IRISH:
NAPAPANGUSO AKONG binabagtas ang kahabaan ng highway patungo sa isa naming mansion kung saan nakatira si daddy at bagong pamilya nito. Ayoko sanang dalawin ito pero dahil kaarawan nito at hiniling kay mommy na dumalo ako ay heto at wala akong choice kundi pagbigyan ang matanda.
Sunod-sunod akong napabusina sa harap ng mataas na gate. Taranta naman ang mga guard na pinagbuksan ako ng mamukhaan nila ako. tsk.
Nagmartya akong pumasok ng mansion at sumalubong ang supistikadang may katandaang babae na napakahinhin maglakad na may matamis na ngiting ikinangisi at iling ko na ginawaran ito ng nakakainsultong tingin na ikinatigil at putla nito.
"Irish anak, nandito ka na pala" anito sa malambing niyang boses. Nginisian ko lang ito at nilagpasan na pumasok ng kanilang dining room. Naabutan ko naman dito ang anak nitong katulad ng ina ay napakaganda rin ng bihis na naka-makeup pang halatang pinaghandaan ang pagdating ko tsk. As if namang kaya nila akong matalbugan.
"Irish" nginisian ko lang ang matamis nitong pagkakangiti na may hawak na cake na mukhang siya mismo ang nag-bake tsk. Nagpapaka-good daughter ba siya? Akala mo naman ikinaganda niya haist! Nakakatawa silang mag-ina na panay ang ngiti sa akin kahit kita namang naiilang sila sa prehensya ko. Pero dahil nandidito si daddy ay wala silang pamimilian kundi magsanta-santahan para ako na naman nag masama sa tingin ni daddy. Mga bida-bidang ahas. tsk.
"Shayne sweetheart!" ihinanda ko na ang ngiting hilaw ko bago pumihit ng marinig ang boses nito.
"Hi old man, happy birthday!" masiglang bati ko na sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
"Hahaha! Silly brat" saad nitong natatawang ikinulong ako sa bisig nito.
"Hmm... how's my sweetheart? Bakit ngayon ka lang dumalaw? Kung hindi ko pa birthday hindi mo pa ako pupuntahan" may halong pagtatampong saad nito na mahigpit pa rin akong yakap. Ramdam ko ang pangungulila din nito sa akin. Daddy's girl ako. Pero dati 'yon. Nagbago ang paningin ko sa kanya nang maghiwalay na sila ni mommy at mas pinili ang ahas niyang kabit kaysa kami ni mommy. Naiintindihan ko naman na maraming pagkukulang si mommy sa kanya bilang asawa dahil business woman si mommy at mas inuuna ang magpayaman kaysa ang pagsilbihan ang mag-ama niya.
"My apology old man, your gorgeous daughter is too busy" natatawang saad kong ikinanguso nito pero kita naman ang kakaibang kinang sa mga mata nito.
"You brat" napahalakhak akong muling niyakap ito na pinaghahalikan sa ulo. Mahal na mahal ko pa rin naman siya kahit manloloko o niloko nito si mommy. Of course he's still my dad no matter what he did.
SIMPLENG FAMILY dinner lang ang hiniling ni daddy. Ayaw niya rin ng kahit anong regalong material na bagay, sapat na sa kanyang saluhan ko siya sa birthday niya kaya kahit tila may humahalungkat sa bituka ko ay pinatibay ko na lamang na makisabay sa hapunan kasama ang mag-inang ahas na napakahinhin at maasikaso na akala mo nama'y mga santa tsk.
"Kailan ka ba lalagay sa tahimik na buhay sweetheart? Gusto ko pang maalagaan ang magiging apo ko sa unica hija ko" malambing tanong nito habang nandidito kami sa kanilang garden na umiinom ng wine. Napangiti akong marahang inaalog-alog ang wine sa baso ko ng sumagi si Alp sa isip ko. Nakiusap siyang sa hospital na muna siya ngayong gabi para makasama ang pamilya niyang ipinagkaloob ko dahil babalik din naman agad siya sa lunes pagkagaling niya sa school.
"Pag-aasawa? Wala sa plano ko 'yan Dad" napahinga ito ng malalim na lumamlam ang mga matang nakatutok sa akin. Bakas sa mga mata nito ang kakaibang lungkot habang nakatitig sa akin.
"Atlis bigyan mo manlang ako ng apo sayo hija. Bago ako....mamayapa" nasamid akong ikinatawa nito na hinagod ako sa likod.
"Damn Dad! Matagal pa kayong mamamatay, masamang damo kayo eh" tumatawang sagot kong ikinatawa at iling nito.
"I'm serious hija. I want a grandchild from my unica hija. That's my, birthday wish" malungkot at seryosong saad nito. Napahinga ako ng malalim na ninanamnam ang wine na nilalaro ko sa loob ng bibig ko.
"Soon Dad, ayoko namang magpaanak na lang kung kani-kanino na lamang dyan" tumango-tango itong pilit ngumiti.
ILANG ORAS DIN kaming nagkwentuhan ni daddy sa garden na nagkasarihan. Nakalimang bote nga kami ng wine bago ko siya pinaakyat sa silid nila. Muli akong dumampot ng wine at nagtungo ng pool para dito mapag-isa. Masaya na malungkot ako sa mga oras na 'to. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Naupo ako sa lounge chair at direktang tumungga sa wine habang nakahiga na nakatingala sa nagkikislapang tala sa langit. Mapait akong napangiti kasabay ng pangingilid ng luha ko.
Lahat naman tayo may hiden side na saka lang malayang lumalabas kapag mag-isa ka na lamang. Nakikita ako ng mga tao bilang makulit, pasaway, spoiled brat, masayahin at happy go lucky lang. Without knowing that behind those sweet and bright smiles I wear everyday, there's a loneliness behind my mask. A longing of a lonely daughter wishing her family will be completed again even though that wish is too..... imposible.
Tumulo ang luha kong hinayaan ko lang habang panay ang tungga ko sa wine. Napaayos ako ng higa ng may marinig na papalapit na mga yabag dito sa gawi ko. Mabuti na lang at malamlam ang ilaw dito kaya hindi ako mapapansin dito sa gilid na nakahiga sa isa sa mga lounge chair na nakahilera dito sa gilid ng pool.
"Pasensiya ka na mahal, alam mo naman ang nangyari kay tatay. Malaki-laki rin 'yong nautang kong paunti-unti kong binabayaran sa bagong amo ko kaya halos wala na akong oras para mapuntahan ka" napalunok akong bumilis ang t***k ng puso ko na ma-recognize kung kaninong boses ang nagsalita. Mapait akong napangiti na napailing. Sa katabing lounge chair pa talaga sila naupo tsk.
"I understand mahal. Pasensiya ka na rin, nahihiya naman akong magsabi kay tito kaya hanggang sa pagbabantay lang kay tatay ang maitutulong ko sayo" malambing sagot nitong ikinaismid ko.
"Wala 'yon mahal. Malaking bagay na sa akin na napaka-understanding ng mahal ko. Salamat huh, pangako pagkatapos kong makabayad sa pagkakautang ko sa amo ko...mag-iipon na ako para sa future natin" pagak akong natawa sa isip-isip sa narinig na sinaad ni Alp na napakalambing kung makipag-usap. Pabalang akong tumayo at tuloy-tuloy na naglakad palayo sa kanila. Ramdam ko naman ang mga mata nilang nakasunod sa akin at nahagip ng pandinig ko ang tinanong ni Alp kung sino ako at ang isinagot ni Elijah na anak ng tito niya. Si daddy.
Hindi ko kayang marinig ang iba pa nilang pag-uusapan. Napakasinungaling talaga ng mga lalake. Sabi niya pupuntahan niya ang ama niya sa hospital at doon magpapalipas ng gabi pero heto siya, nakikipaglampungan sa ahas na Elijah niya. tsk. Magsama silang dalawa.
Umuwi na lamang ako dahil nawalan na ako ng gana makipag-sleepover dito. Para akong hindi makahinga sa kaisipang nasa iisang bubong nga kami ni Alp pero.....ibang babae ang kasama at ang masaklap, mahal niya ang babaeng pinakakinakamuhian ko. Tsk. Peste silang dalawa!
"Damn Irish! So what kung ngayon pa lang ay iniisip at pinaghahandaan na niya ang future nilang dalawa? He's just your f*cking puppet, a toy! Huh?! Magsama silang dalawa, f*cking low class creatures!" sigaw ko na napapailing habang nakikipagkarerahan sa mga kasabayan ko dito sa highway. Pagak akong natawa na napailing kasabay ng pangingilid ng luha kong 'di ko mapigilang tumulo.
SA MANSION NA muna ako ni mommy nagmukmok. Ayoko na munang makita si Alp. Para na rin magising na ako sa kahibangan ko sa kanya.
"Tsk. poor young man. Diamante na ang lumalapit sayo, pinili mo pa ang tanso" naiiling pagkausap ko sa picture ni Alp na kinunan ko noong nakaraan habang nasa field itong binubuhusan ng tubig ang mukha na nakapikit kaharap ang sunrise. Ilang araw na rin ako dito sa mansion na nagkukulong at saka lang lumalabas ng silid kapag nakaalis na si mommy. Hindi rin naman alam ni Alp ang number ko kaya hindi ko na ini-expect na tatawagan ako nito. Paniguradong nagdidiwang pa nga iyon na hindi ako nahahagilap sa mansion at malayang nakikipaglampungan sa Elijah niya tsk.
Napapanguso akong marahang inaalog-alog ang alak sa baso ko habang mag-isang nakaupo dito sa highchair sa bar nila Liezel na kaibigan ko. Dati-rati ay sama-sama kaming anim sa lahat ng bagay. Magkakaramay kahit gaano man kaliit ang problema ng isa. Pero ngayong may mga asawa na sila ay nag-aalangan na akong gambalahin ni isa sa kanila.
"Irish?" napalingon ako tumawag sa aking naupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko na ito matandaan pero pamilyar ang itsura. Mahina itong natawa na naglahad ng kamay.
"Aldus Madrigal, nakalimutan mo na ako?" masayang saad nito at sinenyas na lumapit ako.
"The mafia bigboss. Cousin of Dwayne, your bestfriend Janaeya's husband" bulong nitong ikinamilog ng mga mata ko at muling pinasadaan ito mula ulo hanggang paa na ikinatawa at iling nito.
"F*ck! Ikaw nga!! What brings you here bigboss" sinenyasan naman nito ang bar tender na agad nag-abot ng alak dito.
"To save the lonely angel I've spotted" nakangising saad nitong pagak kong ikinatawa na napailing at tinungga ang shot ko.
"I like that bigboss. Papahulog na ang anghel na 'to eh. Nabalian ng pakpak" pananakay kong ikinatawa nito na umakbay. Kung hindi ko lang ito kursunada dati babalian ko ng braso sa paglalakas loob akbayan ako. Pero dahil dati ko naman na siyang kakilala at may ibubuga naman sa itsura o estado ng buhay, hahayaan ko na lamang lalo na't kailangan ko ng masasandalan ngayon.
"Lalake ba ang nakabali hmm?" napailing akong sunod-sunod tinungga ang shot na nakahilera sa harapan ko.
"It's family material bigboss. Walang lalake ang makakasungkit sa puso kong nagtatago" mahina itong natawa na tumungga sa shot nito.
"Mukha nga, dahil hanggang ngayon single ka pa rin"
"And ready to mingle bigboss" nakangising dugtong kong ikinahalakhak nito.
"You're still the same bubbly and hot Irish I've ever known"
"And gorgeous too bigboss" mahina itong natawa na napatango-tango.
"Indeed" pagsang-ayon nitong ikinalapad lalo ng ngiti ko.
"Mukhang napilitan lang ah" kunwari'y ismid kong. Humarap itong nagseryoso na tumitig sa mga mata ko. 'Yong uri ng pagtitig niyang nakakatino ng papaluwag na turnilyo ng utak. Sa tindig at itsura nito kapag nagseryoso ay mababasa mong hindi siya ordinaryong binata lang. Boss na boss ang datingan.
"You are Irish. You're absolutely beautiful" napatikhim akong nag-iwas ng tingin dito sa nanunuot niyang mga titig na tila may ibig sabihin.
MAG-UUMAGA NA NG makauwi ako ng mansion. Sa sobrang kalasingan ay sa mansion ko ako nakauwi ng 'di ko namalayan! Pagewang-gewang akong bumaba ng kotse at halos madapa-dapa na sa pag-iikot ng paningin kong tila sumasayaw ang paligid ko!
"Shayne?" pilit kong minumulat ang papapikit ko ng mga mata ng marinig ang baritonong boses niya na napakalambing na naman. Para akong nakuryente ng yumapos ito sa baywang ko at walang pasabing kinarga niya ako ng bridal style.
"Put me down"
"Ni hindi ka nga makatayo ng maayos" may halong panenermon ang tono nito. Napangisi na lamang akong ngayo'y para pa akong nagkaroon ng instant kuya ko na istrikto tsk. Pumikit na lamang ako at hinayaan itong kargahin ako hanggang sa silid. Lalo akong hinihila ng antok nang mailapat na ang likod ko sa malambot na kama.
"Hmmm" nakaramdam ako ng ginhawa ng maingat nitong hinubad ang dress at stilleto ko. Dinig ko pa ang malalalim nitong pagbuntong-hininga. Maya pa'y ramdam ko ang malambot na basang towel na dumadampi sa mukha ko, pababa sa leeg, dibdib, braso, hanggang sa mga hita at paanan ko ay nilisan talaga nito ng hindi nananantsing tsk. Ano pa nga bang aasahan ko?
Nagngitngit ang mga ngipin ko ng maalala ang pagpunta nito sa ahas na Elijah na 'yon. Sakto namang lumundo ang tabi ko at ang paghila nito sa comforter na itinabing sa buong katawan ko.
"Saan ka ba nagpupupunta? Pinag-alala mo ako. Mabuti naman umuwi ka na" mahinang pagkausap nito na marahang humahaplos sa pisngi ko. Kikiligin na sana ako lalo't bakas sa tono nito ang pag-aalala at pagtatampo sa ilang araw kong hindi pag-uwi sa kanya.
"Alp" natigilan ito sa paghaplos sa mukha ko sa mahinang pagbanggit ko sa pangalan nito. Kahit gusto kong magmulat ay 'di ko na magawa pa sa pamimigat ng talukap ng mga mata ko.
"B-Bakit?" nauutal nitong tanong.
"I wanna asked you something. Be honest with me" dinig kong napalunok pa ito.
"Where did you slept last Saturday night?" seryoso at diretsong tanong ko ng nakapikit pa rin. Ramdam ko naman ang matiim niyang mga mata na nakatutok sa akin.
"I'm waiting Alp" untag ko ng ilang segundo na ay napakatahimik pa rin nito na tila maging paghinga ay pinipigil.
"S-Sa h-hospital" utal nitong sagot. Napangisi ako.
"Are you sure?" napalunok itong muli.
"O-Oo. 'Di ba nga nagpaalam naman ako sayo, na dadalaw ako kay tatay"
"Tsk."
"May problema ba? Bakit hindi ka umuwi ng ilang araw? Shayne naman. Pinag-alala mo ako. Halos magdamag akong naghihintay sa sala mo para abangan ang pagdating mo. Sa bawat pag-uwi ko galing sa eskwela....umaasa akong madaratnan na kita dito. Pero lagi akong bigo, kasi ang katahimikan ng mansion mo ang siyang nabubungaran ko pagdating" mapait akong napangiti sa sinaad nito. Nag-iinit ang mga mata kong mahigpit kong pinigilan ang pagtulo ng luha ko lalo na't magkaharap kaming dalawa.
"Bukod sa hospital at school, may iba ka pa bang pinuntahan?" muling tanong ko at piping nagdarasal na magsabi siya ng totoo. Napapalunok ito ng sunod-sunod na dinig na dinig ko. Pigil-pigil ang hininga ko na hinihintay ang sagot nito.
"Wala Shayne, bahay at eskwela lang naman ako, noong weekend lang ako nanatili ng hospital" napakuyom ako ng kamao na nagngitngit ang mga ngipin.
"May problema ba?" kabadong tanong nito na marinig ang pagngitngit ng mga ngipin ko.
"Noong sabado ba? Nasa hospital ka lang buong magdamag? Wala ka ng ibang pinuntahan?" muling tanong ko. Sa oras na magsinungaling pa siya, pakakawalan ko na. Hindi ko kailangan ng sinungaling na alipin. Pero kung.....pero kung magsasabi siya ng totoo? I'll keep him.
"I'm waiting"
"O-Oo....na-nasa hospital lang ako...b-buong magdamag" napatihaya ako at idinantay ang braso sa noo para ikubli ang tuluyang pagpatak ng luha ko.
"Antok na ako. Bukas paggising ko....wala ka na dito" malamig kong saad. Ramdam kong lumundo lalo ang kama na tumunghay ito.
"What do you mean Shayne?" gulong tanong nito. Napahinga ako ng malalim.
"Malaya ka na Alp. Pwede ka ng umalis.. I told you, madali lang akong magsawa sa mga laruan ko at ikaw.....puppet lang kita, malaya ka na. Bayad ka na sa utang mo." sunod-sunod itong napalunok at ramdam ko ang matiim niyang mga matang nakatutok sa akin.
"P-Pero Shayne...ilang a-araw pa lang kitang pinagsisilbihan-"
"Antok na ako. Malinaw naman na siguro sayo ang sinabi ko, bukas paggising ko Alp, wala ka na dito. Kunin mo na....lahat ng gamit mo. I don't wanna see your face anymore. I'm done. I'm done playing around with you"
"Shayne...." tinalikuran ko na ito at mas hinila ang comforter pataklob sa akin para ikubli ang mga luha kong sunod-sunod sa pagpatak. I gave him a chance....pero sinayang niya at pilit kinubli ang katotohanan. Napatakip ako ng palad sa bibig para itago ang paghikbi ko. Ayo'kong magmukhang kawawa. Talunan. Hindi ako pinanganak na ganon. Hindi.