CHAPTER 6

2052 Words
Revenge or Love Chapter 6 Badtrip! “Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" dire-diretso lang ako. Hindi ko sinagot ang tanong ng mga kapatid kong makukulit pa sa mga aso. Nakasunod matapos ko silang mga lagpasan at hindi pansinin. Para talaga sila mga aso. Tahol ng tahol. Daldal ng daldal. Tanong ng tanong. “Amanda, ano bang nangyari sayo?" hinahabol ako habang tanong ni Kuya Arthur pa rin. Para talaga siyang aso. Naiinis ako. Ang kulit. Sa totoo lang ay marami kaming aso dito sa bahay. Nuon isa lang hanggang dumami na ang alaga namin. Dahil na rin sa napamahal sa amin ang unang aso na naninirahan dito sa bahay. Pero makulit. Simula ng madagdagan ang mga aso namin mas naging maingay at magulo sa bahay. Idagdag pa ang ingay ng mga kapatid ko. Heto mga nakasunod pa rin matapos nila ako salubungin at hindi sila pansinin. Binalibag ko ang bag ko sa sofa at padabog akong naupo duon. Sumandal ako na ang ulo ko inangat ko at inaayos sa dulo ng sandalan. Nakatingala sa taas. Nakatulala habang bulong. Bwisit! Naiinis talaga ako. Badtrip. Kangina ko pa talaga iniisip. Nung tawanan ako ni Lara nawala yung naiisip ko— yung nararamdaman ko na pananabik at pagkamiss sa kanya ng makita ko si Marco... Saka naman nagbalik muli sa akin lahat at maalala ko ang mga pangarap at pangako namin ni Marco. Nung makita ko siya nung una. Naguguluhan ako. Hindi ko alam yung pakiramdam na yayakapin ko ba siya. Sasampalin at palalayasin ng aking opisina. Magagalit ba ako o magpadala nalang sa nararamdaman ko nang makita siya? Ang gulo ng utak ko. Nang puso ko na hindi magkasundo. Isang nagtutulak. Isang nag-didikta ng mga gagawin ko. Sabay kasi kaming nangarap ni Marco n'on para sa aming kinabukasan once ready na kami to settle down. Ngunit lahat iyon nawala na lang dahil sa ginawa niyang pang iiwan sa akin... Ilang taon na nakalipas. At hindi ko rin makakalimutan ang pagkawala ng anak namin. Gusto ko siya gantihan. Gusto ko ipamukha sa kanya lahat. Isumbat. At isisi sa kanya lahat ng mga paghihirap ko nung iwanan niya ako. Subalit bigla nalang ako nanghihina kangina. Aminado ako r'on. Hindi ko alam. Pero para akong na-freeze sa kinauupuan ko. Hindi makontrol ang tamang emotion. Galit, o hindi! Gaganti, o hahayaan nalang at maging masaya dahil sa nandito na ulit siya. Hindi papansinin, o ngingitian siya at masayang yayakapin saka sasalubungin siya ng matamis na halik kasama ang napakahigpit na yakap... “What happened?" si Kuya Arthur makulit pa sa kalapati magtanong. Tumabi siya sa tabi ko. Habang ang Isa pa sa mga Kuya ko. Si Kuya Edward sa kabilang siya ito. Nakatitig sa mukha ko na nakatingala sa taas. Nabalik ko ang tingin sa baba at sa kanilang dalawa ko ito ibinaling. Dumikit pa sa akin si Kuya Arthur. Inakbayan niya ako matapos ay kinulit na naman ako. Para talagang kalapati. Ang kulit. Makulit ba ang kalapati? Napaisip tuloy ako. Hindi ko alam. Para lang ako tanga kung ano-ano na ang pumasok at nangangamba sa utak ko. Isama pa itong mga kapatid kong ma-gugulo. Gusto ko makapag pahinga pero hindi ko magagawa. Kasi nga ay nasa tabi ko sila. Sana pala umakyat nalang ako sa kwarto ko at don sana magmukmok. Pero hindi rin naman ako titigilan, nang mga ito. Hanggang hindi nila nakukuha ang sagot sa problema ko na napansin nilang dalawa. “Hulaan ko" “Ano?" hindi sinasadya na galit na bulalas ko. Pero patuloy sa mga asaran ang dalawa sa mga kapatid ko. “Galit! Pero mukhang alam ko na." “Sige nga, hulaan mo 'nga at baka tumama ka nang mabilis natin makuha ang clue sa dahilan sa pagiging ganyan ng isa sa mga ating princess." “Hoy, kayo talaga! Tigilan niyo na nga ang pagiging baliw. Mga Kuya nakita niyo na badtrip ayaw niyo muna hayaan na marelax at maging malamig. Mainit pa nga ginugulo niyo na!" ingos ni Clarisse. Mas matanda sa akin si Ate Clarisse. May apat akong kapatid. Ang isa si Kuya Thomas. Panganay sa aming lima. Pero naguguluhan din ako sa isang iyon. Isa pa kasi iyon sa mga pinuproblema ko. Tapos ay dumagdag pa ang pagbabalik ni Marco. Pero kay Kuya Thomas ay balita ko kasi may girlfriend siya. Este! Hindi pa pala sila. Pero mahal niya ang babae. Pero ang hindi niya raw alam kung mahal ba siya ng babae. Ang gulo din nang love life niya. Same situation. Pero sa akin ang malala. Kung kelan medyo okay na ako. Nakalimutan ko na ng paunti-unti saka naman nagbalik si Marco. Nasaan kaya si Kuya Thomas? tanong ko sa isip. Sa lahat kasi ng kapatid ko. Si Kuya Thomas ang pinaka close ko. Palanura kasi ang ilan sa mga kapatid ko. Lalo na itong si Kuya Arthur at isama pa itong si Kuya Edward. Mga binata pa rin. Si Ate Clarisse naman ewan ko rin sa kanya. Lalaki yata ang gusto nito. Wala pa kasi ako naririnig mula sa kanya na may jowa o may manliligaw siya. Maganda naman si Ate Clarisse. Medyo serious lang kagaya ni Kuya Thomas. Lahat sila mababait. Pero kahit ganyan talaga sila sa akin. Mahal ko sila. Hindi ko sila ipagpapalit. Kung hindi rin dahil sa kanila n'on nang mawala ang baby ko nang magkaroon ako ng miscarriage. Baka siguro nagpakamatay na ako o namatay ako sa sobrang depression. Nagkasabay-sabay kasi. Nang iwan ako ni Marco, sumunod naman ang pagkamatay ng baby ko sa loob ng tiyan ko. After ko dumaan sa isang operation. Ni-raspa kasi ako dahil sa kinakailangan raw hindi makukuha sa gamot. Kailangan ko raw dumaan sa isang Dilation and Curettage procedure na agad naman din isinagawa ng doctor ko nung labasan na ako ng dire-diretso na pagdurugo. Natakot ako sobra nang araw na 'yon. Isini-sigaw ko ang pangalan ni Marco. Sa takot ko... Sa nakikita ko na nangyayari sa anak namin non. But, kahit ilang beses ko siyang tawagan. Hindi ko siya makontak. Tinext ko siya sa napakaraming beses. Wala din siyang reply. Hindi ko nga alam kung natanggap ba niya o sinasadya niyang wag ako tawagan, i-text or gusto na talaga niya ako layuan that time. Hinintay ko siya. Napaka tagal ko naghintay pero walang Marco ang dumating para samahan ako at damayan sa pagkawala ng anak namin. Ang sakit-sakit non. Ngayon nagpapakita siya... Bakit? Bakit pa siya nagpakita sa dinami-rami ng mga taon na natiis niyang wag ako tawagan o kahit i-message man lang. Para sana may clue ako kung ano na ba nangyayari sa relasyon naming dalawa at sa mga pangako niya non. Tapos ngayon? Anong plano niya? Balikan ako? Nagngingitngit ang kalooban ko. Pero kumokontra din naman ang puso ko at umapila ang utak ko. Napakagulo at nahihirapan ako sa pagbabalik ni Marco. Mahal ko siya, siya pa rin laman ng puso ko. Na hindi ko magawa na kalimutan kahit napakaraming beses niya ako sinaktan nung iwan niya ako. Pero— nananabik ako sa kanya. Ano ba ang gagawin ko? untog-untog ko ang ulo ko sa sofa. “Ano bang nangyari diyan?" “Malay ko!" sagot ni Kuya Edward sa tanong ni Kuya Arthur. Nagbubulungan sila na naririnig ko rin naman. “Hayaan niyo nalang kasi sabi." . “Hayaan? Nakita mo ginagawa? Paano natin hahayaan?" sagot ni Kuya Arthur ng kangina panay panunura niya sa akin ng dumating ako kanina. Pero ngayon nag-aalala na ito. “Baka may problema?" panghuhula nila. “Nagpakita kasi sa kanya si Marco." napakunot naman noo ko sa narinig. Nagtaka ako kung paano nakarating agad kay Ate Clarisse. Sabagay bakit pa magtataka ako. Lagi naman advance ang nakakarating na balita sa kanila lalo na if tungkol sa akin. Simula kasi, nang nangyari sa akin non. Lagi na sila mga nag-aalala. Ipinag-aalala nila na baka maulit ulit ang nangyari sa akin matapos ang aking operation. Sila lang naman ang mga tao na mga tumulong sa akin para makarecover ng tuluyan. Kaya lahat ng galaw ko. Lahat ng mga ginagawa ko. Lahat 'yon. Naka documentary. Feel ko lang naman dahil sa mga taong madalas na mag report sa kanila. Umupa ata sila ng mga taong magbabantay sa akin. Sa lahat ng kilos at mga desisyon ko..Kaya lang kahit isa sa mga yon. Wala pa naman ako nakikilala. Pero nauuna pa sila na magsabi sa mga kapatid ko. Nang mga nangyayari sa akin. Bago ako. ***** “Bakit badtrip ka? Maupo ka muna dito. Halika!" nakaupo na nga ako. Baka ang ibig n'ya sabihin ay mas lumapit ako. Pina-tatawa ata ako? Huminga ko. Mabigat at tila may pasan pa rin ako sa bawat huhugot ako ng hininga. “Sabi ko na magagalit siya sa akin. Hindi nga ako nagkamali." tugon ko habang kinagat ang labi ko habang nag-iisip. “Sa una pa lang... Hindi ka pa naman nagtatagal dito. Hayaan mo muna lumamig ang sitwasyon. Ikaw naman kasi— Hindi mo man lang siya inalala n'on. Masakit talaga ang iwan ka nang taong mahal mo sa oras na kailangan mo siya. Ganun kasi ang ginawa mo. Nasasaktan pa rin 'yon. Pero makikita mo. Patatawarin ka rin niya once na lumamig na lahat. Manunumbalik ulit sa inyo ang mga dati na pinangarap niyo na kayo na ang magsasama hanggang sa pagtanda." Hanggang ngayon natatandaan niya rin pala. Siya ang isa sa mga nakakaalam ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. Nung araw kung saan nakilala ko nga si Amanda at naging kasintahan. Maging ang mga napagkasunduan namin ni Amanda at ang mga pangako namin non. Alam din nito. “Gusto mo kumain?" tanong nito na ikinailing ng mukha ko. Sabay na napabuga ako. “Alak?" “Ayoko! Kahit gusto ko. Pipigilan ko ang sarili ko na magpakontrol at magpabalot sa alak. Alam mo naman na needed ko ang sarili ko na makalimot. Pero ang isang tao na naninirahan sa isang bahagi ng pagkatao ko. Hindi ko magawa kalimutan nalang. Mahal na mahal ko siya." natulo pa ang luha ko. “Ano 'yan? Luha? Naluluha ka na rin pala ngayon. Akalo ko ba ay titigil ka na sa mga ganyang trabaho. Hindi na magmumukmok at pahihirapan ang sarili dahil lang sa mga nangyari." sabi nito na naupo sa harapan ko. May dala itong dalawang can ng beer. “Inumim mo" Sabi na pautos. “Hindi na!" “Wag ka na tumanggi. Alam mo naman na problematic ka pa. Kaya nga ako kumuha ng alak dahil sa alam mo na rin yon." Nakatawa siya. “Alam mo, hayaan mo nalang muna kasi. After naman kasi nang iwan mo siya. Ngayon lang iyan naging maayos ang buhay. Kung alam mo lang kasi ang mga pinangdaanan niya. Kung alam mo lang na ngayon nalang siya nakakapagsasalita. Nuon sobra. Hindi ko maintindihan. Pero pakiramdam ko ay dahil lahat yon sa mga nangyari sa inyo nung mga taon na lumipas." “Siguro nga ay may pagkakamali ako. Pero bumalik na ako. Kaya nga bumalik ako. Upang ayusin ko lahat ng mga nuon ay hindi namin naayos. Natupad. Binuksan ko ang can ng beer. Malakas ang itsura ng katabi ko. Nakakainis dahil sa unang araw ko dito sa Manila. Wala naman din ako choice na sa kanya dumiretso. “Saka na natin pag-usapan. Kailangan ko lang mag-aral muna. Este! Pag-aralan muna ang mga magiging hakbang ko para makuha ko muli ang loob niya at mapatawad n'ya ako." tumayo ako sa bench. Lumakad na ako sa aking paglalakad. Papunta ako ngayon sa kwarto ko. Kaya nga lang kung bakit inaantok ako na naipikit ko ang mga mata ko. Saka tinangay ng tuluyan nang antok. Naidilat ko ang mga mata ko umaga na pala. Wala akong kahit anong kain. Nakatulog ako at paggising ko umaga na pala. “Engineer Marco" narinig ko may tumawag sa pangalan ko. Andito na pala ako sa office at hindi na ako kumain bago umalis. Gutom na ako. Hapunan, umagahan, maya-maya ay lunch na wala pa rin ako nararamdaman na gutom. “Ang tahimik mo? Kangina ka pa hinahanap. Nandito ka lang pala nagmumukmok." “Sorry!" sabi ko “Naku, iyang sorry— Este paano magkaroon ng happy ending. Ganun na mukhang sa itsura mo pa lang ay susuko ka na! Wag ka susuko. Mahal ka din non. Kaya nga lang mukhang bumaling na naman siya sa mga nakaraan niyo. Ako din naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD