CHAPTER 11

4375 Words
Revenge or Love Chapter 11 Third POV's Sa office ni Amanda napakainit ng ambiance ang maaari na maramdaman sa pagpasok pa lang. Hindi pa man alam ni Marco kung bakit siya ipina-tatawag ng kanyang boss, ex-girlfriend. Basta narinig na lang niya na hinahanap siya nito at pinatawag. Nabanggit din sa kanya na medyo hindi maganda ang mood ng kanilang CEO. Mainit agad raw ang ulo nito at nakasimangot ng dumating sa office. Medyo kabado si Marco at iniisip ang kanyang gagawin. Kahit may pinagdaanan sila alam naman niya at hindi lingid sa sarili at kaalaman niya na talagang mainit ang dugo nito at halos ayaw nga sana siya makita pa. Kung hindi 'nga lang may Lara ay hindi siya makakapasok sa kumpanya ni Amanda. Kakaba-kaba ang dibdib ni Marco ng hindi siya sagutin ng kanyang kasama ng tanungin niya kung bakit siya nais makausap at ipina-tatawag ni Amanda. “Hindi ko talaga alam. Basta pagdating niya kangina ang bilin niya lang pagdaan niya dito. Pa-tunguhin ka raw sa office niya pagdating mo. Matapos noon ay umalis na siya. Naglakad na siya diretso sa office niya. Baka may nagawa kang hindi maganda?" tila nananakot na pahayag ng kanyang kasama. Nakadagdag pa ang sinabi nito para mas lalo lang bumigat ang nakadagan sa dibdib niya at kaba. Mas bumilis. “Puntahan mo nalang siya sa office niya. Malay mo 'mayroon lang pala na ipagagawa sayo. Sige na, baka mas lalo lang umiinit ang ulo niya if ever hindi mo pa siya puntahan sa kanyang opisina." saad ng kasama niya dagdag sa mga nauna nito pagbabalita. Iniisip niya pa 'nga ang sasabihin niya once na makarating siya sa opisina nito. Hindi naman siya sinabihan ni Lara, na pinapapunta siya ni Amanda sa opisina. Wala din ito nabanggit sa kung ano ang nangyari bakit siya pinapunta ni Amanda kung wala naman ito nais ipagagawa sa kanya. Kung ayaw niya na makita siya. “Sige, pupuntahan ko nalang." mabigat sa kanya ang ilakad ang kanyang mga paa. Lalo na't sa kwarto ni Amanda siya pupunta. Ano bang ginagawa mo? tanong niya sa sarili ang paa niya ay naglalakad atras abante. Hindi mapakali ang mga paa niya na nag-iinit na sa pagkakasayad ng kanyang paa sa sahig. Marco, focus lang. Bakit parang natatakot ka 'pa sa kanya? Sa Paris nga never ka naman. natakot sa mga boss mo doon at mas mataas ang position sayo sa trabaho. Bakit ngayon para kang tuod. Hindi makalakad at hindi maiabante ang mga paa papasok sa kwarto ni Amanda? Ano 'bang ginagawa mo? Pumasok ka na! Kumatok ka muna bago ka pumasok sa loob. Para makabawas init ng ulo ni Amanda. Pahayag ng kanyang utak habang atras abante maging pag-iisip ni Marco dahil sa kanyang masamang palagay na baka magalit ito, o baka may iuutos lang? Napapaisip pa rin siya. Nagdesisyon si Marco at buo na ang kanyang desisyon na kakatok na siya sa pintuan ng opisina ni Amanda. Buntong hininga si Marco. Ilang beses din siya na napahugot ng hangin na may malakas na pwersa. Iniangat niya ang kanyang isang kamay upang ikatok sa pinto— Hindi pa man sumasayad ang kamay niya sa pintuan napanganga si Marco, nanlaki din ang kanyang mata at nagulat. Shock! Isang babae na nakataas ang kilay ang ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Parang itunulos si Marco sa sementadong sahig sa harapan ng opisina ni Amanda. Sa may pintuan. “Anong ginagawa mo?" singhal ni Amanda. “What are you doing?" masungit nitong wika muli. Hindi nakakibo agad si Marco. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nakakaramdam pa rin pala siya ng takot pagdating kay Amanda. Sabagay ay noon pa man. Abot ang kaba niya pag si Amanda ay nagselos o nanita sa kanya sa tuwing may mali siyang gagawin, o 'di kaya naman ay sa tuwing may makikita itong babae na aali-aligid sa kanya. Ito lang naman ang isang bagay at dahil kung bakit nagsisimula magalit o magtampo sa kanya si Amanda. Subalit sa ilang taon na naging sila. Masasabi niya na masaya silang dalawa kung hindi lang nangyari ang naging kanyang pang-iiwan sa babaeng mahal niya. “I am sorry, nagulat ako" sagot ni Marco. Bako-bako ang boses niya parang hindi agad naintindihan ni Amanda. “What?" inulit nitong pagtatanong dahil sa pagtataka sa idinahilan at sinabi ni Marco sa kanya. Buntong hininga nagpipigil din si Amanda. Plano sana ni Amanda ang puntahan si Marco sa department nito para sunduin dahil sa oras ng dumaan siya roon at sa oras ngayon na dapat ay palabas na sana siya ng kanyang opisina. Napakahaba ng inilipas na oras nainip si Amanda, at nais niya sana ang masiguro na pumasok si Marco at hindi lumiban sa kanyang trabaho. Pero heto— pagbukas pa lang niya ay si Marco agad ang nabugaran niya, sa pagbubukas pa lang niya nang kanyang pintuan. Muntik pa siya nito makatok sa kanyang noo kung hindi pa siya agad nagsalita. “Pumunta ako dito para sana itanong kung may iuutos ka?" huminga si Marco. Kabado at malakas ang t***k ng puso niya. “Nabanggit pala sa akin ng kasama ko. Dumaan ka 'raw dun? Tama ba? Bakit? Gusto mo raw ako makausap?" tulad kangina wala pa rin sa ayos ang pagsasalita ni Marco. Putol-putol. Tiningnan siya ni Amanda. Nakataas ang kilay nito. Sa baba, umangat ang mga mata nito hanggang sa magtama ang mga mata nila... Umiwas agad si Amanda. Lumingon siya sa likod niya. Inginuso ni Amanda. “Pumasok ka" utos nito kay Marco. Pumasok naman si Marco sa loob ng office ni Amanda ng mauna lumakad si Amanda papunta, pabalik sa kanyang lamesa. “Maupo ka muna" utos muli ni Amanda. Naupo naman si Marco. May chineck si Amanda sa kanyang cellphone. May tila hinahanap ito. Nakita ni Marco at napansin niya ang paggalaw at paghahanap ng mga daliri ni Amanda sa screen ng cellphone nito. “Balita ko naglibot ka raw kahapon sa construction site?" tanong ni Amanda, nag-angat ang mata nito tumingin kay Marco. Nakasalubong ang kilay, naghihintay ng kasagutan. Tumikhim si Amanda ikinagalaw naman ni Marco sa kanyang upuan. “Sorry" hinging pasensya ni Marco sumandal siya sa upuan. Umiwas din siya ng tingin kay Amanda. Hindi siya makatingin ng diretso dito at pakiramdam niya nga ay hindi nagustuhan ni Amanda ang kanyang ginawa kahapon ng maisip niya ang dumaan sa isa sa mga construction site na hawak ng kumpanya ni Amanda. Nais lang naman ni Marco ang makita ang mga trabaho at kung paano magtrabaho ng mga tao na hawak ng kumpanya ni Amanda. Gusto niya din ang makapag ikot at surveillance lang sa mga gawa ng mga tao don. Hindi sa gusto niya mangialam. Nagtanong-tanong lang naman siya r'on at nag check ng mga materials na ginagamit ng mga tauhan ni Amanda. As a temporary head engineer. Natural lang naisip niya na kasama sa trabaho niya ang mag survey sa mga building na itinatayo ng kumpanya ni Amanda. Wala siyang ibig sabihin sa ginawa niya. Nais niya lang talaga ang makatulong at kung may idea siya gusto niya lang din ibahagi sa iba. Pero mukhang minasama ng mga tao ni Amanda. Batay sa nakikita niya sa itsura ngayon ni Amanda. Galit ito at mukhang kakailanganin niya ang magpaliwanag ng maraming beses kung bakit niya ginawa ang paglabas niya ng opisina ng hindi ipinaalam kay Amanda maging ang pagdalaw niya sa construction site. “A-amanda" bigkas ni Marco nakagat niya ang dila. Humugot siya ng hininga at pinagpatong ang mga palad niya. Nilagyan nya ito ng pwersa at bahagya siyang napayuko. Para na tuloy hindi siya isang professional engineer sa itsura ni Marco. Kina-ilangan niya pa ang yumuko at umiwas sa mga matatalas na mata ni Amanda. “Bakit ginawa mo 'yon?" napabuntong hininga si Amanda, nagsalita ito at tinanong si Marco. “Tinatanong kita. Bakit mo 'yon ginawa?" medyo lumakas ang pagbigkas ni Amanda. “Alam mo 'bang naiinis ako sa'yo? Anong karapatan mo ang sitahin at pakialaman ang mga tao ko?" mabigat na pagbigkas ni Amanda. Nanginginig din ang palad nito. Tago lang kaya hindi makita ni Marco. Kinabahan din si Amanda. Hindi niya gusto ang tanungin si Marco ng ganito. Nasasaktan din siya subalit labas ang personal niyang nararamdaman sa trabaho niya kahit ayaw niya sana makaharap at makita si Marco. Kahit hinahanap ng puso niya ay si Marco. Ayaw niya mag-paapekto. Nilalabanan niya. “Amanda" bigkas ni Marco napatuwid siya sa kanyang pagkakaupo. “Wala akong ibig sabihin sa pagpunta ko roon. Alam ko may fault ako. Umalis ako ng office kahapon to check them sa construction site. Pero hindi ako pumunta sa lugar na yon to make—" “What? Hindi mo na mai-tuloy ang sasabihin mo? Bakit hindi mo maitulak sa bibig mo ang nais mong ipaliwanag at sabihin sa ginawa mo kahapon?" mas tumaas ang boses ni Amanda. Kahit si Marco ang gusto sana niya maging kalmado lang habang nag-uusap at nagpapaliwanag siya. Ngunit hindi pa natatapos ay sinasangga na agad ito ni Amanda. Dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita at hindi masabi ang kanyang sasabihin dito. Ang paliwanag niya sa mga nangyari kahapon na nais sana niya ipaliwanag. “Isang misunderstood lang ito Amanda, pwede ba na makinig ka muna sa sasabihin ko. Gusto ko magpaliwanag subalit inuunahan mo ako ng init ng iyong ulo. Hayaan mo muna na makapagsalita ako at maipaliwanag ko ang side ko bago ka magalit. Kung pwede sana." pahayag ni Marco, nais niya ay kumalma muna si Amanda. Maging siya ay nakararamdam na ng matinding kaba. Ayaw niya ang magkaroon na naman sila ng hindi magandang—putol na naman ang iniisip ni Marco habang titig siya sa mukha ni Amanda. Hindi ito seryoso na nakatingin din sa kanya habang naghihintay ng pagsasalita niya at paliwanag. Magkasalubong ang mga kilay ni Amanda while looking at him. “Alam ko naman ang mali ko. Nagkamali ako, oo. Pero sana wag mong isipin na may masama akong hangarin sa pagpunta ko r'on at pag-iikot. Nasabi ko na sayo kangina wala talaga akong mangyari kaya ako umikot at nagtanong sa mga tao mo. Kung na misunderstood man nila ang ginawa ko. Ang mga nasabi ko. Patawad." tatayo na sana si Marco. Ayaw na niya sana ang palakihin pa ang usapan nila ni Amanda. Ngunit malakas na sabi ni Amanda. “Maupo ka" Naibalik bigla ang tingin ni Marco kay Amanda. “Pinapaalis na ba kita?" pahayag ni Amanda “Bastos ka talaga" mahina at pabulong lang ni Amanda nawika. Subalit narinig ni Marco. Hindi lang ito kumibo. “Alam mong labas sa trabaho mo 'ang ginawa mo kahapon diba? Pero ginawa mo pa rin ang pagpunta sa lugar na labas ka. Temporarily ka lang nagtatrabaho dito sa pagkakaalam ko. And, your not allowed na maging ang mga tao ko pakialaman mo. If may gusto kang sabihin, o may napansin kang mali sa mga trabaho namin sa construction site. Sabihin mo... Walang problema. But hindi sa kanila. Sa akin mo sabihin. Hindi sa mga tao ko. Wag mong pangunahan ang mga desisyon ko, desisyon ng mga tao ko na may approval ko. Alam ko ang pinapasok ko... Nang kumpanya ko. And, hindi ko kailangan ng mga komento mo kung hindi ko hinihingi— Wala kang karapatan magbigay o magsalita hangga't hindi ko sinasabi o personal kong hingin sa'yo." napalunok si Marco. Masyado malalim ang hugot ni Amanda while she's explaining. “Masyado kang mayabang na 'ngayon, Marco. Bakit? Dahil sa nakapag aral ka— Abroad? Dahil sa nakapagtrabaho ka— Abroad? Dahil sa may malawak kang experience na malayo sa mga tao ko? Sa akin? Dahil sa nakapagtrabaho ka sa napakaganda at malaking company abroad, may karapatan kang mangialam at mangibabaw sa mga trabaho ko at maging sa pamamalakad dito. Wala kang karapatan na sirain ang mga trabaho namin dito. Kung ang napansin at nakita mo sa site ay malayo sa mga trabaho niyo abroad. I am sorry, pero iyon ang paraan namin sa pagtatrabaho dito. And all our moves— alam lahat iyon ng mga client namin. At before ma-close ang deal with my client. Pinag-aralan ko lahat iyon. Kaya wala kang karapatan tapakan ang mga trabaho ko. Maliwanag? Dahil kahit minsan ay hindi pa ako nakatanggap ng kahit anong reklamo from my client sa mga building, house's at lahat ng mga projects ng kumpanya ko. Lahat ng y'on. Wala pang reklamo." napakahaba na pahayag ni Amanda. Nanginginig pa rin ang kanyang mga paa at kamay. Nakaupo ng tuwid si Amanda. Sumandal siya. “Naiintindihan mo ba, huh! Marco?" “Oo, Amanda, naintindihan ko." sagot ni Marco. Hindi siya makapaniwala na ganun na kalaki ang pinagbago nito mula ng iwanan niya. Tahimik si Marco while si Amanda. Iniisip niya ang tawag ng natanggap niya from her employee sa construction site. Maaga pa lang ay nakarecieved na s'ya ng tawag at text message mula sa ilang pinagkatiwalaan niyang mga tao. Hindi siya makapaniwala. Shock pa sa umpisa si Amanda na nagawa ni Marco ang mag-ikot, manita at punahin ang mga trabaho nila sa pagtatayo ng building ng isa sa mga client ng kanyang kumpanya. Wala din siya alam sa ginawang pag-iikot ni Marco. Wala din siya alam na umalis pala ito kahapon ng hindi man lang niya nararamdaman at namalayan. Sumasakit ang ulo niya ng malaman at marecieved ang mga reklamo ng kanyang mga tauhan. Especially sa mga taong higit niya na pinagkatiwalaan sa siyang namamahala at tumitingin sa sa pagtatayo ng building sa construction site. Nagawa pa ni Marco ang manita, habang sinusubukan nito ang magsagawa ng isang visiting to check ang mga trabaho don ng team. Nagpahayag pa si Marco ng ilang suggestions. Sa trabaho, sa materials at sa mga equipment na naabutan niya while visiting the site. Ibinahagi din ni Marco ang trabaho niya sa Paris. Kung paano sila doon magtayo ng building at magtrabaho. Maging ang safety ng ilang workers pinupuna nito while visiting. Nahihirapan din si Amanda kung paano niya ipaliwanag sa mga taong nagpaabot ng reklamo. Ang kanyang masasabi sa nangyari kahapon. Walang nais na kampihan si Amanda. Ang gusto niya ay pumagitna. Matapos ang marinig ang mga pahayag na reklamo ng mga tao niya. Ipinatawag niya agad si Marco. Siya mismo ang pumunta sa pwesto nito. Ngunit wala pa si Marco. Kaya naman ipinaabot nalang ni Amanda ang kanyang mensahe once na dumating si Marco. Hindi na siya nagtagal pa sa pagpunta sa department nito. Hinintay niya nalang si Marco na makapasok. Habang nasa kwarto niya. Pinag-iisipan ni Amanda 'pa nga kung paano niya haharapin at kakausapin si Marco. Alam niya kasi ang kanyang galit dito. Ang kanyang pagka-miss dito. Baka mangibabaw, o 'di kaya ay tuluyan siyang bumigay sa nararamdaman niya. “I am sorry! Hindi ko sinasadya na maopend ang mga tao mo sa construction site. Hindi ko rin naman alam na ganun pala ang iisipin nila sa mga sinabi ko. Kaya pasensya ka na, Amanda. Hindi na ito mauulit. At, isa pa pala. Wala akong balak na sirain ang trabaho n'yo dito. Oo nga pala. Temporarily lang ako dito at alam ko iyon. And, wag kang mag-alala dahil lahat ng iyon ay pawang suggestions ko lang. Hindi pagyayabang. Ang sa akin lang gusto ko ibahagi ang aking natutunan at malaman while I am working in Paris. Oo, tama ka isang napakalaking company ang pinagtatrabahuhan ko don. And, wala sa kalingkingan ng mga kumpanya dito sa Pinas. Kung mahuhusay na engineer lang ang usapan. Doon sa kumpanya ng boss ko ang may pinaka magagaling na engineer at hindi ako nagyayabang na isa ako sa mga ito. Pero, kung lahat ng iyon ay minamasama ng mga tao mo, ikaw, Amanda. I am sorry. Hinihingi ko nalang ng pasensya ang mga naging pangingialam ko." hinging pasensya ni Marco. Iniisip niya na mukhang tama lahat ng mga sinabi ni Amanda. Mali nga siya na nag-pasige-sige siya sa pagpunta sa construction site ng hindi siya nag-abiso. Nagkamali siya sa pangunguna niya at padaskol niyang pagkilos. Hindi naging maganda para sa iba ang kanyang ginawa. Lahat ng mga ibinahagi niya na karunungan pagdating sa trabaho nila. Maling-mali pala. Lahat ng iyon ay mali para kay Amanda. Kaya ilang beses pa siya humingi ng kanyang pasensya sa kanyang pagsasagawa ng maling pagkilos. “Sa susunod wag mong ibahagi sa iba ang mga karanasan mo na malayo sa mga ginagawa dito... Lalo kung hindi nila itinatanong o hinihingi sayo. Wag mong pangunahan ang iba. Dahil lang sa mas may alam ka. Paris yon. Nasa Pilipinas lang tayo. Kaya kung pwede lang wag mong dalhin dito at wag mong ipagkumpara ang dalawang bansa na malaki ang pinagkaiba." medyo mababa na pananalita ni Amanda. Huminga ito habang sinubukan ang magbaba ng boses at pagkontrol sa sitwasyon. “Okay! Sige, hindi ko na uulitin kung palagay mo ay maling-mali pala ako." sagot ni Marco. Nag-aalala pa rin si Marco na baka dahil sa nangyari imbes na magkaayos sila ay mas lumala pa ang lahat at hindi niya magawa ang plano niyang pakikipag-ayos kay Amanda. “Makakalabas ka na!" utos ni Amanda. “Okay, sige lalabas na ako." lumabas na nga si Marco. Mabigat muli ang kanyang kalooban sa palagay n'ya ay mukhang nadagdagan na naman ang kanyang kasalanan kay Amanda. ***** Maaga nagising si Clarisse. Naisip niya ang dumaan muna sa office ng kanya Kuya Thomas. Napapadalas ang kanyang pagdalaw sa opisina nito. Gawa din ng madalas niya pagtatanong at pangangamusta sa lagay ni Thomas sa babaeng napapabalita na karelasyon nito. Seryoso na nakasandal sa office chair si Thomas ng masilip ni Clarisse ang kanyang nakatatandang kapatid. Busy ito sa ilang paper works. Kumatok si Clarisse sa pinto ng mapansin agad siya ni Thomas ng mag-angat ito ng mukha at napatingin sa kanya. Ngumiti si Clarisse. “Good morning" sambit niya, hindi man lang nangiti si Thomas seryoso pa rin ito na nakatingin. “Anong ginagawa mo dito?" manipis na boses pero buo na tanong ni Thomas. “Dinadalaw ka" saad na sagot ni Clarisse, inilakad niya ang kanyang mga paa upang lumapit. “Kamusta? Napaka aga mo kasing umalis ng bahay. Hindi na kita naabutan ang sabi ni Kuya Edward. Maaga ka raw umalis. Bakit?" nagtanong si Clarisse after maupo. “Busy ako, nakita mo di ba? Marami akong dapat ko tapusin dito. Lalo na't napakarami na pagbabago sa hotel ngayon. Bakit ka pa naparito?" “Actually, Kuya, sure ka ba na ayos lang si Ate Amanda? Curious lang kasi ako. Parang lagi nalang siya pagod. Alam mo, napapansin ko rin lately na parang napakarami niyang iniisip. Minsan naririnig ko siya nagsasalita sa kwarto niya. Alam mo 'yun. Parang lasing. Siguro umiinom na naman siya ng mag-isa habang nagkukulong sa kwarto." pahayag ni Clarisse, napaisip si Thomas sa mga nasabi ng bunso nilang kapatid. Napabuntong hininga si Thomas, ibinaba din niya ang hawak nito. Itinikom ang mga labi sa bibig at napabuntong hininga ulit. Iniisip niya if paano ba niya i-explain kay Clarisse ang tamang term ng pinagdadaanan ni Amanda. Bata pa si Clarisse, natitiyak niya na medyo mahihirapan pa ito na unawain kahit medyo makulit ito at may pagka-brat. “Siguro naman ay ayos lang si Ate Amanda mo." sagot ni Thomas, nagstart na siya sa pagpapaliwanag at pagpapaintindi kay Clarisse upang maiwasan na rin ang pag-aalala nito sa kanilang isa pang kapatid. “Malakas si Amanda, tiyak na malalagpasan din niya kung ano man ang napag-dadaanan niya ngayon. You know her kung gaano niya nilabanan ang sobrang depression after Marco leave her. Nasaksihan mo kung gaano siya n'on lumaban lalo ng malaman niyang buntis siya at mawala ang baby niya." saad ni Thomas. Hindi naman lingid sa kanila ang lahat ng mga pinagdadaanan ng kapatid nila. Saksi sila at kasama sila ni Amanda nung mga panahon kung saan kailangan nito ng masasandalan after Marco leave the country at tumungo sa Paris. “Wag ka na mag-alala pa sa kanya, sa kanila ni Marco." he breath. “Kung sila talaga ni Marco. Maayos nilang dalawa ang problema sa pagitan nila. Imposible na hindi nila maayos iyon ng hindi nila pag-uusapan. Hintayin nalang natin ang mangyayari sa kwento nila. Sa muling pagkikita at pagsasama nila. Tiyak na may dahilan at iyon na lang ang abangan natin. Maging supportive nalang tayo kay Amanda if ano man ang plano niya sa kanila ni Marco. Pero umaasa ako na maayos nga nila talaga lahat. Mahal nila ang isa't-isa. Tiyak na marerealize din nila both side ang lahat ng mga pagkakamali nila n'on at maitatama naman nila ngayon na muli sila nagkita." pahayag na saad ulit ni Thomas, napangiti si Clarisse. “You're the best big brother talaga Kuya Thomas. Kaya nga ipinagmamalaki kita to all my friends. Kasi the best ka sa lahat. You know how to handle our situations. Especially to Ate Amanda. Sana nga ay magkaroon na sila ng peace of mind at freedom na maipadama nila ang pagmamahal nila sa bawat isa. I know na mahal pa rin ni Ate Amanda si Kuya Marco. Matagal niya kaya inantay na bumalik dito sa Pinas si Kuya Marco. Imposible na ganun lang kadali kay Ate Amanda ang pakawalan ang lalaking bumuo sa kanya at minahal niya ng sobra. Saksi tayo d'on di 'ba?" masaya na ang mukha ni Clarisse habang bigkas. “Kuya Thomas thank you for everything. And, for always being my big brother. I love you." malambing na pagkakasabi ni Clarisse. Natawa si Thomas. Kahit si Thomas ay nag-aalala sa sitwasyon ni Amanda. Dalawa lang ang babae sa pamilya niya. Kaya naman hinahabaan talaga ni Thomas ang kanyang pasensya at nilalawakan ang kanyang pag-unawa upang maintindihan ang dalawang kapatid. Wala siyang problema sa dalawa pa niya kapatid na lalaki. Dahil kagaya n'ya lalaki din ito at mabilis niya maunawaan. Oo, nag-aalala siya para kay Amanda pero alam naman niya, nararamdaman niya na magiging maayos din ang lahat. Kilala niya rin si Marco. Bago pa man siya pumayag sa relasyon ni Amanda at Marco n'on. Kinausap at kinilala niya ito. Alam din niya ang kwento sa buhay ni Marco. Ang pagiging anak sa labas nito ng isang mayamang angkan, subalit hindi matanggap ng asawa ng papa ni Marco ang pangyayari ng magkaroon ng relasyon ang ama ni Marco sa kanyang Ina. Alam din ni Thomas ang kwento sa maagang pagkamatay ng Ina ni Marco at sa maagang pagkaulila nito sa Ina. Maging ang hirap ng pakikitungo na ginagawa ni Marco upang mapakisamahan ang pamilya ng kanyang ama. Alam din ni Thomas dahil lahat ay itinanong niya kay Marco. Ang pagpapatapon kay Marco sa ibang bansa dahil sa matinding kaguluhan sa pamilya ng ama. Alam din iyon ni Thomas. Ang pag alis ni Marco alam ni Thomas. Lahat alam niya walang itinago si Marco sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob ng tanggapin niya ito nang ito ay makiusap na liligawan si Amanda. Mabilis naman nya nakasundo si Marco. Alam niya ang nararamdaman nito. Ang hangarin nito kay Amanda na bukal sa puso at tunay nito na mahal ang kapatid niya. Nang muli sila magkausap ni Marco. Nang tumawag si Marco sa kanya noon. Hindi niya ito nabanggit sa mga kapatid niya. Humingi ng pasensya si Marco sa mga nangyari sa relasyon nila ni Amanda. Lalo na sa panahon kung saan ay nawala ang bata na dinadala ni Amanda. Sinikreto muna ni Thomas ang pag-uusap nila ni Marco dahil sa ginagawa na therapy n'on kay Amanda. Hindi naman siya ganun kasamang kapatid. Kung bakit niya ginawa muna na sikreto ang pag-uusap nila ni Marco. Ayaw niya lang na may masasaktan sa dalawang kapatid niyang babae. Lalo na si Amanda na dumadaan sa isang matinding depression. Ayaw niya na mas isipin pa nito ang mga nangyari sa kanila ni Marco. Hindi rin naman makakauwi si Marco ng Pinas that time. Naisip niya na baka mas makaapekto pa ito sa pinagdadaanan ni Amanda. Until now. Nang muli bumalik si Marco. Nag-start ulit siya sa pag-aalala. Lalo na hindi pa malinaw sa kanya ang plano ni Marco sa pagbabalik nito. Kahit na minsan silang dalawa nagka-usap at naka-pagkita sa Paris ng magtungo siya don para sa isang business trip. Oo, nangako si Marco na aayusin niya ang problema nila ni Amanda. Pero nabanggit nito na naghahanda pa ito sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Hindi naman nabanggit nito kung kailan ito uuwi pero nasabi na gagawin ang lahat mapatawad lang siya ni Amanda at bumalik ito sa kanya. Araw-araw siya ngayon nag-aalala para kay Amanda. Ayaw niya na maulit ang nangyari dito ilang taon na nakalipas. Kaya naman sa pagkakataon ngayon. Umaasa siya na maayos ng dalawa ang kanilang mga relasyon. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob kay Marco, o kahit galit hindi niya nagawa na magalit dito. Dahil una pa lang naman ay pinatawad niya ito ng makausap niya si Marco at humingi ito ng sorry para sa lahat. Wala din naman siyang karapatan na panghimasukan ang buhay ng dalawa. Mas masaya pa nga siya kung maayos ng dalawa ang relasyon at pagsasama ng dalawa na nasira. Dahil isa siya sa saksi ng pagmamahalan ng dalawa. Kaya napag-isip din siya na hayaan nalang ang dalawa na ayusin ang mga pagkukulang sa bawat isa. At hayaan ang dalawa na mag desisyon para sa mga sarili nila. ***** Napasandal si Marco sa labas ng pinto ng office ni Amanda. Naalala na naman ni Marco ang naging usapan nila ni Amanda sa loob matapos siyang makalabas. Parang bang sasabog ang dibdib niya sa lakas pa rin ng kaba n'ya. Kinabahan talaga siya ng husto ng nasa loob pa siya ng office ni Amanda. Hanggang ngayon mula ng bumalik siya at magkita sila. Naninibago pa rin siya kay Amanda. Si Amanda kasi noon ay isang tahimik lang at mahaba ang pasensya. Marunong din ito makinig at umunawa ng sitwasyon sa tulad ng nangyayari ngayon. Hindi din ito mabilis mamuna nakikinig ito sa paliwanag at tumatanggap ng pagkakamali o suggestions. Oo, madaldal kung may pagkakataon. Lalo kung alam ni Amanda na tama ang kanyang pinaglalaban. Pero hindi tulad ngayon na nakakakilabot habang nakaupo siya at nakikinig sa mga sinasabi nito. Grabe, ganun na ba talaga siya? Bakit naman napakalaki ng ipinagbago niya? Parang hindi na siya ang Amanda na nakilala ko noon at minahal. Napa-buntong hininga si Marco, lumakad na siya para bumalik sa kanyang departamento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD