IRISH:
NAPAPAILING NA LAMANG akong pinagmamasdan si Alp na nahihimbing dito sa gawi ng balcony. Akala ko pa naman nagkakagusto na siya sa akin sa narinig kong sinaad niya kagabi habang nagtutulog-tulugan ako na sana daw hindi ako magbago kapag nagtapat na siya. Pero mukhang iba ang pagkakaintindi ko.
Aminado akong nainis ako sa kanya kanina habang hinahaplos niya ako sa ulo at inaayos ang mga hibla ng buhok kong hinahangin at tumatabing sa mukha ko. Bigla-bigla kasing nag-flashback sa memorya ko ang araw na nakita ko sila ni Elijah sa school kung saan sinagot na siya nito. Gantong-ganto siya maglambing kay Elijah. Pakiramdam ko'y nakikita niya sa akin ang pesteng ahas na Elijah na 'yon! O kaya ay kinukumpara niya ako kaya dahil sa inis ay natabig ko ang kamay nito at inakyat ang malaking bato sa lagoon kahit may kataasan at wala kang makapitan. Pero lalo lang akong nagalit nang simunod ito na napaka-over-protective na baka mahulog ako kaya mas lalong nagngingitngit ang loob ko na naisip ang araw na inaalalayan nito si Elijah noon sa field habang umaakyat ng board at todo alalay ito sa girlfriend! Uminit ang ulo ko at parang gusto ko na siyang balian ng braso sa ginagawang pagiging oa kung mangpoprotekta sa akin. Ginagaya niya ako sa lampang Elijah niya na saksakan ng kaartehan!
Napahinga ako ng malalim at bumalik na ng silid. Ano ngayon kung si Elijah ang nasa isip niya habang ako itong kasa-kasama niya? Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay 'di ko pa rin maiwasang mainis sa kanya. Ano bang especial sa babaeng 'yon? sheeett sila! kung pagandahan lang ng mukha at katawan ay 'di hamak namang ilalampaso ko lang ang girlfriend niya. Sadyang magaling lang umarte na bait-baitan ang bruha habang ako ay nagtatago ang kabaitan ko pisti! Hindi niya ba napapansin ang especial treatment ko sa kanya? Ni hindi ko nga siya pinapahirapan kahit pwedeng-pwede ko 'yon gawin sa kanya sa laki ng utang niya sa akin.
Bumaba na ako ng kusina at napakunotnoo na makitang....wala pang bawas ang mga pagkaing nakahain. Kung ako nga na nag-agahan ay nagugutom na dahil pasado alasdos na ng hapon. Paano pa kaya si Alp? Sigurado akong hindi pa siya nag-agahan. Napahawi ako ng buhok kong tumatabing sa mukha ko. Bakit ba ako nakokonsensya na hindi pa siya kumakain? Sinabihan ko naman siyang kumaing mag-isa kanina bago ako natulog. Hindi ko naman tinatapakan ang pagkatao niya. Ni hindi ko nga siya pinagtatrabaho ng mabibigat. Hindi rin naman na siya minor para sabihan akong inaabuso ko ang kainosentehan niya bilang lalake. Mariin akong napapikit at kumuha na lamang ng fresh milk sa fridge na dinala sa labas ng bahay.
Naupo ako sa swing at napapaisip sa mga bagay-bagay. Nahahati sa dalawa ang opinyon ko. There's a part of me na gusto kong maniwala at magtiwala sa mga nakikita at pinaparamdam niya sa akin pero....may ibang side din akong nagsasabing huwad siya at pinapaibig lang ako para makunan ng malaking halaga. Kapag nga naman napaibig na niya ako ng tuluyan ay malugod ko nang ipagkakaloob ano man ang hingin niya. At sa huli? Silang dalawa ni Elijah ang makikinabang sa mga makukuha niya sa akin. Silang dalawa ang magsasama habang buhay. Habang ako? Maiiwang bigo..luhaan, talunan, mag-isa. At hindi ko iyon hahayaang mangyari.
"Nandito ka lang pala" nabalik ang ulirat ko ng magsalita itong nakiupo sa harapan ko na kitang kagigising lang. Bahagya pang namumula ang mga mata at sabog-sabog ang magulo niyang buhok. Hindi ko ito pinansin at binaling sa ibang direksyon ang paningin.
"Shayne...galit ka pa ba?" akmang itutungga ko ang dala kong isang litrong fresh milk nang mapansing wala na palang laman. Pagak akong natawa na napailing. Sa lalim ng mga iniisip ko ay 'di ko na namalayang naubos ko na pala ang iniinom ko.
"Pwede bang malaman kung bakit ka nagagalit sa akin? Sabihin mo ang mga ayaw mo para maiwasan ko. Ayokong nagagalit ka. Hindi ako sanay na ganyan ka, tahimik pero....puno ng galit ang mga mata" dagdag pa nito sa mababang tono at heto na naman ang mga mata niyang napakalamlam at nangungusap kung makatitig.
Napapikit akong sumandal ng swing. Kung tutuusin ay wala naman akong dapat ikagalit dahil una sa lahat....amo niya ako, marapat lang na maging over protective siya sa akin. Pangalawa....wala akong karapatang magselos dahil, girlfriend niya si Elijah habang ako? Amo niya. Hindi na nakapagtatakang....si Elijah pa rin ang nasa puso at isip niya, saan man siya magpunta. Pero hindi ko mapigilan ang sariling mainis. Iisipin ko palang ang bagay na si Elijah ang nasa isip nito kahit ako iyong nandiditong kasama niya ay nagpupuyos na ako sa inis.
Kaya ko nga siya dinala dito sa resthouse ko para mailayo sa resort ni mommy. Gusto ko siyang masolo at maipakilala sa kanya....ang totoong ako. Baka sakaling magkagusto na rin siya sa akin at....piliin ako against Elijah.
"May iniisip lang. Hwag mo nang isipin 'yon" saad kong nanatili pa ring nakapikit. Ramdam ko naman ang pagtitig nito kaya nanatiling blangko ang facial expressions ko. Wala akong kasiguraduhan sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung ....totoo ba siya o nagpapanggap lang na maamo at inosenteng tuta.
"Gusto mo na ba akong umalis?" napamulat ako na parang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinaad nito. Nakayuko na ito at tila yumugyog ang balikat o baka namalikmata lang ako dahil gumagalaw itong swing na kinaroroonan namin. Para akong napipilan. Hindi makaapuhap ng tamang isasagot. Bumilis din ang t***k ng puso ko. Hinihingi na ba niya ang permission kong.....pakawalan na siya?
Tumayo na lamang akong bumalik sa loob ng bahay para makaiwas sa tanong nito. Mapait akong napangiti pagkatalikod ko dito na siya namang.....pagbagsakan ng mga luha ko. Pero nanigas ako ng bigla na lamang itong yumapos mula sa likuran ko at kinabig padiin sa katawan nitong mahigpit akong niyakap.
"Shayne.... I'm sorry...kung ano man ang kinagagalit mong nagawa ko. I'm sorry na, nandito tayo para magbakasyon 'di ba? Hindi para magkagalit" napalunok akong napalabi sa sinaad nitong halos mamiyok ang boses. Kumawala ako dito at pumihit paharap. Parang tinutusok ang puso ko na namumula ang mga mata nitong....kagagaling sa pag-iyak. Napapahid ako sa pisngi nitong may bahid pa ng luha. Matamang lang namang nakatitig ang mga nangungusap niyang mata habang nakayapos muli sa baywang ko.
"Ayaw mong magalit ako sayo?" tumango ito. Napahinga ako ng malalim at pinakatitigan ito sa mga mata.
"Hwag kang maging gentleman sa akin. I told you, hindi ako mahina, hindi ako maarte, hindi ako mahinhin na uri ng babae. Hayaan mo ako sa mga ginagawa ko, dahil malaki na ako. I can decide on my own. Hindi ko kailangan ng opinyon ng iba. I'm too matured enough to handle things around me. Hwag mo akong.....ikumpara sa girlfriend mo. Hindi ako katulad niya Alp. Magkaibang-magkaiba.....ang totoong diamante sa isang nagbabalat diamante lang" madiin at makahulugang saad ko saka tinalikuran itong nagtungo ng kusina. Sumunod naman ito. Kahit paano ay parang naibsan ang bigat sa dibdib kong nasabi ang ibang saloobin ko dito. Hanggang doon na lang muna ang kaya kong isatinig sa kanya. Saka ko na lamang siya kokomprontahin kapag may ibidensya na akong.....magkasabwat sila ng girlfriend niya para mapaibig ako at perahan. Kapag nagkataon at tama ang hinala ko. Magsasama talaga sila habang buhay ng Elijah niya. Dahil ako.....ako mismo ang manglilibing sa kanilang dalawa ng buhay sa ilalim ng lupa.
Pabalang akong naupo ng silya habang ito na ang nagtanggal ng mga takip ng pagkain. Saka ko lang napansing....in-reheat na pala niya ang mga ito. Lihim akong napapangiti ng maupo na ito sa harapan ko at inusog lang ang kanin sa akin. Ako na ang naglagay ng kanin sa sarili kong plato. Tahimik lang naman ito habang magkaharap kaming kumakain. Tipong ingat na ingat siyang magkamali na naman at magalit ako.
Matapos naming kumain ay hinayaan ko na itong naghugas ng mga pinagkainan namin. Wala kaming ibang kasama dito sa bahay dahil pinauwi ko muna ang mag-asawang matanda na siyang tagapangalaga nitong resthouse.
Naupo ako ng sofa at binuksan ang wine na dala ko. Hapon na at palubog ang araw. Tumatama dito sa loob ang kulay kahel nitong sinag dahil puro salamin lang naman ang dingding dito sa bahay. Napangiti akong pinagmamasdan ang paglubog nito habang tumutungga ng wine.
"Gusto mo?" alok kong inabot ang wine dito ng maupo itong katabi ko. Ngumiti itong hindi naman ako pinahiya at malugod na tinungga ang wine. Natututo na nga siyang uminom. 'Di tulad noong una na napapangiwi siya sa lasa ng wine na para daw panis ang lasa.
"I'm sorry Shayne...hindi ko alam na, iniisip mo na palang pinagkukumpara ko kayo ni Elijah. Pero hindi 'yon. Ganto lang talaga ako. Sa bahay kasi...nasanay akong pinoprotektahan at inaalagaan ng maigi ang mga babae sa buhay ko. Si nanay, si Alora, at Aloha na mga nakababata kong kapatid na babae. Kaya nga...ganon na rin ako sayo ka-over-protective. Alam ko namang kakaiba ka Shayne, ibang-iba ka sa lahat. Ayoko lang kasi na hinahayaan ka na lang. Para saan pa na nandidito ako kung simpleng pagprotekta sayo ay hindi ko magawa?" kita ang sensiridad sa mga mata nitong matapang na sinalubong ang mga mapanuring tinging ginagawad ko dito.
Kimi akong ngumiti at tumango-tango. Ngayon lang siya may nabanggit tungkol sa pamilya niya.
"Nag-aaral pa ang mga kapatid mo?" pag-uusisa ko. Ngumiti itong mas umaliwalas na ang mukha.
"Oo, graduating na ng highschool si Alora na siyang sumunod sa akin. Sixteen anyos. Si Aloha naman ay graduating din sa elementary. Dose anyos. Si tatay ay isang taxi driver pero nakikipasada lang siya. Nagbibigay siya ng boundary ng taxi sa may ari kapag binabyahe niya ito. Si nanay ay tindera sa palengke ng mga seafoods. Kaya kapag walang pasok ang mga kapatid ko? Sila ang sumasama kay nanay sa palengke. Ako naman suma-sideline na delivery boy sa food panda app kapag wala akong pasok. Ako kasi ang nagpapaaral sa sarili ko kaya, lahat ng pwede kong salihang sports sa school ay sinasalihan ko dagdag kita na rin lalo na at... scholar ako ng university" namamangha akong napatango-tango sa kwento nitong bakas ang tuwa sa kanyang mga mata.
Lihim akong napapangiti na ngayo'y nagkukusa na siyang ipakilala ang sarili at pamilya niya sa akin kahit hindi ko tinatanong.
"Paano 'yan. Ilang araw kang tengga dahil sa pagsama mo sa akin dito? Hindi ba't nagpapagaling pa ang tatay mo?" pilit itong ngumiti at kita ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.
"May ipon naman ako kahit paano. Hindi man kalakihan pero, sasapat pa iyon ng isang buwan para sa pang-araw-araw nilang gastusin sa bahay" para akong kinukurot sa puso sa estado nito. Napahinga ako ng malalim. Dahil kay Elijah nagdududa ako sa mga nakikita sa kanya. Napakalaking lamat sa puso ko ang ginawa nilang mag-ina sa amin ng mommy ko kaya maging itong kaharap ko ay nadadamay na sa trust issues ko.
"Kunin mo 'yong atm card na binibigay ko sayo kagabi. Hwag ka ng mag-inarte. Isipin mo na lang ang laking ginhawang hatid non sa pamilya mo. Kung hindi mo kayang tanggapin para sa sarili mo? Tanggapin mo para sa nanay mo, sa tatay mo at sa mga kapatid mo. Hindi ko naman pinaghirapan 'yon Alp. Kasama kitang napanalunan ang perang 'yon. Hwag mong isiping utang o binabayaran kita. Tulong ko na lang sa pamilya mo...dyan ako nag-uumapaw Alp, dyan ko kayo....matutulungan" kuminang ang mga mata nito na may munting ngiti sa mga labi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko naisatinig ang mga 'yon. Kusa na lang lumabas sa bibig ko at natutuwa akong makitang nakangiti na ito at tumango-tango. Parang nagdidiwang pa ang loob kong pumayag itong tulungan ko financially ang pamilya nito. Balewala naman sa akin ang halagang 'yon dahil...hindi ko naman pinagpawisan o ni mommy. Malaking bagay na iyon sa kanya. Sa kanila ng pamilya niya. Hindi ko man maintindihan pero....gusto kong tulungan ang pamilya niya. Gusto ko silang makilala. At sana... magustuhan nila ako sa totoong ako hindi dahil...sa pera ko.
"Pero masyadong malaki 'yon" umiling akong kinabig ito sa batok.
"It's okay baby, I won't mind. Worth it naman ang....kabayaran" makahulugang saad kong ikinapula at lunok nito. Napatitig ako sa mga labi nito at marahang hinaplos.
"S-Shayne..."
"F*ck Alp....I really want you, every part of you baby. I want to kissed you from your head down to your toe" paanas kong napapikit at pinaglapat ang mga labi namin. Napangiti ako ng kabigin ako nitong paupo sa kandungan nito at ginantihan ang yakap at halik ko.