Chapter 10 Baby

974 Words
IRISH: NAPAPANGUSO AKONG pinapanood si Alp na nagi-impake ng mga damit namin. Mabuti na lang nakapag-excuse siya sa mga professor niya para makasama sa akin sa Coron Palawan. May private island doon si mommy na pinapatakbo at exclusive lang ang nakakapasok dahil....maraming illegal na gawain doon. Ewan ko ba kay mommy kung bakit hindi niya mabitawan ang resort na 'yon na minana pa niya mula sa kanilang family legacy. 'Yon lang naman ang illegal sa mga negosyo niya. Masyado niyang pinapahalagaan ang sentimental value ng lugar na 'yon kahit na maaari niyang ikasira at pahamak kapag may pumasok doon na alagad ng batas. Kaya hindi sila basta-basta nagpapapasok ng bisita dahil sa mga extra service sa lugar na iyon na nagtatago sa ilalim ng buhanginan na tila isang kaharian. Bahay aliwan at pasugalan na malalaking tao ang parokyano tsk. Kahit milyon-milyon ang kinikita nila gabi-gabi ay illegal pa rin ang mga ginagawa ng mga tao doon kung saan parang nasa impy*rno ka lang naman kapag nadako ka roon. Kaya ayaw na ayaw ni mommy na magpupunta ako sa lugar na 'yon pero ngayon? Wala siyang magagawa dahil malaki na ako at wala na sa minor age na kailangan ng patnubay ng guardian. Nangingisi na lamang ako sa isip-isip. Paniguradong luluwa ang mga inosenteng mata nito kapag makakita ng live show doon. Hmmm...malay natin, matuto ang mokong at mag-home-base sa akin sheeeett! I can't wait anymore. Dalawang linggo. Tignan ko lang kung hindi pa siya bibigay sa akin sa loob ng dalawang linggo. "Tara na?" ngumiti akong tumango na hindi namalayang tapos na pala siyang mag-impake. Nasa walo ang luggage namin na may mga kalakihan kaya natatawa na lamang ako sa isip-isip na halos matabunan na siya na pinagsabay-sabay niyang buhatin ang mga 'yon. tsk..Paka-gentleman pa kasi ang peg at ayaw akong pagbuhatin. Akala ba niya hindi ko kayang magbuhat? tss. Eh kahit siya pa nga kayang-kaya kong buhatin at ibalibag sa kama. Sheeeett! hirap ng tigang! "Kaya pa?" nakangising tudyo ko na halos madapa na ito habang naglalakad kami pagawi ng field kung saan ang gagamitin naming helicopter para madaling makarating ng isla. "Kaya, idagdag pa kita sa mga ito eh" mayabang sagot nitong ikinahalakhak ko na naiiling. "Nagyayabang na ang Alp ko ah" "Alp mo...." napalis ang ngiti ko sa pag-ulit nito sa naisatinig ko. "Bakit alipin naman kita ah. It means....pag-aari pa rin kita" pagsusungit ko para takpan ang hiyang nararamdaman ko. Haist! Bakit ba ako nahihiya sa kanya? Lintek naman oh! Ako itong nagpapa-ibig pero ako pa ang napa-ibig! walasteeek! "Kaya nga Alp ang tawag ko sayo eh. Dahil alp.ipin kita, pinaiksi ko lang" natatawang dagdag ko habang isa-isa na nitong sinisilid ng maayos ang mga luggage namin. "Tss. alipin daw....pero type naman" bubulong-bulong saad nitong ikinatikom ko ng bibig at pigil-pigil ang sariling mapangiti. "May sinasabi ka?" matamis itong ngumiti na kumindat kaya napaiwas ako ng tingin at ramdam ang pag-iinit ng mukha ko. Pambihirang 'to! Nagpapa-fall ba siya? Hulog na hulog na nga ang tao eh! "Wala po, nasaan ang piloto Shayne?" "Tss. Ikaw palang yata ang alipin na tinatawag ang amo sa pangalan niya" ismid ko na inayos pinusod ang buhok kong nakalugay. Namula itong nag-iwas ng tingin. "Eh...ano bang dapat kong itawag sayo?" mahinang tanong nitong ikinangisi ko. "Baby, call me baby Alp" "Ahh...okay...teka ano!?" napahalakhak akong napailing dito ng tumango-tango pero nang ma-realize ang sinabi ko ay namimilog ang mga mata nitong napalakas ang boses. "Tss. Sumakay ka na nga" utos ko. "Saan?" napangisi ako dito. "Sa akin" namula itong napalunok. "Ayaw mo?" untag ko. "Shayne naman" tinaasan ko ito ng kilay na nangingisi pa rin. Lalo yata siyang gumugwapo sa tuwing pinamumulaan tss. "Iba yata ang nasa isip mo Alp. What I mean is....sumakay ka na sa loob" lalo itong namula na napapaiwas na ng tingin kaya lalo akong natutuwa sa nakikita dito. "W-Wala pa naman ang piloto mo" "Tsk nandito na" "Huh? Saan-" natigilan ito ng sumakay na ako sa harap at sunod-sunod napalunok na namumutla. Kung kanina pulang-pula ang mukha sa panunudyo ko pero ngayon nama'y tila tinakasan na siya ng sariling dugo. "Don't you trust me?" untag ko habang binubuhay ang engine. "E-Eto na" "Eto na-?" "Shayne" pagak akong natawa na napailing. "Shayne?" patanong ulit ko. Napakamot ito sa batok na pinipigilan mapangiti. "Oo na...baby. Happy ka na?" napalapad ang ngiti ko. "Yeah, super baby. Let's go!" masiglang saad kong isinenyas ng pumasok ito. Napapailing na lamang ako na nagsuot ng safety gear at pinalipad na ang helicopter. Halatang kabado ito habang nasa ere kami na tila hindi na humihinga na napapatingin sa nadadaanan namin. "Ano na Alp?! Humihinga ka pa ba?!" natatawang tudyo ko dahil napakahigpit ng kapit sa kanyang seatbelt na bawat gewang ng helicopter ay halos mawalan na ng kulay ang mukha! "Sorry first time ko. Hindi mo naman kasi sinabing ikaw ang piloto" kabadong sagot nito habang nasa ere pa rin kami at kitang mas komportable na ito. "Tss ikaw itong nagpupumilit sumama sa lakad ko. Ikaw pa ba ang magde-demand? Aba, ang attitude mo namang alipin baby" natatawa itong napakamot sa ulo. "Syempre...amo kita...kung nasaan ka? Nandoon ako. Ikaw mismo nagsabi non" nahihiyang sagot nito. Napangisi akong saglit itong nilingon. Pinamumulaan na naman tsk. "Amo mo lang ba Alp?" napatikom ito ng bibig na napapangiti. Kunwari pa kasi, kinikilig naman sa'kin. haist pabebe. "Baby....din" "Hahaha! That's it baby. I think I'm started to like you now hmm" natatawang saad kong ikinabaling nito ng mukha sa kabilang bintana. "Kinikilig ka noh?" tudyo ko dahil obvious namang kinikilig ang mokong. "Hindi ah. Kinikilabutan ako sa kabulgaran mo" paismid nitong ikinailing at ikot ng mga mata ko. " Deny pa. Mamaya ka sa akin baby. Bibigay ka rin" natatawang piping usal ko. Lalo akong na-e-excite na nalalapit na kami ng isla. Malakas ang kutob ko. Mapapabigay ko na siya f*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD