IRISH:
MAPAIT AKONG NAPANGITI ng magising na ako at maghahapunan na. Hindi ko namalayan ang oras. Ngayon lang ako nakabawi-bawi sa pagtulog sa ilang araw kong pagpupuyat at pagmumukmok sa mansion ni mommy na akala mo nama'y galing sa heart break. Hindi nga ba? Bakit pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko. Nanginginig na ang kalamnan ko sa tindi ng gutom. Nag-aalboroto na nga ang bituka kong walang magiling dahil kahapon pa ako walang kain kundi puro alak ang naipapaloob! P*tangina namang buhay 'to! Bakit ba napakasinungaling ng mga lalakeng mahal ko! Shheeeeet!! Mahal ko na siya. Ganon kabilis. Parang isang linggong pag-ibig lang ah!?
Napangisi akong napailing sa sarili at bumaba ng dining kahit nangangatog ang mga tuhod ko. Ayoko namang humingi ng tulong sa iba. Kaya ko. Ako pa ba?
lunes ng tayo'y nagkakilala
martes ng tayo'y muling nagkita
myerkules nagtapat ka ng iyong pag-ibig
hwebes ay inibig din kita
byarnes ay puno ng pagmamahalan
mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
sabado tayo'y biglang nagkatampuhan
at pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan.
oh kay bilis ng iyong pagdating
pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
natulog akong ikaw ang kapiling
ngunit wala ka ng ako'y gumising-
natigilan ako sa pagkanta habang nakapikit na dahan-dahang naglalakad sa gawi ng dining at damang-dama ang lyrics ng kanta ni mami Imelda ng maramdamang may mga matang nakatutok sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at parang sinabuyan ng tubig na mabungaran si Alp na nakangiting naghahain ng hapunan!?
Napaiwas ako ng tingin sa mga mata nitong napakalamlam makatitig at nangingislap. Ramdam ko ang paggapang ng init sa pisngi ko. Hindi ako kumakanta. Pero dahil pakiramdam ko'y broken hearted ako ngayon lalo na't akala ko ay nakaalis na ito dahil malinaw naman sa balintatanaw kong pinalaya ko na ito kaninang madaling araw pero bakit heto siya na napakalapad pa ng ngiti na parang walang nangyari? Nananaginip lang ba akong pinalaya ko na siya? Guni-guni ko lang ba 'yon? Imposible.....
"Ahemm!! What are you doing here?" taas kilay kong tanong at naupo na ng malanghap ko ang bango ng ulam kaya lalong nagwala ang bituka kong kanina pa nagrereklamong walang magiling.
Naglagay ito ng pagkain sa plato ko at pinagsalin din ng juice sa baso na maingat inilapag sa harapan ko. Naupo na rin itong kumuha ng sarili niyang pagkain. Gutom na gutom na ako kaya hindi na ako mag-iinarte. Napapikit ako ng malasahan ang ulam na inihain nito. Nangingiti lang naman itong sumubo na rin. Napairap ako dito. Nagpapa-cute ba siya para hindi ko paalisin? Tsk. Bakit ba kasi nandidito pa siya? Hindi ko tuloy mapigilan ang puso kong dinedemonyo ang utak kong may puwang na ako sa puso nito. Kainis! Ano pagsasabayin niya kami ni Elijah ganon?! No way!! Itumba ko na lang kaya ang ahas na 'yon ng masolo ko na ang Alp na 'to? Pwede.....bakit hindi. Napangisi ako sa tumatakbo sa isip ko.
"Did you cook this?" basag ko sa katahimikan namin na tanging mga kubyertos lang ang naglilikha ng ingay dito sa buong dining. Uminom ito ng juice niya at ngumiti na tumango.
"Ahm..oo nagustuhan mo ba?"
"Nope. Gutom lang ako kaya pinagtiyagahan ko na" ismid ko. Napatikom ito ng bibig na bahagyang pinamulahan. Lihim akong napaangisi.
"Sorry...sasarapan ko na lang nexttime" mahinang saad nito. Napatitig ako sa niluto nito. Kung hindi ako nagkakamali ay manok ito na napakalambot ng pagkakalutong parang inihaw at na-marinate sa iba't-ibang seasoning pampalasa. Masarap siya at mabago kaya lalong nakakagutom ang amoy.
"Tss. Anong tawag mo sa niluto mong ito?" taas kilay kong tanong na medyo iritado ang tono.
"Ahm.....chicken inasal" nahihiyang sagot nito na 'di makatingin sa mga mata ko. Napatango-tango ako na nangingiti.Tumusok ako ng laman nito na pinakatitigan. Ang bango niya talaga.
"You know what Alp? Para kang itong inasal na niluto mo..." napalingon ito na nginisian ko.
"Mabango...nakakatakam...pero hindi kasarapan" saad kong ikinalunok nito. Kita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata pero nanatiling emotionless ang mga mata ko na nakatutok dito habang nakangisi.
"Sorry..." mahinang sagot nito.
"Tsk" ismid kong nilagok na ang juice ko at pabalang tumayo. Napayuko ito pero bago ako nakatalikod ay nasulyapan kong nagpahid ito ng luha. Napakalambot. Malapit na akong magdudang....bakla ito.
NAPAPAILING NA LAMANG ako habang humihithit ng yosi dito sa veranda at matamang nakamasid sa nagkukumpulang bituin sa baba kung saan ang napakaaliwas na view ng syudad.
"Ahem! Nagyoyosi ka pala" mahinang komento nito na nakidungaw sa pinagmamasdan kong view.
"Why? Do you care?" pabalang tanong ko na hindi ito sinusulyapan at panay lang ang hithit kong nilalarong binubuga ang usok. Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong nakatitig ito sa akin.
"Masama 'yan sa kalusugan mo Shayne. Ang lakas mo na ngang uminom pati ba naman paninigarilyo?" may halong panenermon nitong saad na pagak kong ikinatawa at napailing.
"Bakit? Ano ba kita huh?" sarkastikong tanong ko na hinarap itong napaiwas ng tingin dahil nang-uuyam ang tingin at pagkakangisi ko dito.
"Nagmamalasakit lang" mahinang sagot nito.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo Alp. Dahil wala ka namang kwenta sa akin. Isa pa....bakit nandito ka pa hmm??" taas kilay kong tanong. Napatikom ito ng bibig na napatingala. Mukhang pinipigilan niyang tumulo ang kanyang luha. Tsk. Masyado bang masakit ang sinabi ko? Bakit siya masasaktan? Eh ako nga wala din naman akong halaga sa kanya...ni hindi nga niya ako matipuhan kahit naghuhubad na ako sa harapan niya pero heto at ang ahas na Elijah na 'yon pa rin ang nasa isip at puso niya! Lalo akong nainis na maalala ang mga sinaad nito kay Elijah habang nasa pool sila at ang pagsisinungaling niya sa akin. Pinupuntahan niya pala ang babaeng 'yon sa mansion. Ano kayang magiging reaks'yon niya kapag malaman niyang....si Elijah ang babaeng tinutukoy kong nang-ahas sa akin dati, at ang ina nito ang umagaw sa asawa ng mommy ko. Na ama ko ang lalakeng nasa mansion na tinutuluyan nila Elijah. Lalayuan kaya niya ako? O si Elijah ang lalayuan niya? Pero malabo namang ako ang piliin niya dahil sabi nga niya....magkaibang-magkaiba kami ng personality ni Elijah at malas ko lang dahil sa galing non umarte ay siya ang nakasungkit sa puso ng Alp na 'to. Letche silang dalawa!
Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa panggigigil na maalala kung bakit ko na ito pinapakawalan.
"Hayaan mo muna akong pagsilbihan ka Shayne. Hindi biro ang kalahating milyon na utang ko sayo para mabayaran ko lang sa higit isang linggo na paninilbihan sayo" mahinang sagot nito na matamang nakatitig sa mga mata ko.
"Bakit?"
"Anong bakit?" kunotnoong ulit nito.
"Bakit hindi ka pa umalis? Hindi ba dapat masaya ka na dahil sa wakas ay pinapalaya na kita? Gosh Alp! Sa lahat yata ng naging alipin ay ikaw itong pinaka-engot. Pinapakawalan ka na nga pero heto at mas gugustuhin mo pa ring magpakaalila sa katulad ko?" napapalunok itong napayuko.
"D-Dahil utang ko sayo ang buhay ng tatay ko. Napakahalaga ni tatay sa akin kaya gusto kitang pagsilbihan sa abot ng makakaya ko"
"Tsk pagsilbihan huh? Eh ni hindi mo nga ako maikama!" inis kong singhal na ikinayuko pa nito lalo. Napatampal ako sa noo. Bweset! Naisatinig ko tuloy ang nasa isip ko sa sobrang pagkainis dito! Baka mamaya niyang isipin pa nitong adik ako sa s*x!
Nag-init ang mukha ko kaya padabog akong pumasok ng silid para makaiwas sa kanya. Tumuloy ako ng banyo at naghilamos ng maibsan ang pag-iinit ng mukha ko. Napapailing na lamang ako sa repleksyon ko sa salamin. Pakiramdam ko tuloy napakadesperada kong magpakama sa kanya tsk. Kanya na ang batuta niya noh! Isaksak niya don sa Elijah niya. Nakakatawa lang..Ako itong salaula kung magsalita pero birhen pa samantalang ang Elijah na pinagmamalaki niyang disente at mahinhin ay natuhog na minor de edad palang siya noon tsk. I pity him. Matagal na niyang kilala pero hindi makilala ang tunay na kulay ng kaharap. Tsk.
Hindi ko ito pinansin ng humiga na ako ng kama at nakaupo ito sa gitnang nakasandal sa headboard habang nanonood na naman ng tom and jerry. Tsk. Parang bata! Natatawa pa talaga.
Tumalikod ako sa gawi nito, hininaan naman nito ang volume ng pinapanood. Mabuti naman may common sense ang mokong hmfpt! Bweset pa rin ako sa kanya. Napakasinungaling. Nagkikita na nga sila ng Elijah niya sa school nila ng maghapon hindi pa ba siya kuntento non? Patulog na ako ng mag-vibrate ang phone kong nasa bedside table. Dinampot ko iyon na hindi na tinignan ang caller at basta na lang sinagot.
"Yes?" inaantok kong sagot na ni-loud speaker.
"Hey gorgeous, did I wake you up?" ani ng baritonong boses na napakalambing. Napamulat ang inaantok kong mga mata sa marinig. Maging si Alp ay natigilang napalingon sa cellphone kong nakapatong sa dibdib ko.
"Hmm...nope, who's this?" malambing sagot ko. Napahalakhak pa ito sa kabilang linya kaya napangiti na rin ako na ma-recognize ang boses nito.
"Seriously? Nakakatampo ah. Kahihiwalay lang natin nakalimutan mo na ako?" napangisi akong makita sa peripheral vision kong napapalunok si Alp na matamang nakikinig tsk. Chismoso.
"Just kidding bigboss. What's up?" nangingiting sagot ko na pinasigla ang boses.
"I miss talking to you gorgeous. Kailan ka available? Labas ulit tayo"
"Hmm...hindi ba ako makakaistorbo bigboss?" sinasadya kong palambingin ang boses ko dahil matamang na nakikinig ang katabi kong in-mute pa ang pinapanood.
"Palagi akong may oras sa magandang anghel na kakilala ko" mahina akong natawa na napailing.
"Kailan mo ba gusto bigboss?"
"Ikaw, kailan ka ba available?"
"Tss.. kahit ngayon na pwede!" masiglang sagot kong ikinakuyom ng kamao ng katabi kong lihim kong ikinangingisi. Apektado ba siya? Bakit? Don't tell me pati makipag-date sa iba ipagbabawal niya?
"Are you sure? I'll fetch you?"
"Just kidding bigboss. Nexttime na lang I'll call you back" napahinga ito ng malalim habang ako'y napakalapad lang naman ng ngiti.
"A'right, I'll wait for your call sweetie angel" malambing sagot nito. Napakagatlabi akong dinampot na ang phone ko at in-off na ang loud speaker nito at itinapat sa tainga ko.
"Aha, good night bigboss. Dream of me huh?" napahalakhak pa itong mahina kong ikinatawa.
"Okay...I love you too my handsome bigboss" malambing saad kong sunod-sunod na ikinalunok ni Alp kahit ang totoo'y naibaba na ni Aldus sa kabilang linya. Gusto ko lang siyang subukan kung apektado ba siya. Baka akala niya kasi ay dahil pinipilit ko siyang may mangyari sa aming dalawa ay walang lalakeng pumapatol sa akin tsk. Kung alam lang niya kung gaano karaming kalalakihan ang nagkakandarapang maka-date ko tapos siya hihindian ako? What the f*ck!!
Pagkalapag ko ng phone ko sa bedside table ay muli akong nahiga patalikod sa kanya. Maya pa'y pinatay na nito ang tv maging mga ilaw kaya tanging ang lampshade na lamang na malamlam ang siyang nagbibigay liwanag dito sa silid. Hindi ako gumagalaw at nagkunwaring nahihimbing na habang pinapakiramdaman ito. Panay ang buntong hininga nito sa likuran ko at ramdam ko ang mga mata nitong nakatitig sa likod ko. Napapangisi na lamang ako.
'Di ko mapigilang mapangiti ng dahan-dahan itong lumapit ng higa at maingat akong pinihit paharap sa kanya. Pigil-pigil ang sarili kong mapangiti ng pinaharap niya ako at pinaunan sa braso niya habang hinahaplos ako sa ulo ng marahan. Ramdam kong napakalapit niya dahil nalalanghap ko na ang mainit at mabango niyang hininga.
"Sh*t Brix. Mali 'to. Hindi pwede 'to" mahinang bulong nitong tila problemado. Panay ang paghugot nito ng malalalim na hininga habang hinahaplos pa rin ako sa ulo. Maya pa'y unti-unting humaplos sa pisngi ko ang palad nito. Hanggang sa baba ko at marahang itiningala sa kanya.
"Shayne.....hwag ka ng tumingin sa iba...handa akong magpakaalipin sayo kahit habangbuhay pa.... nagseselos ako Shayne...alam kong mali, believe me... pinipigilan ko naman ang sarili ko...pero ang hirap, sobrang hirap bilang lalake....akin ka lang Shayne, akin ka na lang" mga katagang hirap na hirap nitong binitawan bago siniil ang mga labi ko ng masuyo at malalim na halik na ikinangiti at yapos ko sa batok nito. Ramdam kong natigilan ito sa paggalaw at pagtugon ko sa mga labi nito pero kalauna'y sumagot din itong dahan-dahang pumaibabaw sa aking nagustuhan ko.
"Mm... jealous huh?" piping usal kong malugod na tinutugon ang mga labi nito at sinasabayang humaplos sa mga masels nito.