CHAPTER 10

1236 Words
Revenge or Love Chapter 10 Third POV's Nasa canteen na si Amanda. Pero parang nabibingi pa rin siya habang naririnig pa rin sa kanyang pandinig ang mga bulungan at pag-uusap kangina na narinig niya mula sa kanyang mga empleyado. Mahirap pa roon ay narinig ng dalawa niyang tenga na siya ang main topic ng mga pag-uusap ng mga ito. Hindi niya ito nagustuhan. Napatulala at napatigil nalang siya bigla sa kanyang paglalakad nang dahil d'on. Hindi niya rin inaasahan na mapapansin agad siya ng mga ito matapos ang biglaan na pagdaan sa gawi ng mga ito. Hindi niya rin alam at inaasahan kung bakit duon niya naisip dumaan kangina. Nagtataka din siya maging sa sarili na hindi masagot kung bakit? Bakit 'nga ba, Amanda? Bakit duon mo naisip dumaan sa kabila na maaari naman na hindi d'on dumaan at maaari din siya lumihis ng daan papunta sa canteen. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Sa department kung saan naroroon si Marco siya napadaan. Saglit siyang napahinto sa paglalakad. Hinahanap ang mga tawanan na kanyang naririnig sa kung saan. Sobrang malakas ang mga boses ng mga iyon na imposible na hindi niya marinig na kinalingon ng mga mata niya sa paligid. At nang matunton niya ay sa mga kumpol na empleyado ang natunton ng mga mata niya. Napatigil din ang mga ito sa mga tawanan at biruan. Kanya-kanyang itsura ang gumuhit sa mga mukha ng mga kanyang mga empleyado. Gulat at hindi makapaniwala. Kasama na r'on si Marco na nakatitig sa kanya. Hindi inaalis nito sa kanyang gawi ang mga mata nito. Hindi rin ito makagalaw sa kinauupuan. Nakatitig lang ito sa kanya matapos na marinig at ituro siya ng isa sa mga kasama sa department na madaldal. Sa pagkakaalam niya ay katatapos palang na ipinakilala kay Marco ang ilan sa mga makakasama sa team. Napakunot ang noo niya habang hindi rin inaalis ang tingin. Ilang segundo siyang nakatayo at pinagmamasdan lang ang mga tila nagkakagulo niyang employee na napatikom bigla ang mga bibig matapos siyang makita ng mga ito. Maging sa mga pinag-uusapan ay napahinto nalang din ang mga ito at kanya-kanyang ng galawan sa mga silya at iba-iba ang direksyon na kani-kanilang hila sa de-gulong nilang mga silya. Pinipigilan niya ang pagputok ng malabulcan na pasabog mula sa kanyang dibdib. Dulot iyon mula sa inis na nararamdaman para sa kanyang mga empleyado na tingin niya ay talaga siya ang mga pinagtatawanan. Walang kasing init. Tila nagliliyab siya sa sobrang pag-kainis niya na maging si Marco ay nagawa pang tumawa. Ang isa pa sa masakit sa kanya... Hindi siya man lang ipinagtanggol ni Marco sa mga empleyado niya. Na ganun nakikita niya na pinagtatawanan siya. Gusto niya lumapit at saka sitahin. Dahil sa mga narinig. Pero — hindi kasi iyon... Ang mabigat sa kanya. Hindi sinabi ni Marco na magkakilala silang dalawa at siya ang dahilan kung bakit siya biglaan umuwi ng Pilipinas matapos na makapagtrabaho at makapasok sa isang napakaganda at napakalaking kumpanya sa Paris. Hindi rin niya narinig na sinabi ni Marco ang nakaraan nilang dalawa. Na siya lang naman ang babaeng iniwàn nito after na i-let go. Isa pa r'on ay narinig din niya na nagtanong si Marco sa mga kasama kung may boyfriend na ba siya? Bakit hindi niya sa akin itanong? Bakit sa ibang tao pa? nagsasalita habang hinihigop ang kape sa tasa niya. Inorder niya ang sarili ng makakain upang wala siya sana maalala sa mga narinig. Kaya lang ay pumasok na naman sa isip niya ang itsura ni Marco habang tahimik ito. Nakatitig lang sa kanya. Naghihimutok ang dibdib niya ngayon. Ang nagyeyelo niyang puso. Biglang natunaw na lang sa mga nakapaligid d'on. Iyon ang results mula at nang galing sa init ng pag-kakatitig sa kanya ni Marco. Yung lalaking 'yhon. “Oh, bakit ang haba ng pagkakanguso mo?" tanong ni Lara. Ikinalingon niya, si Lara ang talagang nakita ng mga mata niya. “Wala" pagsisinungaling. Kumakain na ulit siya. Sumubo na siya ng laman mula sa laman ng kutsara niya. “Wala? Pero bakit ganun ang nakikita ko sa mga mata mo? Tingin ko ay may gumugulo o may iniisip na pinoproblema? Hindi ka maka-pagsisinungaling sa akin. Dahil nakikita at nababasa sa mga mata mo na meron kang problema." “Wala nga" gumalaw ang katawan niya sa silya. Umayos siya ng upo niya at naghanda sa paparating na panunukso, ni Lara. “Okay!" confused hindi talaga ito naniniwala sa sagot ni Amanda. Hindi na siya nakipag pilitan. Dahil sa magiging isa pa yon sa kanyang pro-problemahin kung saka-sakali na may mga tao na magshare ng relasyon nang dalawa. Lumipas ang oras. Hindi mapakali si Amanda sa opisina niya. She decided na maglibot nalang at muli ay napadpad siya sa gawi nila Marco. “Ma'am Amanda, napadaan po kayo?" “Wala naman. Kakamustahin ko lang sana kayo dito. Kamusta dito?" “Ayos lang po" Ayos pero napapansin niya na may mali. “Sure?" “Opoh! Naninibago lang po kami. Madalas hindi naman po kayo na lumalabas sa opisina niyo." sagot na pahayag ng kanyang empleyado. Kinikiskis nito ang mga kuko sa daliri na parang bata. Kinabahan habang kaharap siya. Now nga lang naman siya lumaba sa kanyang opisina upang maglibot. Madalas kasi ay sa kwarto niya lang siya at kay Lara niya iniaasa ang lahat. Pero kung bakit habang nasa kwarto siya ay naaalala niya si Marco at nagiging dahilan ito para hindi siya makapagtrabaho ng maayos “Nasaan pala 'yung bago?" “Si Marco po ba? Nasa field na po. Tunguhin niya daw po ang lugar kung saan ay under construction tayo. Gusto niya raw pasyalan ang mga iyon para mapag-asalan nya." mahaba pa ulit ang mga sumunod na pahayag ng babae sa kanya. “Ganun ba! Sige at maiwan ko na kayo. Iyon lang naman nais ko marinig at i-check. Baka mamaya ay hindi komportable ang bago nating empleyado. Pero ngayon narinig ko sayo na wala pala ito. Mauna na ako." Weird! mahina na nabulong ng kanyang staff. Bagsak ang dalawa niyang balikat ng hindi na niya naabutan pa si Marco. Lumakad na siya patungo at pabalik sa opisina niya. Bakit ko ba kailangan na i-check siya dahil lang sa mga pakiusap ng puso ko at traydor na naman ang aking puso. nabulong na naman niya. Haist! Napabuga siya. ****** “Buti nalang pala gumala ako dito. Nag-ikot. Nakita mo? Madaming mga maling materials ang mga nandito. Pag iyan pa rin ang ginamit niyo positive maaari na gumuho ang itatayo niyong building. Mahina kasi ang mga materials na iyan na nag cause madalas ng incident na gumuguho ang mga building structure na itinatayo ng ilan. Kaya sa Paris never kami gumagamit ng mga ganyang materials. Di bale may kataasan sa presyo basta matibay ang building. Mas maganda kesa ang itatayo mo naman mga ilang years pa lang pero possible na bumagsak or maybe mag cause ng incident tulad ng nabanggit ko na kangina." paninita ni Marco sa mga nasa field na siyang namamahala sa itinatayo na building na hawak ng kumpanya ni Amanda. “Hindi ba nakita ito ni Amanda! I think na alam niya na delikado ang ganyang procedure." muli niyang panenermon sa mga tauhan ni Amanda sa field. “Pasensya na! Hindi naman ako nangingialam gusto ko lang sabihin ang napansin kong mali." muli niya na sinabi. Napabuga siya habang tinitingnan pa ang proposal na blue print na hawak ng mga tauhan ni Amanda. Napaisip siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD