IRISH: NAKAHINGA AKO NANG maluwag ng makarating ng resort at nandidito na ang apat na naghihintay sa amin. Para akong nabalian ng balikat sa bigat ni Liezel na kinarga ko. f*ck! Agad namang dumalo si Diane at Kristel na kinuha sa akin si Liezel at baby na dinala sa kalapit na cottage kung saan naroon ang dalawang kapapanganak rin. Ngingisi-ngisi pa ang mga ito na makita ako habang nakahiga na nagpapadede ng kanilang sanggol. Naligo na muna ako habang si Diane at Kristel na ang nanglinis kay Liezel at baby nito. Nangingiti kong kinarga ang anak ni Liezel na napaka-cute at nahihimbing na. Umiiyak ito kanina pero dahil tulog pa ang bruhang ina nito ay si Naeya muna ang nagpadede kay baby. "Hi...ang cute naman ng baby'ng 'yan. Ako ang nagpaanak sa mommy mo....ninang mo ako ah" malambing