong napapangiti. Nagningning ang mga mata nitong bahagyang ngumiti at tumango-tango.
"Okay. Let's go there then" aniko na yumakap sa tagiliran nitong muling pumasok ng suites ko. Umakbay naman itong bakas ang excitement kaya napapangisi ako.
Nagbihis ako ng fitted sexy and revealing black dress at nilugay lang ang mahaba kong buhok. Pinulot ko rin ang dalawang pares ng maskara na siyang magkukubli sa totoo naming anyo. Lahat naman ng bisita sa baba ay may suot na maskara sa mata na tila costume na nila para ikubli ang buong mukha nila. Nakabihis na rin ito ng formal na all black. Slack pants at long sleeve na pinaresan niya ng black leather shoes na ikinatingkad ng kanyang kagwapuhan. Ngumiti ako ditong lumapit na natutulalang mapagmasdan ako. Inilihis ko ang manggas ng polo nito na maayos tinupi hanggang kanyang siko. Pinalitan ko rin ang pnp smartwatch nitong suot ng rolex gold. Natulala pa ito na mapatingin sa isinuot ko. Akmang huhubarin niya iyon ng pigilan ko.
"Shayne"
"Wear it Alp. I told you, kaharian ang pupuntahan natin" maawtoridad kong saad na ikinalunok nito. Kita ang pagkailang sa kanyang mga mata tsk. Nag-iinarte ba siya? Well kung ganon? Napakahusay niya lalo na't napakagaling magpakita ng emosyon ang mga mata niyang mapupungay na tila nangungusap na lamang lagi.
"Let's go" hindi ko na ito pinagsalita at hinila na papasok ng private elevator ko dito sa suites na ikinat*nga nito. Direkta na kasi itong papasok sa baba kung saan ang kaharian ni mommy sa underground.
Unang bumungad sa amin ang mga nakahilerang armadong kalalakihan na agad kaming niyukuan na makilala ako sa pagpapakita ko ng id ko. Malakas na tugtugan, hiyawan at palakpakan ang naghaharing ingay dito. Napapangisi akong hinila na si Alp sa gawi ng casino. Napakahigpit ng hawak nito sa akin na halos maugat na sa kinatatayuan. tss.
Panay ang paglinga nito na tila gusto nang kumaripas ng takbo.
Kumuha ako ng 100million worth ng chips at naghanap ng pwesto. Napangisi ako ng masulyapan ang gawi ng mga batang lalake na mga naka-formal all black na tatlo lang sila sa mesa at papasimula ng laro.
"Hi boys, can I join your table?" malambing tanong kong ikinapisil ni Alp sa palad ko pero hindi ko na nilingon pa..Napangiti ang mga itong pinasadaan pa ako ng tingin kaya matamis akong ngumiti para mapapayag ang mga itong kaagad tumango at naglahad pa ng kamay na pinapaupo ako.
"Sure gorgeous. You can join us. As long as you want" ani ng isa na nakangiti.
"teeenkkkssss" maarteng pasalamat ko na mahinhing naupo kaharap ang mga ito. Naupo rin naman si Alp sa tabi ko kaya 'di maiwasang napapatitig sa kanya ang mga higad na nakaupo katabi ang tatlong lalakeng makakalaro ko.
Hindi kami nagpupupunta ng casino ng mga kaibigan ko. Hindi kami sumusugal pero natuto naman kami sa mga gantong uri ng laro dahil kami-kami ang nanghasa sa galing at talino ng isa't-isa para makalamang sa kahit na anong card ang mapunta sayo.
"Shayne"
"Hmmm?" saglit ko itong nilingon sa pagbulong nito at kitang tagaktak na ng pawis na halatang kabado. tsk. Ako naman ang maglalaro, ano bang kinakakaba niya?
"Hindi mo sinabing sugal ang pinunta natin dito" napangisi akong inilapit sa tainga nito ang bibig ko.
"Relax ka lang. Aalis din naman tayo kukunin ko lang ang pera nila" bulong ko. Napapisil pa ito sa hita kong kinadadantayan ng kamay nito sa ilalim ng lamesa.
"Shall we start?" napaayos ako ng upo na ngumiti sa mga ito ng magsimula ng ibigay ang mga cards namin. Para akong batikang-batika sa gantong uri ng larangan na pa-chill-chill lang na sinisilip dahan-dahan ang mga cards kong nakataob pa sa lamesa..Nang masilip kong nasa straight flash diamond ang cards ko ay napangisi akong naglagay lahat ng dala kong chips na ikinat*nga ng mga kalaro ko na makita kung magkano ang itinaya kong bet. Napapalunok pa ang mga ito maging si Alp dahil alam nito at narinig kung magkano ang pina-deduct ko sa black atm card ko sa teller kanina.
Nagkatinginan ang mga itong halatang kabado. Tsk. Napakadaling basahin ang emosyon nila kumpara sa akin na batikang assassin. Pilit ngumiti ang mga itong iniusog din ang lahat ng chips sa harapan nila na napapabuga ng hangin at namumuo ang pawis.
Isa-isa na nilang inilapag ang mga cards nila. Fullhouse. Lock four king. At straight flash pero dahil hawak ko ang straight flash na red diamond with red ace ay parang binagsakan ng langit ang mga itong napanganga at pilit ang ngiting animo'y maiiyak na.
"You're so lucky gorgeous. Maybe it's just your time" ani ng isa na nakangiti at iniusog na ang lahat ng chips nito sa harap ko kasunod ang dalawa.
"Maybe hunky" kindat ko dito na matamis nginitian.
"I hope we can play again nexttime gorgeous" ani ng isa na iniuusog na rin sa aking harapan ang lahat ng chips nitong nginitian at tango ko lang.
"Yeah. I'll ready myself then" tumango itong tumayo na.
"Congratulations, here's your money gorgeous" ani ng panghuli na iniusog na sa akin ang mga chips nito. Napatayo na rin akong isa-isang kinamayan ang mga itong humalik pa talaga sa palad kong ikinangiti ko lang at hinayaan ang mga ito. Magalang ang mga itong nagpaalam na at muling nagtungo ng teller para maglabas ng pera. Napangisi akong napatingin sa nagkukumpulang chios sa harapan ko.
"Wow" aniko sa namamanghang tono na hinaplos ang mga chips.
"2billion peso in just 10minutes" napatayo na rin si Alp na kitang nawalan na ng kulay ang gwapong mukha habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa isang lamesang chips sa harapan namin.
"It's my pleasant for you baby" bulong ko na ikinalingon nitong kunot ang noo.
"It's all yours" nguso ko sa nasa lamesang ikinamilog ng mga mata nito. Napangisi ako sa loob-loob na natutulala itong halos lumuwa na ang mga mata.
Sinenyasan ko ang waiter na lumapit at agad namang nagkumahog ang tatlo na dinala lahat ng chips sa teller. Pinalagay ko sa isang new atm ang lahat ng 'yon at iniabot kay Alp na nakatulala pa rin.
"A-Ano 'to?" ngumiti ako.
"Para sayo. Hindi ko naman kailangan 'yan. Isipin mo na lang....regalo ko sa pagsama mo sa akin dito" kindat kong isinuksok na sa bulsa nito ang card. Nang matauhan ay agad nitong kinuha iyon na parang napapasong napailing-iling.
"A-Ayoko Shayne" napalis ang ngiti ko.
"Bakit? Legal naman nating nakuha yan ah?" kunotnoong saad ko. Napapalunok itong halos mawalan na ng kulay ang mukha sa sobrang pagkaputla.
"Ayo'ko...billion ang laman niyan. Hindi ko kaya. Kung limang libo lang yan pababa? Kaya ko pang tanggapin. Pero billion? No. Hindi ko kaya" anito na bakas ang kaseryosohan. Napabuntong-hininga ako. Nagpapa-impress ba siya para maniwala akong wala silang balak sa akin? Baka nakukulangan pa siya sa dalawang billion kaya tumatanggi siya.
"Alp, tayo ang trumabaho niyan. Kinuha natin....sa legal na paraan" pagpupumilit ko pa. Umiling lang ito na napahaplos sa ulo kong ikinalunok ko.
"Ikaw lang. Naupo lang naman ako doon. Hwag mo ng ipilit Shayne. Hindi na ako tatanggap ng pera sayo, malaki pa ang utang kong binabayaran ko" parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso kong marinig ditong kaya ito nandidito dahil pa rin sa utang at hindi dahil....gusto nito. Napahinga ako ng malalim.
"Fine. Tara inom tayo" sumusukong saad kong hinila na ito sa kamay.
"Inom na naman? Shayne naman napaka-alchoholic mo. Makakakuha ka lang ng sakit sa ganyang bisyo mo" panenermon nito na nagpapahila. Hindi ko ito pinansin at tumuloy kami ng clubhouse. Bumungad sa amin ang naghihiyawang mga tao sa malawak na dancefloor sa gitna. Nakakahilo ang pag-iikot ng mga disco light na siyang nagbibigay liwanag dito sa loob. Maayos namang nakahilera sa bawat sulok ang mga lamesa at upuan at maging dito ay nagkalat ang mga bouncer na malalaking tao at may mga baril ding nakasukbit sa kanilang tagiliran. May mga vip room naman dito para sa mga naka-vip access kung saan unlimited drinks at babae ang makukuha nila.
Pumwesto kami sa isang sulok kung saan walang masyadong tao. Agad naman kaming nilapitan ng waiter kaya ako na ang um-order ng inumin namin dahil natutulala na naman si Alp tss.
"Here's your order ma'am, sir. Enjoy the night" ani ng waiter na hinarang ko at binulungan.
"Bring me five beautiful ladies to seduce the man I'm with okay?" ngumiti itong tumango-tango na tinapik ko sa balikat. Kimi akong ngumiti na dumampot sa order naming beer kaharap si Alp na palinga-linga sa paligid at kitang hindi siya komportable.
"Drink this Alp" abot ko sa dinampot kong bote ng beer at pasimpleng hinulugan ng gamot pampagana. Tignan ko lang kung hindi ito mag-init at sunggaban ang mga babaeng mang-aakit sa kanya maya-maya. Napapangisi ako ng uminom ito na hindi napapansing nakamata at ngising aso ako dito. Napapailing na lamang ito sa namimilog ang mga mata kapag mapapatingin sa mga nasa paligid na gumagawa na ng milagro kahit na ba nagkukumpulan na ang mga tao dito. Syempre. Mga wala na rin ang mga iyan sa sarili dahil bawat serve dito ng alak ay...may party dr*gs ng kalakip kaya ginto ang presyo ng mga inumin dito. Panay ang tungga nito na sa paligid nakamata at halos lumuwa ang mga mata ng mapalitan ng isang malamyos na tugtugin ang kanina'y nakakabinging tugtugan. Naghiyawan at palakpakan ang mga nandidito ng mas dumilim pa dito sa gawi naming manonood at isa-isang lumabas ng stage ang mga babaeng kapiranggot lang ang suot. May mga suot ding mask sa mata habang dahan-dahang gumigiling na inaakit ang mga nanonood na panay ang sipol at hiyaw sa kanila.
Napailing na lamang ako na nakamata kay Alp na nanigas na yata at walang kakurap-kurap na nakamata sa limang babae sa stage na sumasayaw habang unti-unti nang hinuhubad ang mga kapirasong tela nilang suot-suot kaya panay ang hiyawan ng mga nanonood sa kanila. Muli kong inabutan si Alp ng inumin nito na nilagyan ko muli ng dr*gs na hindi nito napapansin tsk.
Halos nakapitong bote na ito ng maramdman ang tama ng ininom. Binitawan na nito ang pangwalong kasalukuyang iniinom at napasandal ng sofa na napasapo sa noo. Napapangisi lang naman akong pinapanood ito.
"Let see kung tunay ka nga o isa ka lang huwad na nagpapanggap na inosenteng binata Alp. Nagkakamali kayo kung inaakala niyong maiisahan niyo ako ng girlfriend mong ahas" piping usal ko na panakanakang tumutungga sa beer ko.
Maya pa'y lumapit na ang limang hubot-hubad na babaeng kanina lang ay sumasayaw kanina sa harapan na nagtungo dito sa kinaroroonan namin. Napangisi akong sinenyasan ang dalawa na lumapit sa akin at ang tatlo ay kay Alp na agad sumunod. Napapitlag pa ito ng biglang may dalawang babaeng naupo sa kabilaang hita nito na yumakap sa kanya at sinimulan na siyang paghahaplusin kung saan-saan!
Napangisi lang ako na kinalong ang isang babaeng hubot-hubad din na may matamis na ngiti sa aking napayapos ng batok ko habang ang isa ay nagsimula na ring paghahalikan ako sa batok.
"Shayne!!" napalingon ako kay Alp na ngayo'y nakatayo na at nanggagalaiti ang mga matang nakatutok sa akin na kuyom ang kamao. Nagtataka naman ang tatlong kasama nitong nakatingala kay Alp.
"What?" taas kilay kong tanong at walang pasabing siniil ko sa mga labi ang kalong ko habang ang isa ay lumalamas na sa dibdib ko at panay ang halik sa batok at mga braso ko.
Napakurap-kurap ako ng iglap lang ay para akong nakabitin patiwarik! Nahihilo ako dahil ang magaling na Alp lang naman ay bigla akong hinablot na isinampay na parang isang sakong bigas sa balikat nito at malalaki ang hakbang na inilabas ako ng club! Lalo akong nasusuka dahil sa pagkakatiwarik ko sa likuran nito.
"F*ck!! Alp put me down!!" asik ko na hinahampas ito sa pang-upo nitong abot ko.
"Tumahimik ka!" asik din nito na pinalo ang pisngi ng pangupo kong nagustuhan ko at ikinainit ko sheeett! bakas ang galit sa tono nito pero ang sarap niyang mamalo huh!
Sinakay ako nito sa elevator na panay ang mura at hinihingal habang nakasampay pa rin ako sa balikat nito.
Pabalang ako nitong ibinagsak ng kama na naghahabol hininga. Tagaktak ang pawis at pulang-pula ang mukha. Maging mga mata nito ay puno ng pagnanasa na pilit niyang nilalabanan. Tumalab na ang gamot but f*ck! Mukhang ako ang magigisa..Nilagyan ko ng gamot ang inumin niya para makita ko mismo kung paano siya makipagt*lik sa mga babaeng in-order ko doon para paligayahin siya sa harapan ko pero....damn! Hindi ko naman akalaing lalabanan niya at itutulak ang mga babaeng hubot-hubad na doon at heto at iglap lang ay nandidito na kami sa suites ko!! sheeett! hindi ito ang plano ko kaya siya pinainuman ng party dr*gs!! Nakakainis!
Nagtungo ito ng backdoor kaya napasunod ako. Mahirap na at baka tumalon ito mula dito sa rooftop. Kung 'di magkandalasog-lasog ang katawan nitong babagsak sa baba. Hindi ko naman maaatim iyon.
"Alp!" nagtungo ito ng pool na isa-isang hinubad ang mga suot at tanging boxer lang ang natira na agad nag-dive sa ilalim! Alam ko namang good swimmer siya pero nakainom siya ngayon at nasa ilalim ng gamot! Agad kong hinubad ang dress at stilleto ko na sinundan itong nag-dive sa 12feet na pool! Nakita ko ito sa ilalim na tila kinakalma ang sarili habang hinahayaang bumababa ng floor na nakapikit yakap ang sarili.
Pinagyuyuyogyog ko ito na kanyang ikinamulat at hinila na paahon! Hinila ko ito sa 5ft lang ang lalim na kapwa naghahabol ng hininga. Namumula pa rin ito maging ang kanyang mga mata.
"Ano yon huh? Anong klaseng lugar yon!!" sigaw nito na hinihingal. Napangisi ako.
"Bakit?" painosenteng tanong ko. Nagpantig ang panga nito.
"Bakit mo ako dinala doon!? Bakit ka nagpupunta sa ganoong lugar! P*tangina Shayne! Ang lalaswa ng mga tao doon! Para akong nasa impy*rno!" bulyaw nito na nanggagalaiti sa galit!
"Have you forgotten? This place is ours Alp..Ours. Malamang nagpupunta ako sa ganoong lugar. Isa ito sa negosyo namin eh" pagtatapat ko para masubok ito. Natulala itong tila hindi makapaniwala sa narinig. Ngumisi ako.
"Pero tama ka naman....kaya nga ang tawag sa islang ito ay.....hell paradise"
"H-Hell p-paradise?" nauutal na ulit nito..Ngumiti akong yumapos sa batok nito. Muling nag-apoy ang mga mata nito ng matinding pagnanasa dala.ng gamot. Napatitig ito sa mga labi kong iniawang ko na sunod-sunod nitong ikinalunok.
"Ahah..." pang-aakit ko na yumapos sa batok nito at mas idinikit ang dibdib kong ikinayapos nito sa baywang ko.
"S-Shayne ...a-anong nangyayari...h-hindi ko makalma ang sarili ko" paanas nito na kay bibigat ng paghinga. Napangiti ako.
"Bakit...ano bang nararamdaman mo hmm? Are you mad at me baby?" bulong ko na nakamata sa kanya at napapakagatlabing sunod-sunod nitong ikinalulunok.
"No I'm not....but Shayne... I...I w-want you now..I want to claim you right now baby.. believe me, pinipigilan ko pero....hindi ko na kaya..I want you so damn much baby, tonight... I'll claim you as mine. And no other man can own you, but only me. You are mine" namilog ang mga mata ko ng sumiil itong ipinayapos ako sa baywang at nagsimulang maglakad paahon ng pool na sapo ang pangupo ko!