Revenge or Love
Chapter 7
Buong magdamag nag-iisip ako. Nag-aalala at hindi ako pinatulog ng kakaisip ko kay Amanda.
Hindi ako susuko.
Tulad nga ng sinabi ni— napangiti ako habang nakaupo sa kama. Hindi ako maaari sumuko ngayon pa na maayos na lahat.
Ngayon pa na okay na lahat.
Ngayon pa na nakabalik na ako. Handa na balikan siya at ipaglaban sa mga tao na pilit hinahadlangan ang pagmamahalan namin ni Amanda.
Hindi ako susuko.
Hindi! usal ko ng tumayo na ako na kinaikot ko ng humarap ako papunta sa maliit na table.
May mga bagay pa ako na nais ayusin.
May ilang bagay din ako na dapat ko tapusin bago pa man tuluyan ko matapos ang panunuyo kay Amanda. Gusto ko bago pa man kami maging okay at mapatawad niya ako. Lahat fully ready na! I sigh.
Ngayon na pala ang unang araw ko pero tila may nakalimutan ako? Naisip ko lang habang iniisip ko kung ta-tayo na ba ako rito o hihiga pa muna ako upang ipikit saglit muli ang mga mata ko at bumalik sa aking pagkakatulog. Kaya nga lang ay naiisip ko. Unang araw ko sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Amanda. Ayaw ko naman na madismaya siya sa pagiging isang bagong empleyado nila. Ang nais ko ngayon ay mapabilib ko siya. At makuha ang buo niyang tiwala. Tulad noon.
Napasinghap ako ng napaisip ako— paano ko nga ba talaga ito gagawin?
Saan ako mag-umpisa? Makuha ko lang ulit ang kanyang tiwala at ang pagmamahal na nuon malaya naming ipinakikita sa isa't-isa.
Ilan lang ito sa mga iniisip ko at pinagplanuhan ko bago ako umuwi ng Pilipinas after—
I took a deep breath!
Napalingon ako sa tumunog.
Nag ring ang cellphone ko. Napalingon ako.
Iyon pala ang naririnig ko na tumutunog. Si Darren ng tumatawag. Kaibigan ko siya. Hindi ko sinasabing matalik na kaibigan ko s'ya. Pero malapit ko siyang kaibigan. Nangyari lang ito noong mga panahon he needs my help. Duon nag start ang aming friendship. Until now na ako naman ang siyang nangangailangan ng tulong.
Okay naman siya and pumayag siya sa mga hinihingi kong favor.
“Bro, nasaan ka?"
“Bakit?" tanong ko kahit naalala ko na magkikita sana kami para sa ipapagawa ko at iniutos sa kanya.
Habang nasa Paris ako. Isa lang si Darren sa ilan sa mga tao na halos naging bahagi na rin ng buhay ko ang siyang kontak ko dito sa Pinas. Sila ang nagbibigay ng mga information about Amanda. Alam ko lahat ng nangyari sa kanya nung mawala ang baby namin at ang mga sumunod pa na pangyayari kay Amanda. Isa si Darren sa mga spy na nagbanbantay kay Amanda nang hindi niya nalalaman. Isa rin siya sa mga nagbibigay ng report sa akin kung may pangyayari kay Amanda.
Gustong-gusto ko umuwi non. But, because of my situations. Hindi ko nagawa. Kaya si Darren ang pinagkatiwalaan ko sa lahat ng mga plans ko habang nasa Paris ako at hindi makauwi. Maliban nga sa kanya ay may ilan pa ako na gumagalaw dito sa Pinas at tumutulong sa akin. Kapalit din ng mga naitulong ko nun sa kanila. Give and take. Kahit ayaw ko sana.
Ayaw ko na rin kasi sana na may madamay o panghimasukan pa ng iba ang kalagayan ko at sarili kong problema. Gusto ko sana na ako nalang muna lahat ang siyang gagalaw at tatapos ng lahat ng aking problema. Kaya lang siguro nga ay mabait pa rin sa akin ang poong maykapal na hindi ako pinabayaan. Iniisip ko rin si Mama. Hindi niya ako pababayaan at lagi lang siya sa akin nakabantay.
While nasa Paris din ako. May mga tao din ako nakilala don. “Wait! Marco, nandyan ka pa ba?" paniniguro ni Darren, if nasa kabilang linya pa ba ako.
Kasalukuyan kasi na namamasyal na naman ang isip ko. “Yes" sagot ko. “Sorry may naiisip lang ako." dagdag ko.
“Ayan ka na naman eh, bakit ba palagi ka nalang nag-iisip? Almost naman andun ka na! And besides hindi mo ba alam na palapit ka na nang palapit sa kanya. And, for sure naman na muli mo siya mababawi sa galit na pumapaibabaw sa sarili niya. Mahal ka ni Amanda. And, relax yourself— Panigurado na hindi ka na niya papayagan na umalis pa ngayon na nakabalik ka na! Siguro give her more time okay. Sa ngayon natitiyak ko na shock pa siya sa pagbabalik mo. Biruin mo naman kasi..." tumawa siya after ng putol nitong pahayag.
“Ikaw na bigla nalang na umalis after malaman na dala niya ang magiging anak niyo. And, after you left her bigla naman yung baby niyo iniwan din siya at mawala. Sino ba hindi magagalit o kaya magtatampo sa ginawa mo? Oo, nasabi mo na babalik ka para tuparin lang ang mga pangarap niyong dalawa. But, anong nangyari? Ilang taon ka nawala? Gosh! Kung ako man si Amanda. Talagang pahihirapan kita ng sobra-sobra dahil sa maraming beses na pananakit sa puso niya at pang-iiwan." napalunok ako. Bumilis na naman ang kaba ko sa dibdib sa mga sinabi nitong si Darren.
Kakampi ko ba siya? Mukhang sa dami ng panenermon niya ay tila hindi ako ang suportado nito.
“Kakampi ba talaga kita? O, gusto mo lang sa dami ng sinabi mo matakot ako?"
“Nope! Pero nasa sa'yo if pakikinggan mo." saad niya ulit.
“Dati ko pa sayo sinabi di ba?" wika nito. Napabuga ako.
“Sige na, saka na tayo mag-sermunan na dalawa. But, I need to go. Kailangan ko pang gumayak para pumasok sa trabaho..."
“Congrats nga pala!" sabi nito sa naputol kong pahayag. “Sabi ko naman sayo."
“Saka na tayo mag-usap. Magkikita tayo di 'ba?"
“Yes" tugon niya
“Okay, text nalang if saan tayo magkikita. Mamayang gabi nalang?" tanong ko. “Kailangan ko kasing pumasok. If hindi ako papasok baka lalo lang magalit si Amanda at madismaya pa siya sa akin sa first day of my job absent agad ako."
“Buti alam mo? But, sige. Gumayak ka na, and mag-papogi ka ahh!" dagdag nito na saad pa. “Kailangan mo magpa-impress with her kaya galingan mo and please sana... This time matutunan mo na lahat ng pagkakamali mo kung bakit siya galit sayo. Wag mo nang iwanan ulit." payo niya hanggang sa nawala na siya.
Naputol na yung pag-uusap naming dalawa. Ako naman tuluyan na tumayo upang maligo at magbihis para sa pagpasok ko sa kumpanya ni Amanda.
*****
“Bakit parang namumutla?" nagbibiro na wika ni Lara.
“Tigilan mo ako." pikon kong tugon.
“Bakit nagagalit ka? Nagtatanong lang ako." sumasagot at nagpaliwanag pa siya habang naupo sa harap ko.
“Pasaway ka talaga. Hindi kita pinaupo pero ang hilig mong maupo nang hindi ko inuutos." mataray kong pahayag.
“Ikaw naman. Bakit ba sa akin ka nagagalit? Ano 'bang kasalanan ko?"
“Kasalanan?" Tumango siya.
“Oo!" maang niyang tanong. Nakangisi.
Napalunok naman ako. Bumuga ng malalim na may mabigat na pwersa.
“Alam mo—"
“What?" malakas ang pagtatanong ko. Nagulat siya na tumawa.
“Ewan ko sayo. If tungkol ito kay—" putol niyang pahayag. Sabay kami napalingon sa pinto ng may kumatok.
“May bisita ka ba?" tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Bakit sa akin ka nagtanong? Sino bang may hawak ng schedule ko?" binalik ko ang pagtatanong sa kanya
“Nakita mo na! Ikaw talaga. Si ano pala—" putol niya ulit na wika ng iangat niya ang cellphone niya ng tingnan yun at pinabasa pa niya ang text sa akin na pinadala ni Marco sa kanya.
“Bakit tumatawa ka?" sinita ko. Pinagtatawanan na naman niya ako dahil sa pagiging masungit ko raw. Inirapan ko siya.
Sumosobra na itong si Lara. Lagi nalang niya ako pinagtatawanan habang sinusungitan ko naman daw kasi siya ng wala naman siyang kasalanan.
Wala pa ba? Siya nga dahilan sa pagdating ni Marco sa opisina ko. And siya din dahilan para mapilitan ako na tanggapin si Marco dahil sa pangungulit niya.
Si Lara nga ba ang dahilan? pangunguwestyon ng kalooban kong kumokontra sa palaging sinasabi ng isip ko. Sa dinidikta kong pilit sa puso ko.
Kahit anong paintindi ko sa puso ko. Patuloy ito na kumo' kontra at sinasabi nito na mahal ko si Marco at bakit kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko? Masaya naman daw ako at nakaramdam ng kasabikan kay Marco sa kabila ng matagal nitong paglayo at iniwan ako.
Pasaway talaga! Para lang si Lara na nagawa na pala puntahan ang kumakatok sa aking pinto ng opisina. Si Marco nga ang siyang nasa labas. Pagbukas pa lang ng pinto ni Lara. Isang napaka aliwalas na itsura ang sumalubong kay Lara after sa kanya ay sa akin ito bumaling na ikinasunod ng mukha ni Lara at dalawa na sila ngayon nakatingin. Nagbaba ako ng aking mukha. Makaiwas lang.
Ang bilis ng silakbo ng puso ko. Hindi ko mapigilan.
Huminga ako ng malalim.
Natataranta akong kinuha. Dinampot ang ballpen sa ibabaw ng aking lamesa. Hanggang ngayon alam kong nakatingin sila.
“Marco, ang aga mo ata pumasok?" narinig ko na tanong ni Lara. Malamyos at hindi tiyak nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
“Magrereport ka na ba?" tanong pa rin nito na malambing pero ang mga tingin nila alam kong nakangiti habang ang mga titig nila hindi mawala sa akin. Nag-uusap sila ng sa akin nakaharap.
“Inagahan ko na, nang hindi ako ma-late at nakakahiya first day ko ay late ako. Ayaw kong madismaya si Amanda..." hindi niya naituloy naputol ang sasabihin niya sana nang akin ipabagsak ng malakas sa table ko ang hawak kong ballpen.
Bwisit na dalawa na 'toh! Kailangan bang dito sila magiliw na mag-usap sa isa't-isa? Si Lara animo'y kilig na kilig habang siya ay nakikipag-usap kay Marco. Daig niya pa ang ngayon lang nakipag-usap sa isang gwapo na lalaki.
Nagseselos ka ba? Hindi! Sagot ko sa isip ko na matigas na nagpipilit na nagseselos ako na nasasaktan habang magkausap si Lara at Marco. Tungkol lang naman sa trabaho ang mga pinag-uusapan ng dalawa. Pero ang puso ko talagang nagseselos. Mabilis na tumitibok pero masakit ang bawal pisil.
“Amanda" tawag ni Lara. Hindi ako agad nagbigay response sa kanyang pagbanggit sa pangalan ko ng tawagin niya ako.
“Halika, pumasok ka muna, Marco." Aya ni Lara naririnig ko dahil sa malakas na pagkakabanggit niya sa bawat sinasabi niya.
Kahit sigawan pa ako at iparinig sa akin ang sweet nila na lagi habang magkausap sila. Wala akong pakialam at binabalewala.
“Halika, tumuloy ka lang, Marco" si Lara pa rin ang nagpatuloy kay Marco upang makapasok ito sa opisina ko. Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila.
“Amanda, si Marco mag hi lang raw sayo at nais kang batiin at magpasalamat sa pagbibigay ng chance na matanggap dito sa company. Habang kahit malaki ang mga pinagdadaanan niyo." daldal ni Lara habang dagdag niya. “Ako man masaya ako makita kayong dalawa at makatrabaho. Sana naman simula sa araw na 'toh! Ang lahat ng mga nakaraan na ay nakaraan nalang. Wag niyo na balikan upang walang masasaktan sa inyo at babalik sa mga masasakit na nakaraan." ngumiti si Lara na pinag salitan ang tingin sa amin ni Marco.
I took a deep breath. Super lalim. Mabigat din na huminga ako habang naipikit ko pa ang aking mata at huminga. “Amanda, thank you." narinig ko na wika ni Marco. Hindi ko pinansin at nakatutok lang ako sa aking lamesa. Pinaglalaruan ang ballpen na pinag tutusok ko sa papel na pinagpatong-patong ko. Sa inis ko ay halos mapunit na yon.
Nanggigigil ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng datingan ng sinabi na yon ni Marco ng magpasalamat siya sa akin sa pagtanggap ko raw sa kanya. Tatawa ba ako? Dapat ko bang tawanan ang sinabi niyang yon? Kung tutuusin ay kasalanan ni Lara yon. Hindi ako.
Lord, sana palabasin mo na sila, please. Baka hindi ako makapagpigil ay maisaksak ko ito sa kanila ni Lara. Please, palabasin mo na sila.
“Okay, makalabas na kayong dalawa. Na-kikita niyo naman ang mga tambak kong trabaho. Kung pwede ay iwan niyo na ako dito at gusto ko na magtrabaho ng matapos ko ito lahat. Please lang." pakiusap ko sa kanilang dalawa.
“Okay sige, lalabas na kami ni Marco nang mai-tour ko naman siya sa buong office." masaya ang pagkakabigkas ni Lara na para bang excited pa siya na inaya si Marco palabas.
“Sige, Amanda. See you later." si Marco sabi niya bago sila nawala sa paningin ko ay lumabas ng office ko. Salamat! Makahinga na rin at makapag trabaho na ako.