Revenge or Love
Chapter 9
Kasagsagan ng maraming reports ang nakatunghay sa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng mga ito. Wala pa ako kahit isang natatapos. Kangina pa ako nagbabasa. Subalit ang isip ko malayo sa binabasa ko. Kaya lahat ng nasa harapan ko mukhang hindi ko magagawa sa pag-upo ko lang dito. Naisip ko muna ang lumabas. Pero naisip ko rin ang du-mito nalang sa loob ng office ko.
Hindi ko alam kung bakit kasi ang isip ko nasa kanya. Siya ang laman simula ng magkaharap kaming muli na dalawa. Ang mga kapatid ko. Napapikit ako naisip ko ang mga napag-usapan namin kagabi matapos namin mabuo na lima ng dumating si Kuya Thomas.
“Kuya Thomas mabuti at dumating ka na! May malaki tayong problema." turo ng pinahabang nguso kung saan nakaupo ako. Sabay-sabay sila napalingon at napatingin sa akin habang tulala ako.
“Anong nangyari?"
“Tanungin mo nalang din kaya siya." suhestiyon na sabi ni Kuya Arthur narinig ko. Seryoso mga mukha nila na hindi ko napansin ang pagngiti nila. Tingin ko naman ay hindi nila ako pinagtatawanan sa pagkakataon na 'toh na may malaki akong pinoproblema.
Dahil sa kanilang lima noon madali ko nakalimutan lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na nga madalas maalala dahil ito sa kanila. Pero ng makita ko ulit siya bakit bigla nalang nanariwa sa isipan ko. At malakas na tumibok ang puso ko. Hindi ko maitatago kahit ilang beses ko pa pagsinungalingan lahat. Dahil ang totoo. Mahal ko pa rin siya at kahit sinasabi ng isip ko na wala na! Nakalimutan ko na lahat pero ang totoo. Siya pa rin ang laman nitong puso ko.
Sinabi ng isip ko baliwala na kahit nagkita kami. Pero ang puso ko sinabi na natutuwa siya na nagkita kami. At kung ang reason niya kaya siya nagpakita ay dahil para sa akin at para tuparin ang mga naunsyami naming mga pangarap noon. Masaya ako at halos gusto magdiwang ng puso ko. Kaya lang wala pa malinaw na dahilan o wala naman siyang sinabi na ako ang dahilan sa pagbabalik niya. At ayaw ko rin umasa. Tapos ay iiwan niya pala ako ulit.
“Amanda, okay ka lang ba? Bakit sa itsura mo ay mukhang malala na masyado at mabigat ang dinadala mong problema. Dahil ba sa trabaho sa opisina mo?" tanong ni Kuya Thomas. Napatingin ako sa mukha niya. Huminga ako ng malalim. Alam ko na nakuha na niya.
“Nagkita na ba kayo?" Tumango ako.
“Kaya pala ganyan ang itsura mo. Bakit? May problema ba sa pagkikita niyo? Hindi ka ba masaya na bumalik siya tulad ng pangako niya? Hindi ba iyon naman ang pangako niya sayo ang balikan ka niya upang sabay niyo tuparin lahat at balikan ang mga noon ay naumpisahan niyo na dalawa. Hindi ba dapat na maging masaya ka? Bakit tila nalungkot ka sa pagbabalik niya?" sabi pang muli ni Kuya Thomas.
Akala ko naman ay ako ang papanigan niya sa muli na pagkikita namin dalawa ni Marco. Pero nagkamali ako. Parang sa mga nasabi niya ay si Marco pa ang pinapanigan ni Kuya Thomas at ilan sa mga kapatid ko. “Kaya nga Ate Amanda. Hindi ba tama si Kuya Thomas sa mga nasabi niya? Iyon naman talaga ang pangako na iniwan at binitawan sayo ni Marco. Kung sa opisina mo siya una nagpunta. Hindi ba dapat ay matuwa ka dahil don ay alam mo na ang sagot sa pagbabalik niya. Kundi ikaw! Ikaw ang kasagutan sa tiyak na mga iniisip mo sa pagbabalik ni Marco.
“Amanda, wag ka 'nga umiyak. Para ka naman bata niyan sa ginagawa mong pag-arte na parang hindi mo pa nakuha at nalaman ang sagot sa pagbabalik ni Marco. Ikaw ang dahilan, Amanda sa pagbabalik niya." may diin at laman na sabi ni Kuya Arthur. Sumunod siya sa kapatid namin na pinaka matanda. Si Kuya Thomas na sinundan naman ni Kuya Edward si Kuya Arthur. Habang si Clarisse siya ang pinaka bata. Pero sa tuwing nag-uusap kami lalo na sa ganitong part. Para na kami magkasing edad. Walang bata at matanda.
Si Kuya Thomas siya ang kumayod para sa aming lima. Siya ang nagsakripisyo para maging maayos at maginhawa ang amin pamumuhay. Hindi naman siya nabigo dahil lahat kami ay lumaki ng maayos. Nakatapos sa mga pag-aaral at ngayon ay may kanya-kanyang trabaho na maayos. Si Kuya Thomas pa rin ang may kagagawan ng lahat ng ito. Siya ang may kagustuhan na ganito ang maging pamumuhay namin matapos namin maulila sa mga magulang namin.
Tumayo si Kuya Edward. “Iinom na ba natin?" tanong ni Kuya Edward. Naglalakad na siya patungo sa kusina para kumuha sa refrigerator ng maiinom.
“Kuya Thomas, paano ba ang gagawin ko? Oo, may punto kayo na pwede na iyon ang dahilan sa pagbabalik niya dito sa Pinas. Pero paano kung hindi at nagkakamali lang ako sa paniniwalaan ko. Ayaw ko umasa. Kuya, ayaw ko asahan at sa huli mali pala ako." tumulo na ng tuluyan ang luha ko sa mata. umiiyak ako.
Hindi ko alam. Pero natatakot. May takot sa dibdib ko na baka nagkakamali lang ako sa iniisip ko na ako nga ang siyang dahilan niya sa pagbabalik niya at pagtatrabaho sa kumpanya ko. Although hindi naman maitatago. Isa siyang engineer at ako naman ay architect. Pero kahit ganun pa man sabay kami nagplano na gagawa kami ng sarili naming company at ipapangalan nami ito sa magiging unang anak namin. Napahikbi ako habang napaiyak sa dibdib ni Kuya Arthur. Siya kasi ang nasa harapan ko habang nasa tabi ko si Kuya Thomas.
Si Kuya Arthur ang unang yumakap sa akin. "Ayos lang yan. Pero much better di ba ang mag-usap kayo na dalawa at magkaroon ng closure kung sakali man na hindi pala ikaw ang ipinunta niya kung bakit siya umuwi ng Pinas. Tanungin mo siya. Hindi masama ang pagtatanong sa kanya kung ano ang dahilan sa pagbabalik niya. Wag mo muna hayaan na lamunin ka ng maling paniniwala na hindi ka na niya mahal. Habang ikaw ay umaasa. Siya naman ay may iba na pala.
“Oo, tama din si Edward." sabi ni Kuya Thomas na sinang-ayunan nito.
“Oo, Amanda. Magtanong ka muna bago mo muna alalahanin at problemahin ang mga gumugulo sa isip mo na wala naman sure ball sa nararamdaman ng puso mo. Mabuti nalang may mga napansin ka. Pero ako. Wala kami agad idea para idea sa pagbabalik niya at sa muli niyang pagpapakita." sabi ni Kuya Arthur. Hindi pa natatapos. Pero napaisip ako sa mga sinabi na yon nila. Tama sila totio naman lahat ng mga binitawan nila.
Kinuha ko ang isang beer. Talagang kumuha ng alak si Kuya Edward. Isa-isa niya kami pinagbigyan ng alak.
“Mas maige. Tanungin mo"
Hindi mawala sa isip ko. Habang ngayon nakatayo na ako sa may kalayuan papunta sa sana ako sa lugar kung saan ay hihinga lang ako sa favorite kong place. Sa canteen. Ngunit hindi ko sinasadya na marinig at makita ang mga pag-uusap nila habang naglalakad ako.
Hindi ko alam pero parang lumakas bigla ang t***k ng puso ko. “Ma"am" sabay-sabay sila na mga bumuntong hininga dahil sa pagkagulat nila na makita ako sa kasagsagan nila ng masarap na nagkukwentuhan. Talaga nga naman.