Chapter 4 Girlfriend

3501 Words
IRISH: NAPAPABUGA AKO ng hangin habang naglibot-libot dito sa university nila Alp at hinahanap ito. Wala akong kakilala dito dahil public university ito pero kita namang may kalakihan ang unibersidad. Napangisi ako ng may makasalubong na professor. "Hi sir, good morning" nakangiting bati kong ikinatigil nito at nangutitap ang mga matang napagmasdan ako lalo na't naka-sexy peach sleeveless dress at hanggang gitnang hita ko lang ang haba ng laylayan kaya nakalitaw ang mga bilugan at makinis kong mahabang hita, maging braso at cleavege ko ay naka-expose kaya 'di ko masisi itong napapat*nga lang namang pinagsasawa ng titigan ako tsk! "Prof?" untag kong ikinabalik ng ulirat nito na napakurap-kurap pa. "Huh? Ahm...yes ms?" anito na natutulala pa rin. Ngumiti ako at naglahad ng kamay na agad nitong tinanggap. "Irish prof. May estudyante kasi kayo ditong hinahanap ko. Uhmm...graduating na siya as criminology. Si Alpha Brix Lopez Castañeda" saad kong ikinanganga at tango-tango nito. "Ahh...si Brix ba? Estudyante ko siya pero naka-break pa sila ngayon ms Irish. Pero mamayang mga 10am ay sa fields sila naroon para sa physical exercise nila" pagbibigay alam nitong ikinatango ko. "Sige prof, hanapin ko na lang siya" pamamaalam ko dahil nakakaasiwa ang tinging ginagawad nitong tila hinuhubaran na ako sa isipan. Tsk! Nagpatiuna na akong napamasid-masid muli sa paligid. Maraming estudyante ring nakakasalubong ko at bakas ang kamanghaan sa kanila. Ang iba pa nga ay namumukhaan akong pasimpleng kinukunan ng litrato tss. Nagawi ako sa garden area kung saan nagkakairitan at kumpulan ang mga nakapang-criminology uniform katulad ng suot kanina ni Alp kaya nakiusyoso na rin akong nakipagsiksikan hanggang makarating sa harapan. Para akong binuhusan ng tubig na makita kung sino ang dalawang taong pinagkakatilian ng mga nandiditong estudyanteng kilig na kilig sa kanilang dalawa habang ako'y napapaismid at napahalukipkip na lamang.. Nakahawak ito sa isang kamay ng babaeng kapwa nito criminology habang nakahaplos ang isang kamay sa pisngi na matamang nakikipagtitigan sa isa't-isa! "Elijah... we've been together for almost 8years...8 years na rin akong naghihintay na makamit ang matamis mong oo...I know na wala pa tayong nararating sa mga oras na 'to pero....pwede ko na bang matanong ang babaeng pinakatatangi ng puso ko...Elijah Sandoval....will you be....my girlfriend?" nanigas ako sa pagbanggit nito sa pangalang kaharap at bumilis ang t***k ng puso ko dahil nakatagilid naman ang mga ito sa akin. Naghiyawan ang lahat ng tumango-tango ang babae na agad niyakap ni Alp na bakas ang tuwa dito. Naluha pa itong napakalapad ng ngiti habang yakap-yakap ang babaeng ikinatitili ng mga nandidito. Bumitaw ito at hinaplos sa pisngi ang babaeng kaharap na inayos ang nililipad-lipad nitong buhok. Napaiwas ako ng tingin ng mariin itong humalik sa noo ng babae. "Tsk. What a boring scene. Ano hanggang don lang? 'Yon na 'yon? Sila na nga pero hanggang noo lang ang kaya niyang halikan sa babaeng 'yon? Ganon ba kaespesyal ang Elijah niya na parang babasaging baso na ingat na ingat itong pangalagaan? Tsk tsk tsk.. napakaboring naman nila" bubulong-bulong kong ismid na lumayo na sa kumpulan. Naaalibadbaran ako. Mapait akong napangiti at nagtungo sa nakita kong restroom. Nagngingitngit ang loob ko na nasaksihan ko pa ang senaryong 'yon! "Leche! Napasagot na niya ang nililigawan niya. Sila na. Paano ako makakaeksena kung tuluyan na niyang isinara ang pinto para sa kanila ng babaeng ano daw....? tinatangi ng puso niya? Huh!! Ang baduy huh!?" parang sirang pagkausap ko sa repleksyon ko sa salamin habang naghuhugas ng kamay at pinapahupa ang init ng ulo ko! "Damn Irish!! Alipin mo lang siya, isang puppet na laruan mo at kapag pinagsawaan mo na....itatapon mo na lang basta sa basurahan..kung saan siya nababagay kasama ang girlfriend niya" pagkausap ko sa sarili na natatawang napapailing. Natigilan ako ng maalala ang binanggit nitong buong pangalan ng babae. Muling nanikip ang dibdib ko sa pagbilis ng t***k ng puso ko kaya napasapo ako sa dibdib. "Could it be possible? Na iisang babae lang ang Elijah Sandoval na girlfriend nito....at ang babaeng Elijah Sandoval din na kakilala ko. Ang traitor b*tch na nakilala ko sa tanang buhay ko?" napailing akong napabuga ng hangin. I need to find out the truth. Kung nagkataong magkapangalan lang ba sila....o iisang babae lang ang Elijah na kakilala namin ni Alp. PANAY ANG LINGA ko habang nandidito sa field kung saan naroon ang mga classmates ni Alp na kasalukuyang may kanya-kanyang activities. Ang iba ay nagpapagulong-gulong pa sa putikan, may iba ay pinapatakbo, squats, push-ups, shooting...nahagip ng paningin ko ang dalawang pares na kasalukuyang inaalalayan ng lalake ang babae sa pag-akyat sa board na pinasadyang akyatin ng mga tulad nilang nasa training. Nagpantig ang panga ko na makitang napakasaya nilang panay ang tawanan dahil maya't-maya ay nadudulas ang babaeng inaalalayan naman ni Alp na tila ingat na ingat hwag itong mahulog. Tsk! Ganon ba talaga siya ka-protective? Ang OA naman nila. Kung ako lang ay napaka-basic ng mga exercises nila dahil isa lang naman akong especial trained assassin. Kami ng lima kong kaibigan to be exact. Kaya nga....sanay kaming makipaglumpuhan at makiharap kay kamatayan. Kaya tinawag ang grupo naming anim bilang mga....'THE DANGEROUS ANGEL'S' mga anghel na kayang maghatid ng mga kaluluwang kinitil namin kay s*tanas man....o kay San Pedro. Napanganga ako ng bumaba na ang babae at nagyakapan pa silang dalawa kaya nasilayan ko na sa wakas ang mukha nito na.... ikinalunok at kuyom ng kamao ko! F*ck!! Bakit naman siya pa!? Sa dinami-rami ng babaeng mamahalin ni Alp ay itong punyetang Elijah Sandoval pa na ito ang natipuhan! Hanggang ngayon ba naman pilit kaming pinaglalapit ng kapalaran? What the hell!! P*tangina namang buhay ito!! Nagmartya akong akmang lalayo na ng may makabunggo akong matigas na bagay na munting kong ikinatumba sa kawalan ng balanse lalo na't naka-wedge sandal ako at lupa ang inaapakan ko! "I'm sorry ms. You okay?" ani ng baritonong boses na ikinaangat ng mukha ko at napaayos ng tayo na mabungaran ang isang mala-adonis ding binata na nakayapos pa rin sa baywang ko at bakas ang gulat at pagkamangha sa mga mata nito. "Ahh....I-Irish C-Crawford?" nauutal pang saad nito. Napangisi akong binaklas na ang kamay nitong nakapulupot pa rin sa baywang ko. Umayos ako ng tayo at maarteng napa-flip ng nakalugay kong wavy blonde hair na lalo nitong ikinanganga. "Yeah. You know me?" napatango-tango itong matiim pa ring nakatitig. Saka ko lang napansin ang suot nitong mukhang classmate din ni Alp. "What's going on here?" napalunok ako sa baritonong boses na nagmula sa likuran ko. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko na maramdamang nasa likuran ko lang ito. "Ahm. Nothing Brix, nabangga ko kasi si ms Irish kaya humihingi ako ng despensa sa kanya" saad ng kaharap ko. Napataas ako ng kilay na humalukipkip ng magtungo si Alp at Elijah sa harapan ko na magkayakap pa rin at bakas ang gulat sa mga mata nila lalo na si Elijah na mamukhaan akong nginisian ko lang at napairap naman kay Alp. Kahit labag sa loob ko ay hinila ko sa braso ang estrangherong nakabangga sa akin para makalayo sa dalawa na ramdam kong nakasunod ang tingin sa aming dalawa nitong kinakaladkad kong gustong-gusto naman tsk! Nagtungo kami sa shooting area kaya binitawan ko na ito at nagtungo sa boot kung saan nakapwesto ang mga kasalukuyang umaasinta sa mga target na board sa may kalayuan. "Can I try?" aniko sa katabi ko na napangiti at dinampot ang isang pistol. "Marunong ka ba ms Irish?" anito sa malambing na tono habang naglalagay ng bullet sa magazine. Napangisi ako ng hanggang dito ba naman ay sumunod ang dalawa na magkayakap pa rin at matiim akong tinititigan. "Hindi eh. Can you guide me?" paglalambing kong ikinalunok at ngiti nito. "Sure, it's my pleasure to teach someone like you ms Irish" saad nito na ikinasa na ang pistol at maingat inilipat sa palad ko. Napatigil tuloy ang mga nandidito at ngayo'y namamangha na silang nakamata sa akin. Dinig ko pa ang bulungan nilang nakilala ako at nagtatanungan kung anong ginagawa ng isa sa mga Dangerous Angels dito sa school nila. Tsk. Hinayaan ko lang ito ng nagtungo ito sa likuran ko at para na akong niyayakap ng humawak ito sa dalawang kamay kong iniangat para asintahin ang nasa harapan kong board na siyang target kong patamaan ang mga numbers doon. Napailing na lamang ako na mas idinikit nito ang sarili kaya ramdam ko maging ang pamilyar nitong umbok na kinikiskis na sa balakang ko. F*ck! Ang sarap basagan ng itlog ang m*nyakis na 'to! "Ganto ba?" kunwari'y 'di ko alam. Ipinatong pa nito ang mukha sa balikat kong ikinasisinghap ng mga kasama naming literal na sa amin na nakatutok ang paningin. "Aha, asintahin mong maigi ang target ms Irish" anito na ipinupwesto ang kamay kong may hawak na baril sa harapan. "Kapag ready ka na at asintado mo ang target...then boom..Kalabitin mo na ang katilyo" saad nitong ikinatango-tango ko at pasimple ng umayos ng upo at pumosisyon na napaside-view paharap kina Alp at Elijah na matamang ding nakatitig sa akin. Ngumisi lang ako sa mga ito na tinaasan sila ng kilay at walang pasabing pinagbabaril ko ang target ng hindi tinitignan dahil na kay Elijah ang mga mata ko. Napahiyaw at palakpak ang mga nandidito na halos nawarak ko ang board sa harapan na asintang-asinta kahit hindi ko tinitignan. "Wow! Nakakahiya ka namang turuan ms Irish, mukhang batikang-batika ka na sa barilan eh. Sisiw na sisiw lang kameng mga criminologist sa galing mo" namamanghang bulalas ng m*nyakis na kaharap kong sinang-ayunan ng mga nandidito habang napapapalakpak sa akin. Ngumiti ako sa mga itong nakahawak sa tapat ng dibdib na animo'y touch na touch sa mga papuri nila at napapayuko pang isa-isa silang matamis na nginitian. "Ahm, ms Irish....pwede bang magpa-picture kasama ka?" natatawa na lamang akong napakamot sa ulo na tumango sa mga ito kaya halos magkumahog na ang mga itong nag-uunahan para lang makapagpa-picture sila sa akin. Kita ang pagkabanas sa magandang mukha ni Elijah na nakayakap pa rin sa tagiliran ni Alp na nakaakbay naman dito habang matamang lang silang nanonood sa amin ng mga classmates nilang isa-isang nagpapakuha ng larawan kasama ako. Sanay naman na ako sa ganito. As I said, milyon-milyon din ang followers ko kaya 'di na nakapagtatakang makilala ako kahit saan magpunta at pagkaguluhan. Lalo na kung magkakasama kaming anim ng mga kaibigan ko. Pero dahil may mga kanya-kanyang buhay na rin ang mga ito ay paminsan-minsan na lamang kaming magkakasamang anim unlike noong nag-aaral pa kami na puro kalokohan ang inaatupag. Hobby ang mag-hunting ng mga gwapong nilalang at nakikipag-fling sa mga dayuhang natitipuhan. Dayuhan ang madalas naming ka-fling dahil katulad nami'y open minded sila sa lahat ng bagay at hindi puro s*x ang nasa utak kundi nag-e-enjoy ding i-explore ang paligid. NAPANGISI AKO NG masulyapan si Alp na nagtungo ng restroom kaya mabilis ko itong sinundan. Bakas ang gulat dito ng makita akong pumasok at ni-lock ang pinto. "S-Shayne...anong ginagawa mo dito?" ngumisi lang akong malalaki ang hakbang na nilapitan itong kinabig sa batok at isinandal sa countertop ng lababo at marubdob na inangkin ang mga labi nitong napaawang at napayapos sa baywang ko. "Kiss me back! Goddamnit!" asik ko na muling binalikan ang mga labi nitong napapaawang at naghahabol hininga! Nanggigigil kong kinagat bahagya ang ibabang labi nitong ikinanganga nito at mapusok na ginalugad bawat sulok ng loob ng bibig nito hanggang masagi ko ang dila nito sa gilid na tila natatakot sa dila ko! Napayapos ako sa batok nitong mas ipinagdiinan ang katawan namin sa isa't-isa at nilingkis ang dila nitong naninigas! "Uhmm... S-Shayne" napangisi ako ng mapaungol ito sa paglilingkis ko sa dila nito na halos higupin ko na ang buong bibig nito sa sobrang panggigigil kong hinahalikan ito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili. Bakit nga ba ako naiinis? Bakit ako nanggigigil? Bakit ako nagagalit? Dahil ba may girlfriend na ito at ang p*tanginang Elijah Sandoval pang 'yon!? Hindi na ako makapapayag maagawang muli! Akin na si Alp. Wala na akong planong pakawalan pa siya para lang magkasama silang dalawa? No way! Hindi ko hahayaang maging masaya ang traydor na iyon maging ng ina niya. Pagkakataon ko na ito para ako naman ang dudurog sa kanya. Kapalaran na ang nagdala sa akin ng pagkakataon para makapaghiganti. Ibabalik ko....ang ginawa niyang pang-aagaw sa boyfriend ko noon. Higit sa lahat.....sa pang-aagaw nila sa amin ni mommy....sa daddy ko! Sila ng mommy niya ang dahilan kaya lumaki akong hindi buo ang pamilya. Nagtiwala at tumulong kami sa kanila pero anong iginanti nila sa amin ng mommy ko? Ang agawin ang mga lalakeng mahal namin?! F*ck them!! Ibabalik ko ang ipinaranas nilang sakit sa amin ng aking ina. Alp. Is. Mine. "Uhmm S-Shayne..tama na, baka may makakita sa atin" hinihingal na pag-awat nito sa marubdob kong pag-aangkin sa mga labi nitong bahagyang nangapal sa tindi kong manupsop at manghigop na tila babaklasin ko na sa mukha nito ang mga labi. Namumungay na ang nangungusap niyang mga mata habang naghahabol ng hininga. Napangisi lang ako ditong nahaplos ang ibabang labi nitong ikinalunok nito. "Shayne naman. Baka may makakita sa atin. May girlfriend na ako, ayo'kong magkasala sa kanya, ayo'kong masira ang tiwala niya sa akin" napailing akong nginisian lang ito. "You already did Alp, naghahalikan at yakapan tayo. Magkasama sa bahay....magkatabing matulog. Tingin mo ba? Kung malalaman ng girlfriend mo ang mga namamagitan sa atin ay tatanggapin ka pa rin niya? I don't think so" napalunok itong namula na nag-iwas ng tingin. Kita ang pagdaan ng guilt at takot sa mga mata nito. Tsk. Mukhang mahal na mahal nga niya ang Elijah na 'yon!! "M-May choice ba ako? Alam mong ginagawa ko ito dahil sa pagkakautang ko sayo. Nagpapakaalipin ako para makabayad at makalaya na sayo. Kapag tapos na ako sa utang sayo, ipapaalam ko pa rin naman sa kanya ang mga namagitan sa atin Shayne. Pero sa ngayon...pwede bang makiusap. Hwag naman dito. Kilala kami ni Elijah ng lahat ng mga estudyante dito, kapag may nakakita sa ating naghahalikan? Makakarating agad iyon sa kanya dahil alam na ng lahat na.... girlfriend ko na siya. Please Shayne...babawi ako sa bahay. Doon malaya mo akong alilahin hanggang magsawa ka, hanggang mapagod ka. Pero dito? Please....ipaubaya mo na ang lugar na 'to sa akin. Dito ko na lang siya malayang nakakasama" mahabang litanya nito sa nakikiusap na tono. Parang pinipiga ang puso ko na malaman kung gaano niya kamahal ang Elijah na 'yon. Ano bang meron siya? 'Di hamak namang mas lamang ako sa kanya sa lahat ng bagay. Napahinga ako ng malalim na matamang tinitigan ang mga nangungusap niyang mga mata. "Gaano mo ba siya kamahal?" "Mahal na mahal Shayne. Higit kanino man. Higit pa sa sarili ko. Lahat ng pagsisikap at pangarap ko ay nakalaan sa kanya. Siya ang babaeng natatanging nais kong makasama hanggang pagtanda ko. Ang bukodtanging pag-aalayan ko ng wagas na pagmamahal at pag-aaruga ko hanggang sa huling hininga ko. Kaya please Shayne, pwede bang hwag naman pati dito ay.....ginagawa mo akong puppet mo" napatikom ako ng bibig na bumitaw na sa pagkakayapos sa batok nito at napatango-tangong ikinaaliwalas ng gwapong mukha nitong animo'y nabunutan ng tinik sa lalamunan tsk!. "Fine, get ready yourself Alp. Humanda ka sa akin mamaya sa bahay" aniko na nagpatiuna ng lumabas ng restroom na may malad*monyong ngisi sa mga labi. AKMANG PALABAS na ako ng university ng makasalubong ko na naman si m*nyakis na may malapad na ngiti. "Hi, nakalimutan kong magpakilal sayo ms Irish. I'm Gerald Abella nga pala" anito na naglahad ng kamay. "Hello, nice meeting you Gerald" aniko na may hilaw na ngiti. Siya namang pagdaan ni Alp at Elijah na magkayakap na naman lintik sila! "Irish right?" maarteng saad ni Elijah na animo'y isang anghel sa hinhin na may matamis na ngiti. Naglahad ito ng kamay na tila hindi pa kami magkakilala. Ngumiti akong inabot ang kamay nitong pasimpleng pinisil ng mahigpit na ikinatunog pa ng mga buto nito kaya napapangiwi itong tila nabalian ng buto. "Aha, Irish Shayne Crawford" pagpapakilala ko na may hilaw na ngiti dito lalo na't nakamasid si Alp sa akin na kaharap ko. "Ahm...can you two join us for lunch?" "Mahal-" "Sure why not. Your available right Gerald?" putol ko sa akmang pagtanggi ni Alp sa paanyaya ni Elijah. Umaliwalas naman ang mukha nitong napalapad lalo ng ngiti. "Yeah, I'm always available for you ms Irish" napangiti akong pasimple ding niyakap ito sa tagiliran na ikinanigas naman nito habang napalunok naman si Alp na kita ang pagdaan ng sakit sa mga mata nitong napaiwas ng tingin sa kamay kong nakayapos kay Gerald. Napapangisi na lamang ako sa isip-isip ko. "So, shall we?" malambing pang pag-aaya ni Elijah. "Let's go" aniko na nagpatiuna na kami ni Gerald. Napapaismid na lamang akong yakap ito sa tagiliran habang nakaakbay ito sa akin na naglalakad sa hallway papunta ng cafeteria nitong school. Napapalingon pa ang lahat ng madaanan namin na bakas ang inggit at pagkamangha sa kanilang mukha. Panay ang asikaso nito habang magkakaharap kaming kumakain. Magkatabi si Alp at Elijah na kaharap namin ni Gerald. Panay din naman ang asikaso ni Alp sa kasintahan na kulang na lang yata ay nguyain na nito ang pagkain para kay Elijah at ipapalunok na lamang sa ipokritang plastik na nilalang na 'to. Napakagaling niyang umarte at napakahinhin kumilos na akala mo ay kung sinong Maria Clara na hindi makabasag pinggan sa hinhin niyang kumilos at magsalita. Kaya naman pala napakama-ginoo ni Alp na parang si Crisostomo Ibarra lang ang peg! Dahil nagsasanta-santahan ang girlfriend nitong may nakatagong ahas sa katauhan. Sa likod ng maamo at maganda niyang mukha na akala mo'y isang inosenteng dalaga tsk! Natigilan ako ng punasan ni Gerald ang gilid ng labi ko ng tissue dahil may kumalat na icing ng chocolate cake na siyang dessert naming apat. Napalunok naman si Alp na napaiwas ng tinging ikinataas ng kilay ko habang nangingiti lang naman ang katabi nito na tila may nakakatuwang pinapanood. "Ahm sorry ms Irish, may icing kasi" nahihiyang saad nitong ikinangiti ko lang. "Your too pormal Gerald. Irish na lang" napangiti itong nanginang din ang mga matang bakas na natuwa sa narinig tss. Napapairap na lamang ako sa loob-loob ko. "Okay lang ba?" "Oo naman" sagot ko sa masiglang boses na lalo nitong ikinangiti. "Looks like you two are getting closer hmm?" nangingiting tudyo ni Elijah na ikinangisi ko kaya napalis ang ngiti nito na napaiwas ng tingin sa mga mata ko. "Oo naman, sinong hindi matutuwa kung nakapagaling makibagay ni Gerald sa lahat. Tipong nakikisabay siya sa agos hindi tulad ng iba diyan" aniko na pinaparinggan si Alp habang sinasagi ng paa ko sa ilalim ang binti nitong ikinalulunok nito na panay ang inom ng tubig. "Kahit sino naman sigurong lalake ay malugod kang sasabayan Irish" masiglang saad pa nitong ikinalingon ko at pasimpleng pinisil ang tongki ng ilong nitong ikinairit ni Elijah habang ito nama'y namula sa pagpisil ko. "Ahm. Sorry. Ang cute mo lang kasi" lalo itong namula na nangungutitap na ang mga mata. PASAKAY NA ako ng kotse ng may biglang kumabig sa aking ikinubli ako sa malapit na puno dito sa parking. Napataas kilay ako ng mabungaran si Alp na may bahid ng inis ang mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. "What?" painosenteng tanong ko kahit nababasa ko na ang nasa isip nito. Nagngingitngit ang mga ngipin nito na nammumula ang mga mata. "Don't flirt with him. F*ckboy ang lalakeng 'yon. Paniguradong ikakama ka lang niya at pagsasawaan at sa huli? Iiwanan ka rin. Believe me Shayne. Halos lahat na ng kababaihan dito ay ikinama na niya para pagparausan lang" may halong panenermon nito na matiim nakatutok sa mga mata kong ikinangisi ko. "So what? Atlis siya marunong magpaligaya, hindi tulad ng iba dyan na pinipilit mo na nga, tumatanggi pa" namula itong nagpantig ang panga. Tinaasan ko ito ng kilay at namilog ang mga mata ng walang pasabing isinandal ako sa puno na halos pisatin na ako at marubdob inangkin ang mga labi kong ikinangiti at yapos ko sa batok nito para sabayan ang mga labi nitong napakatindi kung manghigop!! "Hwag mo akong ginagalit Shayne. Oo inosente pa ako pero hindi naman ako t*nga" anas nito na naghahabol hininga. "Why do it makes me feel like...." pambibitin kong ikinayuko nito na pinamumulaan. "Hwag ka kasing lumalapit sa kanya. Nandito ka para sa akin 'di ba? So dapat ako lang ang landiin mo dito. Hwag ka ng maghanap ng iba habang nandidito pa ako sa tabi mo. Kaya ko naman eh. Kaya kitang paligayahin. So please....ako lang. Ako lang Shayne...pwede ba 'yon..Akin ka lang" napakagatlabi akong pinipigilan ang sariling mapangiti. Kita ang kaseryosohan at sinseridad sa mga mata nitong napakalamlam na tila nagmamakaawa. "Fine. I won't. Siguraduhin mo lang na may isa kang salita Alp. Let's go home together. Hindi na ako makapaghintay masolo ka" napangiti itong napa-smack-kiss pa sa mga labi ko. "Salamat. Tara" anito na hinawakan pa ako sa kamay na inalalayan makapasok ng kotse. Nangingiti na lamang ako ng ito na mismo ang nagmaneho sa kotse ko at bakas pa rin ang kamanghaan sa nangingislap niyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD