IRISH: NAPAPAPIKIT AKO HABANG ninanamnam ang sariwang hangin na humahampas sa mukha ko. Napayakap ako sa sarili na may munting ngiti na sumilay sa mga labi na maalala ang payo sa akin ni mommy noong panahong nasa Turkey pa ako at natuklasan nitong nandoon ako. FLASHBACK FIVE YEARS AGO: NAPAPIKIT AKO ng makitang tumatawag si mommy sa phone ko. Kahit nahihinulaan ko na ang mga sasabihin nito ay sinagot ko na lamang. "Mom" matamlay kong sagot dahil kagigising ko pa lang at nagsuka na naman ako dala ng paglilihi ko. Nakasanayan ko na ang ganitong routine ko sa umaga. Parang bumabaliktad ang sikmura ko at hindi ako titigilan hanggang hindi ko mailabas ang nagpapasama ng tyan ko. "My goodness Irish Shayne Crawford!!" napapikit akong nailayo ang aparato sa tainga sa pagbulyaw ni mommy at pag