bc

[THE DANGEROUS ANGEL'S SERIES4] HER INNOCENT SLAVES ( Irish Shayne Crawford )

book_age18+
3.2K
FOLLOW
15.6K
READ
billionaire
HE
playboy
arrogant
badboy
drama
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Alpha Brix Lopez Castañeda. Isang anak sa labas ng kilalang negosyante sa bansa maging Asia. Lumaki sa simple at masayang pamilya. Ngunit isang araw ay guguho ang tahimik at masayang pamumuhay nito. Inatake sa puso ang kinikilala nitong ama na dahilan para mangutang siya sa isang lending company. Pero sa kasamaang palad ay makakaharap nito ang isang heredera na saksakan ng kapilyahan at katigasan ng ulo. Tatanggapin niya ba ang perang para sa pang-opera ng ama niya kung ang kapalit na hihingin sa kanya ng dalaga ay ang maging alipin siya ng dalaga. Mapapatino kaya ng isang inosente at shy type na binata ang dalagang amo na isa ring sakit sa ulo ng pamilya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Dept
IRISH SHAYNE CRAWFORD: NAPAPANGUSO AKONG pinapaikot-ikot ang hawak kong pen sa kamay habang nilalagdaan for approval ang mga aplikanteng naglo-loan sa itinayo kong lending bank ko. "Sir pasensiya na, hindi po talaga pwede. Kailangan niyo munang makumpleto ang mga papeles niyo lalo na't malaki-laki ang inilo-loan niyo" dinig kong saad ng secretary ni mommy na si ms Susan dahil bahagyang nakabukas ang glass door nitong opisina. Si mommy talaga ang nagma-manage nitong bangko dahil....happy go lucky lang naman ang buhay na nakagisnan ko at kung ako lang ang mamamahala ng bangko ko? Tiyak mababankrup ito dahil approved lahat sa akin. Hindi naman kasi mahalaga sa akin ang pera kaya balewala sa'kin kung malulugi ba o aangat ang kompanya. Napalingon ako sa labas nitong opisina ni mommy dahil tinted glasswall naman ito kaya kita ang mga tao sa labas. Napanguso akong kunot ang noong napatitig kay ms Susan at sa binatang kausap nitong matamang pa ring nag-uusap. Sa uri ng pag-uusap nila ay tila nagmamakaawa ang binata na mangiyak-ngiyak na ang itsura. "Who's that guy Mom?" tanong kong sa dalawang tao sa labas ako nakamata. "Ah... applicant hija. Kahapon pa nga 'yan pabalik-balik dahil hindi ko inaaprubahan ang loan nito dahil hindi siya kumpleto sa requirements" ani mommy ng mapasunod ng tingin sa tinitignan ko. Napalunok ako ng mapatitig sa binata. 'Di ko mapigilang suriin ito ng tingin mula sa white converse shoes nito, pantalong kupas, at black shirt at white cap. Matangkad ito at may maskuladong pangangatawan. Medyo moreno at 'di maipagkakailang may angkin itong kagwapuhan mula sa nangungusap niyang mga mata, matangos na ilong at maninipis na mga labi. Maging jawline nito ay perpekto ang pagkakahulma. "Let him in Mom" "Pero hija, hindi nga kasi siya qualified" napalingon ako dito at napasandal ng swivel chair ko na napapangisi. "Irish huh, I know that kind of smile of you my dear. Stop playing around will you" anito na napapailing. Mahina akong natawa at muling nilingon si kuyang pogi at ang secretary nitong tila kinukulit niya pa rin. "Let him in Mom, ako ang magpapautang sa kanya" "What!?" 'di makapaniwalang bulalas nito na nanlalaki ang mga mata. "Can't you see how desperate he is? We didn't even asked him kung bakit siya nangungutang Mom" napahinga ito ng malalim na napasapo ng noo. "Please, I want that guy Mom. Huli na 'to for this month. Siya na lang muna ang hihingin kong pabor sayo this month hmm" paglalambing ko pa dito. I know my mom very well. Hindi niya ako kayang tiisin dahil kami na lang ang magkasama sa buhay. Solong anak ako at si daddy? Hayun at.....sumikabilang bahay na, at sa bestfriend pa ng mommy ko niya kami ipinagpalit ni mommy, dalagita pa lang ako that time. I hate him. I really do. Kaya para sa akin laro lang ang mga lalake, parepareho lang silang hindi marunong makuntento. Well, hindi ko naman nilalahat dahil 'yong mga siraulong kaibigan ko nga ay hayon at nakatagpo na sila ng mga one true love nilang matitinong mga adonis tsk, ako na lang ang wala pa. Anim kaming magkakaibigan at pawang mga kilala ang angkang pinanggalingan namin. Si Liezel Del Prado na anak lang naman ng pamilyang pinakamayaman sa buong bansa na ngayo'y happily married na sa napangasawang heredero din na si Cedric Montereal. Si Janaeya Almonte na kilala din maging sa Asia ang Almonte Empire Tower Company nila na pinamumunuan pa rin ng mga magulang nito dahil katulad ko ay happy go lucky rin ang buhay ng mga ito ay happily married din sa napangasawang dating mafia bigboss na si Dwayne Matthew Madrigal na ngayo'y isa ng tanyag na business man at namamahala ng malawak nilang vineyard sa Europe dahil pag-aari lang naman nila ang pinakatanyag at malawak na vineyard sa buong bansa ng Europe , ang pinagkaiba lang ang sa akin ay.....sila may mga love life na samantalang ako? Heto at nakatengga pa rin. Si Mariah Lira Buenavista naman ay happily married na rin at ngayo'y bundat na sa panganay nila ng napangasawang si Adrian Mondragon at kasalukuyang pinakabatang governor ng kanilang probinsya. Si Diane Casanova ay happily engage sa fiancee nitong si Dionne Di Caprio na isa ring tanyag na business man at ngayo'y magkasama silang dalawa na tinataguyod ang kumpanyang minana ni Diane sa magulang. Ang Casanova Empire Group of Company. At si Kristel? Happily married na rin sa step-brother ni Cedric na si Louis Montereal. Hindi naman ako pihikan. Sakto lang, pero syempre 'di naman pwedeng humila na lang ako basta ng lalake dyan na aasawahin ko. Mahirap ng magkamali ako ng makuha lalo na't isa rin akong heredera kaya marami ang nahuhumaling sa pera at katawan ko. Napaayos ako ng upo ng pumasok na nga si kuyang pogi na inihatid pa ni ms Susan dito sa loob ng opisina. "Ahm, good morning ma'am. Pinapatawag niyo daw po ako" magalang saad nito kay mommy dahil doon siya inihatid ni ms Susan at hindi dito sa table kong kaharap lang din ni mom. "Good morning too, gusto ko lang malaman kung bakit nandito ka pa, hindi ba naipaliwanag sayo ni ms Susan na kailangan mo munang kumpletuhin lahat ng requirements mo bago ka makakapaglabas sa amin ng pera" maalumanay na paliwanag ni mommy. Napayuko ito na mahigpit ang pagkakakapit sa laylayan ng damit. "Pasensiya na po kayo ma'am" mahinang saad nito. Napakalambing at mahinahon ng baritonong boses nitong ala Alden Richard and datingan. "Ahem!" napatikhim ako para agawin ang attention nila. Sabay pa silang napalingon ni mommy sa gawi ko. Kaagad itong napayuko ng magtama ang mga mata namin. Halatang mahiyain ang poging mokong na 'to hmm.. interesting. "She's my daughter hijo. Actually, siya talaga ang nagpapasok sayo. Talked to her and impressed her dahil siya ang personal na magpapautang sayo hindi ang bangko dahil may rules and regulations kaming pinapatupad dito" ani mommy. Muli itong napalingon sa akin na umaliwalas ang gwapong mukhang tila nakahanap ng pag-asa sa akin sa sinaad ni mommy. "Speak now, introduce yourself" pormal kong saad at napasandal ng swivel chair at napahalukipkip na matamang tinitigan ito sa mga mata para mabasa ko kung nagsasabi ito ng totoo o umaarte lang para makakuha sa amin ng pera. Umayos ito sa pagkakatayong parang isang sundalong magre-report sa higher officer nito. "Ahm, good morning ma'am. I'm Alpha Brix Lopez Castañeda. I'm 28 years old and studying criminology-" natigil ang pagi-introduce nito ng magtaas ako ng kamay. "Okay so, what's your reason. Bakit ka nangangailangan ng malaking halaga hmm?" sunod kong tanong na matamang pa ring nakatitig sa mga mata nitong matiim ding nakikipag-eye-to-eye sa akin at bakas doon ang sensiridad at kaseryosohan. "Ahm....nasa hospital po kasi ang tatay ko ma'am. Kailangan namin siyang paoperahan sa puso. 300k po ang ipinapahanda sa amin para sa operation niya at aabot din ng 200k ang mga gamutan at bills niya sa hospital ma'am" anito na diretsong nakatitig sa mga mata ko. Napatango-tango ako habang pinapaikot-ikot sa daliri ang sign pen ko. "Is 500thousand is enough?" lalong umaliwalas ang gwapong mukha nito at pinangilidan ng luha na kaagad tumulo. Tsk. Napakalambot naman niya. Baka mamaya niyan ay pusong mamon pala ito, sayang naman ang kagwapuhang taglay nito kung nagkataon. "Opo ma'am!" masiglang saad nito na bahagyang ngumiti na lalo niyang ikinagwapo. Saka ko lang mas natitigan ang itsura nito. Mukhang may lahi ito sa chinitong nga mata na kulay asul na natatabingan ng kanyang sombrero. Napatango-tango akong inilabas ang cheque ko at nag-sign ng 500thousand na ipinangalan dito at iniabot. Tuluyang tumulo ang luha nito na dahan-dahang lumapit sa mesa ko at nangangatal ang kamay na inabot ang cheque. "Salamat po ma'am! Babayaran ko po kayo, hwag po kayong mag-alala. Pag-iipunan ko na agad ito" bakas ang sensiridad sa mukha at tono nito. "I'll gave you thirty minutes to come back here. You can withdraw that in our teller outside so you don't have to go to other banks there" aniko na ikinatango-tango nitong nagpapahid ng luha. "Sige po ma'am. Thank you po" muling saad nito na napapayuko-yuko pa habang nagpapasalamat. "Tss don't thanks me, utang 'yan at hindi limos kaya kailangan mo ring bayaran. Come back here after thirty minutes for our contract. Is that clear?" "Yes ma'am!" masiglang sagot nito. "Go" aniko na inilahad ang kamay sa gawi ng pinto at nangingiting inihatid ito ng tingin palabas ng opisina. "Is that a smile my dear" napalis ang ngiti ko sa panunudyo ni mommy. "Ahem! No" napahalakhak itong naiiling sa pag-deny ko. "I think I'm started to like that guy now hija" napataaskilay ako dito. "Gosh Mom, he looks like your child now. Hwag mo naman siyang gawing step-father ko" natatawang saad ko kaya nabato ako nito ng nilukot na papel. Tatawatawa ko namang sinalo iyon. "Silly brat. Sinabi ko bang para sa akin? Gusto ko siya .....dahil napapangiti ka niya hija" "Tss. He's too simple and shy type of man for me Mom. He's not my type" ismid kong napaikot ng eyeballs. "Let's see...who knows hija. Who knows"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook