ALP:
MARIIN AKONG NAPAPIKIT habang nakadagan ditong katulad ko'y naghahabol hininga dahil sa may katagalan naming halikan mula sa pool hanggang dito sa kanyang kama. Pilit kong nilalabanan ang init at pagnanasang naghahari ngayon sa sistema ko. Para akong nasasabik sa kanya at walang ibang nais gawin kundi....angkinin siya.
"Is there a problem baby?" umiling akong nanatiling nakapikit. Napahaplos ito sa pisngi ko na marahang hinahaplos ang kilay ko at ramdam ang nanunuot sa buto niyang pagtitig.
"Alp" parang malamyos na musika sa pandinig ko ang pagbanggit nito sa pangalan ko. Hindi ako sanay sa first name ko dahil lahat ng nakapaligid sa akin ay ang second name kong Brix ang tawag sa akin pero pagdaging kay Shayne..kakatuwang ibang-iba ang dating sa akin sa tuwing binibigkas nito ang tawag sa aking Alp. Kahit na sinabi nitong short daw yon ng alipin ay natutuwa pa rin ako na naririnig iyon sa kanya.
Sunod-sunod akong napapalunok ng marahan na nitong hinahaplos ang ibabang labi ko ng kanyang hinlalaki. Kusang sumilay ang matamis kong ngiti na ninanamnam ang sandaling nasa ilalim ko ito at hinahaplos ako. Pakiramdam ko'y napakalapit na niya sa akin. Na possible....ang mga bagay-bagay sa amin.
Magtatapat na ako sa kanya. Alam kong walang-wala ako sa mga lalakeng umaaligid at mga nababagay sa kanya pero....nakahanda na ako. Susugal na ako. Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob? Kung kailan...... Nakipaghiwalay na ako kay Elijah. Kahit manatili na akong alipin niya, ang mahalaga ay akin siya. At hindi na....titingin pa sa iba.
"Pahinga na tayo Shayne. Inaantok na ako" kaila ko at nahiga na katabi itong kinabig na ikinulong sa bisig ko. Napahagikhik pa itong mahinang kinagat ako sa dibdib pero yumakap din namang ikinangiti ko habang hinahaplos ito sa ulo na nakaunan sa braso ko.
Ibang-iba siya sa lahat. Lagi na lang akong nasusurpresa sa kanya. Sa kabulgaran niya. Sa mga kilos niya. Sa mga personality niyang unti-unti kong nadi-discover na nagtatago sa pagiging spoiled brat niya.
Mabuti na lang at hindi na ito nangulit habang pinapahupa ko ang matinding init na nararamdaman ko.
"Goodnight Shayne...sana hindi ka magbago kapag....nagtapat na ako sayo" mahinang saad ko habang pinagmamasdan itong nahihimbing sa bisig ko. Napakaganda niya talaga. Napakaamo ng mukha niya lalo na sa tuwing nahihimbing na ito. Tipong hindi mo pagsasawaan pagmasdan hanggang pagtanda mo.
NAALIMPUNGATAN AKO na maramdaman ang pag-aalboroto ng tiyan ko. Napakapa ako sa katabi ko at nangunotnoong....mag-isa na ako sa kama. Napabalikwas akong kinusot-kusot ang mga mata kong nanlalabo pa. Mag-isa na ako sa silid at....mataas na ang sikat ng araw!
"Shayne!? Shayne!?" pagtawag ko dito at sinilip sa pool pero....wala ni anino nito dito. Bumalik ako ng suites at nagtungo ng banyo pero....wala din ito. Napahilamos na muna ako at nagbihis ng beach short at white sando bago lumabas ng silid namin. Napapahawi na lamang ako sa buhok kong sabog-sabog pa at walang suklay.
Napalunok ako ng mapatingin sa elevator. Baka mamaya may makasabayan na naman akong naglalaplapan sa loob ng elevator katulad kahapon! Napabuga ako ng hangin at sa hagdanan na lamang bumaba ng mabilis.
Nasa 20th floor pa ako kaya hinihingal at pinagpapawisan ako pagdating ng first floor kung saan ang lobby. Panay ang dial ko sa phone nito pero.... unattended.
"Sh*t! Nasaan siya!?" para akong mahihibang na takbo lakad ang ginagawa dito sa buhanginan at umaasang mahagip ng paningin ko ang babaeng nagpapakaba na ngayon sa puso ko sa mga nagkalat na turista dito. Imposible namang iniwanan niya na lamang ako dito ng walang kaalam-alam.
"Sir! Kayo po ba si señorito Alp?!" napalingon ako sa staff nitong hotel na binata na tumakbo dito sa gawi ko. Napalunok akong umayos ng tayo. Si Shayne lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng Alp. Lalo na ang señorito.
"Ahm, oo! Alam mo ba kung nasaan ang señorita Shayne niyo?" ngumiti itong umaliwalas ang mukha.
"Opo señorito, pasensiya na po kayo. Binilin kayo ni señorita sa akin na bantayan sa suites niyo ang paglabas niyo pero nalingat ako. Tara ho sa resthouse dito ni señorita. Nandoon po siya, ang sabi dalhin ko kayo doon pagkagising niyo" magalang saad nitong ikinatango-tango ko.
"Okay. Salamat" ngumiti itong tumango na naglahad ng kamay pagawi sa dalampasigan. Napasunod ako dito ng maglakad na ito sa gawi ng mga motorboat.
Sumakay kami ng motorboat na ito ang nagmaneho at pinasuot din ako ng lifeguard jacket.
Binagtas namin ang malawak na asul na dagat at tumawid sa kabilang isla. Halos kalahating oras din kami sa laot bago matanawan ang isang 2story na bahay malapit sa pampang. Kulay puti itong may malawak at kataasang bakod na kulay puti din ang pintura.
"Bukas po 'yan señorito. Kayo lang po ni señorita ang tao dito dahil private place niya ito. Mauna na po ako" magalang paalam nitong tinanguhan ko lang.
'Di ko mapigilang mamangha sa ganda at gara ng ambiance ng lugar. Bumagay ang puting pinong buhangin na bakuran nito sa puting pintura din nito. Lalo akong napanganga ng makapasok na ako ng gate. Napapalibutan ang harapan ng buong bahay ng bermuda grass at puro salamin ang dingding mula dito sa baba hanggang sa pangalawang palapag ng bahay. Nakalihis lahat ng mga kurtina kaya kitang-kita mula dito sa harap ang loob nitong walang katao-tao at kita ang karangyahan sa mga kagamitan sa loob.
Napahinga ako ng malalim bago nagpatuloy na pumasok.
"Shayne!?" pagtawag ko at um-echo pa ang boses ko sa kabuoan nitong sala. Kulay puti din ang tema dito mula sa muwebles, interior design mga kagamitan ay napakaputi ng lahat at kumikinang na tila kay babago nilang lahat.
"Shayne!?" nangunotnoo ako ng makarating na ako ng dining ay wala pa rin itong mamataan ko.
"Nasaan ba siya?" bumalik ako ng sala at umakyat sa hagdanan nito paakyat ng second floor.
Maging dito sa taas ay puti ang tema. Napakaaliwas. Napakalinis. Isa-isa kong binuksan ang mga nadaanan kong silid pero puro bakante at walang bakas na nandidito ito. Hanggang sa marating ko ang pinakadulo na silid.
"Master's bedroom" basa ko sa nakalakip sa double door nito. Napangiti akong dahan-dahang pinihit ang doorknob ng sabay pero napakunotnoo akong.....wala ito dito. Napakamot ako ng ulo. Nasaan ba siya? Nagtatago ba 'yon? Pinagti-tripan na naman ba niya ako? Akmang lalabas na ako ng silid ng mahagip ng paningin ko ang bulto ng babae sa may kalayuan na nakatayo sa gilid ng pampang!
Napatakbo akong lumabas ng bahay nito! Kaya naman pala wala ito dito sa bahay niya dahil nasa labas siya! Akala ko pa naman pinagti-tripan na naman niya ako.
"Shayne!!" napalingon ito na bahagyang ngumiti at kumaway. Napakaganda niya sa suot na all white. High waist white jeans short at white sports bra. Nakapusod paitaas ang mahaba niyang buhok na hinahangin din. Wala siyang makeup kaya kita kung gaano siya kaganda sa natural niyang anyo. Lalong umaamo ang mukha nito kapag walang bahid ng kolorete.
"Bakit ang tagal mo?" napakamot ako sa batok na ngumiting niyakap ito. Hindi naman ito umangal bagkus ay ginantihan niya akong yakapin. Nakahinga ako ng maluwag na ngayo'y nakakulong na siya ng bisig ko. Hindi na nga ako naiilang kundi hinahanap-hanap ko na ang yakap at mga halik nito.
"Sorry kagigising eh" napailing itong humarap sa dagat na kaharap namin.
"Do you see that rock over there?" turo nito sa may kataasang bato sa may kalapit.
"Yeah"
"Gusto ko siyang akyatin at tumalon mula doon" nanigas akong napabitaw sa pagkakayakap nito. Napatingin akong muli sa bato na malaki at halos kasintaas na ito ng bahay nitong dalawang palapag sa taas. Napalunok ako.
"Hwag na Shayne..Delekado" pumihit itong nakangisi.
"Iyon ang gusto ko Alp. Ang mga delekadong bagay-bagay. Diyan ako.....magaling makipaglaro" napalunok ako. Ano bang ibig niyang sabihin? Sa uri kasi ng tono nito ay tila may ibang ibig sabihin na hindi ko naman madali kung ano.
"Shayne" natigilan ito ng napahaplos ako sa pisngi at inayos iniipit sa likod ng tainga nito ang mga hibla ng buhok nitong hinahangin at tumatabing sa maganda niyang mukha. Napalunok ako ng magpantig ang panga nito na tinabig ang kamay ko.
"Don't you dare apply that kind of sweetness to me Alp. Babaliin ko ang braso mo" madiing asik nitong ikinat*nga ko.
Natulala ako at iglap lang ay nasa may bato na itong umaakyat na ikinaalarma ko!
"Shayne!! Delekado nga ano ba!!" sigaw ko na sinundan na ito. Hindi ito namansin at patuloy sa pag-akyat na kumakapit-kapit lang sa gilid-gilid nitong napakataas na bato. Ako pa ang mas kinakabahan sa aming dalawa dahil isang maling galaw niya lang ay batuhan ang kababagsakan niya dito sa baba. Napahinga ako ng malalim na sinundan itong umakyat pagapang ng batuhan. Naalarma ako ng madulas itong napabitaw ng isang kamay at nakalambitin na kaya mabilis kong hinapit ito sa baywang.
"Ang tigas ng ulo mo!" asik ko pero kumawala lang ito na sinamaan ako ng tingin.
"Pwede ba? Hwag ka ngang oa sa akin Alp. Hindi ako katulad ng ibang babae dyan na kailangan ng lalakeng nakaalalay at po-protektahan sa kanila sa ano mang oras. I can handle myself. Handa akong masaktan. Nakahanda akong masugatan, mapilayan o mabalian sa mga ginagawa ko. Hindi ako lampa at maarteng babae kagaya ng iniisip mo. Kagaya ng mga mahihinhing babaeng tipo mo!" asik din nito at nagpatuloy nang umakyat. Bakit siya nagsusungit? Ano bang pinupunto niya? Minsan talaga ang hirap niyang basahin. Ang hirap niyang unawain. Napasunod ako dito na tuluyang umakyat sa tuktok nitong bato.
"Wohhooh!!" hiyaw pa nito na hinihingal at tagaktak sa pawis. Nakakahanga nga ang tapang at tatag ng dibdib niya. Kung ibang babae lang ito ay matatakot na akyatin itong bato na wala manlang safety gear na suot. O kahit lubid na makapitan.
Napahaplos ako sa braso nitong nagkagasgas sa pagtama nito kanina ng madulas sa pag-akyat. Bahagya pang dumugo ito na namumula na. Paniguradong magkakapasa siya sa tinamo.
"Malayo sa bituka" napaangat ako ng tingin dito. Galit na naman ang mga mata nitong tila may nagawa akong hindi niya nagustuhan. Masama bang mag-alala sa kanya?
"Ang tigas kasi ng ulo mo" panenermon ko at napaluhod ng makitang dumudugo ang tuhod nito. Mas malalim ang gasgas nito dito kumpara sa nasa braso nito.
"I'm fine gasgas lang 'yan. Hindi ako takot magka-scars noh" pagmamaldita nito na inilayo ang binti na hawak ko. Napatayo akong napahilot ng sentido at matamang tinitigan ito.
"Galit ka ba? Ano bang nagawa huh?"
"Wala" paismid nito.
"Wala? Eh bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako galit" asik nito.
"Galit ka"
"Hindi nga sabi!"
"Galit ka. Sinisigawan mo na ako oh! At 'yan....yang mga mata mo. Napakasama kung makatingin sa akin" napabuga ito ng hangin na nagpapantig ang panga na tila nauubusan na ng pasensiya. Napalunok akong napaatras bahagya dito.
"Hindi nga kasi ako galit! Pero dahil paulit-ulit ka oo na! Galit na ako! Galit na galit ako! Okay na? Masaya ka na ba!?" singhal nito na nanlilisik ang mga matang ikinalunok ko.
"Pwede ba Alp? Hindi ako ordinaryong klase ng babae na kailangan ng lalakeng po-protekta sa kanya kahit sa maliliit na bagay. Hindi ako mahina. Lalong-lalo nang.....hindi ako maarte" madiing saad nito na tumalikod at walang pag-aalinlangang tumalon sa lagoon na ikanaalarma kong napasunod dito! Napakalalim dito pero malinaw ang tubig at kitang-kita ang mga iba't-ibang uri ng isdang naglalanguyan maging ang mga coral reef dito na buhay na buhay!
Napaahon ako ng maramdamang nauubusan na ako ng hangin. Napalinga-linga ako at napailing na lamang na makita si Shayne na paahon na at iika-ikang maglakad.
Napasunod na akong lumangoy paahon ng pampang.
NAABUTAN KO ITO sa sala na prenteng nakaupo sa sahig at nililinis ang sugat na napapangiwi pa. Lumapit na ako at lakas loob na naupo katabi nito.
"Ako na" mahinang saad kong kinuha ang bulak at betadine dito na ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat nito at panakanakang hinihihipan para maibsan ang hapdi.
Tahimik lang naman itong hinayaan na ako kahit sa panggagamot ko sa braso nitong may gasgas din. Nakakailang kapag ganitong napakatahimik niya lalo't ang hirap niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa utak.
"Nagugutom ka na ba?" basag ko sa katahimikan namin matapos kong malinisan ang sugat nito at mailigpit ang first aid kit na ginamit ko.
Naupo na ito ng sofa at nahiga. Basang-basa pa ito tulad ko. Pumikit itong idinantay ang braso sa noo. Matamang lang naman akong nakatitig dito.
"I'm not yet hungry. May pagkain sa kusina. Kumain na lamang doon mag-isa. Inaantok na ako" anito sa pagod na tono at napahikab. Napahinga ako ng malalim at kinarga itong napamulat na kunot ang noo.
"What are you doing?" taaskilay na tanong nito. Maingat akong pumanhik ng hagdanan. Natahimik naman ito na mahimigan ang pagdadalhan ko.
Itinuloy ko ito ng banyo at maingat inilapag sa countertop. Kumuha ako ng roba bago alalayan itong makatayo at sinamahang tumapat ng shower. Tahimik pa rin ito na matiim nakatitig sa akin kaya hindi ako makatingin sa mga mata nito. Hindi naman ito umangal ng sabunan at shampoo-han ko. Hanggang matapos ko itong mapaliguan at masuotan ng roba ay wala itong kaimik-imik.
Muli ko rin itong kinarga na maingat inilapag ng kama nito. Matapos kong matuyuan ang buhok nito ay hinayaan ko ng makapagpahinga na. Napailing na lamang ako ng hubarin nito ang roba na suot at basta na lang tinapon ng sahig at padapang nahiga. 'Di ko mapigilang mapalunok ng hilahin ko na ang puting kumot na ibinalot sa hubot-hubad nitong katawan.
Naligo na rin ako at nagbihis. Nahihimbing na ito ng lumabas ako ng banyo kaya tumuloy muna ako ng balcony nitong silid. Napakaganda at aliwalas ng kaharap kong view kung saan kita ang asul na dagat at berdeng isla na nakakapalibot dito. Nahiga ako sa duyang ratan na nandidito at napapikit. Napakasarap lang damhin ang katahimikan. Ang sariwa at malamig na hangin at ang katamtamang init ng araw.
Mapait akong napangiti na idinantay ang dalawang braso sa mukha para ikubli ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko.
"Damn Brix! Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Paano ba ako magtatapat sa kanya....baka mamaya ay isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakataon sa aming dalawa.." piping usal ko.
"Irish Shayne Crawford....I like you.... gustong-gusto kita. Or should I say....mahal na kita"