Chapter 11 Instinct

1217 Words
IRISH: LIHIM AKONG NAPAPANGITI habang magkahawak-kamay kami ni Alp na pumasok ng lobby nitong hotel namin. Nakasunod naman ang mga tao namin ditong sumalubong sa amin sa pampang kanina pagkalapag ng helicopter. Panay ang linga nito sa paligid. Para lang kasi itong exclusive resort ng mga mayayaman na mapapanganga ka talaga sa bawat madaanan ng mga mata mo lalo na kung 'di ka sanay nagpupupunta sa mga exclusive resort. Pagkapasok namin ng private suites ko dito sa may rooftop ng hotel ay siya na ang nagdala sa mga luggage namin sa closet. Lumabas ako ng backdoor at bumungad ang swimming pool sa akin na salamin ang dingding kaya kitang-kita ang asul na dagat at berdeng islang kaharap lang namin. Para ka ngang totoong nasa paraiso sa ganda ng lugar dito sa Palawan. Nangingiti akong nagtungo sa dulo at napahawak sa salaming bakod na hanggang dibdib ko ang taas. Napapikit at tingala akong may matamis na ngiti sa mga labi habang ninanamnam ang sariwang ihip ng hangin at ang katamtamang init ng araw na kay sarap damhin sa balat. "Ang ganda" lalong lumapad ang pagkakangiti ko ng yumapos si Alp sa tyan ko at mas kinabig akong pasandal sa matigas niyang pangangatawan. Ang sarap lang damhin ang mga sandaling ito na solo ko siya at nasa paraisong lugar kaming dalawa. "Do you like here baby?" tanong ko habang nakapikit na nakasandal dito at nakakulong sa kanyang mainit at maskuladong bisig. "Yeah, it looks absolutely like a paradise Shayne" anito sa namamanghang tono at bakas ang tuwa dito. "Let's go, I'll tour you around Alp" kumawala na ako sa yakap nito na pilit ngumiti at pinag-intertwined ang mga daliring hinila ito palabas muli ng silid. Tahimik lang naman ito na hindi umangal sa pagkakahawak ko sa kamay nito. Panay pa rin ang linga nito na akala mo'y parang paslit na nawawala tsk. Mahina akong napahagikhik nang pumasok kami ng elevator at may isang pares na todamax kung maglaplapan! Natigilan itong napahigpit ang hawak sa kamay ko pero hinila ko pa rin ito papasok ng elevator. Parang mababali na ang mga daliri ko sa higpit ng pagkakakapit nito. "Shayne" mahinang bulong nito na nagsumiksik sa akin ng mapasandal sa kanya ang babae na napapaungol na dahil sa pangsisipsip lang naman ng kasama nito sa kanyang leeg habang lamas ang dibdib na nakalabas na tsk. Pigil-pigil ko ang sariling mapahagalpak ng tawa na nagsumiksik talaga siya sa akin kahit kita naman niyang nakasandal na ako dito sa sulok ng elevator. "Alp ano ba. Napipisat mo na ako" mahinang asik ko na tinutulak ito pero umiling lang na nakasuksok pa rin sa akin! Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas na ang pinto kaya mabilis niya akong hinila palabas na ikinahagikhik ko. Ang lalaki ng mga hakbang nitong tila nagmamadali sa lakad. "Woohh!" tuluyan akong napahagalpak ng tawa ng mahila na ako nito palabas ng hotel at bumungad kami dito sa pampang na akala mo'y nakahinga ng maluwag! Namumula ang mukha nitong pasimpleng nagpahid ng pawis na tagaktak na! "Grabe sila ah. Walang konsidirasyon sa ibang kasabayan nila" bulalas nito na may halong pagkairita.. Napailing na lamang akong naglakad ng buhanginan. Sumunod naman itong ngayo'y namamanghang sa dagat nakamata. Tss parang bata kung kuminang ang mga mata nitong bakas ang tuwa sa mga nakikita. Napapanguso akong nakatungo sa buhanginang kay pino na inaapakan namin. Sa ilalim nito ay ang kaharian ni mommy na illegal ang mga gawain. Kung 'yong halikan pa nga lang na nakita niya ay nagreak na siya..paano pa kaya sa baba nitong kinatatayuan namin. Bigla tuloy nagkaagam-agam akong ibaba siya mamayang gabi dahil baka matakot ito at tuluyang lalayo sa akin. "May problema ba Shayne?" dinig kong untag nito. Naupo akong pasalampak at napapikit para itago ang lungkot at takot sa mga mata ko habang naglalaro ng buhangin. Naupo rin naman ito at ramdam ko ang dalawang matang pares na nakatutok sa akin habang nakapikit ako. Napahinga ako ng malalim para kalmahin ang utak at puso kong unti-unting sumisikip. Paano ko nga kaya siya makukuha? Maging ako'y naguguluhan na rin sa nararamdaman ko sa kanya. Oo nga't gusto kong magpakama sa kanya, para saktan si Elijah at maiparamdam ang sakit na ginawa niya sa akin noon. Pero hanggang kailan ko siya pananatilihin sa tabi ko? Darating din naman kami sa punto na palalayain ko na siya. Actually kahit kailan nga niya gustong umalis ng poder ko ay pwede dahil pinakawalan ko na siya pero heto at nagpupumilit pa rin sa tabi ko. May alam na kaya siya sa totoong namamagitan sa amin ng girlfriend niya? Baka naman mamaya imbes na ako ang naglalaro sa kanilang dalawa ay ako na pala ang pinaglalaruan nila. Hindi malayong nagkataon lang ang lahat. Coincidence nga lang ba na sa bangko namin siya nangutang noon? Na pumayag siyang magpaalipin sa akin? At ngayo'y halos ayaw ng umalis ng tabi ko. Ano nga bang alam ko sa kanya bukod sa complete name niya? Ni hindi ko nga kilala ang pamilya niya. Ang mismong bahay nila. Nagiging pabaya na nga ba ako? Nagpapadala sa karisma niya para sa huli ay perahan lang nila ni Elijah? Inosenteng lalake nga ba siya? O baka nag-iinosentehan lang para mapaibig ako at sa huli ay perahan lang. Baka kaya hindi siya umalis kahit pinalaya ko na dahil......dahil wala pang nangyayari sa amin at hindi pa ako....nahihingan ng pera maliban sa utang niyang kalahating milyon. Hindi malabong mangyari yon. Walang mawawala sa kanya kundi karangalan pa nga niya kung maikama niya ang isang katulad ko. Girlfriend niya ang ahas na Elijah na 'yon. Isang traydor, plastic at gold digger katulad ng ina niya. Hindi malabong.....magkakakuntsaba sila. Baka naman....ako pa ang magisa sa kawaling ako mismo ang nagsalang sa apoy na pinuno ng mantika at sa huli ay pagtulungan lang nila akong igisa ni Elijah sa sarili kong lutuan. "Shayne..." napamulat ako sa pagyugyog nito. Walang emosyon ang mga mata kong napatitig sa mga mata nitong napakainosente na tila walang ni anong tinatago sa akin. Pero kung tungkol naman kay Elijah ay ang galing niyang magkaila. Nagawa na niyang magsinungaling sa akin patungkol sa kanilang dalawa. Kaya hindi na nakapagtataka kung nakikipaglaro na pala sila sa akin at pinagtatawanan sa likod-likod ko lalo na't magkasama sila ng maghapon sa buong weekdays sa school nila. "May problema ba? Kanina ka pa napakatahimik ah. Hindi ako sanay" malambing tanong nito na bakas ang pag-aalala sa boses at uri ng pagtitig nito. Ngumiti ako na umiling. Kung naglalaro lang pala silang dalawa. Pwes makikipaglaro ako sa kanila. Napapangisi na lamang ako sa loob-loob ko ng tumango-tango itong muling sa dagat ibinaling ang paningin. Napatitig ako dito habang naka-side-view at binabasa ang tumatakbo sa utak. "Could it be possible that? He's just pretending innocent man to make me fall inlove with him? And took my money? Minsan na kaming nagtiwala sa mahihirap na tao at tinulungan pa nga, pero sa bandang huli ay trinaydor kami dahil sa salapi namin at ang taong yon ay..... konektado sa kanya. Girlfriend niya pa mismo" napailing ako. "Then get ready yourself Irish. Hindi ka ipinanganak para.....paglaruan lang kung sino. Gusto nilang makipaglaro? Pwes sasabayan ko ang gusto nilang laro" piping usal ko na napapangising sa dagat na ibinaling ang paningin. Mahirap mg makahalata itong katabi kong......nagdududa na ako sa mga bagay-bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD