IRISH:
PALAKAD-LAKAD AKONG panay ang sulyap sa wristwatch ko. Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa bumabalik si Alp gayong malinaw ang usapan namin na thirty minutes lang ang palugit niya para bumalik. F*ck! Pinakaayaw kopa naman sa lahat ang hindi marunong tumupad sa usapan at pangako kagaya ng daddy kong walang kwenta!
Napapihit ako paharap sa pinto ng bumukas iyon at iniluwal si Alp na humahangos, hingal na hingal na tila pinatakbo ng ilang kilometro at naliligo na ng pawis. Mukhang hindi biro ang napagdaanan nito makabalik lang sa akin kahit late na ng thirty minutes. Lihim akong napangiti na may isang salita naman pala ang mokong na 'to unlike my dad tsk!
"You're thirty minutes late mr Castañeda" may kadiinang saan ko na walang kangiti-ngiti ditong napapalunok at hingal na hingal. Napalunok ako ng mapatingin sa mga namumuong pawis sa noo nito na umaagos sa pisngi pababa ng kanyang leeg. F*ck! Ang sarap nilang dilaan sa paningin ko!
"I'm sorry ma'am. Nakiusap pa kasi ako sa mga doctor dahil mga nakababata kong kapatid lang ang nakabantay kay tatay" hinihingal na paliwanag nito. Kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo ay kusang napatango-tango akong tila walang pagdududang naniwala sa sinaad nito. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil pagdating sa kanya ay......madali akong maniwala sa mga sinasabi niya. Lalo na't matiim makipagtitigan ang mga nangungusap niyang mata, napakainosente ng mga pagtitig nitong tila batang wala pang kamuwang-muwang sa paligid at walang bakas na nagsisinungaling. F*ck! I really like him now.
"Why? Where's your mom?" pasimpleng pag-uusisa ko pa dito. Gustong-gusto ko siyang kinakausap dahil kitang hindi ito naiilang sa akin. Marahil ay hindi niya kilala kung sino ang kausap niya tsk.
"Nasa palengke po ma'am, tindera siya ng mga seafoods at isda" magalang sagot nito. Napahinga ako ng malalim at dinampot na ang pouch ko.
"We're living now Mom" paalam ko kay mommy na humalik sa ulo nito habang busy na nagtitipa sa laptop.
"Take care hija. Call me later" anito na humalik sa pisngi ko at muling bumaling sa ginagawa. Napahimas ako sa balikat nito na mariing humalik sa ulo nito.
"Yeah thanks Mom, hwag masyadong magpagod. Kaya nga may mga employees tayo 'di ba?" pagpapaalala kong ikinangiti at tango nito.
I know my mom very well. She's a workaholic kind of person. Kaya nga kami iniwanan ni dad dahil mas inuuna nito ang kumpanya, ang magpayaman kahit mayaman na, kaysa sa aming pamilya niya. Kaysa kay daddy na asawa niya.
"Yeah I now hija. Leave now marami pa akong gagawin" pagtataboy na nito.
"Let's go" baling ko kay Alp na tahimik lang sa gilid na nakikiramdam sa paligid. Lihim akong napangiti ng nagmamadali pa nitong pinagbuksan ako ng pinto. Hmm...so gentleman huh?
Malalaki ang hakbang nitong sinasabayan ako..'Di tuloy maiwasang magulat ang mga employees namin na nagbubulong-bulungan dahil obviously naman itong kasama kong sinasabayan ako sa paglabas ng bangko. Marahil ay nagtataka ang mga ito na hinahayaan ko lang itong makipagsabayan sa akin.
"Hop in" walang emosyong saad ko pagkarating namin ng parking lot kung saan nakaparada ang sportscar ko. Napataas kilay ako dito ng natuod na yata sa harapan ng kotse ko dahil awtomatikong bumukas ang bubong at mga pinto nito sa aming dalawa.
"Hey, sasakay ka ba o maglalakad ka?" may halong pagmamalditang untag kong ikinabalik ng diwa nito na napakurap-kurap pa sa kotse. Mahina akong natawa na napapailing sa nakikita ngayon ditong kamanghaan, gulat at tuwa! Nangingislap ang mga mata nito na may munting ngiti sa mga labi kaya lihim na rin akong napapangiti dito.
Napapitlag pa ito ng marahan kong itinulak papasok sa loob para makaupo na dahil mukhang mas bet nitong ngitian na lamang ang kotse kaysa sakyan tsk.
"Seatbelt please" aniko ng makaupo na ako sa driver side pero heto at natutulala na naman siyang namamanghang iginagala ang paningin dito sa loob ng kotse.
"Ahm, ma'am saan po tayo?" magalang tanong nito habang kinakabit ang seatbelt at nagmamaneho na ako palayo ng bangko.
"Sa bahay ko, kung saan ang magiging bahay mo na rin"
"Ho!?" gimbal na bulalas nitong ikinangisi at iling ko.
"Why? Is there a problem about that?" tanong kong hindi ito nililingon pero kita ko naman sa peripheral vision kong nakatitig ito sa akin na napapanganga at bakas ang kalituhan. Mahina akong natawa na napailing dito.
"Saan ang bahay niyo? Kailangan pa ba kitang ipaalam sa pamilya mo? Don't worry about your things cause from now on, ako ng bahala sa lahat-lahat ng pangangailangan mo. All you need to do is......pagsilbihan mo ako, hanggang sa kusa na kitang pakawalan. 'Yan ang kabayaran ng utang mo dahil alam ko namang hindi mo ako mababayaran in a few months. Isa pa, hindi ko kailangan ng pera, marami ako non. Pero ikaw......" mahabang litanya ko na saglit itong nilingon at nginisian dahil tutok na tutok sa mga sinasabi ko na napapanganga. He's really cute and innocent in my eyes.
"Pero ako?" ulit nito.
"Pero ikaw, kailangan kita. Kaya sa akin ka tumira magmula ngayon. Kung nasaan ako? Nandoon ka rin dapat. Kuha mo?" may halong pagtataray kong saad. Kita kong natigilan itong napalunok na sa harap na ibinaling ang paningin.
"Alipin, ganon po ba ang tingin niyo sa akin?" mahinang saad nito. Napalunok ako dahil napakalungkot nitong napayuko at pasimpleng nagpahid ng luha. Aminado akong parang kinurot ang puso ko sa naging reaksyon nito. Pero kailangan kong magmatigas dahil alam ko namang dito ko siya mapapakinabangan. Wala siyang perang ipambabayad sa utang niya, so marapat lang naman sigurong ang katawan na lang niya ang gamitin kong kabayaran niya. Hindi ko naman patatagalin ang pagiging alipin niya sa akin. Madali akong magsawa at maboring kaya tiyak akong baka 'di pa ito abutin sa akin ng isang buwan ay pakakawalan ko na dahil pinagsawaan ko na.
"Daan na muna tayo sa bahay ma'am. Okay na ako sa mga damit ko, at mas komportable ako sa mga nakasanayan kong gamit dahil pinaghirapan ang mga iyon na bilhin ng mga magulang ko" anito sa mahaba-haba naming katahimikan. Tumango lang ako at binagtas ang daang sinaad nito. Napapanguso ako dahil sa skwater compound pala ito nakatira. F*ck! Ang gugwapo naman ng mga naninirahan sa compound na 'to dahil heto nga't kasama ko na ang isang taga dito sa looban.
"Dito ka na lang muna. Wala din namang tao sa bahay. Kukuha lang ako ng mga damit ko ma'am" anito na tinanguhan ko lang at inihatid ito ng tingin na pumasok sa makipot na iskinita. Naningkit ang mga mata ko ng mapadaan ito sa unahan kung saan may maliit na tindahan doon at may mga dalagang nagkukumpulan na kinausap siya at nakipag-apiran at tawanan pa siya na tila komportableng komportable ito sa mga kaharap. Napailing akong uminom ng tubig sa bottle ko.
"Am I jealous?"
"No way! Why would I?" parang hibang pagkausap ko sa sarili sa nararamdamang irita sa nakitang pagkausap nito sa ibang babae tsk! Mga lalake nga talaga, manloloko at 'di marunong makuntento sa kung anong meron sila. Hindi lahat pero...karamihan sa kanila at napakamalas namin ni mommy dahil kabilang si daddy sa mga manlolokong lalakeng nagkalat sa tabi-tabi!
Napaayos ako ng upo ng makita na itong palabas ng iskinita na may dalang dalawang backpack na punong-puno. Muli na naman siyang nakipag-usap sa mga babaeng ngiting-ngiti sa kanya at kay iiksi ng short at sando na dinaig pa ang mga babaeng nagtatrabaho ng club tsk. Mga p*kpok ba sila? Low class of b*tches!
"Tara na po ma'am" magalang saad nito pagkaupo na ibinaba ang mga bag sa tabi bago sinuot muli ang seatbelt. Namamangha pa ang mga dinaanan nitong p*kpok na makita kung gaano kagara ang sinakyan nito tsk! Baka lalong lumuwa ang mga mata nila kung makilala kung sino ako.
"Stop calling me ma'am, at 'yang ka po po po mo sa akin. Hindi pa ako ganon katanda dahil mas matanda ka pa nga sa akin" ismid ko ditong ikinalingon nito pero nanatiling sa daan ako nakamata.
"Ahm...kung ganon anong itatawag ko sayo" medyo alanganing saad nito na bakas na nahihiya sa akin. Samantalang kanina ay napakagiliw niyang kausapin ang mga b*tches doon sa compound nila pero sa akin ay nakapagalang na animo'y isa akong matandang ginagalang tsk!
"I'm Irish Shayne Crawford, don't you know who am I?" pagsusungit ko.
"H-Hindi po eh"
"Tsk. Then research me" ismid ko na kinumpirma pa talaga nitong hindi ako kilala. Pagak akong natatawa sa isip-isip ko. Milyon-milyon ang followers ko on social media tapos itong nabingwit ko ay napakainosenteng nilalang na hindi manlang ako nakilala gayong daig pa namin ng mga kaibigan ko ang mga local actress, beauty queen at models ng bansa.
PAGDATING NAMIN ng subdivision ko ay namamanghang muli itong napapatingala sa mga nadadaanan naming naglalakihan at garahang bahay dito. Napapanganga pa itong halos hindi kumukurap ang mga matang lihim kong ikinangingiti.
Napaayos ito ng upo ng huminto ako dahil pinagbubuksan ako ng gate ng guard ko. Kita ang kamanghaan dito ng mapatingin sa white house ko na parang mansion na kung susumain.
"D-Dito ka nakatira?" nauutal nitong tanong ng pumarada na akong nagtanggal ng seatbelt.
"Yeah"
"Dito mo ako ititira?" napailing na lamang akong bumaba na kaya taranta itong napasunod na dinampot agad ang dalawang bag nito. Panay ang linga at tingala nito pagpasok namin ng mansion ko. Maging dito sa loob ay all white ang tema kaya napakaliwanag at aliwalas ng buong mansion. Wala akong kasama dito dahil ayo'ko ng marami akong kasama sa bahay. Kaya saka lang nagagawi dito ang mga katulong na nasa likod nitong mansion ang quarters kapag oras na ng agahan, tanghalian at hapunan para ipagluto ako at saka naman naglilinis kapag alam nilang nakaalis na ako dahil hindi naman ako naglalalagi dito sa mansion.
"Sa masters bedroom ka" aniko na nagpatiuna dito na halos mabali na ang leeg sa kakatingala sa mga nakikitang naggagandang chandelier sa kisame. Tsk. Ngayon lang ba siya nakakita ng mga ganyan?
"Ahm...ikaw saan ka?" pumihit ako dito na napapangisi.
"Haven't I told you? Kung nasaan ako, nandoon ka" namilog ang mga mata nitong namula na ikinahalakhak ko.
"M-Magsasama tayo sa iisang kwarto?" nauutal pang tanong nito.
"Aha, at matutulog....sa iisang kama"
"Pero-"
"No buts! I told you, you're my slave so better do. your. job. is that clear!?" may kadiinang asik ko na pinaniningkitan itong napapalunok at tango.
"O-Okay...."
"Okay-?"
"Ahm...okay S-Shayne" lihim akong napangiti na nauutal pa nitong binanggit ang second name ko. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng Shayne dahil 'yon ang tawag sa akin ng ama kong umabandona sa amin pero ngayong siya ang tumawag sa akin ng second name ko ay kakatuwang wala akong maramdamang inis kundi....natutuwa ako. F*ck! Ganon ko ba siya kagusto bilang isa sa mga.... puppet ko.