IRISH:
NAPAPANGISI AKO sa loob-loob ko habang hawak ang bote ng red wine na tinutungga ko at nakatanaw sa labas dahil gabi na kaya kita ang magandang view dito sa glasswall na kinatatayuan ko ang mga nagkukumpulang ilaw sa baba kung saan ang syudad. Kitang hindi mapakali si Alp na nakaupo sa triple size white king bed ko sa gitna nitong silid habang nanonood ito sa naka-hang na tv sa wall. Panay ang tungga ko sa wine na pinapakiramdaman ito pero mukhang walang planong lapitan ako tsk.
Kung ibang lalake lang ito ay kanina pa siya nagpakita ng motibo na maikama ako pero itong kasama ko ay wala lang. Hindi ba siya affected sa akin? Hindi ba ako maganda at sexy sa paningin niya? F*ck! Dudukutin ko na lang ang mga mata niyang walang silbi na hindi makita kung gaano kagandang dyosa ang nasa harapan niya!
Napangisi ako ng may sumagi sa isipan kong kalokohan. Hmm...masubukan nga kung anong reaks'yon nito. Direktang tinungga ko ang wine sa bote nito hanggang maubos ko. Napapahid ako ng bibig dahil tumulo pa doon ang wine at ramdam kong uminit konti ang lalamunan at pisngi ko. Sanay naman na ang katawan ko sa alcohol. Madalas nga ay hangover ako kasama syempre ang mga siraulo kong kaibigan. Pero ngayo'y nagpapaka-goodgirl na ang mga baliw dahil nahanap na ang mga lalakeng nagpatino sa may kaluwagang turnilyo ng utak nila tsk! Paano naman ako? F*ck! Twenty six na ako, apat na taon na lang ay nasa 30s na ako. Baka naman mamamatay o tatanda na akong virgin gosh!! No way! Hindi pwede! Napangising aso ako na maalalang....may Innocent adonis nga pala akong alipin. Hindi naman siguro kalabisan sa kanya kung siya ang mangbibiyak sa bataan ni Irish Shayne Crawford na hindi pa napapasukan ni daliri ninoman!
PANAY ANG LUNOK nito na sa tv lang nakatutok ang paningin. Napakaluwag nitong kama pero nakasuksok talaga siya sa dulo na akala mo nama'y dadambahin ko f*ck!
"Come here Alp" pagtawag ko na tinapik ang tabi ko. Muli itong napalunok pero sumunod pa rin naman at dahan-dahang gumapang palapit sa tabi ko. Lihim akong napapangiti sa inasta nitong parang isang leon na manggagapang ng biktima! Naupo ito sa tabi ko at sumandal ng headboard habang sa tv muli nakatutok ang attention. Naiiling na lamang akong ang pinapanood nito ay....tom and jerry!? Napapabungisngis pa itong parang naiintindihan ang lenggwahe sa palabas gayong cartoon show lang naman ito.
Napangisi ako ng masulyapan ang remote sa bedside table kaya pasimple kong dinampot at nilipat sa netflix ng 'di nito napapansin. Sakto namang ang palabas ay isang hot scenes na mula sa movie ni Megan Fox....'JENNIFER'S BODY' napapakagatlabi ako na makita sa gilid ng mga mata kong napapalunok itong matamang ng nanonood sa palabas! Mukhang nagustuhan pa ng mokong f*ck! Pinatay ko ang tv na ikinalingon nito at bakas sa mga mata nito ang kabitinan at pagrereklamong ikinangisi ko at walang pasabing naupo sa kandungan nito na malagkit itong tinititigan sa mga matang napakainosente at puno ng pagtataka.
"S-Shayne" nauutal pang bigkas nito sa pangalan ko na pinamumulaan. Napapangisi ako ditong isa-isang binubuksan ang pagkakabutones ng blouse ko habang nakamata dito na napapaawang ang mga labi na inaakit ito. Panay ang lunok nito. Matamang lang ding nakatitig sa mga mata ko at bakas ang kasabikan. Palipat-lipat ang tingin nito sa mga mata ko, at labi na lalong ikinangingisi ko sa isip-isip. Base sa nakikita ko dito ay masasabi kong.... katulad ko'y....birhen pa ito. F*ck! Now I understand why baliw na baliw si Liezel noon kay Cedric dahil parang si Cedric lang din itong simple, ordinary, and innocent. Bonus pang makisig at saksakan ng kagwapuhan ang panlabas na itsura.
"S-Shayne...a-anong ginagawa mo" nauutal na saad nito ng unti-unti akong yumuko at pinagtapat ang mukha namin. Ngumisi lang akong tuluyang sinunggaban ang mga kissable lips nitong napaawang. Napapikit akong napakapit sa batok nito para mas palalimin pa lalo ang halikan namin. Ang tamis ng mga labi nito. Mukhang hindi pa ito nahahalikan sa pagkakatuod nitong hindi manlang matugunan ang halik ko! Napamulat ako at 'di napigilang mapabungisngis na makita itong naninigas na yata at namimilog ang mga matang tila hindi humihinga!!
"Hahaha, why? First time?" natatawang tudyo kong ikinamula at tikom ng bibig nito.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" mahinang saad nito ng makabawi-bawi. Nakaupo pa rin naman ako sa kandungan nito at ramdam ang pamilyar na umbok na inuupuan ko. Hmm...nakakatakam tuloy lalo ang Castañeda'ng 'to! Kung ibang lalake lang ito ay kanina pa niya ako paulit-ulit na iniakyat ng langit. Pero ito halik pa nga lang ay 'di na nga marunong tumugon, itatanong pa kung bakit ko ginawa 'yon f*ck!
"Bakit? Alipin kita, gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin sayo. Whether you agree? Or not. There's nothing you can do to stop me, cause....you are mine. From your head....to toe. Is that clear?" napalunok itong namutla at napaiwas ng tingin.
"I'm waiting Alp"
"O-Oo... naiintindihan ko naman S-Shayne" napangisi akong hinaplos ito sa ulo na ikinalingon nito at hayon na naman ang mga inosenteng tingin nito sa mga nangungusap niyang mga mata.
"Puppet ba ako sayo" napahagikhik akong dumagan dito na nakikipagtitigan pa rin.
"Yeah, you're my cute and innocent puppet too" napalabi itong parang bata kaya 'di ko napigilang kinabig ito sa batok at mariing siniil ang mga labi nitong muli nitong ikinanigas sa ilalim ko at napapisil sa baywang kong ikinatawa ko na lamang habang enjoy na enjoy pinagsasawang salitang sinisipsip, hinihigop at kinakagat-kagat ang mga labi nitong nakaawang na 'di makatugon f*ck!
"Hmm... S-Shayne" awat nito na pilit nang nilalayo ang mukha. Napapangisi akong pinahid ang ibabang labi kong matamang itong tinitigan na naghahabol hininga at napahaplos pa sa ibabang labi.
"Why? May girlfriend ka na ba?" umiling itong ikinangiti ko.
"Pero meron akong nililigawan" napalis ang ngiti ko sa isinagot nito.
"Nililigawan?" tumango-tango itong bahagyang ngumiti na ikinapantig ng panga ko! F*ck! Kung ganon may mahal na ito!
"Matagal-tagal ko na rin siyang nililigawan. Kaklase at kaibigan ko siya mula highschool kami kaya....kilalang-kilala na namin ang isa't-isa" pagkukwento pa nito. Nahiya naman ako kaya bumaba na ako sa matigas nitong pangangatawan at naupo sa gilid nitong sumandal na rin ng headboard.
"Alam mo ba kung bakit ka niya hindi pa sinasagot Alp?" napailing itong nilingon ako na pilit ngumiti pero kinang na kinang ang mga matang halatang inlove na nga!
"Dahil boring ka. Anong saysay ang kagandahang lalake mo kung ultimo humalik ay hindi ka marunong? F*ck! 28 ka na pero.....virgin ka pa yata? Alam mo Alp kaming mga babae? Gusto namin 'yong hinahawakan kami, hinahaplos, hinahalikan, pinanggigilan at higit sa lahat....ikinakama" nasamid itong pinamulaan na sunod-sunod napaubo kaya naiiling na lamang akong dinampot ang bottled water sa bedside ko na inabot ditong agad ininom. Hinihingal pa ito matapos laklakin lahat ng laman non na tila uhaw na uhaw!
"Disente din naman siya at mahinhing babae. Ibang-iba ang personality niyong dalawa kaya hindi mo maiintindihan" anito ng makabawi-bawi na sa pagkakahingal. Napanguso naman akong sa kanya din nakatingin.
"Dahil hindi ako boring. Kaya naman pala magkasundo kayo. Dahil pareho kayong boring na takot lumabas sa comfort zone niyo.Tsk. New generation na tayo Alp, wala sa panahon nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa makalumang panahon. Ano hintayin niyo pang makasal kayo bago gawin ang mga makamundong bagay-bagay?" nangunotnoo itong tila prino-proseso sa utak ang sinabi ko.
"Makamundong bagay-bagay?" nangungunot noong patanong nitong ikinangisi ko at humiga na patagilid dito. Napasunod din naman itong tila entresado sa mga sasabihin ko na matamang nakikipagtitigan sa mga mata ko.
"Aha, like....kissess..romance...s*x" namula itong napatikhim at iwas ng tinging ikinangisi ko lalo.
"Wala pa naman kasi sa isip namin ang mga bagay na 'yan. Naka-focus kaming dalawa sa studies namin dahil kapwa kami graduating na sa aming kurso" anito na maalumanay ang tono. Napapailing na lamang ako.
Inunat ko ang kamay nito at umunan sa braso nitong hinayaan lang naman niya. Gahibla na lamang ang pagitan namin na halos nagkakapalitan na kami ng hininga. Matiim ko itong tinititigan at ganon din naman ito. Nakakainis lang dahil hindi ko mabasaan ng pagnanasa ang mga nangungusap niyang mga asul na mata pero bakas ang saya at kamanghaan doon na tila giliw na giliw na rin itong mas makilala ako.
Parang nahihipnotismong nahaplos ko ito sa ulo na bahagyang ikinangiti nito at yumapos na rin ang braso sa baywang ko kaya nagkalapat ang katawan namin. Ramdam ko ang init na hatid ng katawan nito kahit may suot pa itong puting sando at ako ay naka-bra at cotton short na lamang.
"Go to sleep. Sasamahan kita bukas sa school niyo" aniko na hinahaplos pa rin siya sa ulong parang maamong tuta. My innocent f*cking puppet!!
"S-Sige...g-good night, Shayne" akmang tutihaya na ito ng kabigin kong muli sa batok at siniil ng makapugtong-hiningang halik sa kanyang mga labing muling ikinanigas nito.
"Nexttime...siguraduhin mo ng tutugunan mo ang bawat halik ko sayo Alp. Hindi ako ang maga-adjust sa ating dalawa. Ako ang amo mo dito at puppet lang kita, kung anong sinabi kong gagawin mo....ay gagawin mo. Kuha mo?" may kadiinang saad ko na naghahabol hininga tulad nito. Pilit itong ngumiti na tumango.
"Tss...good boy. Goodnight...my handsome puppet" aniko na mariing humalik sa noo nito at nagsumiksik sa dibdib nitong sunod-sunod nitong ikinalunok pero yumakap din naman. Ramdam kp tuloy ang mabilis na t***k ng puso nito na ikinangingiti ko habang ninanamnam ang init na hatid ng pagkakakulong ko sa bisig nito.