IRISH: NAGNGINGITNGIT ANG LOOB ko sa mga isiniwalat ni McCoy na mga nangyari dito sa paraiso mula sa pag-set-up ni Ismael kay Alp 5years ago. Sabi ko na eh. Hindi magagawa ni Alp ang pinaparatang sa kanya noon. Kaya lang naman ako umalis dahil nasaktan ako sa narinig dito na sinaad kay Elijah. Pero sana kung nakinig ako sa buong pag-uusap nila noon ay walang rason para magalit ako noon kay Alp. Nilinaw na niya sa akin ang mga nangyari noong gabing 'yon. At sinabi ring hiniwalayan na niya noon si Elijah, bago ang araw na nagpunta kami dito sa paraiso dahil.... nakakasinguro na raw siya noon sa nararamdaman niya para sa akin at dito planong, magtapat ng totoong nararamdaman. Kung sana ay hindi ako nagpadalus-dalos ng desisyon noon at pinakinggan ang side nito? Hindi sana kami nagkalayo at