CHAPTER 1
Sa buhay ang masasakit na nakaraan ay mahirap kalimutan. Lalo kung walang kasing sakit ng mga napagdaanan.
Ganoon yata talaga ang buhay, walang kasing sama oras na namali ka. Wala ring kasing sakit oras na nagmahal ka ng taong mali at hindi tama na mahalin pala.
Maling-mali lang talaga siguro ako ng aking pinasok noon, nang aking pinili. Nang tao na minahal ko ng buong-buo na halos buong buhay ko, handa kong ibigay. Ipinaglaban, prinotektahan, pero nagawa akong takasan at kinalimutan.
“Amanda, umaasa ka pa rin ba? Huwag mo ng antayin na balikan ka ng manloloko na yon. Napakaraming lalake riyan, bakit hindi ka mamili nalang ng ipapalit sa hudas mong ex-boyfriend. Bastardo na nga, nagawa ka pang lokohin. Hindi nalang siya nagpasalamat na kahit bastardo siya may babaeng tumanggap at nagmahal sa kanya."
“Kinalimutan ko na, huwag kang mag-alala. Tama ka, marami pang lalake ang higit sa kanya. Isa lang siyang bastardo na walang kwenta…”
“Pero minahal mo.” Pabiro at tumawa si Lara ng mapag-usapan at mabuksan ang tungkol sa lalakeng minsan kong minahal, subalit nagawa akong saktan.
“Seryoso na nga usapan. Nagawa mo pa akong pagtawanan.”
“Kasi naman! Kung bakit hanggang ngayon, siya pa rin iyong laman niyang wasak mong puso. Tuluyan mo ng palayain yung sarili mo sa nakaraan na matagal ng wala at hindi ka na magagawa pang balikan. Amanda, I know you very well. I know when you lie or not. Kaya huwag ka ng magsinungaling pang nakalimutan mo ng kuno kahit hindi pa man.”
“Kaibigan ba talaga kita? Kung pagsalitaan at punahin mo ako. Parang hindi kita kaibigan. Nakalimutan ko na nga siya.” Ipinipilit kong sinabi kay Lara. Kung bakit hanggang ngayon. Hindi pa rin siya naniniwala na nakalimutan ko na si Marcos.
Si Marcos ang lalakeng nanakit ng sobra-sobra sa akin. Matapos niya akong iwanan sa kalagitnaan ng pagbubuntis ko sa magiging anak sana naming dalawa. Pero, mas pinili niyang lumayo para sa kanyang kinabukasan. Hindi para sa kinabukasan namin ng magiging anak sana naming dalawa.
FLASH BACK
“Marcos, two lines. You are going to be a Dad.” Masayang-masaya at excited na sinabi ko sa kanya ng makita ko agad ang resulta ng pregnancy test ko.
Hindi ko maexpress sa sarili ko ang saya na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Masayang-masaya ako para sa aming dalawa ni Marco. Magiging mga magulang na kami at sisiguraduhin kong mamahalin namin ito. Pangangalagaan at sabay naming palalakihin ng magkasama.
Pero napansin ko sa mukha niya ang kakaibang expression. Hindi ba siya masaya?
“Marco, aren’t you happy that we’re both going to have a child? Hindi ka ba masaya?” May lungkot na naitanong ko. Malalakas ang kaba ko na baka hindi pa siya ready sa possibility sa pagbabago ng magiging buhay namin.
“Hindi naman sa ganon. Para kasing napakabata pa natin para sa ganyang bagay, Amanda. Hindi ba dapat pagplanuhan muna natin yan at paghandaan. Para kasing …”
Isang malakas na sampal ang aking ibinigay sa kanya. “Paghandaan? Nagpapatawa ka ba? Ano pang paghahandaan naririyan na yan. Buong akala ko naman, Marco. Handa ka sa possibility na maaaring mangyari matapos kong pumayag na ibigay sayo ang matagal na kinaiingatan ko. Ikaw ang nakauna sa akin, ikaw ang lalakeng pinagbigyan ko. Sayo ko ibinigay ang bagay na hindi ko naibigay sa mga naging boyfriend ko bago ka pa dumating sa buhay ko. Akala ko mahal mo ako, hindi pala. Dahil lang sa sanggol na dinadala ko, lumitaw ang tunay na ikaw. Ang Marco na kahit kelan may hindi ako kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal ko sayo. Sayang lang ang pagtatanggol ko sayo sa pamilya ko, sa mga kaibigan at mga nakakakilala sayo. Kahit minsan hindi ako tumungin sa kung ano ang pagkatao mo. Tumingin ako sa kung ano ang nakikita ko sayo, hindi sa nakikita ng iba sayo. Marco, I hate you.”
Masamang-masama ang loob kong isinumbat sa kanya. Nuon pa man ng magkakilala kaming dalawa, nang dumating siya sa buhay ko. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng iba patungkol sa kanya. Ang pinakikinggan ko lang ang sinasabi ng puso at isip ko. Minahal ko siya. Pero, bakit parang pakiramdam ko kulang at hindi sapat ang naging pagmamahal ko sa kanya para mahalin niya rin ako.
“Amanda, I’m sorry. Hindi naman sa hindi pa ako ready. Pero, parang tingin ko kasi… Baka mahirapan ka, mahirapan tayo sa pagpapalaki ng anak nating dalawa. Alam mo naman, nag-aaral pa tayo. Ou, mayaman ang pamilya mo. Ako naman alam mong isa lang ako bastardo na sumisungit sa pamilya ng Ama ko. Kahit minsan ay hindi ako itinuring na kanilang pamilya. Nagtitiis lang ako para matupad ko ang mga pangarap ko para sa ating dalawa. Sa magiging anak natin. Pero, ngayon kasi, Amanda. Baka hindi ko maibigay ang buhay na nais kong maibigay sayo at sa mga magiging anak natin. Ayoko naman aasa tayo sa pera ng pamilya mo. Lalo naman wala akong aasahan sa pamilya ko. Gusto ko muna sanang matupad lahat ng mga plano na binuo ko para sa magiging pamilya natin sa tamang panahon. Mahal kita, Amanda. Alam kong ramdam mo ang pagmamahal ko sayo. Wala kang dapat na pagdudahan sa pagmamahal ko sayo. Pero sa ngayon, nais kong tuparin muna sana lahat bago tayo magkaanak. Gusto kong mapaghandaan kong mabuti lahat, upang mabigyan ko kayo ng magandang kinabukasan. Pero sa ngayon, Amanda. Mukhang hindi ko pa kakayanin tumayo sa sarili ko at itaguyod kayo ng batang dinadala mo.”
Napakasakit ng mga binitawan niyang salita. Halos madurog ang puso ko sa sama ng loob. Mahal? Papaano niya nasasabing mahal niya ako. Kung gayon gusto niyang talikuran ang pagiging ama sa sanggol na dinadala ko.
“Amanda, huwag mo muna kayang ituloy yang ipinagbubuntis mo. Hayaan mo munang matupad natin lahat ng pangarap nating dalawa. At oras na ready na tayo. Saka tayo bumuo ng pamilya. Tiyak na maitaguyod na kita at mabibigyan ng magandang buhay at ang magiging anak nating dalawa.”
Hindi ko siya pinapansin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang nakaharap sa akin. Habang ako walang tigil na umaagos ang luha sa aking mukha. “Amanda, pangako. Tutuparin ko lahat ng mga pangarap nating dalawa. Sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong mabibigyan ko kayo ng maayos na buhay ng mga magiging anak natin.”
Napaangat ako ng tingin sa mukha niya. Tiningnan ko iyon habang umiiyak. Wala siyang nabanggit na aalis siya. “Saan ka pupunta?” Sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
“I’m sorry, hindi ko nasabi sayo. Nagkagulo sa bahay at kinakailangan kong lumayo muna upang maayos ang gulo. Pero, Amanda. Pangako! Babalikan kita. Babalik ako matapos ang lahat ng gulo ng pamilya ko. Gusto ko muna ayusin yon at saka ko aayusin ang sa ating dalawa.”
Napakagulo ng isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Huwag ituloy? Anong klaseng salita ba ang ginamit niya? Napakasama niya. Iiwanan na niya nga ako, nais pa niyang alisin ko ang sanggol sa sinapupunan ko. “Umalis ka na. Hindi kita kailangan. At lalong hindi ka kailangan ng batang dinadala ko. At mas lalong wala ka ng babalikan, kaya umalis ka na.” Sigaw ko, pilit na pinagtabuyan siya.
Pilit naman niya akong niyayakap, pero pilit akong nagpupumiglas.
Iyak ako ng iyak. Dumaan ang mga araw, lumipas ang buwan. Wala akong balita sa kanya. Itinuloy ko lang ang pagbubuntis ko. Hindi ko siya kailangan, kakayanin ko kahit mag-isa ako.
“Dok, ano pong balita?” Nasa clinic ako para magpacheck-up.
“Misis, sa ngayon wala pa akong marinig na heart beat ng baby mo. Pero, huwag kang mag-alala, nasa five weeks pa lang naman yung baby mo. Mag-intay lang tayo. Maririnig rin natin ang heart beat niya sa mga susunod mong check-up. Basta inumin mo lang lahat ng vitamins na ibinigay ko sayo. Huwag mong kakalimutan.”
“Pero, Dok. Normally po, ilang weeks po ba naririnig ang heart beat ng mga baby?”
“Actually, pwede na mapansin ng transvaginal ultrasound na kasing aga ng 3 hanggang 4 na linggo pagkatapos ng paglilihi ng nanay, o 5 hanggang 6 na linggo pagkatapos ng unang araw ng huling regla. Tulad ng ginawa natin sayo ngayon. Pero may ilang mga baby, naririnig ang heart beat nila sa ikawalong linggo ng pagbubuntis ng nanay. Pero may some cases like yung sang patient ko. 10-12 weeks na namin narinig ng malinaw ang heart beat ng baby niya. Mahina pa kasi yung heart beat at malabo nung ikasampong linggo ng kanyang pagbubuntis ng pakinggan namin ulit iyon.”
Sobrang kinakabahan ako, kaya hindi ko naiwasan na hindi itanong sa OB-Gyne ko. “Salamat, Dok.”
“Walang anuman. Basta if may problema. Tumawag ka lang. Binigay ko sayo yung number ko, incase na may mapansin kang problema sa pagbubuntis mo. Tawagan mo lang ako.”
Ibinigay ng niya yung number niya sa akin. Kaibigan siya ng Mommy ng isa kong kaklase. Inerecominda nila sa akin si Dok. Matilda. “Salamat po! Mauna na po ako, Dok.”
“Sige, mag-iingat ka.”
Makalipas ang dalawang linggo, kinabahan na ako. May spotting na akong nakita na lumabas sa akin. Tinawagan ko agad si Dok. Matilda. “Dok, natatakot po ako.”
“Huwag kang mag-alala, minsan normal lang ang magkaspotting. Pumunta ka rito sa clinic para macheck kita at ang baby mo.”
“Sige po, Dok. Salamat.” Ibinaba ko na agad. Mabilis akong nag-empake ng gamit ko at saka tumungo sa clinic. Hindi pa alam ng mga kapatid ko ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Tiyak na isang napakalaking gulo oras na malaman nila, lalo na si Kuya Thomas.
Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang pag-aalala sa batang nasa sinapupunan ko. “Dok, kamusta po si Baby?” May pag-aalala na naitanong ko sa kanya.
“Light vaginal bleeding, normal lang na nararanasan ng mga nagbubuntis. Wala kang dapat ipag-alala. Pero kung may iba ka pang mapansin na problema. Tawagan mo lang ulit ako.” Nakahinga rin ako sa sinabi at paliwanag pa sa akin ni Dok.
Pero, makaraan ulit ang dalawang linggo nagbalik muli ako sa kanya. Pero, wala pa ring heart beat si Baby. Sabi niya antay lang kami sa ika-10 weeks ni Baby. Sa ngayon nasa 11 weeks na rin siya. Pero pakiramdam ko nararamdaman ko na siya sa loob ng tiyan ko.
Buti nalang hindi pa halata ang tiyan ko at hindi pa napapansin nila Kuya Thomas, Kuya Arthur at Kuya Edward. Kundi talaga mapapatay nila ako.
Pero sa pagbalik ko sa clinic, isang masamang balita ang narinig ko kay Dok. Wala na ang baby ko, lumakas ang pagdurugo na lumalabas sa akin. Kahit binigyan na ako ni Dok ng pampakapit, hindi ito nakuha ng gamot at tuluyan na akong nalaglagan ng sanggol. Tuwang-tuwa pa naman ako sa unang pagkakataon na marinig ko ang heart beat ni Baby. Sobrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko ng makita ko siya sa unang pagkakataon na humihinga. Pero itong nangyari ngayon, para akong lantang gulay at bigla nalang nawalan ng malay.
Paggising ko, nasa tabi ko na lahat ng mga kapatid ko. Pero, imbis na galit ang matanggap ko sa paglilihim ko sa kanila. Buong suporta ang ibinigay nila sa akin. Hindi sila umalis sa tabi ko, inalagaan nila ako. At natutuwa ako ng labis, dahil buong akala ko ikagagalit nila ang paglilihim ko sa kanila ng naging sitwasyon ko ng iwanan ako ni Marcos sa kalagitnaan ng pagbubuntis ko.
Stress at sobrang pag-iisip ang siyang naging dahilan kung bakit nawala si Baby. Maliban roon, nagkaroon rin ng ilang mga komplikasyon sa health ni Baby.
END OF FLASH BACK
Sayang at hindi ko man lang siya nakasama. Iyak ako ng iyak ng mga panahon na yon. Pero, dahil sa mga kapatid ko mabilis akong nakarecover.
Pero, kung wala siguro sila. Baka hindi ko na nakayanan lahat. Halos gusto ko na nga magpakamatay ng mga oras na yon. Pinigilan lang ako ni Kuya Thomas, kung hindi niya ako nakita. Baka nagpakalunod na ako sa pool at bangkay na nila ako matagpuan.
Sobra kasing sakit at hindi ko makaya.
Nawala na si Marco at iniwanan ako, ganoon rin ang munting anghel na dapat sana magiging anak namin. Kaya, isinumpa ko sa sarili ko. Kahit bumalik man si Marco, hinding-hindi ko siya mapapatawad. Maglumuhod man siya sa aking harap, pahihirapan ko siya, tulad ng paghihirap ko sa naranasan kong hirap ng mawala ang anak ko.