Chapter 6 Falling

2106 Words
ALP: NANGINGITI KONG marahang hinahaplos sa pisngi si Shayne na nahihimbing pa rin habang nakasiksik sa dibdib ko. Napakaamo ng maganda niyang mukha. Parang napakainosenteng anghel habang payapang nahihimbing. Pero ibang-iba na kapag gising. Dinaig pa ng bunganga niya ang kasalaula ng bibig ng mga matatandang marites sa compound namin. Napakabulgar niyang magsalita kahit malaswa pa ito ay walang pakialam. Para siyang hindi babae sa kilos at pananalita. Madalas nakakainis siya lalo na't pabigla-bigla na lamang kumilos na tipong wala kang kawala kapag nadakma ka na niya. Parang gusto ko na tuloy magsising umutang pa ako sa kanya. Pero hindi ko naman pinagsisisihan ng lubusan dahil aminado akong dahil sa kanya ay nakaligtas si tatay sa tiyak nitong kamaatayan. 'Di bale nang alipinin niya ako hangga't gusto niya dahil hindi naman biro ang utang kong abot ng kalahating milyon sa kanya. Kung tutuusin ay kulang pa ang buhay kong kabayaran sa utang ko kaya wala akong karapatang magreklamo o mag-demmand sa kanya. Sa mga kagustuhan niya. Sa mga utos niya. "Good morning beautiful" mahinang bati ko at 'di mapigilang nakawan siya ng halik sa noo. "Ano bang gagawin ko para mapatino manlang kita bago ako, makaalis ng poder mo. Kahit madalas bipolar ka, hangad ko pa rin na magkaroon ka ng maganda at masayang kinabukasan.....kasama ang lalakeng magpapaibig sayo" naluluhang pagkausap ko habang hinahaplos siya sa pisngi. Mabuti na lang at nasuyo ko siya kagabi ng magalit ko ito. Nakakatakot at kaba kapag nagagalit na siya. Nakakapanginig ng kalamnan at nakakatayo ng balahibo sa matatalim niyang mga mata at nagngingitngit na mga ngipin. Muli ko itong hinalikan at inayos ang comforter nito. Nangingiti kong maingat binaklas ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko at bumangon na. Bumaba ako ng kusina at nagulat na maabutan ang limang katulong nitong pare-pareho ang unipormeng asul na blouse at mini skirt na asul din. Nagluluto ang dalawa ng agahan habang ang tatlo ay naglilinis kahit napakakintab naman ng paligid. Mga bata pa sila sa kanilang itsura pero heto at nagtatrabaho na silang katulong dito sa mansion ni Shayne. Nagkatinginan pa ang mga itong napapayuko sa aking ikinangiti ko. "Good morning po señorito!" napanganga ako sa panabay nilang bati na napapayuko. Pero ang lalong ikinanganga ko ang itinawag nila sa aking....señorito!? "Ahehe...Brix na lang, hindi niyo naman ako amo para tawagin niyo ng señorito" nakangiwing saad ko. Muling nagkatinginan ang mga itong nagniningning ang mga mata nilang nakipagtitigan sa aking nginitian sila. "Anong nangyayari dito?" kaagad napayuko ang mga ito ng may pumasok na may katandaang babae na nakauniporme din pero blouse at longpants na ternong black ang suot nito. Nakasuot din ng reading glasses at napakaseryoso ng itsurang halatang mataray na matanda. "Hindi ba malinaw sa inyong bawal niyong kausapin si señorito Alp? Gusto niyo bang matanggal sa trabaho?" mahina at may kadiinang panenermon nito sa limang batang katulong na napapayuko sa gilid. "Pasensiya na po manang Leonora. Binati lang naman namin si señorito" mahinang sagot ng isa sa matanda. Napapapilig na lamang ako ng ulo. Bakit bawal nila akong kausapin? Utos ba ni Shayne? Bakit? Kalabisan ba kung makipagkaibigan ako sa mga tauhan niya dito sa mansion? Ang lupit naman niyang manananggal talaga siya dahil kakausapin nila ako? Napatikhim akong ikinalingon nila sa akin na napaayos ng tayo maging itong tinawag nilang manang Leonora. "Pasensiya ka na señorito, mag-aagahan na ba kayo?" ani ni manang Leonora na medjo nakangiti. Ngumiti akong umiling dito. "Kukuha lang po ako ng tubig. Magja-jogging po kasi ako sa labas" paalam kong ikitango nito. Mabilis namang lumapit sa may fridge na double door pa sa sobrang laki ang isang katulong na nag-abot sa akin ng one liter na mineral water na nakayuko. "Salamat" aniko na yumuko lang ito. "Sige ho, pasensiya na sa abala" paalam kong kay manang Leonora nakatingin dahil parang mga batang takot mag-angat ng mukha ang limang katulong. "Ingat ka señorito" tumango at ngumiti na lamang ako kahit naiilang ako sa pagtawag nila sa akin ng señorito. Lumabas ako ng mansion at nagsimulang tumakbo dito sa napakalawak niyang field sa likod ng mansion. Mukhang golf field ito na pinasadya. Napakaganda at maging ang damuhan ay pantay-pantay ang taas kahit napakalawak dito. Napapailing na lamang ako sa sitwasyon ko ngayon sa piling ni Shayne. Isa akong alipin niya. Puppet na pagsasawaan pagdating ng araw at itatapon na lang basta sa isang tabi kapag nagsawa na siya sa akin. Mapait akong napangiti sa naisip na mahihiwalay din ako ng landas sa kanya kapag pinalaya na niya ako. Alam ko namang may hangganan din ito, pero bakit.....parang ayoko nang dumating pa ang araw na 'yon. Napailing-iling akong paulit-ulit na nag-iikot-ikot tinatakbo ang malawak niyang field. Tagaktak na ako ng pawis at hingal na hingal. Parang lalabas na ang puso ko sa ribcage nito sa sobrang lakas ng kabog! Nanghihina akong napatukod ng kamay sa mga tuhod ko. Papasikat pa lang ang araw at kay sarap ng tama nito sa balat kahit na naliligo na ako sa pawis. Ramdam ko ang uhaw ko kaya dinampot ko na muna ang ang bottled water na dala ko at tinungga hanggang makalahati ko sa tindi ng uhaw ko. Napapikit akong napangiti at tumingalang ibinuhos ang natirang tubig sa mukha kong kay init na sa sobrang pagod ko. "Ang gwapo naman" napamulat ako ng biglang may magsalita sa harapan ko at bumungad ang nakangiting magandang mukha ni Shayne. Kapag ganitong nakangiti siya ay napakaamo ng mukha at mga mata niya. Tipong napakasarap pagmasdan at kasama. Pero ibang-iba kapag nagagalit ko siya. Nanlilisik ang mga mata nitong tila mata ng mabangis na lobong mananakmal. "Good morning" ngiting bati ko. Ngumuso naman ito. "Halik mo ang gusto ko Alp, hindi pagbati mo" napalunok akong humakbang at yumuko na humalik sa mga labi nito. Napapangiti naman itong yumapos sa batok ko kaya napahawak ako sa baywang nitong may kaliitan ang kurba. Para akong kinukuryente sa tuwing naglalapat ang mga balat namin kaya 'di ko mapigilang mag-init na parang napapaso. Ibang-iba rin ang kabog ng dibdib ko kapag kasama o nasa harapan ko siya. Hindi ko na maintindihan ang sarili, naiinis ako sa kanya, pero natutuwa rin ako at aminado akong....masaya ako sa kanya. Masaya ako sa unti-unti niyang pagmumulat sa akin sa comfort zone na kinasanayan ko. Na tinutulungan niya akong....mag-explore sa mga makamundong bagay-bagay na ipinapagawa nitong.... unti-unti ko na ring, nagugustuhan. "Nabo-bored ka ba dito?" malambing tanong nito na nakakunyapit pa rin sa batok ko. Pilit akong ngumiti at umiling dito. "Hindi naman Shayne. Hindi ko pa nga nalilibot ang kabuoan ng mansion mo" nakangiti lang naman itong nakatitig sa mga mata ko. "Do you want me to tour you around?" "Pwede ba?" tumingkayad itong mariing humalik sa noo kong ikinabilis ng t***k ng puso ko. Napahagikhik pa ito na makitang pinamulaan akong napaiwas ng tingin sa kapilyahan nito. "Let's go" anito na hinila na ako sa kamay kaya nagpatianod na lamang ako. Nagtungo kami sa kalapit na lawa. May tulay ditong umabot hanggang sa gitna nitong lawa na pinagdalhan niya sa akin. Napapanganga na lamang akong isa pala itong fishpond. Napakalawak naman. May kubo dito sa gitna ng malawak na tulay na kinaroroonan ng mga pagkain ng isda. Nangingiti kong tinulungan itong humakot ng feeds sa timba at sinamahang naghagis sa tubig kaya nagkukumpulang na ang mga isang nag-aagawan sa aming ihinahagis. Napalingon ako dito at parang nag-slow-mo ang paligid ng mapahalakhak itong sa mga isda nakatingin na nagkakagulo nang nagpipitlagan sa tubig. Tuwang-tuwa naman itong panay ang hagis ng feeds sa tubig kaya nagkakagulo na ang mga isda. "Bakit?" "Huh?" napabalik ang ulirat ko na nakatingin na pala ito sa aking natutulala sa kanyang tumatawa. "Kung makatitig ka naman, ngayon ka lang ba nakakita ng maganda" natatawang saad nitong ikinangiti ko at sunod-sunod inihagis sa tubig ang feeds na nasa dala kong timba para makaiwas sa matiim niyang mga mata.. "Masaya ka ba sa piling ko Alp?" natigilan ako sa akmang paghagis ng feeds sa sunod nitong naitanong lalo na't nakaharap na siya sa akin na matamang nakatitig sa reaks'yon ko. Napalunok akong pilit ngumiti. "Masaya naman" kabadong sagot ko. Mahirap ng magkamali ako ng isasagot at hindi nito magustuhan. Baka ako pa ang itapon nito dito sa fishpond na ipakain sa kanyang mga isda. "Eh kay Elijah? Are you happy with her?" patay! Napalunok ako sa sunod nitong naitanong. Ibinaba ko ang dala kong timba at nagpampag ng palad na humarap dito. "Yeah, sobrang saya Shayne" pagtatapat kong ikinandilim ng mga mata nito pero napatango-tango pa rin naman. "Okay sabi mo eh" anito na nagkibitbalikat lang at tumalikod na kaya napasunod naman akong sinabayan ito sa paglalakad-lakad dito sa tulay. "Alam mo bang.....may dati akong kaibigan. Teenager pa lang ako noon" paninimula nitong ikinalingon ko sa kanya habang dahan-dahan kaming naglalakad. Diretso lang naman itong nakatingin sa unahan. "Tapos?" "Galing sila ng mama niya sa probinsya at tinulungan namin ni mommy dahil wala silang matuluyan noon dito sa syudad. Pumasok silang katulong sa mansion. Pinag-aral din ni mommy ang anak nitong naging matalik kong kaibigan at dahil mag-isa lang akong anak, itinuring ko siyang kapatid. Pinag-aral siya ni mommy sa school ng mga bilyonaryo kung saan ako nag-aaral. Masaya kami at magkasangga sa lahat ng bagay. And then one day....naabutan ko ang mama niyang.....kasiping ang daddy ko dahil busy ang mommy sa pagpapatakbo ng kumpanya namin" napalunok ako sa kwento nito. May tono ng galit at pait ang boses nito. Tumigil itong sumandal ng railings at napapikit na hinarap ang sinag ng araw. Matamang lang naman akong napatitig dito at kita ang mapait ngiti sa kanyang mga labi. "Nagsumbong ako kay mommy. Nasaktan si mommy dahil itinuring din naman niyang kaibigan ang babaeng umahas sa kanya. Pinapili niya si daddy pero....pinili ni daddy ang mag-ina kaya pinalayas sila ni mommy ng mansion. Ibinahay ni daddy ang kabit niya at kalauna'y sila na ang naging pamilya. Pero kahit ganon....naging magkaibigan pa rin kami ng anak nito. Hanggang isang araw nagka-boyfriend ako. Isang anak bilyonaryo din tulad ko na kaeskwela namin. His name is Drix, Castañeda nga rin siya. Kaapelyedo mo. Pero alam mo ang nakakatawa?" nagmulat ito na pagak na natawa at napailing-iling. "Anong nangyari?" mahinang tanong ko. "Isang araw natuklasan mismo ng mga mata ko na may ginagawa silang milagro....sa loob mismo ng kotse ng boyfriend ko. Nakakatawa lang..like mother, like daughter hindi ba?. Pareho silang ahas ng ina niya. Dahil sa pera at kalandian nilang tinatago ng maamo nilang mukha at hinhin nilang magsalita ay nagawa nilang traydorin kami ni mommy na siyang tumulong at naging kaibigan nila. Nakipag-break ako sa boyfriend ko. Magmula noon ay hindi ko na rin kinausap ang babaeng ahas na 'yon. Nagtuloy pa rin naman siya sa pag-aaral sa school na pinapasukan ko dahil sa pera ni daddy. Nakakatawa nga eh, validictorian ako noon habang siya ay salutatorian lang pero....siya ang sinamahan ni daddy magmartya ng stage at sinabitan ng medalya habang ako na anak niya? Ni hindi niya sinulyapan. Magmula noon nagbago na ang paningin ko sa mga lalake. Hindi na rin ako basta-basta nagtitiwala lalo na sa mga mahihirap. Mabuti na lang pagtuntong ko ng college ay may mga naging kaibigan akong nasasabayan ang ugali at hobbies ko. Dahil sa kanila nakalimot ako sa nakaraan" pagkukwento nito. May munting ngiti ito sa mga labi pero hindi na abot sa kanyang mga mata. "Ahm...anong nangyari sa dati mong kaibigan?" napailing itong napangisi. "Hayon...umaarteng isang dakilang Maria Clara na animo'y 'di makabasag pinggan sa kahinhinan niya" naiiling saad nito na nag-uuyam ang tono habang matiim na nakatitig sa mga mata kong tila may ibig iparating. "Do you want to know her name Alp?" napalunok akong napaiwas ng tingin sa matiim niyang mga mata lalo na't tila may ibig itong sabihin sa tono at titig nito. Biglang bimilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Don't worry. You don't have to know who she is" anito na napakibit balikat at muling nagpatuloy sa paglalakad kaya napasunod naman ako dito. "Okay lang naman Shayne. Makikinig ako" "Hwag na. Bakit mo pa kailangan malaman kung sino siya" napatahimik na lamang ako at 'di na kinulit ito. Mahirap ng magalit ko na naman o mabadtrip ito. Napatitig ako dito habang sinasabayan sa dahan-dahan niyang paglalakad. Kusang sumilay ang matamis kong ngiti. Ang sarap niyang pagmasdan. How I wish. How I wish na pinanganak din akong mayaman tulad niya. Para.....magkalakas loob akong......ligawan at mahalin siya. Pero hindi. Isa akong mahirap, anak sa labas. Isang dakila niyang alipin na ano mang oras? Itatapon na lamang niya basta. Maigi nang habang maaga pa ay....pigilan ko na ang damdaming kong unti-unting nabubuo.....para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD